Chapter 19. "I will protect you"
Laarni's POV
Pagpunta ko sa cafeteria. Si Leicy lang ang nakita ko sa table. Wala si Lexter. Umupo ako sa bakanteng upuan sa harap niya.
"Oh? Nasaan si Lexter?" tanong ko rito.
"Umalis na, pumunta sa hotel nila. May urgent meeting daw eh." Napatango na lang ako sa sinabi ni Leicy.
"Grabe, ang busy niya. Nakakatuwa para sa isang teen ager ang ginagawa niya. Hanga na ako sa kanya!" sabi k okay Leicy. Nakita ko naman ang pangamba sa mukha nitong nakatingin sa akin. "Hahaha joke lang Leicy!" nagulat naman 'to sa bigla kong pagtawa.
"Anong 'joke'?" tanong nito.
"Sus, deny ka pa." pang-uusisa ko rito at ngumit ng pang-asar.. Nagulat naman siya sa akin.
"Y-You meam? A-Alam mo na?" gulat na tanong nito. Tumango tango naman ako sa kanya habang natatawa. "Gosh! Obvious ba ako Arni?" tumango ako ulit. "Shit naman oh." Mahina niyang binatukan ang sarili niya.
"Ano ka ba, okay lang 'yon! Hahaha"
"Pero Arni." Natigl naman ako sa pagtawa ng marinig kong malungkot ang tono ng boses niya. Napatingin ako rito at nakita kong malungkot ang muha niya.
"Bakit Leicy? May problema ba?" bigla itong natahimik at napayuko lang. Parang may iniisip siya. "Leicy." Tawag ko rito at tsaka hinawakan ang kamay niya. Napatingalan naman ito at nagkatinginan kami.
"Arni...i-ikakasal na kasi si Lexter eh." Nagulat ako sa sinabi nito.
"Ano?"
Ikwenento sa akin ni Leicy ang tungkol 'don sa pagpapakasal ni Lexter. Nakakagulat naman, uso pa rin pala ang arrange marriage sa panahong 'to? Ang nakakagulat pa 'ron. Kinuha siyang coordinator ng kasal ni Lexter. Alam kong nasasaktan si Leicy pa 'don.
"Hay, pasensya ka na Leicy ah. Di ko alam ang sasabihin sayo, di ko alam kung paano mag-comfort ng taong broken hearted." Sabi ko rito habang pabalik na kami sa classroom.
"Ayo slang Arni, kahit papaano, I feel relief dahil may nakausap akong tao."
"Hahaha, tao pala ako." Ang biro ko rito, natatawa naman kaming dalawa.
Nahinto ang pagtawag namin ng harangin kami ni Courtney at Tracy sa pinto. Ang sama ng tingin ng dalawa.
"Ano? Natanong mo na?" maangas na tanong ni Courtney with her dark glare.
"Oo, ang sabi niya. Kahit ano raw basta galing sa puso." Ang sagot ko rito. Nakita ko namang kumunot ang noo nito.
"What?" tanong ng kasama niya. "How weird! Grabe ah, ang cheap naman nun. Baka naman gawa-gawa mo lang 'yan!" singhal sa akin nito.
"Hindi, kung gusto niyo itanong niyo pa. Pwede umalis kayo sa daraanan namin?" ang sabi ko rito. Napatingin ako kay Courtney at alam kong di siya natutuwa.
"Di ba sabi ko hubarin mo yang jacket na 'yan at ibalik sa kanya?" ang banta nito. Tinignan ko rin ito ng masama. Hinawakan naman ako ni Leicy sa braso para pigilan. Napipika na ako sa mga 'to. Hindi ko alam kung bakit ba sila nagkakaganyan.
"Oh ano? Bakit ganyan ka makatingin?" tinignan ko naman ang kasama niyang nagsalita.
"Pag di kayo umalis sa daraanan, magsisisi kayo." Banta ko sa dalawa. Natawa naman itong mga 'to, isang sarkastikong tawa.
