webnovel

The Last Letter (COMPLETED)

In this world, depression has no face. They tend to smile, but that doesn't mean they're not in pain. Some people pretend they are strong when infact they're broken inside. Find out the life of Angelica Samson, a girl who always display her beautiful smile, a girl who used to pretend that she's strong in order to survive in this cruel world. Buckle up as you find out how she deals with her own monster — How she deals with her own thoughts.

SoDamnGlam · 若者
レビュー数が足りません
50 Chs

Finding Stealer 3

It's monday.

Wala namang nangyaring kakaiba sa pakikitulog ko sa kanila Faith.

Tinanggap nila ako bilang tunay na kapatid. Hindi ko rin nakita ng dalawang araw si Gian marahil ay busy siya.

Isa ba itong blessing? O isang sign na dapat ko na talagang lisanin ang mundo.

Nandito ako sa bahay, nag-iisa na naman. I'm back to reality.

Akala ko magtutuloy-tuloy na eh. Pero heto na naman ako, nag-iisa sa mundong pilit kong binubuo kahit matagal ng sira.

Sasaktan ko na naman ba ang sarili ko?

Saglit kong tinitigan ang blade na naka patong sa side table ko. Umiling ako. I won't do it today. I promise, I will continue living.

Parang ayaw ko nang mawala. Parang gusto ko ulit mabuhay.

Kailangan kong maging matatag para sa sarili ko. Kailangan kong maging matapang para sa sarili ko.

I know this is insane. Parang kailan lang gusto ko nang mawala pero ngayon, gusto ko na ulit mabuhay.

Maybe because I found reason to live?

Maybe because me, myself is the only reason why I want to live now.

Pipilitin kong kalimutan ang lahat. Magsisimula ulit ako.

Siguro nga mababaw lang ang dahilan ko.

Siguro nga OA lang ako.

Shit. Naaalala ko na naman ang sinabi ng isa sa mga tinuring kong kaibigan.

Hindi kasi nila alam ang kwento. Nagtatago ako sa madilim kong istorya.

Mariin kong tinitigan ang bintana, umuulan pala.

Napaka-gandang pagmasdan ang patak ng ulan. Mahina ito hanggang sa lumakas.

Kaya isinarado ko ang bintana. Ngunit nanatili akong nakatingin sa labas.

May isang matandang babae ang naroon. Parang pamilyar ang hugis ng katawan niya. Medyo malaki ang katawan niya, nakatali ang buhok at may hawak na walis at dustpan.

Hindi alintana ang malakas lang at tuloy-tuloy na pagbuhos ng ulan. Hindi siya makasilong dahil walang masisilungan sa labas. Patuloy lang siyang nagwawalis.

Teka, si manang Pauline ba 'yon?

Agad akong humanap ng payong at lumabas ng bahay.

Muntik pa akong madulas sa pagmamadali.

"Manang..." Sabi ko at iniabot ang isang payong na hawak ko.

"Nako, iha. Hindi na, basa na naman ako ng ulan eh." Pagtanggi niya.

Napakaganda ng mga ngiti niya.

"Sige na po, baka magkasakit ka pa po niyan eh." Pagpupumilit ko kaya hindi na siya nakatanggi.

Baka ayaw niya rin magkasakit dahil may binubuhay siyang pamilya.

"Manang Pauline, sa bahay po muna kayo magpalipas ng oras. Masyado pong malakas ang ulan ngayon eh."

"Hindi na, salamat. Kailangan kong tapusin ang trabaho ko."

"Malilinis naman po ng ulan ang mga kalat sa kalsada at mas maganda pong maglinis kapag wala na pong ulan."

She's a street sweeper. Isa sa mga magigiting na street sweeper.

"Kailangan ko kasing maka-uwi ng maaga Angel." Sabi niya.

"Natatandaan mo po 'yong pangalan ko?"

"Oo naman. Ikaw si Angelica. Angel ang tawag ko sa 'yo kasi para kang isang anghel."

Ito na naman ang puso ko, pakiramdam ko ay maiiyak ako. I really appreciate those people na never pinaramdam sa akin na isa akong invisible.

"Paano ko makakalimutan ang unang taong laging tumutulong sa 'kin? Naalala mo no'ng binigyan mo ako ng pandesal na may palaman na itlog? No'ng araw na 'yon wala talagang laman ang tiyan ko. Umaga 'yon, ganitong oras at kailangan kong kumita para may almusal ang mga anak ko. Kumuha ako para magkalaman ang tiyan ko at nagtira para sa mga anak ko. Hindi lang pagkain ang binigay mo kung hindi kape pa. Napakabait mong bata. Sabi nga ng Diyos, ang mga taong nagpapakababa ay itataas niya. Kaya, 'wag kang mapagod magpakababa dahil dadating 'yong araw na itataas ka niya."

Na-touch ako sa sinabi niya kaya napangiti ako, "Salamat po. Hanga po ako sa mga katulad niyo, kayo po ang dahilan kaya nananatiling malinis ang kalsada na lagi naming inaapakan. Napaka-galing mo po para malinis niyo ang kalsada."

Ngumiti siya at hinagod ang buhok ko.

Ang sarap makarinig ng gano'ng words galing sa kanya.

"Ilang taon na po kayo?" Sabi ko at inabot sa kanya ang tuwalya.

Nakapasok na kami sa bahay.

"65 na iha."

Nagulat ako. 65 na siya pero nagtatrabaho pa rin siya?

