webnovel

Chapter 10: Ang masamang pangitain ni Farrah

Dahil gusto na ni Farrah magamit ang ibang mga kapangyarihan nya, hinde nya na pinabukas ang pag aral kung pano gamitin ang mga ito.

Sa Libro ng mga Kapangyarihan na ibinigay ni God kay Farrah, hinde lang mga pangalan ng kapangyarihan ni Farrah ang nakalagay dun, pati rin kung pano gamitin ang mga ito. Ang unang susubukan ni Farrah na gamitin ay yung X-Ray Vission. Ayon sa libro para magamit ito kailangan ni Farrah na takpan na kanan at kaliwang kamay nya ang mga mata nya para ma activate ang X-Ray Vission nya.

"Huh? Ganun lang kadali? Grabi kala ko panaman kailangan kong magsanay ng napakatagal para magamit yun tulad nung napapanood ko sa Tv." Sabi ni Farrah. Sinubukan ni Farrah yung nakasulat sa Libro ng mga Kapangyarihan. Tinakpan nya ang mga mata nya gamit ang dalawang kamay nya.

Pag alis ni Farrah ng kamay nya, biglang iba ang paningin nya at naging kulay blue ang mata nya. Tumingin si Farrah sa padir at nakita nya kung ano ang nasa likod ng padir. Tumingin naman sya sa baba at nakita nya ang mga nakatira dito sa Hotel at kung ano ang ginagawa nila. "Kung merong tulad nito ang mga lalaki sa dating mundo ko, magtago na ang mga babae." Sabi ni Farrah habang tinatakpan ng mga kamay nya ang mata nya.

At pag alis ni Farrah ng kamay nya, bumalik na ang dati nyang paningin at hinde na puti ang mga mata. "Ok, X-Ray Vission check." Binasa naman ni Farrah kung pano gamitin ang sunod sa X-Ray Vission, ang Shapeshifting. Para magamit ni Farrah ang shapeshifting, kailangan nyang ipikit ang mga mata nya at isipin ang hayo o bagay o tao na gagayahin nya at tapikin ng limang beses ang noo nya.

"What? Bakit para ang dadali naman yata gamitin ng mga powers ko na ito, wala manlang kahirap hirap God."

Nag isip si Farrah kung ano ang pwede nyang gayahin at ang naisip nya ay pusa. Sinobokan ni Farrah na magbagong anyo at maging pusa, inisip ni Farrah ang itchura ng pusa at tinapik nya ang noo nya ng limang beses. "1... 2... 3... 4... Meow...!" Nang nasa 4 na ang bilang ni Farrah, napuno ng puting liwanag ang katawan nya at lumiit ito, saka naging korteng pusa at nagkaroon rin ito ng balahibo ng pusa.

"Meow! Galing, pusa na ako. Diba may 9 lives daw ang pusa, ewan kolang kung totoo yun." Sabi ni Farrah habang tinitignan ang mga kamay nya at ang katawan nya. "Maganda sana itong kapangyarihan ko na magbago ng anyo, kaso ang damit ko. Meow!" Nung naging pusa si Farrah, lumiit ang katawan nya kaya hinde na nagkasya sakanya ang damit nya.

Inisip ni Farrah na bumalik sa pagiging tao nya at tinapik nya ng limang beses ang noo nya gamit ang mabalahibo nyang kamay at umilaw ang katawan nya saka sya bumalik sa pagiging tao. Dali dali naman ni Farrah sinoot ang mga natangal na soot nya. "Pag gusto kong pumuslit sa isang lugar pwede ko gamitin yung Shapeshifting ko para hinde ako makita na papasok. Ngayun, ang sunod naman ay Shield of the Gods."

Kinuha ni Farrah ang Libro ng mga Kapangayarihan at binasa nya kung pano gamitin yung Shield of the Gods. Sabi sa libro, pwede daw palabasin ang Shield of the Gods sa pamamagitan ng pag banggit dito. Ang Shied of the Gods ay pweding maging kahit anong hugis, at ito ay pweding lumaki na kasing laki ng boong mundo o maging napaka liit na mas maliit pa sa langgam.

"So anong sunod? Huh? Mind Reading? Sa sunod na yan pag nasa maraming tao na ako. Universal Language? Next time na yan pag may na meet akong alien. Powerful Senses? Ito pwede pa."

Binasa ni Farrah kung pano ito gamitin mula sa Libro ng mga Kapangyarihan. Para magamit ang kapangyarihan na ito kailangan lang mag focus sa isa sa mga senses o lahat base sa gusto ni Farrah para mapalakas ito.

