webnovel

10: Last Time

"Congratulations, Ms. Feroa. You made it to the top again," bati sa akin ng aming Dean. Actually, kinakabahan ako na baka malaglag na naman ako sa ranking namin dahil sa mababa kong exam. Well, it turned out na mahirap naman pala talaga 'yung exam kaya karamihan sa amin ay mabababa.

"Thank you, Dean," sabi ko at lumabas na ng office niya. Nakapost na rin pala sa bulletin ang ranking ng buong school, per program at pangkalahatan.

"Lhan!" tawag sa akin ni Mhel. "I made it! Wooh! Sa wakas, makakahiling na ulit ako kila Mom!" masaya niyang sambit.

Umakbay siya sa akin, "Congrats din! Akala ko'y malalaglag ka na dahil sa brokenness mo eh!" alam kong pabiro niya lang iyon sinabi pero tinitigan ko pa rin siya ng masama. "You happy?" inirapan ko siya at tinanggal ko ang pagkaka-akbay niya sa akin.

"Eto naman! Joke lang! Hahaha! Pero, in fairness, huh? Walang kupas!!" sabi niya at umakbay siyang muli sa akin. Natawa na rin ako sa inasta niya at umakbay na rin ako sa kanya.

Masaya kaming naglalakad nang may nakasalubong kaming hindi maganda sa paningin. It was France.

Sinalubong niya ako ng ngiti pero hindi ko ito binalik sa kanya. "Congrats! I'm happy for you," sabi niya. Nagpasalamat lang ako at nilagpasan ko na siya. Shiz, all these days, akala ko okay na ako. Pero, bumabalik pa rin lahat ng sakit kapag nakakasalubong ko siya.

"Sungit mo naman! Hindi mo man lang kinausap 'yung tao," sabi ni Mhel sa gilid ko. Halos umikot na 'yung mata ko sa kaiirap dahil sa sinabi niya.

"Wala naman kaming dapat pag-usapan," malamig kong sagot sa kanya.

"Kahit na! You can still be friends, right?" tanong niya.

"Walang gano'n, Mhel. Exes can't be considered as friends. Dahil kapag gano'n ang nangyari, dalawa lang 'yan. It's either hindi niyo talaga minahal ang isa't-isa or may feelings pa ang isa sa inyo," napanganga naman siya sa sagot ko at napatakip pa ng bibig.

"Omg! You got a point!" namamangha niyang sambit.

"Kaya, please. I want these feelings to be gone and please cooperate. I can't be friends with someone I loved with more than friends. Parang niloloko ko na rin ang sarili ko no'n," dagdag ko.

"Woah! Girl! Nagmamatured ka na mag-isip! Omg! Is this soon to be love guru?" biro niya pero nakatikim lang siya ng batok sa akin.

"Aray! What was that for?!" reklamo niya.

"Love guru mo, mukha mo! Gusto mo palit tayo ng sitwasyon?" tanong ko sa kanya. Bigla naman itong ngumiti na parang ewan at inakbayan ako.

"No thanks, girl. Tara, kain na lang tayo!" pag-aaya niya.

Busy ako sa pagkuha ng mga gamit ko sa locker nang may tumawag sa phone ko. Sinagot ko ito without knowing kung sino iyon.

"Can we talk?" boses pa lang ay alam ko na kung sino. Tinignan ko ang caller pero unregistered number ito. Did he changed his number? Sabagay, I blocked his number.

"Wala na tayong pag-uusapan, diba?" walang ganang sagot ko sa kanya.

"I... I just want to apologize... Please..." sabi niya. Mas lalo lang akong nainis dahil sa sinabi niyang iyon.

"Apologize for what, France? Apologize for loving me? I mean, apologize for using me?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

Ilang sandali pa bago siya nagsalita muli. "That's not what I meant..."

"You know what? This is pure nonsense," sabi ko at pinutol ko na ang tawag. Pinagpatuloy ko ang pagliligpit ng gamit ko at nagring na naman ito.

"What do you need?" madiin kong tanong. Kailan niya ba ako titigilan?

"Anak, bakit nagagalit ka?" mahinahong sagot ng boses sa kabilang linya. Teka, kailan pa ako naging anak ni France?

Tinignan ko ang caller at tatay ko pala iyon! Shoot! Baka mayare ako nito!

"D-Dad... I thought it was someone else," paliwanag ko. Narining ko naman ang buntong-hininga niya sa kabilang linya.

"Who's bothering you, huh?" tanong niya. Shiz, mausisang tao pa naman itong si Dad!

"Nothing. I just received a scam call. Don't worry about it, Dad," paninigurado ko para hindi na niya ako kulitin.

"Anyway, bakit po kayo napatawag?" tanong ko sa kanya. Napakabihira lang niya kasi tumawag sa akin. I mean, it's close to being impossible.

"I want you to do something for me," sabi niya.

"Ano po iyon?" medyo kabado kong tanong.

