webnovel

The Perfect Doctor

It all started by being just a Bestfriend, We enjoy each other's company, we just love being together all the time and got each other back. Until I feel like, I'm falling in love with her, But I am afraid, I am scared of the fact that my feelings will ruin the friendship that we built when we were just 10. I am afraid of losing her that's why I shifted my feelings toward another girl But I guess, it didn't help. She still left me.. And years after, we met unexpectedly but she's not like the same person I knew before, And one moment, that will change everything between us. Our Family will set an Arrange Marriage as part of the deal because her Family got debt at our Family. My name is Ethan Lopez Smith or popularly known as The Perfect Doctor. I am a CEO and a Cardiologist, A certified Millionaire! I am loved by lots of people because of my looks, and charm. And I am also an excellent and down-to-earth doctor. The only child of a well-known Lopez-Smith Family. ----------- My name is Penelope Garcia Thompson. I am a Neurosurgeon. CEO of Thompson Hospital Medical Center. I am Ethan's Childhood Bestfriend. A simple, hard worker, and an intelligent person. We were 10 years old when I and Ethan first met. He's my everything. I got attracted to him ever since we met. He protects me, and one thing I love about him, He always made sure that I am always happy. But all has changed. When I found out about his girlfriend. I chose to just vanish than be hurt. You know how hurtful it is when the person who take care of you and protects you all the time, The person who's with you in sorrow and joy, And the person you chose to spend the 6 years of your life with, has another love interest... Maybe I am just a fool Hoping for a special person to love you back Well, Maybe It is just my faith. Our Faith...

sunjaystories · 都市
レビュー数が足りません
110 Chs

CHAPTER 35 - STORY BEHIND THE PAST

CHAPTER 35 - STORY BEHIND THE PAST

----------

ETHAN SMITH POV

"Ayun nakita ko na yung mga tsinelas naten. Eto naman kasing Tina may patago tago pa e. Buti nalang walang kumuha dito." wika ng isa sa limang dalaginding na pumunta kung saan nandun si Ethan.

"Ayy hala diba si Perfect Doctor yun?" bulong ng isang dalaginding sa kanyang katabi.

"Ayy oo nga!! Hala sh*t si Perfect Doctor." wika ng kinikilig na dalaginding.

"Hello po Perfect Doctor." mahinahon na pagbati ng isang dalaginding.

"OH MY GOD PERFECT DOCTOOOOOOOR!!" malakas na bati ng isang dalaginding.

Naku, eto na nga ba yung sinasabi ko.

"Shh shh! Girls calm down, please. Can we just be quiet? Favor lang? Salamat." mahinahon na sinabi ni Ethan sa mga dalaginding.

Sumunod naman sila pero yun nga lang tumabi sila sa akin.

"Doc.Ethan? Bat nag-iisa ka lang po dito?" tanong ng isang dalaginding

"Oo nga po Doc. Ayy hala baka nag mi-me time sa Doc. Tara na kaya?"

"No, It's okay. Okay lang naman na mag stay kayo kung gusto nyo basta wag lang maingay." paliwanag ni Ethan.

Natutuwa din ako na makisalamuha din sa ibang tao. And I need them this time na down na down ako.

"Doc. tanong lang po. Bakit po wala kayong girlfriend?"

"Oo nga po Doc. Bakit nga po wala pa po kayong girlfriend?

"Aba, interview pala to haha. Okay sige, dalhin nasa mood naman ako sasagutin ko yan. Madami ngang nagtatanong sakin niyan e. Para bang lahat ng tao naiinip na wala akong girlfriend. Ganito kasi yan girls, kaya wala pa akong girlfriend ay dahil sa ngayon ay hindi ko pa siya priority. Ayaw ko namang pumasok sa relasyon na hindi ko mabibigay ng buo yung time at effort ko. Kawawa naman siya diba. Tsaka may hinihintay din akong babae e." paliwanag ni Ethan.