"Ahh ganun pala, masubukan nga." Sabi ni Farrah habang naglalakad papunta sa bintana. Nag focus sya sa mga mata nya at nag iba ang paningin nya, lahat ng malalayo nakikita na ni Farrah na para bang nasa harapan nya lang ito. Kitang kita nya nga ang padir ng bayan ng Juperia at may nakikita rin syang mga sundalo sa taas ng nito na may pinag uusapan.

May naisip si Farrah at nag focus sya sa pandinig nya at saka sya nakinig sa pinag uusapan ng mga sundalo doon sa taas ng padir. "Uyyy ang pangit mo." Sabi ng isang sundalo sa katabi nyang sundalo. "Uyy salamat." Sabi nung sundalo na sinabihan na pangit daw sya. "Walang ano man." Sabi nung sundalo na nagsabing pangit yung katabi nya.

"Huh? Ano yun? Sinabihan na ngang pangit yung sundalo tapos nagpasalamat pa sya, wait ano yun." Nakita ni Farrah na may sundalong nahuhulog mula sa taas ng padir. Nakilala ni Farrah ang sundalong ito, sya yung nagsabi na pangit daw yung katabi nya. Naiinis pala yung sinabihan nya ng pangit at hinulog sya. Mabilis ang pagkahulog nung sundalo.

Pagkakita ni Farrah na tatama na ang sundalo sa lupa, ginamit nya amg Telekinesis nya at pinalutang yung sundalo bago paman sya tumama sa lupa at para mawala ang pwersa mula sa pagkahulog nya, at nung wala na yung pwersa na nasa sundalo, saka ni Farrah inalis ang Telekinesis nya at nahulog na yung sundalo sa lupa na una ang ulo.

"Pweee! Tika! Buhay ako! Isang itong himala!" Pagkahulog nung sundalo sa lupa may mga nakapasok na lupa sa bibig nya. Manghang mangha sya kasi akala nya mamatay na sya pero nabuhay parin sya kahit ang taas na ng hinologan nya.

"Hoy Weinan! Hintayin mong maka akyat ako jan at ikaw naman ang huhulogin ko!" Sigaw nung sundalo at dali dali itong tumakbo papasok sa gate ng Juperia para makagante doon sa tinawag nyang Weinan.

"Grabi naman ang mga tao dito, hilig magpatayan. Bahala nga kayo." Sinara nalang ni Farrah ang bintana at inalis nya na ang effect ng Powerful Senses nya. "So sunod naman ay Holy Magic. Ang alam ko nagagamit lang ito sa mga espirito pero wala namang espirito dito para masubukan ko ito hayysss next na nga. Super Strength? Wow parang si Super Girl lang. Pero wala naman akong mapag gagamitan nito, well, may gubat pala sa dikalayoan dito. Doon konalang ito sosobokan."

Natandaan ni Farrah ang bundok na nilabasan nya mula sa Dimensional Way na ginawa ng Elf na si Shane. Lumipad si Farrah sakay ng HoverBoard nya at dumirityo doon sa bundok.

Pagkatapos ng ilang minuto na kakalipad, nakarating na rin si Farrah sa gubat sa may paanan ng bundok. "Pwede na yata ito." Nagpalabas si Farrah ng mga higanteng mga bato mula sa lupa. Binasa ni Farrah kung pano gamitin ang Super Strength nya. Ayon sa Libro ng mga Kapangyarihan, para magamit ni Farrah ang Super Strength nya kailangan nya lang gustohin na magamit ang ito.

"That's it? Kung poro ganito lang naman kadadali gamitin ang mga kapangyarihan ko, para saan pa ang librong ito." Nagtataka si Farrah kung bakit wala manlang kahirap hirap para sakanya na gamitin ang mga kapangyarihan nya. Siguro yun ang kagustohan ni God kaya ang dali lang nito para kay Farrah.

Lumapit si Farrah sa isa sa mga pinalabas na higanteng bato ni Farrah at inilagay nya ang dalawang kamay nya dito. Saka nya dahan dahang itinaas ang bato. At tulad nga ng naisip nya, wala ngang kahirap hirap para sakanya na buhatin ito, parang kasing bigat nga ng hangin ang bato na hawak nya.

Sinobokan ni Farrah kung kaya nya kahit isang kamay lang ang gamit nya para mabuhat ang malaking bato na ito. Dahan dahang inalis ni Farrah ang kaliwang kamay nya at binohat nya yung bato pataas at saka bigla nyang tinapon. Ang lakas ng pagtapon ni Farrah sa bato, sa sobrang lakas, hinde pa nakaka aalis ang bato sa kamay ni Farrah, nadurog na agad ang parteng hinawakan ni Farrah. At yung boong bato naman na tumalsik ay napaka layo ng narating.

