webnovel

The Last Letter (COMPLETED)

In this world, depression has no face. They tend to smile, but that doesn't mean they're not in pain. Some people pretend they are strong when infact they're broken inside. Find out the life of Angelica Samson, a girl who always display her beautiful smile, a girl who used to pretend that she's strong in order to survive in this cruel world. Buckle up as you find out how she deals with her own monster — How she deals with her own thoughts.

SoDamnGlam · 若者
レビュー数が足りません
50 Chs

Tenth Letter

Hindi ko alam kung bakit nando'n si Gian at mas lalong hindi ko alam na schoolmate ko pala siya.

Hindi ko rin naman siya nakikita sa school eh. Ngayon lang. O baka dahil hindi ko pa siya kilala noon.

Dire-diretso ako pababa. Wala na namang gaanong tao sa school dahil uwian na.

Nabunggo ko pa ang janitor sa pagmamadali, "Sorry po, sir." Paghingi ko ng patawad.

"Wala ho 'yon. Mag-iingat na lang po kayo sa susunod."

Hindi ko napansin na natapon pala ang tubig galing sa baldeng buhat niya kanina. Hawak kasi ng kabilang kamay niya ang mop.

"Sorry po talaga." Sabi ko at kinuha ang mop na hawak niya.

Nagulat siya sa ginawa ko kaya naman hindi siya kaagad nakagalaw.

Pinunasan ko 'yong basang sahig at kamay ko mismo ang ginamit pang piga sa mop. Kaya dali-dali niya itong kinuha sa 'kin.

"Ako na po, ma'am. Trabaho ko po 'yan." Bakas sa mukha niya ang takot. Siguro dahil ayaw niyang pagalitan.

"Okay lang po, sir."

"'Wag mo na po akong tawaging sir. Janitor lang po ako rito at wala po akong tinapos." I felt sad on what he said.

Hindi naman porket wala siyang natapos ay hindi na siya pwedeng iadress. I mean, we are all human beings. Hindi sukat ang estado ng buhay upang respetuhin ka.

"Janitor ka po, hindi Janitor lang." Hinawakan ko ang braso niya upang pagaanin ang loob niya.

"Angelica."

Sabay kaming napalingon sa tumawag ng pangalan ko.

Dalawa silang nakatayo sa gilid at tahimik lang na pinanood kami.

"Angelica po pala pangalan mo, isa po kayong tunay na anghel. Maganda na, mabait pa. Pagpalain ka sana iha." Sabi niya at umalis na.

"You're really an Angel in disguise, Angelica."

Bago pa man ako makasagot ay nilagpasan na ako ni Gian. Tinabig pa niya ako kaya medyo napaurong ako.

"Para kang anghel na nahulog sa langit." Sabi niya bago tuluyang makalayo.

Umiling na lang ako. Kapag namatay ako, hindi sa langit ang tuloy ko.

"Totoo 'yong sinasabi ni manong kanina, ang ganda mo."

"Hindi naman po, sir." Hindi naman talaga ako maganda.

"Your eyes..."

Yumuko ako. Alam ko naman kung saan na naman papunta ito.

Baka mamaya maiyak lang ako kapag pinagpatuloy pa namin ang pag-uusap namin.

"Aalis na po ako, sir." Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya at agad na umalis.

Wala namang pila kaya agad akong nakasakay sa tricycle.

I remembered something. Something from the past. My best friend in the orphanage. I need to see her, baka siya 'yong magpabago ng isip ko.

Kate is my childhood friend, a girl who has a curly her that makes her unique. Her emerald eyes. I miss her.

My tenth letter is for her. For her kindness.

I want to write her a letter. Thank you letter, kasi bago ako ampunin ay hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kanya. Hindi ko na rin alam kung inampon na ba siya or ano.

Tinignan ko ang mata ko sa salamin ng tricycle. May problema ba sa mga mata ko?

It's just looks like tired, exhausted, devasted.

How can I handle to smile in front of them? How can I be fool by my ownself?

Ang hirap magsinungaling sa sarili. Pinipilit mo 'yong sarili mong ngumiti, sinasabi mo sa sarili mo na okay ka lang. Araw-araw. Ang sakit. Ang sakit lokohin ang sarili. Kasi ang totoo, hindi ka okay. Hindi ka magiging okay.

"Ang ganda naman ng mga mata mo."

