webnovel

The Perfect Doctor

It all started by being just a Bestfriend, We enjoy each other's company, we just love being together all the time and got each other back. Until I feel like, I'm falling in love with her, But I am afraid, I am scared of the fact that my feelings will ruin the friendship that we built when we were just 10. I am afraid of losing her that's why I shifted my feelings toward another girl But I guess, it didn't help. She still left me.. And years after, we met unexpectedly but she's not like the same person I knew before, And one moment, that will change everything between us. Our Family will set an Arrange Marriage as part of the deal because her Family got debt at our Family. My name is Ethan Lopez Smith or popularly known as The Perfect Doctor. I am a CEO and a Cardiologist, A certified Millionaire! I am loved by lots of people because of my looks, and charm. And I am also an excellent and down-to-earth doctor. The only child of a well-known Lopez-Smith Family. ----------- My name is Penelope Garcia Thompson. I am a Neurosurgeon. CEO of Thompson Hospital Medical Center. I am Ethan's Childhood Bestfriend. A simple, hard worker, and an intelligent person. We were 10 years old when I and Ethan first met. He's my everything. I got attracted to him ever since we met. He protects me, and one thing I love about him, He always made sure that I am always happy. But all has changed. When I found out about his girlfriend. I chose to just vanish than be hurt. You know how hurtful it is when the person who take care of you and protects you all the time, The person who's with you in sorrow and joy, And the person you chose to spend the 6 years of your life with, has another love interest... Maybe I am just a fool Hoping for a special person to love you back Well, Maybe It is just my faith. Our Faith...

sunjaystories · Urban
Not enough ratings
110 Chs

CHAPTER 36 - END OF CONVERSATION

CHAPTER 36 - END OF CONVERSATION

-----------

LUCAS LEE POV

It's been 2 hours since we got here dito sa villa at wala pa din si Ethan. Medyo nakakapag alala dahil hindi din siya sumasagot sa mga tawag. Wondering kung nasan na ba yung tao na yun at ano ang ginagawa niya. Kaya minabuti kong lumabas na muna para hanapin siya.

Meanwhile..

ETHAN SMITH POV

After kong magkwento, I saw the girls na mga nag iiyakan.

"Ohh girls? Why are you crying? Hahaha" natatawang tanong ni Ethan.

"Kasi ba naman Perfect Doctor nafi-feel lang po namin yung bestfriend nyo po." wika ng isang dalaginding habang nagpupunas ng kanyang luha.

"Ohh, bakit naman?" curious na tanong ni Ethan.

"Kasi po feeling ko po may gusto na po sa inyo yung bestfriend nyo tapos naghanap kapa po ng ibang babae bukod sa kanya. Masakit po yun." paliwanag ng isang dalaginding na patuloy pa din sa pag iyak.

Napaisip tuloy ako bigla sa sinabi niyang yun. So, kaya siya nagalit sa akin at bigla nalang umalis ng

walang paalam ay dahil sa may gusto na din siya sa akin nung mga panahong yun?

Hayy kung totoo man yun napakalaki ko na talagang tanga. Ang manhid ko para hindi malaman yun.

"Eh pano ka naman makakasiguro na may gusto nga sa akin yung bestfriend ko na yun nung time na

yun?" tanong ni Ethan.

"Doc Ethan, kayo na po nagsabi na palagi po kayong magkasama halos araw araw tapos nag gagala

gala po kayo kung saan saan, ang romantic nga po ng mga ginagawa ninyo. Sino ba naman po ang

hindi maiinlove sa ganun? Tsaka po Doc, diba nung time na pinakilala niyo po yung girlfriend nyo sa kanya dun na po siya nag simulang mag iba ang pakikitungo sa inyo? Dapat po duon palang alam niyo na, na naapektuhan siya sa katext mo araw araw. Hanggang sa nahuli ka po ulit tapos umamin ka po na meron ka nang girlfriend malamang po yun sobra po siyang nasaktan pero hindi na lang niya pinahalata kasi alam niya na dun ka sasaya sa babae na yun. Kaya din siguro naisip niyang lumayo na lang." paliwanag ng isang dalaginding.

