webnovel

The Day you love me. I die

Content warning ⚠️ SPG "Ang kwentong ito ay may halong kalibugan na hindi angkop sa mga mambabasang PAVIRGIN patnubay ng mga experto ang kailangan" Lahat tayo ay nagmamahal... Minsan may mga tao tayong hndi nabibigyan ng pansin.. mga tao na laging nanjan para sa atin subalit hindi natin siya nakikita... Kelan ba tayo magmamahal kapag huli na ang lahat? Kapag tapos na ang mundo? O kapag pagod na ang puso... Kaya mo ba ang maghintay ng panahon o taon para sa mahal mo kahit walang kasiguraduhan na magiging kayo hanggang dulo? At higit sa lahat ang pinakatanong HANGGANG KAILAN MO KAYANG MAGMAHAL??? Abangan sina Jace ang lalaking minamahal subalit hindi niya kayang magmahal ng pabalik Clarry Ang babaeng handang gawin at ibigay ang lahat para sa kanyang taong mahal...

Loveisjustashow · 都市
レビュー数が足りません
51 Chs

Chapter 2

Buong araw naghintay ng sagot si Jace. Samantala busy naman si Clary sa kanyang mga paper works sa kanyang kumpanya. Kaya nakalimutan na niya itong sagutin.

Gabi na ng matapos si Clary, kaya late na itong nakauwi ng kanyang bahay. Doon pa lamang niya nasagot ang text ni Jace.

"Hi Jace sorry late response i just got home."

-Clary

"No problem? Kumain ka na?"

"Jace

"Hindi pa.. magluluto pa lang pa lang ako."

-Clary

"Send me your exact location pupunta ako jan don't cook sabay na tayo magdinner"

-Jace

"Really?? Hala nakakahiya.."

-Clary

"Bilis na.. may dala akong food anong street mo ba?"

-Jace

Walang nagawa si Clary kung hindi ibigay ang pinaka address niya. Masaya naman siya sapagkat makikita niyang muli si Jace. Bahagyang nag-ayos ng kanyang sarili si Clary at maya-maya nga ay nagdorbell na si Jace.

Pinagbuksan niya ng pintuan si Jace at pinatuloy. Iniabot naman ni Jace sa kanya ang dalang pagkain. Nagtungo sila sa kusina at doon ay naghanda ng hapag kainan.

"Tahimik ka ba talaga kung kumain?" Ani ni Jace

"Hindi naman.. hindi lang kasi ako makapaniwala na kaharap kitang muli." Tugon ni Clary

"Wala kang boyfriend ano?" Ani ni Jace

Nagulat si Clary sa biglaang pagtatanong ni Jace. Napatigil ito saglit at mayamaya naman ay sumagot na ito ng medyo mahina

"Wala.. wala ka pa kasi.." ani ni Clary

"Anong sabi mo?"tugon ni Jace

"Ang sabi ko naghihintay pa ako ng right time." Ani ni Clary

"Right time? Kelan ba yun? Naniniwala ka ba sa ganun?" Tugon ni Jace

"Aba oo naman hindi naman minamadali ang pagmamahal. Kasi kapag nagmadali ka, minsan hindi ka nagiging masaya." Ani ni Clary

"Dami mong alam. Kumain ka na nga!" Tugon ni Jace

Masayang kumain ang dalawa habang nag-uusap. Hindi naman maiwasan ni Clary na mas mapalapit pa siya kay Jace ng husto.

"Jace? Saan ka nagwowork?"ani ni Clary

"Ah! Nag wowork ako sa call center. Night shift ako and then off ko ngayon." Tugon ni Jace

"Hindi ba toxic sa call center? Especially night shift ka." Ani ni Clary

Nagkaroon ng pagkakataon na makapagtanong si Clary patungkol sa buhay nito. Kaya naman sinulit na niya ang kanyang pagkakataon.

"Uhm toxic pero kaya naman. Masaya naman ang team ko.. hindi ko sila pinapabayaan sa kanilang shift" ani ni Jace

"Ah so ikaw ang TL (team Leader)?" Tugon ni Clary

"Exactly! Teka bakit ang dami mong alam sa Call center? Ito din ba ang trabaho mo?" Ani ni Jace

Hindi kaagad nakasagot si Clary, napangiti na lamang siya sapagkat nakita niya sa social media account ni Jace kung saan ito nagtatrabaho kaya naman nag search na siya kaagad patungkol sa trabaho nito.