"Matanda na po pala kayo, bakit po nagtatrabaho pa rin kayo?"

"Hindi kasi ako nakapagtapos ng pag-aaral kaya ito ako ngayon. Ito na lang din ang tumanggap sa akin dahil nga grade 3 lang ang natapos ko. Dahil sa kakapusan ng pera, hindi ko rin napag-aral ang mga anak ko. Maaga rin kaming iniwan ng ama nila." Sabi niya at medyo napaluha nang maalala ang asawa niya.

Hinawakan ko ang kamay niya upang sabihin na okay lang 'yan.

"Kaya ikaw, mag-tapos ka ng pag-aaral. Alam kong mayaman kayo pero bilog ang mundo at umiikot ito."

Alam ko naman ang ibig sabihin niya. Bilog ang mundo at umiikot ito, minsan nasa baba ka at minsan naman ay nasa taas ka.

Hindi ka habang buhay mananatili sa taas.

"Opo, mag-aaral po ako." Pangako ko sa kanya.

"Hay. Napakahirap talagang maging tatay at nanay sa limang anak."

"Hindi lang po ako hanga sa 'yo bilang isang magiting na street sweeper, hanga rin po ako sa 'yo bilang isang single mother. Kahit mag-isa ka lang ay hindi mo napapabayaan ang mga anak mo. Pagpalain po sana kayo ng Diyos."

"Ikaw din, iha. Pagpalain ka."

"Pagtitimpla ko lang po kayo ng kape." Sabi ko at agad na pumuntang kusina.

Medyo humihina na rin ang ulan kaya alam kong maya-maya lang ay aalis na si manang Pauline.

Kinuha ko ang heater namin at nilagyan ng tubig.

Pagkasaksak ko ay binalikan ko si manang Pauline upang kamustahin. Nanatili lang siya sa pwesto niya kanina.

Hindi naman daw siya nagugutom.

Tumango ako bago iwan ulit siya.

Pumunta ako sa kwarto ko upang maghanap ng damit para magamit niya. Wala nga pala akong malalaking damit.

Kahit sana tshirt lang para hindi siya lamigin.

Lumabas ako at pumunta sa kwarto ni mommy at daddy. Feeling ko naman ay may tshirt si dad dito na magkakasya kay manang Pauline.

Konti na lang ang mga damit nila rito, baka nga tuluyan na silang aalis.

I feel so worthless and useless. I can't make people to stay. Specially my mom and dad.

Bumuntong hininga na lang ako.

Agad akong nakakakita ng tshirt ni daddy na alam kong magkakasya kay manang Pauline.

Matapos no'n ay lumabas na ako ng kwarto.

"Manang, magpalit ka po muna. Nasa kanan po ang cr." Sabi ko at inabot sa kanya.

Nang makuha niya 'yon ay agad akong pumuntang kusina upang makita kung ano nang nangyayari sa iniinit ko.

Kumukulo na ito. Agad na akong nagtimpla ng kape at pumunta sa sala kung nasaan si manang Pauline.

Napakaganda ng pangalan niya. Ang bagets. Tapos ang sarap pakinggan.

Inilapag ko ang kape at hindi nagtagal ay bumalik na rin siya.

"Ibabalik ko na lang bukas 'tong t-shirt ah?"

"Kahit 'wag na po." Ngumiti ako.

Hindi na rin naman babalik si dad eh.

"Nako, hindi na Angel. Ibabalik ko 'to."

"Ikaw po bahala. Ito pala ang kape mo."

"Salamat, Angel."

Nakatingin lang ako sa kanya habang siya'y humihikop ng kape.

Bakas sa mukha niya ang pagod at katandaan. Navivisualize ko na ang itsura ni mommy kapag matanda na siya. Kasama ko pa kaya siya sa pagtanda niya?

Ilang minuto ang nakalipas bago tumigil ang ulan. Agad ding nagpaalam si manang matapos tumili ang ulan.

Nagpasalamat siya at nangakong ibabalik ang tshirt ni daddy.

Pinadala ko rin ang mga delatang nakaimbak lang dito at nagulat ako sa reaksyon niya. Umiyak ito. Ayaw pa niyang tanggapin sa una 'yong mga binigay ko sa kanya pero napilit ko siya. Kesa naman masayang lang ay ibinigay ko na lang.

Nagpapadala naman din si mommy sa 'kin ng pera upang hindi ako magutom.

Mag eeleven na pala. Kailangan ko nang mag-ayos at maligo.

Siguro kung usual day ko lang ito ay baka sinaktan ko na naman ang sarili ko. Buti na lang at nakita ko si manang Pauline kanina.

Mabilis lang akong naligo dahil gusto kong maaga pumasok.

Buti na lang at tumila na rin ang ulan pero magdadala pa rin ako ng payong baka sakaling bumuhos na naman ang malakas na ulan.

Matapos kong maligo ay nag-ayos na ako.

Nakaharap ako sa salamin at nakangiti. This time, totoong ngiti ang pinakikita ko sa harap ko.

Napalitan ito nang maalala ko na naman na kailangan kong pumasok ng maaga dahil ayaw kong makita ang mga mapanghusga nilang mata.

Kung pwede ko lang dukutin 'yon ay ginawa ko na eh. Pero hindi na lang din sila papatulan, pinatunayan ko lang na tama sila.

Nilagay ko na ang payong sa bag ko. Binulsa ang cellphone at susi ng bahay.

Ready for another day, ready for another pain. Am I?