webnovel

The Day you love me. I die

Content warning ⚠️ SPG "Ang kwentong ito ay may halong kalibugan na hindi angkop sa mga mambabasang PAVIRGIN patnubay ng mga experto ang kailangan" Lahat tayo ay nagmamahal... Minsan may mga tao tayong hndi nabibigyan ng pansin.. mga tao na laging nanjan para sa atin subalit hindi natin siya nakikita... Kelan ba tayo magmamahal kapag huli na ang lahat? Kapag tapos na ang mundo? O kapag pagod na ang puso... Kaya mo ba ang maghintay ng panahon o taon para sa mahal mo kahit walang kasiguraduhan na magiging kayo hanggang dulo? At higit sa lahat ang pinakatanong HANGGANG KAILAN MO KAYANG MAGMAHAL??? Abangan sina Jace ang lalaking minamahal subalit hindi niya kayang magmahal ng pabalik Clarry Ang babaeng handang gawin at ibigay ang lahat para sa kanyang taong mahal...

Loveisjustashow · Urban
Not enough ratings
51 Chs

Chapter 18

Kinaumagahan, maagang nagtawag si Alec upang magsimula ng mga activities. Tinawag niya ang dalawang grupo upang magsama-sama ang mga ito. Nang kumpleto na ang bawat grupo sinabi na niya ang unang laro.

"Ok guys... ang unang laro natin ay thug o war. Siguro naman ay pamilyar kayo dito, dahil uso ang hugot lalagyan natin ng twist ang ating laro Dito natin masusukat ang tatag ng bawat isa, determinasyon upang ipaglaban ang alam nating atin." Ani ni Alec

Napatawa naman ang lahat sa tinurang ito ni Alec. Ilang saglit pa at pumwesto na sila. Inuna na muna ni Alec ang lalaki, Si Jace ang nasa unahan ng group A at si Brian naman ang nasa Group B.

"Ok Ready?" Ani ni Alec

"Yes Ready!" Tugon ng dalawang grupo

Nagsimulang maghilaan ng lubid ang dalawang grupo.

"Hila... 123 hila!!" Sigaw ni Jace

Masyadong malakas ang grupo ni Jace kaya naman mabilis nilang nahatak ang grupo nina Brian.

"Ok round 1 the winner is Group A." Ani ni Alec

Nagpalakpakan sa tuwa ang group A. Sumunod na tinawag ni Alec ay ang grupo ng mga babae. Sa group A ang nanguna ay si Cassandra, samantalala sa group B naman ay si Clary.

"Ok girls.. mukhang magandang laban ito. Ready na ba kayo?"

"Yeah always ready!" Sigaw ni Clary

"Mukhang ready na ready ang Group B! Eh kayo Group A?" Ani ni Alec

"Yeah! Ready na din kami." Sigaw nina Cassandra

Pumwesto si Clary at ngumiti kay Cassandra. Nayamot naman si Cassandra sa inastang ito ni Clary.

"Papatumbahin kita.." sambit ni Cassandra sa kanyang sarili

Nagbigay ng hudyat si Alec na umpisa na ng laban.

Bumwelo kaagad si Cassandra at hinila ang lubid. Nagdulot ito ng pagkakaluhod ni Clary.

"Ganyan ka lang ba kadaling paluhurin?" Ani ni Cassandra

"In your dreams darling" tugon ni Clary na may ngiti sa mga mata

Habang nakaluhod, unti-uniting kumapit si Clary sa lubid at ito ang ginawa niyang pundasyon upang kumuha ng lakas para makatayo. Tinigasan niya ang kanyang mga tuhod at bigay pwersang hinila ang kalaban.

Hirap na hirap ang grupo nina Cassandra sa pagbawi. Ng makakuha ng mahabang lubid si Clary ipinulupot niya ito sa kanyang braso at saka siya muling sumigaw sa mga kasama.

"Pull! Pull!" Sigaw ni Clary

Wala ng nagawa ang grupo nina Cassandra at nahila sila patungo sa grupo nina Clary. Sa puntong iyon nanalo sina Clary.

"Ang nanalo ang team nina Clary!" Ani ni Alec

Nag-akapan ang buong grupo ni Clary. At kaagad naman na nagpunta si Brian upang icheck si Clary.

"Clary.. ang tuhod mo.." ani ni Brian

"Im ok.. gasgas lang ito.." tugon ni Clary

"Halika hugasan natin..." ani ni Brian

Nagtungo sila sa tent ni Brian, samantala nakita naman sila ni Jace na pumasok sa loob ng tent. Lumapit si Alec kay Jace at nagtanong.