"I need you to help your Lola in Paradise. Help her manage the resort and the hotel," deretsong sabi niya.

"Dad, you know that I'm busy kahit na bakasyon, diba?" sabi ko. Full-time kasi ako sa convenience store kapag bakasyon kaya hindi ako pwedeng umuwi ng probinsiya.

"I knew that you're working at a convenience store. I talked to your manager already at pumayag na siya," sabi niya. Shoot! Paano niya nalaman na nagtatrabaho a ko ngayon?!

"Pero, Dad--"

"If you want me to forgive you for hiding that you're working behind my back, then, come to Paradise," madiin niyang utos.

Hindi alam ni Dad na nagtatrabaho ako and he absolutely hate that idea. Kaya kahit na pinapadalhan niya ako ng allowance na sobra-sobra, hindi ko iyon ginagastos lahat. Nasa savings account ko lang 'yung iba. Shiz, do I have I choice then?

"Pero, Dad. I promised that I'll be working this whole summer," paliwanag ko sa kanya. Sana naman ay pumayag siya.

"You know that I never take 'no' as an answer, right?" sabi niya. Right, I really can't give a no to him. I'm doomed.

"Besides, I'm not asking for your permission. This is an order not a favor," maawtoridad niyang banggit. Shiz! I can't! Aahhh! Pagawa na niya sa akin ang lahat basta't huwag ko lang makakasama si Lola sa iisang lugar!!

"Be ready. I'll have someone to fetch you next week. Use the remaining days for the things you must settle. See you in a week, anak," sabi niya at ibaba na sana ang tawag pero nagsalita pa ako.

"D-Dad! No need to fetch me! Kaya ko naman mag-isang bumyahe! Please?" pagmamakaawa ko.

"No. Alam ko na ang pasikot-sikot ng utak mo. I'll be sending them in a week. Don't try to make excuses," sabi niya at binaba na ang tawag. Shiz! Hindi gumana ang pakikipag-sosyo ko sa tatay ko ngayon ah?

Ahhh! I'm doomed! Mukhang magiging impyernong literal ang bakasyon ko ah?

I really don't want to go back in Paradise. I don't want to see Lola again. She'll torture me for sure! Shiz! Bakit ba kasi hindi na lang si Kuya Lhance 'yung patulungin niya ro'n? Psh! Tutal, paboritong apo naman siya ni Lola! Kainis!

"What's wrong?" biglaang sulpot ni Mhel sa tabi ko kaya muntik ko na siyang mahampas ng librong hawak ko.

"Woah, easy! Muntik mo nang mabahiran ang maganda kong mukha!" pagbibiro niya.

"Sorry! Bigla-bigla ka naman kasing sumusulpot diyan!"

"Kanina pa ako rito, no! Ikaw 'yung wala sa wisyo riyan kanina pa!" sabi niya.

"Ano ba kasing problema mo, ha?" tanong niya ulit sa akin.

"Tumawag tatay ko," simpleng sagot ko sa kanya.

"Kailan mo pa ako naging tatay?" sabat ng isang lalaki sa amin. Nilingon namin siya ni Mhel at si France 'yung nakatayo ngayon sa may pinto ng locker room namin.

What the hell?

"What are you doing here?" walang ganang tanong ko sa kanya.

"Calm down. I just want to see you for the last time," sabi niya at ngumiti ito. Hindi ako nakasagot because that line makes my heart skipped a beat. Shiz! There's nothing changed!

Parehas kaming napanganga ni Mhel sa sinabi niya at ilang segundo lang din ay umalis na ito. What's with him?

"Anong trip no'n?" tanong ni Mhel sa akin. Nagkibit-balikat lang ako at lumabas na rin ng locker room.

"Si France ba 'yung naka-usap mo kanina kaya nakakunot ang noo mo?" tanong ni Mhel habang papunta kami ng parking lot.

"Oo, naka-usap ko siya pero talagang naka-usap ko rin 'yung tatay ko kanina," sabi ko.

"Ahh! Akala ko, pagtatakpan mo na nakausap mo si France eh!" sabi niya at binuksan na niya ang pinto ng kotse niya.

"Why should I, tho?" sabi ko.

"Sabagay. So, anong pinag-usapan niyo? Care to share?" tanong niya at kinuwento ko naman ang napag-usapan namin kanina. Hindi siya nagbibigay ng opinyon niya. Siguro, baka naiilang siya dahil nga sa nangayri nung nakaraan. Hinayaan ko na lang ang pananahimik niya hanggang sa makarating kami sa residence namin,

"Saan ka sa bakasyon ngayon?" tanong niya sa akin.

"Uuwi ako ng probinsiya," simpleng sagot ko sa kanya at nagpanic naman ang itsura niya.

"Bakit? May nangyari ba kay Tito? Akala ko ba'y magfufull time ka sa convenience store? Paano na 'yung bills mo? Paano na 'yung mga babayaran mo?" sunod-sunod niyang tanong.

Hindi ko na lang siya sinagot at lumabas na ako ng elevator.