webnovel

The Day you love me. I die

Content warning ⚠️ SPG "Ang kwentong ito ay may halong kalibugan na hindi angkop sa mga mambabasang PAVIRGIN patnubay ng mga experto ang kailangan" Lahat tayo ay nagmamahal... Minsan may mga tao tayong hndi nabibigyan ng pansin.. mga tao na laging nanjan para sa atin subalit hindi natin siya nakikita... Kelan ba tayo magmamahal kapag huli na ang lahat? Kapag tapos na ang mundo? O kapag pagod na ang puso... Kaya mo ba ang maghintay ng panahon o taon para sa mahal mo kahit walang kasiguraduhan na magiging kayo hanggang dulo? At higit sa lahat ang pinakatanong HANGGANG KAILAN MO KAYANG MAGMAHAL??? Abangan sina Jace ang lalaking minamahal subalit hindi niya kayang magmahal ng pabalik Clarry Ang babaeng handang gawin at ibigay ang lahat para sa kanyang taong mahal...

Loveisjustashow · 都市
レビュー数が足りません
51 Chs

Chapter 19

Nang maipwesto na sa gubat ang bawat isa. Nakakaramdam na sila ng takot dahil unti-unti ng nagdidilim ang kapaligiran. Subalit dahil sa sobrang takot ni Cassandra sa kanyang narinig na alulong ng lobo kinuha niya kaagad ang Flare gun at ipinutok pataas.

"I quit! Oh my God!" Sigaw ni Cassandra

Hindi nagtagal ay nilapitan na siya ng isang guard at dinala na pabalik sa base. Siyam na tao pa ang naiwan sa loob ng nasabing gubat. Nag umpisa na ang bawat isa na maghanap ng daan pabalik sa kanilang base.

Kaagad namang nagkita sina Winnie at Julius. Nagdesisyon ang dalawa na sabay na silang maghanap ng daan patungo sa kanilang base.

Samantala kalmado lamang si Clary na naglalakad, pinakikinggan niya kung saan may ingay. Nang wala siyang marinig, dumapa siya sa lupa at huminga ng malalim saka pumikit.

Pinakinggan niya ang mga yabag, at napagtanto niya na hindi gaanong kalayo ang base nila sa pinagdalhan sa kanila.

"Thanks Jace sa itinuro mo sa akin." Sambit ni Clary sa kanyang sarili

Naalala niya ito nang siya'y mawala sa gubat ng minsang ang pamilya niya ay nagcamping.

🖤🖤🖤 FLASH BACK 🖤🖤🖤

🖤++ Clary & Jace ++🖤

+- black forest -+

"Oh Clary huwag ka masyadong lalayo, malapit ng dumilim" ani ni Romina

"Opo Mama.." tugon ni Clary

Nakakita si Clary ng paru-paru at hinabol niya ito.

"Wow butterfly... gusto kita wait lang..." ani ni Clary

Nagderetso si Clary sa pagsunod sa paru-paru. Hindi niya namalayan na napalayo na pala siya. Nang mawala nag paru-paru sa kanyang paningin, doon niya namalayan na siya ay nawawala na rin.

"Mama?? Papa??" Ani ni Clary

Walang sumasagot kaya nagtawag siyang muli.

"'Maaamaaaa.... Paaaaapaaaaa!!!!" Sigaw ni Clary

Wala pa ding sumasagot kaya napaiyak na si Clary. Naglalakad siya habang umiiyak. Napalayo pa ng husto si Clary sa kanyang paglalakad.

Nang kakain na, doon lamang napansin ni Romina na nawawala si Clary.

"Robert nasaan si Clary??" Ani ni Romina

"Diba kausap mo lang siya kanina?" Tugon ni Robert

"Oo ang sabi ko huwag siyang lalayo." Ani ni Romina

Nakaramdam ng kaba si Romina.

Robert si Clary!! nawawala ang anak natin!!" ani pa ni Romina

"Kumalma ka hahanapin natin si Clary.. maupo ka muna diyan kami na ang pupunta sa gubat." Tugon ni Robert

"Mama! Papa... nasaan kayo huhuhuhuh" iyak ni Clary

Lumakad muli si Clary hanggang sa makakita ng mahawang lugar. Umupo siya dito at kumuha ng patpat.

"Sabi ni Mama kailangang maging matapang daw ako.. kaya hindi ako iiyak." Sambit ni Clary sa kanyang sarili

Mayamaya nakarinig si Clary ng kaluskos mula sa malagong damuhan. Nagulat siya ng may isang bata ang lumabas dito.

