Chapter 20. "Confession of the frozen heart"
Laarni's POV
"I will protect you.."
Sa mga oras na ito. Mas lalong nagtalo ang puso at isip ko. Mas naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Pakiramdam ko, may isang bagay na kapag ginawa ko. Mawawala ang lahat.
Humiwalay ako sa kanya. Nakayuko dahil sa hiya. Nakakainis naman, lagi na lang akong nakakayakap sa kanya. Baka isipin niyang pinagnanasaan ko siya. Baka isipin niyang, isa na rin akong alien na nahuhumaling sa kanya katulad ng mga babae rito sa school.
"Salamat." Ang sabi ko rito.
Dito na kami nagpalipas sa loob ng classroom buong magdamag. Umaga nan g magising kami sa pagbukas ng pinto. Napadilat ang mata ko at nagulat sa katabi ko. Si Abrylle nakasandal sa balikat ko habang natutulog. Yung jacket naman niya, nakalagay sa hita ko.
"Wow! Ang gandang scene ah!" napatingin ako sa dumating. Si Leicy. "Anyare?" tanong nito.
Ikwenento ko sa kanya ang nangyari. Gising na rin si Abrylle. Ang loka, kilig na kilig at tanong ng tanong kung may nangyari ba. Sige naman ang sabi kong wala. Dahil nga dito na kami nagpalipas ng gabi sa school. Umuwi muna kami ng umaga. Hindi na kami papasok sa morning class pero babalik ako sa afternoon class. Di ko lang alam sa kanya.
Pag-uwi ko naman sa bahay. Sige ang sermon sa akin ni Mama, habang ako sige ang hingi ng sorry. Nag-alala na naman si Mama dahil sa akin. Muntik pang maiyak kaya naman niyakap ko siya at sinabing hindi na mauulit. Mabuti naman at naging kalmado lang siya at pumasok na sa trabaho.
Narito ako sa kwarto ko, nakahiga habang nagpapa-antok. Yakap yakap ko ang teddy bear ko ng mapatingin ako sa bracelet na nasa wirst ko. Ito yung binili ko sa Lola dati ah.
"Sabi ni Lola, magdadala raw ito ng swerte. Mukhang tama nga si Lola."
Oo, swerte nga ang bracelet na 'to. Dahil tuwing nangangamba ako, merong isang taong tumutulong sa akin para iligtas ako.
Muling sumagi sa isipan ko ang nangyari kahapon. Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang init ng yakap niya. Sandali? Hindi madumi ang isip ko ah! Yung hug lang talaga ang nasa isipan ko. Pero ang katawan niya.
"Shit, may gusto na ba ako kay Abrylle? Isa na rin ba akong alien na nahuhulog ang panty sa kanya? Ugh! Laarni! Kinain mo tuloy ang mag sinabi mo." Gumulong gulong ako sa kama. "Pero talaga naman kasing...nakakatunaw ng puso si Abrylle. Wah! Ano ba 'yan!"
Tanghali nan g magising ako. Naligo na ako at nagbihis ng pangpasok. Maulan pa rin. Napatingin ako sa jacket na nakahanger. Yung jacket ni Abrylle. Naalala ko tuloy ng isuot niya sa akin ang jacket na 'to. Kusang napangiti ang labi dahil sa nakita ko.
"Laarni, mukha kang tanga." Sabi ko sa sarili ko dahil na naman sa pagpapantasya ko.
Paglabas ko ng bahay. Nagulat ako sa kotseng naka-park sa harap.
"Oh? Kay Lexter 'to ah?"
"Arnibabes! Tara! Sinundo na kita!" sumilip naman 'to sa bintana ng kotse at tinawag ako. No choice, sumabay na ako. Malakas na rin kasi ang ulan.
Pagsakay ko sa loob. Napalingon naman ako rito, nakangiti 'to ng nakakaloko.
"Oh? Ano naman ang ningingitingiti mo riyan?" tanong ko rito.
"Wala lang." sabi nito tsaka iniwas ang tingin sa akin.
Pagdating sa school. Tumila na ang ulan, umaraw na rin kaya hinubad ko na ang jacket na suot ko. Mabuti naman at umaraw na, pwede na rin kaming mag-practice mamaya ni Abrylle, ang sabi niya pala kanina bago umuwi. Sa theater club na lang din daw kami mag-practice kasama nila Leicy at Lexter. Pumayag naman ako. Sa Friday na rin ang presentation namin. At next week na ang final exam.
