webnovel

Chapter 6

Gumising si Sofie na iritable at hindi niya gusto ang ginawa ni Carlos sa kanya. Ilang beses niya na itong tinitext at tinatawagan ngunit hindi ito sumasagot. Ibinato niya ang baso ng juice na ini-inuman sa sahig. Nagulat ang daddy nito sa ginawa niya.

"Sofie, what's your problem? Nasa harap tayo ng hapag-kainan. Please anak huwag mo akong pakitaan ng ganyang attitude mo. Maganda ang araw ko ngayon dahil sa pagiging successful ng business natin hindi ka ba natutuwa doon?",

"I am happy for you Dad pero gusto ko muna sana umakyat sa kwarto ko. Bigla akong nawala sa mood at nakakairita lang na hindi sinasagot ni Carlos ang mga text ko.',

"Speaking of that guy, he is so good. Is he your friend? Baka pwede mo siyang kausapin at alam mo na to be one of us. I can make him more famous.",

Hindi na sinagot ni Sofie ang daddy niya at dumiretso na sa kwarto. Tinawagan niya si Gringo, ang driver niya upang ipaalam na kailangan nitong sundan si Carlos. Ibinigay rito ang address na tinitirhan nito at kailangan niyang malaman ang lahat ng impormasyon tungkol Carlos at sa kinakasama niyang si Belda. Agad namang ginawa ni ito Gringo at siniguradong babalitaan siya sa oras na may malaman ito.

Kinuha niya ang kanyang laptop at nag-browse ng mga litrato ni Carlos na kuha sa mga dinaluhan nitong event.

"Hindi mo lang alam Carlos pero ikaw ang nagligtas ng buhay ko. Alam ko matagal na nangyari ang mga iyon. Hindi mo na matatandaan pero ikaw na ang naging laman ng isip ko simula noon."

Inilabas din ni Sofie ang isang box ng mga litrato ni Carlos. Pinaghahalikan niya ang lahat ng mga ito. Ramdam ni Sofie na sobrang nahuhumaling na siya sa binata. Isang magandang pangyayari na makasama si Carlos at mahalikan ito sa labi. Para sa kanya si Carlos ay isang panaginip na matagal niya ng gustong matupad. Aaminin niya na sa puntong iyon gusto niya ng iuwi si Carlos sa bahay nila. Ngunit isang balakid ang kinakasaman nito sa lahat ng plano niya kay Carlos kailangan niyang gumawa ng paraan.

"Hindi ako mahahadlangan ng girlfriend mo Carlos. Hindi niya pupuwedeng ilayo ka sa akin."

Paulit-ulit itong sinasambit ni Sofie na para nang nawawala sa katinuan. Maya-maya umakyat ang yaya nito at kumatok sa kwarto niya.

"Ma'am Sofie, oras na po para inumin ang gamot niyo.",

"Huwag kang papasok dito. Just leave me alone yaya.",

"Ma'am Sofie magagalit sa akin ang Daddy niyo. Kailangan po ninyo inumin ang gamot ninyo pati na ang mga vitamins. Bilin na bilin po ng doktor ninyo ito.",

"Pwede ba yaya, paki-iwan nalang po iyan sa table ko at umalis kana agad.",

Nakahiga si Sofie sa sahig kasama ng mga litrato ni Carlos. Hindi niya pinansin ang pumasok niyang yaya ni hindi rin ininom ang gamot na iniligay nito sa lamesa. Ang nasa isipan ni Sofie ng mga sandaling iyon ay ang mabalitaan siya ni Gringo. Wala na siyang sasayangin na oras para makuha ang minimithing niyang si Carlos.