"Aaaaahhhh! Sino ka!!!" Sigaw ni Clary

"Bata huwag kang matakot.. ako si Jace... hinahanap ko yung alaga kong pusa nagtatakbo siya dito." Tugon ni Jace

"Ganun ba?? Ako si Clary... nawawala ako.. hindi ko alam kung paano bumalik sa Mama at papa ko." Ani ni Clary

Naawa si Jace kay Clary kaya pinakalma niya ito.

"Huwag kang matakot, taga dito ako malapit lamang ang bahay namin." Ani ni Jace

"Sige.. pero gusto ko ng umuwi.. natatakot na ako.." tugon ni Clary

"Ganito... ituturo ko sayo ang tinuro sa akin ng tatay ko." Ani ni Jace

"Sige.."tugon ni Clary

Pumikit si Jace.

"Anong ginagawa mo? Paano mo ako tutulungan kung nakapikit ka?" Ani ni Clary

"Ssssh.... sabi ng tatay ko pumikit daw ako kung gusto kong malaman kung saan may malakas na ingay at iyon ang sundin ko pabalik." Tugon ni Jace

Nakikinig lamang si Clary sa pagsasalita ni Jace.

"Habang nakapikit ka, gamitin mo din ang pang amoy mo para alam mo yung huling amoy ng pinagmulan mo." Dagdag pa ni Jace

Ginawa naman ni Clary ang itinuturo ni Jace. Ilang saglit pa ay dumapa si Jace sa lupa at huminga ng malalim saka pumikit at pinakiramdaman ang yabag.

"Oh ano naman iyang ginagawa mo." Ani ni Clary

"Sabi ni Tatay minsan ang lupa ang nagbibigay ng direksyon kung saan tayo nagmula." Tugon ni Jace

Hindi maniwala si Clary sa mga ginagawang ito ni Jace. Ilang saglit pa ay tumayo si Jace at niyaya si Clary.

"Halika na.. alam ko na kung saan ka nagmula." Ani ni Jace

"Ha? Paano..." tugon ni Clary

"Sabi naman kasi sayo.. makinig ka lang at isa puso mo ang lahat. Hayaan mo balang araw magagamit mo din ito. Sige na tayo na baka mas dumilim pa." Ani ni Jace

"Sige.."tugon ni Clary

Hinawakan ni Jace ang kamay ni Clary. Tumakbo silang dalawa sa dereksyong alam ni Jace. Mayamaya pa ay nakita na sila ni Robert.

"Clary!" Sigaw ni Robert

"Papa!" Tugon ni Clary

Niyakap kaagad ni Clary ang kanyang ama. Makalipas ang ilang minuto, ipinakilala ni Clary ang kanyang kasamang bata sa kanyang ama.

"Papa... si Jace po, tinulungan po niya ako makabalik dito." Ani ni Clary

Umupo si Robert at hinaplos ang buhok ni Jace

"Salamat sa pagtulong mo sa anak ko. Sandali bakit ka nga pala naandito?" Ani ni Robert

"Wala po iyon.. taga kabilang gubat lamang po kami. Hinahabol ko po kasi kanina ang alaga kong pusa ng makita ko po ang anak ninyo." Tugon ni Jace

"Napakabait mong bata. Nasaan ang mga magulang mo." Ani ni Robert

Hindi nagtagal ay dumating na si Mang Efren ang ama ni Jace. Hinanap na din pala ni Mang Efren ang anak niya. Sa tagpong ito, nagpasalamat si Robert at Romina sa katapangan ng anak ni Mang Efren na si Jace.

"Maraming salamat ho, dahil sa anak ninyo naligtas ang anak namin sa kapahamakan." Ani ni Romina

"Wala ho iyon. Ang mahalaga ho ay walang nangyaring masama sa mga anak natin" tugon ni Mang Efren

"Hayaan niyo at may kapalit ho ang ginawa ninyong kabutihan para sa anak namin." Ani ni Robert

"Nako kahit ho wala.. sige ho mauna na kami ng anak ko." Tugon ni Mang Efren

"Maraming salamat ho uli." Ani ng mag asawa

"Salamat Jace." Ani ni Clary

"Wala iyon.. sige sa muling pagkikita paalam.." tugon ni Jace

Doon nagsimula ang pagiging magkaibigan ng mga magulang nina Clary at Jace. Ito rin ang naging rason upang maging taga pangalaga sila ng lupa ng pamilya Santos.

🖤+ END OF FLASH BACK +🖤

Napatawa si Clary sa kanyang sarili, dahil hindi niya lubos na maisip na nakipagkilala pala siyang muli noon kay Jace noong sila'y muling nagtagpo ng landas. Hindi lamang niya maalala ang itsura ni Jace ng sila ay nasa gubat. Naglakad namang muli si Clary upang tuntunin ang daan patungo sa kanilang base.