"Type mo ba si Clary??" Ani ni Alec

"Huh? Diba sabi ko hindi.." tugon ni Jace

"Sus.. kanina pang nakatitig yang mga mata mo kay Clary." Ani ni Alec

"May iba akong gusto" tugon ni Jace

"Huh? Sino??" Ani ni Alec

Lumapit sa kanila si Cassandra, napatingin si Alec kay Jace at doon niya nakuha ang tinutukoy ni Jace.

"Jace.." ani ni Cassandra

"Oh.. kumusta ka?" Tugon ni Jace

Nagpaalam muna si Alec upang aralin ang sunod niyang ipapagawa.

"Iwan ko muna kayo, may aayusin lang ako." Ani ni Alec

"Sige bro susunod ako." Tugon ni Jace

Muling tumingin si Jace kay Cassandra

"Hindi ka ba nasaktan kanina?" Ani ni Jace

Humarap si Cassandra kay Jace at hinakawan nito ang kamay ni Jace

"Ok lang ako ano ka ba..laro lang yan..." tugon ni Cassandra

Saktong pagkahawak ni Cassandra sa kamay ni Jace ay ang paglabas naman ni Clary sa tent ni Brian. Kitang kita ni Clary ang hawak at tinginan ng dalawa.

"Tara na Clary?" Ani ni Brian

Tumango lamang si Clary at inakay siya ni Brian. Nakita naman sila ni Jace at ng akmang lilingon si Cassandra hindi na nito naabutan pa kung sino ang tinitingnan ni Jace habang sila ay nag-uusap.

"Sino yun?" Ani ni Cassandra

"Ah wala.. tara na sa mga kasamahan natin." Tugon ni Jace

"Sige.." ani ni Cassandra

Unang tumayo si Jace, mayamaya ay iniabot ni Jace ang kanyang kamay kay Cassandra. Kumapit naman si Cassandra at tumayo.

"Thank you..." ani ni Cassandra

Pagdating nila sa meeting place, nagsalita na agad si Alec para sa sunod na laro nila.

"Ok guys ang susunod na laro is voluntary. Tatawagin natin itong Myster Forest." Ani ni Alec

Kinabahan ang bawat miyembro ng team. Nagtanong ang isang member kung ano ang magiging sistema ng laro.

"Sir Alec paano ang takbo ng laro?" Ani ng isang miyembro

Sumegunda naman ang ilang miyembro.

"Ganito ang mechanics ng laro, kukuha ako ng volunteers na may matatag na loob at may natatanging abilidad. Gagawin natin ito upang mapatunayan ang tiwala sa sarili at sa inyong mga magiging kasama sa loob ng Mystery Forest." Tugon ni Alec

"So paano po pag nasa loob na ng gubat?" Ani ng isang miyembro

"Dadalhin kayo sa loob ng gubat ng magkakahiwalay. Kayo ang hahanap ng daan upang matunton ang pabalik dito sa base. Inuulit ko ito ay hindi pwersahan, ang layunin natin dito ay ang masukat ang tiwala sa sarili at talas ng isipan kung paano ninyo magagawang makabalik sa inyong grupo." Tugon ni Alec

"Ligtas po ba sa loob?" Ani ng isang member

"Yuph! ligtas sa loob. Huwag kayong mag-alala dahil ang ating tour guide ay may kinuhang makakasama na magmamasid sa gitna ng gubat na sa kasalukuyan ay nakapwesto na doon." Tugon ni Alec

Isang malaking hamon ang mababakas sa mga mukha ng bawat miyembro. Kahit si Jace ay nagulat sa planong ito ni Alec. Subalit dahil kasado na, wala na siyang nagawa kung hindi ang magvolunteer.

"Ok im in..." ani ni Jace

Nakatingin naman ang mga kagrupo ni Clary sa kanya, kung kaya wala siyang ibang nagawa kung hindi ang sumunod sa pagvovolunteer ni Jace.

"Im in also for my team.." ani ni Clary

"Good anyone else??" Tugon ni Alec

"Ako din!" Kabadong salita ni Cassandra

'Meron pa ba?" Tugon ni Alec

"Im in.." ani naman ni Brian

Natuwa si Alec sa mga nag volunteer subalit nais pa niyang madagdagan kung kaya nagtanong siyang muli.

"Anyone?? Come on... kasama din ako.... so meron pa ba?" Ani ni Alec

Tahimik ang bawat grupo, ilang sandali naman ay may lima pang nagtaas ng kamay. Sina Kevin, Juluis, Martha, Winnie, at Arthur.

Nang kumpleto na ang members, ibinahagi na sa kanila ang kanilang mga gagamitin sa loob ng mystery forest. May mga dala silang patalim, lighter, higaan,first aid kit, Flare gun, at lubid. Nang matapos iyon, isa-isa na silang dinala sa gubat.

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Loveisjustashowcreators' thoughts