"Sino naman po yung maswerteng babae na inaantay ninyo Doc?"

"Oo nga po Doc, sino naman po yun?"

"Uhm. Childhood bestfriend ko siya e."

"Ay bongga naman, edi nadevelop ka pala Doc sa bestfriend mo na yun kaya mo sya nagustuhan?"

"Pero Doc, bakit sabi mo na inaantay mo siya? Asan na po ba sya ngayon?"

"Oo nga po Doc asan na po siya ngayon?"

"Nandito din siya actually e." sagot ni Ethan.

"Ayy hala Doc, 14 years old pa lang po ako. Wait niyo nalang po ako mag 18 ha. Hahaha charot."

biro ng isang dalaginding.

"Hoy Joyjoy manahimik ka nga sumbong kita sa Tatay mo e."

"Charot nga lang e."

"Hahaha ano ba yan, mag aaway pa kayo. De, what I mean is nandito din siya sa resort."

"OMG! Kinikilig ako Doc."

"Eh Doc kung kasama mo naman na pala siya bakit di mo pa po sinasabi sa kanya yung feelings mo?"

"Oo nga po Doc, bakit di mo pa din po sinasabi?"

"Mahirap kasi sa sitwasyon namin ngayon e, lalo na't galit pa sya sakin. I don't know how can I confess my feelings towards her. I'll keep it nalang siguro. What do you think girls?"

"Eh bakit muna siya nagalit sa inyo Doc?"

"Oo nga po Doc bakit nga po siya nagalit?"

"Alam mo Ethel nabibwisit na talaga ako sayo kanina mo pa ako ginagaya."

"Hahaha actually. Baka idol ka niya. Anyways, I think para maintindihan niyo siguro ikekwento ko muna kung pano kami nag meet, naging close, at nagkalabuan. Are you guys ready to listen?"

"Yes Doc Ethan" masayang sinabi ng limang dalagita.

"Okay ganito kasi yan...

10 years old ako nun, tapos naglalaro lang ako mag isa that time sa may kwarto ko sa taas ng bahay namin.

Then, napasilip ako kasi napansin ko na madaming bata sa labas.

At napansin ko na may isang bata na kahit sa malayuan palang e alam mo nag cute yun nga lang yung bully dun sa subdivision namin nilalapitan siya. Alam ko na yung mga sunod na mangyayari kaya agad akong bumaba.

At pagbaba ko biglang nagtakbuhan naman yung mga batang nag paiyak sa kanya. Nilapitan ko siya at tinanong kung anong ginawa ng dalawang batang iyon? Inaway daw siya at pinalo sa braso. Kaya ang ginawa ko, hinipan ko ang braso nya. At tinanong ko kung nawala ba yung sakit sa braso niya? Natawa siya sa sinabi kong iyon.

Tapos pinunasan ko yung mga luha niya sa kanyang mga mata. At pagkatapos nun nagsimula na kami bilang magkaibigan. Araw araw na kaming naglalaro. Palagi kaming magkasama kahit san man kami pumunta.

Buti nga pinapayagan kami ng kuya nya nun. Kahit na maghapon kaming magkasama. Tiwala naman kasi yung kuya niya sakin e.

Tas noong 14 years old naman kami. Favorite bonding namin pumunta sa mall. Maghapon yun, Wala kaming ginagawa kundi mag arcade. Nag pupustahan kami kung sino manalo samin mag papa-ice cream pagkatapos.

Eh favorite kasi ni Penelope nun yung ice cream lalo na yung vanilla ice cream kaya talagang todo bigay siya.

Never akong nanalo sa kanya actually kaya ayun lagi siyang may ice cream pag uwi.

Halos palagi kaming magkasama, Nagkakahiwalay lang kami pagdating sa eskwelahan.

Nag-aaral kasi siya sa all girls na school, tapos nabubully pa din siya nung time na yun. Sobra kasing mahihin kasi niya tapos medyo maliit pa siya that time. Kaya ang ginagawa ko pag uwian nila inaabangan ko na siya.