"Ah wala.. nabasa ko lang.. mahilig kasi akong magbasa lalo na kapag hindi ako busy." Ani ni Clary

"Uhm! Ikaw ano ba ang back ground ng trabaho mo?" Tugon ni Jace

"Ah ipinagpatoy ko lang yung nasimulang business ng mga magulang ko. Wine company" ani ni Clary

"Wow! Bigatin ka pala.. nakita mo pa ba sila?" Tugon ni Jace

Muli, hindi nakasagot si Clary, sa kabila ng kanyang ngiti napalitan ito ng unti-unting pagkalungkot. Nabatid naman ito kaagad ni Jace kaya humingi ito ng Pasensya.

"Sorry.. hindi ko sinasadya." Ani ni Jace

"Ano ka ba ok lang.. siguro hindi lang ako handa na pag-usapan pa ang nakaraan ko pasensiya ka na Jace." Tugon ni Clary

"Sorry Uli Clary.. anyways may team building ang aking team this Saturday. Baka gusto mong sumama." Ani ni Jace

Nagakaroon muli ng sigla ang mukha ni Clary. Isang malaking ngiti ang kanyang nagawa.

"Really? Isasama mo ako? Hindi ba nakakahiya?" Ani ni Clary

"Bakit ka naman mahihiya? Basta ikaw ay guest ko kaya wala silang magagawa." Tugon ni Jace

Bakas sa mukha niya ang excitement.

"Saan ba ang venue? Magtataxi ako papunta doon." Ani ni Clary

"Taxi? Wala ka pa bang kotse?" Ani ni Jace

"Wala pa.. hindi pa kasi ako marunong naghahanap pa ako ng magtuturo sa akin." Tugon ni Clary

Napabuntong hininga si Jace. Nanghihinayang siya sa pera na binabayad ni Clary sa taxi kaya naman nag presenta na siya kay Clary.

"Sayang ang pamasahe mo. Kailan ka ba bibili ng kotse? Ako na ang magtuturo sayo." Ani ni Jace

Hindi naman makapaniwala si Clary sa offer na ito ni Jace. Magkahalong tuwa naman at kilig ang makikita sa kanyang mga mata.

"Talaga?? Wow ang swerte ko naman.." ani ni Clary

"Swerte? Bakit naman?" Tugon ni Jace

"Siempre sino ba ang makakakita ng gwapong magtuturo mag drive.?" Pabiro ni Clary

Medyo namula naman si Jace sa sinabi ni Clary.

"Clary ha.. sobra ka.. teka nga kinikilig ka ba?" Pabirong ganti ni Jace

Si Clary naman ang namula. At sa sobrang pula mas inasar pa siya ni Jace.

"Hindi no..!" Ani ni Clary

"Hindi daw... wag ako Clary.. may gusto ka sa akin ano?" Tugon ni James

Nagulat si Clary sa tanong ni Jace. Unti-unting napalitan ng seryosong mukha ang kanilang masayang tawanan. Kahit si Jace ay nagulat sa kanyang tanong kay Clary. Gumawa naman si Jace kaagad ng paraan upang maiba ang atensyon ng usapan.

"Maiba ako Clary.. kayo ba ang gumagawa ng wine?" Ani ni Jace

"Ha? Ah.. oo kami.. gusto mo ba tikman?" Tugon ni Clary

"Sure!" Ani ni Jace

Tumayo si Clary at nagpunta sa isang kwarto na puno ng alak. Kinuha niya ang ginawa niyang wine noong July 2015.

"Here my own wine Clary's red wine since 2015" ani ni Clary

"Wow! 5 years of age!" Tugon ni Jace

Kaagad na tinikman ni Jace ang alak. Napapikit naman siya sa sobrang sarap at linamnam nito.

"Ang sarap Clary! The best ito nasa market na ba ito?" Ani ni Jace

Natuwa naman si Clary sa kumento at reaksyon ni Jace.

"Wala pa but soon to be published in the market. Do you want more?" Ani ni Clary

"Yes please. Thank you." Tugon ni Jace

Nauwi sa inuman ang usapan ng dalawa. Nagtungo sila sa salas at doon ipinagpatuloy ang kwentuhan. Hindi na nila namalayan ang oras. Habang lumalalim ang gabi dumadami na din ang kanilang naiinum na alak. Lahat ng klaseng alak na nasa storage room ni Clary ay kanilang tinikman.

"La...lasing na ako Clary!" Tugon ni Jace

"Ako din Jace.." ani ni Clary

Humiga si Clary sa mga binti ni Jace at hinawakan ang isang kamay nito. Samantala nakasandal naman si Jace sa paanang bahagi ng sofa at unti-unti naman siyang nakatulog.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Loveisjustashowcreators' thoughts