Wala pa ngang isang segundo pero malapit na agad mawala sa paningin ni Farrah yung higanteng bato. "Wow mala Super Girl nga ang powers ko hehe. Now naman, ang sunod ay ang Shadow Master." Pinalabas ni Farrah ang Libro ng mga kapangyarihan at binasa kung pano gamitin ang Shadow Master. Para magamit ito sabi sa libro, kailangan daw yumoko at hawakan ang lupa saka isipin na gumalaw ang anino ng kahit ano.

At sabi rin sa description ng Shadow Master, kapag anino daw ng isang may buhay ang kinontrol ni Farrah, lahat daw ng ganyan nya dito ay mangyayari rin daw sa may ari nung anino. At gamit rin ang kapangayarihan ni Farrah na Shadow Master, kaya nyang gumawa ng mga buhay na assasin na anino, kaya nilang pumunta at pumasok sa kahit saan ng walang nakakakita kasi kaya nilang magtago sa mga anino ng mga bagay o mga may buhay. Ang mga Assasin na aninong ito dahil nga anino ay hinde namamatay pero may kakayahan silang pumatay.

Pagkabasa nito ni Farrah, hinde nasya nagpaligoy ligoy pa, bumaba si Farrah at hinawakan nya ang lupa sabay sabi; "Ang pangalan ko ay Farrah, at tinatawag ko kayo ngayun na!" Ilang saglit lang pagkasabi ni Farrah nito, may mga naglabasan na limang mga aninong tao.

"Nandito napo kami Goddess Farrah, pag utasan nyo po kami at aming susundin." Biglang lumohod ang mga ito sa harap ni Farrah.

Tumayo si Farrah at tinignan ang limang Assasins nya. "Ang galing aba. Ay tika, ano na nga pala nangyari doon sa ginawang kong mga higanteng bakal? Sakto pwede kong magamit yung Prophecy para malaman." Dali daling binasa ni Farrah ang Libro ng mga Kapangyarihan at tinignan kung pano gamitin ang Prophecy.

Para magamit ang Prophecy kailangan ni Farrah na ipikit ang mata nya at sabihin na; "Prophecy, reveal the future" saka makikita ni Farrah ang hinaharap.

Tulad ng nakasulat sa libro ng mga kapangyarihan, ipinikit ni Farrah ang mga mata nya at nag sabi ng; "Prophecy, reveal the future"

Si Farrah ay nagulat kasi ngayun, wala na sya sa gubat kundi nasa taas na ng Juperia at lumilipad ng mag isa kahit hinde nya ginagamit ang Telekinesis nya at wala ang HoverBoard nya.

Tumingin si Farrah sa baba at nagulat sya kasi ang dating magandang bayan na pinasyalan nya kanina ay biglang naging sira sira at puno ng mga katawan ng tao na labas labas ang mga laman loob. Kahit saan si Farrah tumingin, ganun ang nakikita nya. Natatakot na si Farrah dito at gusto nya nang umalis pero bigla nyang nakita ang isa sa bakal na taong ginawa nya na sinisira ang isang bahay at parang may kinukuha ito sa loob.

Nung tumigil na yung bakal na tao sa pag sira nung bahay, may nakita si Farrah na nasa kamay nito. Isang batang lalaki. Itinaas nung bakal na tao ang kamay nito na humahawak sa batang lalaki at ibinagsak ang batang lalaki sa lupa ng napaka bilis.

Nung nakita ito ni Farrah, sumigaw sya; "Tumigil ka! Utos ito ng Goddess mo! Sabing tumigil ka! Tigil!" Sigaw ni Farrah pero parang tila hinde sya marinig nung bakal na tao na patuloy hinahampas yung batang lalaki sa lupa.

"Kayong mga tao kayo! Ilabas nyo ang Goddess namin kundi uubosin namin ang kayong lahat! Wala kaming ititira!" Sigaw nung bakal na tao.

"Hoy! Nandito ako..." Bago paman matapos ni Farrah ang sinasabi nya, bigla syang bumalik sa gubat at natumba sya pero bago paman sya dumikit sa lupa, ang mga Assasin nya ay inalalayan sya at pinatayo ulit.

"Goddess, ano pong problima?" Tanong ng isang Assasin na sumosuporta kay Farrah para hinde sya bumagsak. "Ok lang ako, may nakita lang akong masamang pangyayari at mukhang malapit na itong mangyari." Tumayo si Farrah ng tuwid at huminga ng malalim saka sya sumakay sa HoverBoard nya. "Sumonod nalang kayo sakin." Sabi ni Farrah sa limang Assasin.

"Opo, Goddess Farrah." Sabay sabay naman nilang sagot.