Napabuntong hininga nalang ako sa mga nasabi niyang yun. She has a point actually. Medyo naliwanagan ako at nagets ko na din si Penelope kung bakit ganun na lang yung galit niya sa akin. Pero siyempre si Penelope lang din ang makaka kumpirma nito sakin.

"Wow, napamangha mo ako dun a. Bakit nyo alam lahat ng yun ha? Mga may jowa na ba kayo?" pabirong tanong ni Ethan.

"Wala po Doc, siguro sa kakanuod lang po namin ng mga Kdrama hahaha!"

"You know what girls, sobrang nagpapa salamat ako sa inyo. Dahil talagang naliwanagan ako sa mga sagot niyo. Hindi lang ako makapaniwala na ganyan kayo mag isip. Wait, can I know your name mga girls and age? Para mapasalamatan ko kayo ang galing galing niyo eh."

"Ako po si Tina, 16 yrs old po ako tapos eto naman po yung parrot kong katabi si Ethel po 13 yrs old tapos yan pong nakatayo na titig na titig sa inyo po si Joyjoy po yan 14 yrs old tapos po yung katabi niya si Melanie po 16 yrs old at si Cathy po 16 din po." pagkpapakilala ni Tina sa mga kasama niyang mga dalaginding.

"Nice salamat sa inyo ha, Tina, Ethel, Cathy, Melanie at Joyjoy. You guys are amazing. Ohh mga bata pa kayo kaya dapat wag muna mag jojowa ha. Priority nyo muna yung studies okay?"

"Oo naman po Doc. Pero speaking of jowa. Bakit di niya na po jowain yung besftriend niyo diba sabi niyo po nandito lang din siya sa resort?"

"Uhm, yeah. Pero kasi galit siya e. Okay baka matulungan niyo din ako. Do you guys have any idea kung paano ulit kami mapapalapit sa isa't isa? What should I do for her?"

"Ako po Doc, para sakin po Food! Nagbabago po mood ng babae kapag busog po haha."

"Yes po Doc. Tama po yun. Lalo na po yung mga favorite niya. Baka yun po ang maganda na pang peace offering. "

"Opo Doc, tsaka po syempre samahan ng pasenya at dasal. Kasi diba po kung mahal na mahal niyo po ang tao na yun hindi po kayo mapapagod na suyuin siya at iparamdam kung gaano niyo po siya kamahal. Mabigo man po at least ginawa niyo po yung best ninyo para sa kanya at wala po kayong pagsisisihan sa badang huli."

Clap! Clap! Clap!

"Tsaka last! Umamin kana bro. Say and show how much you love her. Gawin mo na lahat this time at itodo mo na yung pagbawi diba girls?" nakangiting sinabi ni Lucas.

"Wow you're here bro. Haha!." masayang sinabi ni Ethan.

"Goodjob girls. Thanks for helping my dear friend. You didn't know how devastated he is kanina and seeing him smiling and happy again I know you did a great job."masayang sinabi ni Lucas sa limang mga dalaginding.

And the girls were just happy hearing it from Lucas. Minsan talaga mahalaga din na makasagap tayo ng ibang opinyon lalo na sa mga taong hindi naman natin kilala. Out of the blue, akala ko talaga mang tsitsimis lang sila like the others but I trusted them and ask for their advice. Surprisingly may sense ang

mga sinabi nila. And I will take it. Maging okay man kami or hindi ni Penelope pero forever ko nang

maaalala itong mga dalaginding na ito.

"Bro, Lucas. Can you give them a pass sa resto? Whichever they want na food charge mo lang sakin ha."surpresa ni Ethan sa mga dalaginding.

"Copy bro, grabe sobrang generous mo talaga."

"Aww. Thank you so much po Perfect Doctor! Hayaan niyo po ipagdadasal po namin na sana magkatuluyan na po kayo tapos siya na din sana ang mapapangasawa mo. Hehehe"

"Haha, well sana nga. Salamat girls ha. Babye!"

Ayun na nga, dun na natapos yung pakikipag usap ko sa kanila. Sabay sabay na din kaming umalis. Nabilinan ko na din sila na samin samin lang yung mga napag usapan namin na yun hahah. Umalis na din kami ni Lucas at nagpasya na bumalik na sa Villa.