Pagpasok ko sa room, napatingin agad ako sa upuan ni Abrylle. Pero wala pa siya. Nagtaka naman ako dahil sabi niya papasok siya. Naupo na ako sa upuan ko nang lumapit si Courtney at Tracy. Tinignan ko naman 'to.
"Anong pakiramdam na matulog sa school?" mataray na tanong ni Tracy. So sila pala ang nag-lock sa akin.
"Anong feeling nang magsinungaling?" ang tanong ko naman.
"Anong feeling ng lamigin magdamag?" tanong nito ulit sa akin.
"Alam mo bang piking-pika na ako sa inyo?" sabi ko rito.
"Bakit? Anong gagawin mo?" ani Tracy.
"Tama na Tracy." Natigilan naman siya sa sita ni Courtney. Nabaling ang tingin ko kay Courtney. "Hindi mo talaga ako susundin?" ang sabi nito sa akin.
"Hindi naman kita Nanay para sundin di ba?" pilosopo kong sagot rito. Pinagtitinginan na kami ng mga kaklase namin.
"Hey! Tama na nga 'yan!" sabay sabay kaming lumingon sa nagsalita. "Ikaw Courtney! Tumigil ka nga!" sigaw ni Lexter kay Courtney.
"Wag kang makialam, away ng mga babae 'to." Sagot ni Courtney kay Lexter.
"Hahahaha, wag maki-alam? Eh girlfriend ko ang inaaway niyo?" nagulat ang lahat sa sinabi ni Lexter.
"girlfriend daw?"
"What? She's totally a slut!"
"How could this possible!"
"Ugh! Hindi lang pala si Prince Abrylle ang nilalandi niya!"
"Ugh! I'll kill that flirt!"
Tinignan ko naman ng masama si Lexter. He made the situation worse.
"Hindi ko siya boyfriend!" sigaw ko sa lahat. "Kaya tumigil nga kayo!" pero hindi sila nakikinig sa akin at ang sasama ng tingin sa akin.
"Anong di mo ko boyfriend?" lumapit naman sa akin si Lexter at hinawakan ang kamay ko tsaka ako nito iniharap sa kanya. Ang huli ko na lang nalaman, nagdampi ang aming mga labi. Nanglaki ang mata ko sa ginawa nito. Pinilit kong kumawala pero ang higpit ng pagkakahawak niya sa akin.
Naririnig ko namang, nagsisipaghiyawan ang mga kaklase ko. Hiyawan na hindi sila natutuwa sa nakikita nila.
"Ugh! This is so—Ugh! Nakakainis!"
"Mag-on nga sila."
"I envy that slut!"
"I want him to kiss me too!"
Letse, edi kayo ang magpahalik sa mokong na 'to. Nakakainis na naman ang lalaking 'to.
"Hey." Bumitaw si Lexter sa akin ng may humawak sa balikat nito. Napatingin naman ako at nakita ko si Abrylle. Pagbitawa sa akin ni Lexter, nagulat kaming lahat ng biglang suntukin ni Abrylle si Lexter. Ang lakas ng pagkakasuntok ni Abrylle kay Lexter dahilan para masugatan ang labi nito.
Nabuo ang maraming komosyon sa loob ng classroom dahil sa tension na gawa ng dalawa.
"Huh, sabi ko na nga ba't ganyan ang magiging reaksyon mo kapag nakita mong ginawa ko 'yon." Matapang na sabi ni Lexter kay Abrylle habang hawak ang nagdurugo na labi.
"Layuan mo siya." Nanggigigil na sabi ni Abrylle kay Lexter. Ano bang nangyayari? Naguguluhan ako.
"Bakit ko naman gagawin 'yon?" lumapit si Lexter kay Abrylle at hinawakan ito sa kuwelyo. Ang mga titig nila sa isat-isa, para silang tigre at lion na nag-aaway sa iisang karne.
Hinawakan din ni Abrylle si Lexter sa kuwelyo. "Coz she's my girl." Matapang na sabi ni Abrylle. Nagulat naman ang lahat sa sinabi Abrylle. Teka? Pati ako, halos mahulog ang panga ko sa narinig ko.
"This is too much! Two men are fighting for that crap! I cant take this!"
"Ugh! This is so irritating!"