"Are you trying to pick a fight with us? Well, di ka namin uurungan." Akmang sasampalin ako nito ng may pumigil sa kanya. Napatingin kaming lahat dito. "Abrylle?" nagtatakang tanong nito. "Let me go!" sigaw nito.
"Wag niyo siyang sasaktan." Seryosong sabi ni Abrylle sa kanilang dalawa at binitawan nito ang braso ni Courtney.
"What the hell are you talking about? That crap started it!" sigaw ni Courtney kay Abrylle.
"Enough Courtney, we all know na ikaw ang nag-umpisa nito." Sabi Abrylle sa kanya. Nakita ko namang napikon si Courtney at padabog na naglakad palayo.
"Courtney wait for me!" sigaw ni Tracy at tumingin sa akin. "Di pa kami tapos sayo!" sabi nito at sumunod kay Courtney.
Magpapasalamat sana ako kay Abrylle nang nakita kong naglalakad na ito papasok sa classroom.
"Arni sabi ko sayo wag mo na patulan eh." Sabi naman ni Leicy sa akin.
"Di namang pwedeng ganun na lang yun Leicy, wala naman akong ginagawa sa kanila."
"Pero kahit na Arni, makapangyarihan ang may pera." Malungkot na sabi nito. Para bang may ginawa ng masama si Courtney sa kanya.
"Sabihin mo nga sa akin Leicy, may ginawa na ba sayo ang maarteng 'yon?" matapang na tanong ko rito. Tumingin naman 'to sa akin. Puno ng lungkot ang kanyang mata.
"P-Pinakulong ni Courtney ang Papa ko Arni." Nagulat ako sa sinabi nito. At naglakad na papasok sa room.
Nang mga oras na 'yon. Mali man ang sabihin ko 'to, pero awang-awa ako kay Leicy.
Courtney's POV
"Ugh! That crap! Ang kapal talaga ng mukha niya! Ano kayang ginawa 'non kay Abrylle at bakit siya pinagtanggol! Ugh! Nakakainis!" maktol ni Tracy at tsaka umithit ng sigarilyo.
Oo, were smoking. Inside that campus. Nasa likod nga lang kami ng building. Bawal kasi ang magnigarilyo sa loob ng campus kahit na binayaran ko ang guidance office, hindi pa rin pumayag. Mga hampas-lupa. Nahiya pa, alam ko namang pera lang ang katapat ng mga pag-iisip nila.
"So? What are we going to do with that crap?" she asked. Tinignan ko naman 'to.
"Well, hinanda ko na talaga 'to." Ngiti ko rito.
"I know, I know, I know. That evil grin of yours Courtney dear Hahaha."
Laarni's POV
"Class dismissed! Oh, by the way, Ms. Saldivar, pinatatawag ka sa guidance office." Nagulat naman ako sa sinabi ng last period teacher namin.
"Bakit po Ma'am?" tanong ko rito. Pero tinignan lang ako ng masama nito.
"Sa akin mo pa ba itatanong ang kalokohan mo hija?" mataray na sagot nito.
"S-Sorry po." Lumabas na 'to ng classroom. Napaupo naman ako at nanlumo. Bakit naman ako ipapatawag sa guidance office.
"Uy Arni, bakit? Anong ginawa mo?" tanong ng iba kong classmates (sila yung iba pang scholar sa school except sa amin ni Leicy).
"Hindi ko alam." Sagot ko rito. Napatingin naman ako sa upuan ni Leicy, halatang lutang ang isip nito. Nilipat ko naman ng tingin ang mata ko upuan ni Lexter. Pero wala nga pala si Lexter. Ang huli kong tinignan ay si Abrylle, pero nakatingin lang 'to sa labas.
"Hay nako, makapunta na nga." Kasabay ko, nagsilabasan na rin ang iba kong classmates. Si Leicy, uuwi na raw. Inaantok na raw kasi siya. Tama nga naman, masarap matulog pag ganitong malamig ang panahon.
Pumunta na ako sa guidance office. Pagpasok ko, agad akong sinalubong ng guidance counsilor.
"Maupo ka hija." Sabi nito sa akin. Naupo naman ako.