Nagulat ako sa biglang pagsasalita ng katabi ko. Si Gian pala.

"Bakit ka nandito?" Dahil sa hindi ko alam kung anong sasabihin ay ayan ang nasabi ko.

"Bakit? Bawal ba? Ikaw lang ba pwedeng sumakay sa tricycle?" Tinawanan niya ako.

"Hindi..." Sabi ko at pekeng ngumiti.

"You look fake."

"What?"

"You are fake." Mariin niyang sabi.

Well, hindi ko siya masisi kung ayan ang gusto niyang sabihin or kung ayan ang nakikita niya sa 'kin.

Hindi na lang ako sumagot, I feel guilty.

"Your eyes are beautiful, why do you abused it?" Bulong niya.

"Your lips, your smile, it's looks like heaven. I love the way you smile but when you smile it's obviously a fake one."

"Thank you po," what?

"Thank you po?" Mangiyak-ngiyak niyang tawa.

Hinahampas pa niya ang braso ko sa tuwa. The fudge!

"Para po." Sabi ko kahit malayo pa ang sakayan pauwi sa amin. Dalawang tricycle pa kasi ang kailangan kong sakyan papunta sa school at pabalik sa bahay.

I feel so embarrassed about what I'd said. Lutang ka ghurl? Hays.

"Bayad po, dalawa." Sabi ni Gian at bumaba na rin.

"Hindi po, ako na magbabayad." Sabi ko at inabot ang baayad ko.

Hindi ito tinanggap ni kuyang driver. "Kung mag-aaway kayong mag shota ay 'wag kayong masyadong magpahalata. Ikaw naman boy, suyuin mo shota mo. Sige ka, baka maghanap 'yan ng iba." Sabi niya at umalis na.

What? Hindi ko naman siya boyfriend ha?!

"Yuck." Sabi niya at umarteng nasusuka.

"Yuck ka rin!" Bulalas ko.

"Oh, easy. Kaya tayo napagkakamalang mag jowa eh." Sabi niya at tinap ang balikat ko.

"Bakit ka ba kasi bumaba?"

"At the first place, bakit ka nag-thank you kay manong?" He burst out laughing like he can die from laughing.

"Lutang ka?" He continued and laugh again.

Tinitigan ko siyang mabuti, how can he laugh like that? I know he has promblems, too. He also dealing with the his own battle. We all are. Everyone is fighting a battle we don't know about.

But why is him like that? I mean, how can he handle himself and laugh that hard?

Dahil sa sobrang pagtawa niya ay pumiyok siya na ikinatawa ko. "Mukha ka kang mamamatay kakatawa." Biro ko.

"At least, masaya akong mamamatay!" Natigil ang pagtawa ko sa sinabi niya.

"Lahat naman tayo mamamatay eh. Na sa atin lang kung paano natin gustong mamatay. Mamatay ng masaya o mamatay sa lungkot? Mamatay sa lungkot at pagsisisi?"

"Alam mo, kahit anong emosyon man 'yan, ang mahalaga namatay ka na. Wala na 'yong sakit. 'Di mo na ulit mararanasan masaktan at umiyak."

"Sigurado ka ba na kapag namatay ka ay walang hanggang kasiyahan ang mararamdaman mo? Sigurado ka bang mawawala na 'yong sakit?" Parang siyang batang nagtatanong kung sigurado ba akong galing sa tubig ang mga ulap.

"Subukan mo, para malaman mo."

Tumingala siya. Ramdam kong kahit anong oras ay may tutulo na sa mga luha niya.

"Newbie?" Tanong ko.

"Ha?"

"Newbie ka lang sa sakit 'no? Kasi mabilis tumulo 'yang luha mo." Sabi ko at tinapik ang braso niya.

"Hindi ako umiiyak!" Tumalikod siya at alam kung pinahid niya ang luhang kanina pang kumakawala sa mga mata niya.

"Bakit ikaw? Hindi ka ba umiiyak?" Hindi ko alam kung paano kami napunta sa ganitong usapan. Ayaw kong pinag-uusapan ang mga bagay na malulungkot, kasi lalo lang akong nalulungkot.

"So, you are really a newbie." Pang-aasar ko na ikinatawa niya lang ng mapait.

"I'm just a strong guy. I can cry anytime or anywhere that I want to. How about you? I guess, you are weak."