webnovel

Chapter 5

Pinagsasaluhan ni Belda at Carlos ang kanilang mga sarili sa higaan ng magkasama. Magkadikit ang naga-galawang katawan kasabay ng pagpapalitan ng mga halik. Sinusulit ang mga segundo maipakita lamang ang pagmamahalan sa hangos at nakakatuksong mga halinghing. Nagbibigayan ng matinding pagnanasa sa isa't-isa ang magkasintahan sa bumibilis na indayog na lalong nagiging dahilan ng mga ingit sa kama.

"Carlooos mahal ang sarap ng ginagawa mooh uhmm.."

" Uhmm.. Belda malapit na ako sabayan mo akooo mahal ko aaah."

Natapos ang gabi ng pareho silang hapo dahil sa ginawa. Ipinatong ni Carlos ang ulo nito sa malambot na dibdib ng nobya. Hindi rin maipaliwanag ni Carlos ng mga sandaling iyon ang lubusang pag-ibig niya kay Belda. Ang malinaw lamang sa kanila ay mahal nila ang isa't-isa. Magkayakap silang nag-usap.

"Carlos, mahal alam mo ba kanina, kasama ko si Winona. Maganda ang naging araw namin. Sa tingin ko magugustuhan namin ang trabaho.",

"Talaga mahal? Parehas pala tayo. Successful ang event kanina. Inaalok nga ako ni manager na kung pwede daw sa kanila na ako magmodelo at huwag na maghanap ng iba.",

Sa sobrang tuwa ni Belda ay isang halik ang isinagot niya kay Carlos. Naghalikan sila habang pisil niya ang mga bewang ni Belda.

"Napaka-pilyo mo talaga. Siguro ginagawa mo rin iyan sa mga babae na nakakasalamuha mo sa bawat lugar na mapuntahan mo 'no?,

"Hindi mahal. Wala nga ako kagana-gana sa kanila eh. Mas masarap yata magmahal ang tulad mo."

"Isinama mo ako minsan sa isang event mo dati. Nakita iyong mga babae doon, magaganda sila parang kamukha nila Angel Locsin at Jennylyn Mercado. Imposibleng totropahin mo lang ang mga iyon?"

"Hindi ko ipagpapalit ang mga giling mo doon mahal. Siya nga pala, kanina ka pa ba nakatayo sa may gate?",

"Ang alin mahal?"

"Kanina noong dumating ako, naabutan na kita nakatayo sa labas ng gate kaya naisip ko baka kanina ka pa nakatingin doon.",

"Oo. Kanina pa ako doon."

"Talaga? Kasi a-ano, hindi ako—",

"May taxi na dumaan hindi ba ikaw ang sakay noon?",

"Ah! Oo ako iyon. Eh alam mo naman na ayokong naghihintay ka sa labas ng bahay kapag malalim na ang gabi. Magtetext naman ako kapag malapit na ako. May iba ka pa bang napansin mahal?"

"May babae akong nakita pero hindi ko masyadong naaninagan kasama mo ba iyon?"

"W-wala. Wala akong kasamang babae. Baka iyong nagtanong ng daan sa akin."

Nawala ang kaba ni Carlos mabuti nalang at hindi nakita ni Belda ang biglang pag-halik sa kanya ni Sofie. Sa loob ng anim na taon nilang pagsasama may iilan ng mga away ang napagdaanan nila. Nakita niya ang paglaban ni Belda para lamang mapangalagaan kung ano man ang mayroon sila.

Niyakap niya ang nobya ng mahigpit naalala niya bigla ang una nilang pagkikita. Hindi siya katulad ng sinuman babae na makikita niya sa tv o magazine iba ang ganda ng kanyang nobya. Nakaka-akit ang balingkinitan nitong katawan at kulay tsokolate nitong buhok.

"May problema ba Carlos? Mukhang curious ka yata, ano bang mayroon sa pagdating mo kanina?", tanong ni Belda.

"Ayoko ko kasing nag-aalala ka mahal, mamaya kasi anong isipin mo kapag ginagabi na ako ng uwi.",

"Mayroon ba akong dapat ipag-alala mahal? Carlos?",

"Napakaswerte ko na ikaw ang kasama ko. Sobrang tuwa ko nung araw na sinagot mo ako. Kung malalaman mo lang kung gaano kita kamahal Belda. Hindi ako nagsasawa na paulit-ulit nating gawin ang ganitong bagay. Mahal na mahal kita.",

"Mahal na mahal din kita, Carlos",

Tinitigan ni Belda ang kasintahan. Hinaplos niya ang mga pisngi nito. Unti-unting nakatulog si Belda sa mga bisig ni Carlos. Patulog na rin sana si Carlos ng may biglang nagtext sa cellphone niya pero hindi niya ito pinansin. Maya-maya nagri-ring na ito at si Sofie ang tumatawag, hindi niya ito sinagot at nagpatuloy na lamang sa pagbubukas ng text messages. Nagulat siya na isang mapang-akit na larawan ang ipinadala ni Sofie sakanaya.