1 Chapter 1

Ako Si Clarissa Santos 26 anyos, mas kilala ako sa tawag na  "Clary" lumaki ako sa isang may kayang pamilya. Nakatira kami sa isang subdivision. Subalit kahit nasa akin ang karangyaan ng buhay wala naman akong maitituring na pamilya sapagkat hindi ko kilala ang tunay kong mga magulang.

Ang tanging meron ako ay ang negosyong nakapangalan sa akin. Nakuha ko ito noong umedad ako ng ika 18 taon. Pinatakbo ko ito sa murang edad at nakuha ko naman ang teknik para dito.

Sa lugar ding ito kilala ako, lahat kasi ng kapitbahay bahay ko ay natulungan ko. Dito ko naman Nakilala si Jace Castillo na nito ko na lamang napagtanto na siya pala ay ang aking kababata.

Minsan, kami ay nagkasalubong ng landas habang tumatakbo siya. Patungo naman ako sa gym upang mag training ng kick boxing. Binati niya ako, hindi naman ako kaagad nakaimik sapagkat nakatitig ako sa matipuno niyang katawan.

"Hi..." ani ni Jace

"Ooh hi..." tugon ni Clary

"'Matagal ka na ba dito? Ngayon lang kasi kita nakita." Ani ni Jace

Nagkaroon kami ng pagkakataon na makapag-usap dahil sa ganda ng kanyang mga labi, hindi ko maiwasan ang kiligin. Hinawi ko ang aking buhok at saka ako sumagot.

"Ah oo.. matagal na ako dito.. ikaw ngayon lang din kita nakita." Tugon ni Clary

"Medyo matagal na din.. im Jace Castillo" ani ni Jace

Sa puntong iyon nagpakilala sila sa isa't-isa

"Im Clarissa Santos but you can call me clary." Ani ni Clary

Nagulat si Jace ng malaman ang pangalan ni Clary kaya nagtanong pa siya.

"Clarissa? Ikaw ba yung bata na kulot noon? Tapos maitim?" Ani ni Jace

Napalitan ng inis ang kilig ni Clary matapos marinig ang sinabi ni Jace. Nagkaroon naman siya ng idea kung sino ang kausap niya.

"Ako nga! Teka ikaw ba yung bata na uhugin tapos ang dumi dumi lagi ng damit?? Jonathan ikaw ba yan?" Tugon ni Clary

Nagkatawanan ang dalawa matapos magkakilanlan sa kabila ng kanilang panglalait sa isa't-isa.

"Ako nga Clary..." ani ni Jace

"Long time no see.. ang laki ng pinagbago mo ang linis mo na ngayon" tugon ni Clary

"Wow... heavy! Ikaw din Clary ang laki ng pinagbago mo hindi ka na maitim.. haha" ani ni Jace

Muling nagkatawanan ang dalawa, tumagal pa ang pagpupulong nila subalit naudlot lamang ito ng tumawag na kay Clary ang kanyang trainor kaya naman nagpaalam na siya kay Jace

"Jace.. sorry pero kailangan ko ng mauna." Ani ni Clary

"Sige ako din.. teka pwede ko ba makuha ang number mo?" Tugon ni Jace

Hindi na nagpakipot pa si Clary na ibigay ang kanyang numero.

"Thank you Clary... nice to meet you again!" Ani ni Jace

"You too! See you around!" Tugon ni Clary

Masayang naglakad si Clary patungo sa Gym. Samantala tumakbong muli si Jace paikot sa subdivision. Pagkarating ni Clary sa Gym napansin siya ng kanyang trainor.

"Mukhang happy morning ka Clary?" Ani ni Isabelle

"Of course... may nakakatuwa kasing pangyayari bago ako makarating dito." Ani ni Clary

"Uhm kaya naman pala.. sige mamaya mo ikwento sa akin yan pagkatapos ng training natin." Tugon ni Isabelle

Si Isabelle ang coach ni Clary sa kick boxing. Naging matalik na din silang magkaibigan kung baga sa loob ng gym coach ang turing niya dito subalit paglabas ng gym normal na silang magkaibigan.

Naging sandalan ni Clary si Isabelle sa lahat ng bagay. Maituturing din na bestfriend na niya ito spagkat alam ni Isabelle ang buong kwento ng buhay ni Clary.

Matapos ang training nila, nag ayos na sila at nagpalit ng damit at saka nagtungo sa isang café restaurant upang doon sila magpatuloy ng kwentuhan.

"So tell me ano ang nangyari." Ani ni Isabelle

"So ayun.. nakilala ko lang naman ang kababata ko noon. Masaya ako kasi ang laki ng pinagbago niya." Tugon ni Clary

"Talaga? Anong pangalan?" Ani ni Isabelle

"Jace Castillo" tugon ni Clary

Dahil sa pagkagusto ni Isabelle na makita niya ito nagsuggest siya na hanapin ito sa social media.

"Search natin sa Fb baka may picture siya." Ani ni Isabelle

"Sige wait" tugon ni Clary

Kaagad naman nilang hianap ang account ni Jace. Hindi nagtagal nakita ito kaagad ni Clary. Pinindot ang picture at ipinakita kay Isabelle.

"Ah puta! Kaya naman pala sobra ang pagkasaya mo. Gwapo naman pala ang nakasalubong mo" ani ni Isabelle

"See sabi ko sayo... kaya maganda ang umaga ko." Tugon ni Clary

"Clary sobra kang nagbublush... crush mo siya ano?" Ani ni Isabelle

Lalo pang namula si Clary ng tanungin siya ng kanyang kaibigan. Hindi naman niya mapigilan ang kanyang sarili na kiligin.

"Oo na... crush ko siya.. pero wala naman masama doon diba?" Ani ni Clary

"Uhm meron ding masama.." tugon ni Isabelle

"Ha? Ano naman?" Ani ni Clary

"Dapat alam niya na crush mo siya.. para hindi ka na aasa kung sakali mang May girlfriend siya" tugon ni  Isabelle

Napaisip si Clary at natahimik sa kanyang pagkakaupo. Napawi lamang ito ng May naricieve siyang mensahe.

"Hi its me..."

-jace

Napatili si Clary ng mabasa ang message. Nagulat naman si Isabelle sa reaksyong ito ni Clary.

"Hoy Clarissa ano yan.." ani ni Isabelle

"Look isabelle..." tugon ni Clary

Ipinakita ang mensahe ni Jace. Napakamot naman sa ulo si Isabelle.

"Ay sus iyan lang pala.. sobra ka namang kiligin hindi pa nga kayo.." ani ni Isabelle

"Pag bigyan mo na ko.. minsan na nga lang ako kiligin.." tugon ni Clary

"Pagbibigyan kita tapos sa isang araw ano malungkot ka na naman... ang bilis mo kasing umasa.." ani ni Isabelle

"Ano ba yan.. sige na nga tara na.. kailangan ko ng magpunta sa opisina." Tugon ni Clary

Ayaw ni Clary na pinaguusapan ang nakaraan niya lalo na ang ibalik kung paano siya nasaktan sa pagmamahal. Matapos silang mag-almusal naghiwalay na ang dalawa. Tinungo ni Isabelle ang gym samantala nagtungo si Clary sa kanyang kumpanya.

Habang nasa taxi si Clary pinagmasdan niyang muli si Jace. Batid naman sa kanyang mga ngiti ang saya. Napansin siya ng driver at napailing na lamang ito. Naghintay naman si Jace ng response mula kay Clary subalit wala siyang natanggap.

avataravatar
Next chapter