Para sabay na kaming umuwi. 2pm ang uwian namin sa school kaya isang oras ko siyang inaantay araw-araw kasi 3pm naman ang uwian nila. Kilala na nga ako ng guard dun e. Kaya sa guard house ako naka tambay tuwing inaantay ko siya.

Dun ako unti unting nagkagusto sa kanya. Pero minabuti kong itago nalang ang nararamdaman ko sa kanya kasi natatakot ako at baka pag umamin ako sa kanya bigla naman siyang lumayo sa akin. Ayaw ko siyang mawala sa

buhay ko e.

Tapos nung 15 yrs old ako, sa school namin nagkaroon naman ako ng katabi si Cheska Alvarez. Transferee siya tapos sa akin siya pinatabi ng adviser namin. Lagi din siyang nagpapatulong sakin sa mga school works. Lagi niya

nga din akong gustong katabi at kasama. Medyo nadevelop na din ako sa kanya at parang nagkakagusto na din ako

sa kanya nun. Simula nun lagi na kaming magka text.

One time nga nahuli pa ako ni Penelope nun na magkatext kami pero di niya naman pinansin. Nasa isip ko tuloy na siguro ayos lang sa kanya at suportado niya ako para kay Cheska nun.

After a month, hindi na kami nakakapag bonding masyado naging busy na kasi kami sa mga school namin.

Tapos hindi na din siya nag papaintay sakin sa school sabi niya kasi na naghire na sila ng susundo sa kanya nun.

June. 03, 3 days before my birthday. Inaya ako ni Penelope nun na mag picnic daw kami sa may Tulip Garden malapit dito yun samin.

Katabi lang siya ng peryahan. Sobrang saya namin nun. Sobrang miss din kasi namin yung isa't isa e. Inuna namin yung perya para tambay kami hanggang 6pm sa may Tulip Garden para makita din namin yung sunset tapos uwi na din pagkatapos nun.

Sobrang saya talaga namin nung araw na yun, pero yun nga magkatext pa din kami ni Cheska that time at nahuli na naman niya ako. At first time na nagtanong siya sa akin about kay Cheska.

"Who are you texting Ethan?" nakangiting tanong ni Penelope.

"Ahh hehe. Si Cheska my g-girlfriend." medyo kabadaong sagot ni Ethan.

"Ohh really?" nakangiting tugon ni Penelope.

At ayun ang naging reaksyon niya tapos tuloy lang kami sa pagkaen namin. Ang dami naming binili na mga streetfood nun e habang nag aabang ng sunset.

After the sunset, nag uwian na kami. Di ko alam na yun na pala yung last time na magkikita kami at makakasama siya.

Saktong birthday ko nun. Tinatawag ko siya sa kanila after ng school namin. Tapos lumabas yung lola niya at sabi sakin na umalis na nga sila kasama ang kuya niya pumuntang US. For good na daw sila dun at hindi na uuwi.

My worst birthday ever. Feeling ko naging kulang na yung buhay ko nung nawala siya. Nawala na yung saya ko, excitement na pumasok, umuwi, gumala. Araw araw akong malungkot nun. Hiniwalayan ko na din si Cheska nun dahil feeling ko na niloloko ko lang siya. Dahil nung umalis siya, dun ko lang na-realize na si Penelope ang totoong nilalaman nitong puso ko. Sobrang dami kong pinag sisihan sa buhay ko nung time na yun lalo na sa mga decisions ko.

Sana pala umamin na ako sa kanya noon palang. Bakit kasi sobrang duwag ko. Nawala sakin yung taong sobrang halaga sa buhay ko. Baka kung umamin pala ako sa kanya baka sakaling nag iba yung takbo ng buhay namin.

Baka may posibilidad palang magustuhan niya din ako. Baka nandito pa din siya kasama ko hanggang ngayon.