"Ugh! I envy that slut! I wish I was her!"
Ang sabi naman ng mga pink na alien. Ang aarte talaga. Nabalik ang tingin ko sa dalawa. Lumapit na ako para awatin sila pero pinigilan ako ni Courtney at biglang sinampal.
"Bakit mo ginawa 'yon?" tanong ko rito habang hawak ang pisngi kong sinampal niya.
"Masyado nang malaki ang gulong dinala mo rito! Hampas-lupa ka!" akmang sasampalin ako nito ulit ng sumigaw ang dalawa.
"Enough Courtney!" natigil naman si Courtney sa sigaw ng dalawa. Napalingon si Courtney kila Abrylle at Lexter na ngayon ay masama ang tingin sa kanya. "W-What? Did you just scold me?" hindi makapaniwalang tanong ni Courtney. "This is so shit!" sigaw nito at dali-daling tumakbo palabas ng room.
"Nandiyan na si Ma'am!" sigaw ng isa naming kaklase. Nagsiayusan naman ng upo ang mga kaklase ko ganun na rin ako. Bumalik na sa upuan si Lexter at Abrylle. Pagupo ni Abrylle sa tabi ko, hindi ko makuha lumingon dito. Ano bang nangyayari? Nalilito na ako.
Buong klase akong lutang. Hindi maalis sa isip ko ang mga nangyari lang kanina. Parang ewan. I mean, di ko ma-explain, wala akong idea sa nangyayari. Bakit sila nag-aaway? Dahil ba sa akin? Kung dahil nga sa akin, anong dapat kong gawin?
Natapos na ang klase. Tumayo ako agad at lumabas. Wala akong balak na kumausap ng kahit sino, iiwas na muna ako sa lahat ng tao rito.
"Arni!" nilingon ko naman ang tumawag sa akin. Si Leicy. Lumapit ito sa akin. "Hindi ka ba magpa-practice?" tanong nito.
"Leicy, naguguluhan nga ako eh, gusto ko munang umiwas sa dalawang 'yon." Sagot ko rito.
"Pero Arni sa Friday na ang presentation."
"Leicy, uuwi na ako. Wala talaga akong gana, pakisabi na lang Abrylle na sorry." Tumalikod na ako rito at nagpatuloy sa paglalakad.
Mabuti na lamang at mag-isa pa lang akong naglalakad sa hallway. Wala pa ring mga students. Yung iba kasi sa mga kaklase ko, kapag sinabi ng last period teacher namin na "class dismiss" kanya kanya agad silang labas ng mga make-ups nila kaya for sure, yung mga pink na alien na 'yon, nag-aayos pa ng mga mukha.
Nasa harap na ako ng elevator. Mabuti na lamang at wala akong makakasabay. Magsasara n asana ang elevator ng biglang may pumigil sa pinto. Pag tingin ko rito, si Abrylle. Nagulat naman ako sa pagdating niya. Napatingin 'to sa akin. Seryoso ang mukha pero ako na ang umiwas ng tingin.
Pagsara ng elevator. Kaming dalawa lang ang nasa loob nito. Ang tahimik ng buong paligid. Wala naman din kasi akong balak na magsalita. Remember? The fights lately. Kaya nakakailang na kausapin siya.
Pinindot ko ang ground floor button ng pindutin niya rin ito. Dahilan para magdikit an gaming mga kamay. Napatingin ako rito at gulat sa nangyari sabay alis ng kamay ko. Siya na ang pumindot ng button.
Tahimik ulit, nakatingin lang ako sa taas ng elevator habang hinihintay na makarating sa ground floor.
"Sorry kanina." Nabasag ang katahimikan ng magsalita siya. "Sorry kung nagulat ka sa nasabi ko." Napatingin ako rito hindi siya nakatingin sa akin. Hindi ko alam ang sasabihin. Bakit siya himihingi ng tawad?
"B-Bakit mo ba ginawa 'yon?" nauutal kong tanong rito. Bigla itong tumingin sa akin.
"Hindi ko rin alam," he paused. Nang mga oras na 'yon, kitang kita ko sa mga mata niya ang pagkalito. "Hindi ko alam, pero..." hinihintay ko ang sasabihin niya.
"Mukhang gusto na kita." Nagulat ako sa sinabi nito. Magkatitigan kaming dalawa. Nag-uusap gamit ang aming mga mata.