"Ma'am, ano po bang ginawa ko? Bakit niyo po ako pinatawag?" ang kalmado kong tanong dito. Nakita ko namang nagtaka ito sa tinanong ko.
"Nakipag-away ka raw." Ang sabi nito na ikinagulat ko.
"Po?"
"Pumunta rito si Courtney at Tracy, nakipagaway ka sa kanila. Malaki pa ang pasa ni Courtney sa pisngi na sinmapla mo, may kamot kamot pa si Tracy sa mukha at may sugat sa labi." Sabi nito.
"Po? Hindi kop o iyon ginawa. Ang sinungaling 'yon! Sila nga ang may balak na sampalin ako tapos—"
"Hija, wag ka ng mag-defend. Sa school na 'to. Kung sinong may pera siya ang laging panalo." Natigilan naman ako sa sinabi niya. "Alam kong hindi mo ginawa 'yon."
"Po? Pero bakit—"
"Wag na lang natin silang patulan. Huwag kang magalala. Hindi kita ililista. Ang akin lang, wag mo na sila patulan. Ganito, para maging patas na at maging maayos. Sumunod ka na lang sa ipapagawa ko."
"Ano po 'yon?"
"Tinanong ko kung ano bang gusto nilang parusa sayo. Sabi nila, maglinis ka lang naman ng classroom. Madali na lang 'yon hija. Sige na, gawin mo na."
"Pero Ma'am, wala naman akong—"
"Alam ko, but, just to end this up. Tayo na lang ang umunawa sa kanila." Wala na akong nagawa.
"Sige po."
Bumalik ako sa classroom para maglinis. Nakakainis naman. Wala naman akong kasalanan, pero ako ang may parusa. Yung mga babaeng 'yon talaga. Hindi naman lahat napapagalaw ng pera. Mali, mali ang nasa isip ng mga taong 'to.
Minabuti ko na lang na maglinis mag-isa. Napatingin ako sa labas, ang lakas pa rin ng ulan at ang lamig pa. Napahikab ako dahil inaantok na rin ako. Habang nagwawalis ako, bigla namang may bumukas ng pinto. Pagtingin ko, si Abrylle.
"A-Anong—" bigla na lang pumasok ito at may hinanap sa upuan niya. Tinignan ko lang ito at may kinuha siyang papel. Naglakad na ito palabas ng huminto ito sa pinto at tumingin sa akin.
"Anong ginagawa mo?" tanong nito.
"Ah, pinaglilinis ako ng guidance councilor, punishment ko raw hehehe." Ang sabi ko rito. Nakatingin lang 'to sa akin. Tapos bumalik ito sa upuan niya at naupo.
"Oh? Di ka pa uuwi?"
"Sabay na tayo." Mabilis na sagot nito.
"Wag na sige—" di ko pa natapos ang sasabihin ko ng biglang sumara ang pinto ng classroom at narinig kong ni-lock ito. May narinig pa akong tumakbo sa labas ng classroom. Agad kong pinuntahan ang pinto at binuksan, pero naka-lock nga ito.
"Hoy! Sinong nag-lock nito!" sigaw ko habang kinakalabog ang pinto.
"Bakit? Anong nangyari?" tanong ni Abyrlle papalapit sa akin, nilingon ko ito.
"May nag-lock ng pinto." Nagaalalang sabi ko rito. Pinaalis niya naman ako sa tapat ng pinto at binuksan ang pinto pero di niya rin nabuksan.
"Naka-lock nga. Hoy! Buksan mo 'to!" sigaw niya rin sabay kalabog ng pinto. "Hoy! Buksan mo 'to! I'll kill you asshole!" galit na ang tono ng boses niya, pero wala paring nagbubukas ng pinto.
"Ugh! Goddamnit! Were trapped!" sigaw nito.
"Ano? Hindi pwede!" ako naman ang sumigaw. "Hoy! Please open this door! This is not funny!" ang sigaw ko, pero kagaya kanina, wala akong natanggap na response. "Hay nako." Nanlulumo akong napaupo sa sahig. "Nakakainis naman." Ang maktol ko. Kinuha ko ang cell phone ko pero walang signal.
"Ugh! Uhm, Abrylle may signal ba ang phone mo?" tanong ko.
"Wala rin." Sagot nito. Hay ano ba namang buhay 'to. Ang malas. Sino namang nag-lock nito.
"I guess, dito na tayo magpapagabi." Ang sabi nito.
"Ano? Di pwede! Magaalala sa akin si Mama." Ang maktol ko dito.
"Eh anong gagawin mo?" ang tanong nito. Natahimik naman ako. Oo nga, ano bang gagawin ko. Napatingin ako sa bintana.
"Tatalon ako sa bintana." Walang buhay kong sagot rito.
"Huh, bahala ka sa buhay mo." Ang sabi nito tsaka naupo sa upuan niya. Tinignan ko lang 'to at kalmadong kalmado lang. Isa pa 'to, may kasama nga ako di naman matino kausap. Naupo na lang din ako, isa sa mga upuan dito sa unahan ng classroom.
Makalipas ang tatlon oras. Madilim na sa labas. At nagugutom na rin ako. Tatlong oras na rin kami di nagkikubuan nitong si Abrylle. Nakayuko lang siya sa desk. Tulog yata, buti pa siya nakakatulog. Samantalang ako, antok na antok na pero di makatulog.
Tumayo ako at pumunta sa seat ko. Gagawa na lang ako ng homework. Since wala namang signal, pinatugtog ko na lang cell phone ko. Para mas ganahan akong gumawa ng homework. Naka-loud speaker ito since wala akong earphone.
Now Playing: Story by Park Shin Hye
Abyrlle's POV
Nagising ako dahil sa isang music na narinig ko. Pagmulat ko, nakita kong nasa upuan na niya si Laarni habang nagsusulat sa notebook nito. Ang kanta, para ang sarap pakinggan, kasing sarap ng nakikita ko. Naka-side view siya sa harap ko, pero ang napakaganda nito. Parang maliwanag ang buong classroom kahit na madilim na sa labas. Ang malamig na panahon at napalitan ng mainit na hangin.
Bigla naman 'tong napalingon sa akin. Nagulat ako ng lumingon ito, lumuluha ang mga mata niya. Napatayo ako at tinignan ito.
"Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ko rito.
"W-wala, nakakaiyak k-kasi yung kanta" sabi nito sa pagitan ng mga hikbi niya. Napakibit balikat naman ako sa sinabi nito. Bumalik ako sa upuan ko at nakatingin lang ako sa kanya.
"Ano bang ginagawa mo?" tanong ko rito habang nagpupunas siya ng luha. Tumingin naman 'to sa akin.
"Ginagawa ko yung homework para bukas." Nakangiting sagot nito. May split personality ba 'to? Kanina umiiyak ngayon naman nakangiti.
Di ko na siya pinansin at iniyuko na lang ulit ang ulo ko sa desk. Ipinikit ko na ang mata ko habang nakikinig pa rin sa kantang pinapatugtog niya ng biglang kumulog ng malakas.
Napatayo ako at sakto naman itong tumayo dahilan para mapayakap siya sa akin. Tila bumagal ang oras ng mga panahong 'yon. Ang higpit ng yakap niya sa akin. Dahil sa matangkad ako, nasa dibdib ko lang ang ulo niya na dikit na dikit sa dibdib ko.
"Please...wag kang aalis." Ang sabi nito. May takot sa tono ng boses nito. "Takot ako sa kulog o kidlat." Dagdag pa nito.
Natahimik lang ako habang na sa ganong posisyon kami. Kumulog ulit ng malakas at humigpit ang yakap nito sa akin. Ang kamay ko, parang kusa namang lumapag sa likuran nito. Ngayon, kayakap ko na rin siya. May kung ano sa puso ko. Ang lakas ng kabog nito. Para bang, ayoko nang umalis siya sa pagkakayakap sa akin. Para bang gusto ko siyang protekhan sa kulog at kidlat.
"I will protect you..."