webnovel

Chapter 11: Shadows to the action

Nagmadali si Farrah sa paglipad gamit ang HoverBoard nya papunta sa lugar kung saan nya iniwan yung sampung Metal Giants na ginawa nya. "Sana hinde pa ako huli, ayokong mapono ng dugo ang magandang bayan ng Juperia dahil sa kagagawan ko." Sa nakita ni Farrah sa Prophecy nya, hinahanap sya ng mga ginawa nyang Metal Giants at akala nila na tinatago ng mga tao sa bayan ng Juperia si Farrah kaya pinagpapatay nila ang mga tao dun.

Hinde yun hahayaan na mangyari ni Farrah kaya mas binilisan nya ang paglipad nya. Ang mga Shadows naman ay nasa baba at mabilis din na sumusunod kay Farrah. Ngayun ay nasa anyong anino sila para walang makakita sakanilang ibang tao. Pagkalipas ng 10 minutes, nakarating narin si Farrah sa pinag iwanan nya nung sampung Metal Giants na ginawa nya.

"Shadows, wasakin nyo ang pintoan na yan." Sabi ni Farrah sa mga Shadows na agad namang winasak ang pintoan. Pumasok si Farrah at nakita nya sa loob ang hiwa-hiwalay na katawan nung mga lalaking nag iinoman dito kanina at nakita nya rin ang sampung Metal Giants nya na puno ng dugo at nakaluhod sa harap ni Farrah.

"Goddess Farrah, akala namin may nanakit na sayong tao, papatayin sana namin sila kung hinde kapo nila nilabas. Buti naman at maayus ka Goddess." Sabi ng pinaka malapit kay Farrah na Metal Giant. "Lahat kayo! Inuutosan ko kayo na simula ngayun, wala sainyong papatay hanggat wala akong sinasabi! Kuha nyo!?" Galit na sigaw ni Farrah.

"Opo Goddess Farrah, hinde kapo namin susuwayin." Sabay sabay na sinabi ng mga Metal Giants. "Buti naman. Dahil wala akong maisip na itawag sainyo, tatawagin konalang kayong Metal 1, Metal 2, Metal 3, Metal 4, Metal 5, Metal 6, Metal 7, Metal 8, Metal 9 at Metal 10. Ikaw Metal 1 ang mamumuno sakanila simula ngayun." Sabi ni Farrah habang tinotoro ang bawat Metal Giants at pinapangalanan ang mga ito.

Si Metal 1 ay ang nagsabi kay Farrah na akala nila may nanakit na sakanya, kaya sya ang ginawa nyang leader nila. "Masusunod po Goddess Farrah." Sabay sabay sinabi ng mga Metal Giants. "Assasin!" Tinawag ni Farrah ang mga taong anino na ginawa nya kanina. "Tulad nila, bibigyan ko rin kayo ng pangalan. Tatawagin ko kayong Shadow 1, Shadow 2, Shadow 3, Shadow 4, Shadow 5. Shadow 1! Ikaw ang magiging Leader nila simula ngayun." Sabi ni Farrah sakanila. Si Shadow 1 ay ang sumoporta kay Farrah kanina nung muntikan na syang matumba pagkakita nya nung Prophecy.

"Opo Goddess Farrah, you wish is our command." Sabay sabay na sinabi ng mga Shadows. "Buti naman, ngayun bumalik na tayo sa Hotel ko. Kayo mga Metal Giants, maghukay kayo at dumaan kayo sa ilalim ng lupa para walang makakita sainyong tao. Iwasan nyo na may makakakita sainyong tao, utos ko yan. Shadow 1, itoro mo sakanila ang daan papunta sa Hotel ko." Sabi ni Farrah.

"Masusunod po Goddess Farrah." Sabay na sinabi ng mga Metal Giants at ni Shadow 1.

--------------

Sa isang lugar sa pinaka centro ng Juperia.

"Ano!? Patay na si Eron!? Pano mo nasabi?" Tanong isang malaking lalaki na naka upo sa isang trono, at sa harapan nya ay may nakalohod na lalaki. "Lord Joven, nakatanggap po ako ng liham mula sa isa saating tao dun. Pupunta daw sya sa kanila para bisitahin si Lord Eron at yung ibang mga taohan nya pero bago paman sya makapasok sa Headquarters nila Lord Eron, may nakita syang katawan sa labas ng Headquarters nila sa harap ng malaking butas."

"Nang tignan nya kung sino ito, nagulat sya kasi si Lord Eron yun at nang tumingin sya sa butas ng Headquarters nila Lord Eron, may nakita syang kakaiba na kahit nga ako Lord Joven ay hinde makapaniwala." Sabi ng lalaki na naka luhod sa harap ni Lord Joven. "At ano yun? Sabihin mo na! Wag mong sayangin ang oras ko Murin!" Sigaw ni Lord Joven.

"Opo, opo. Ang nakita nya daw doon ay sampung higanteng bakal na tao na pinag papatay ang mga tauhan ni Lord Eron at pinag puputol ang mga katawan nila. Yun ang sabi nya Lord Joven." Sabi ni Murin habang nakalohod. "Higanteng bakal na tao? Pinagpapatay ang mga tauhan ni Eron? Hahahaha saan kanaman nakakita ng ganun. Lasing kaba? Pero ito ay hinde natin dapat baliwalain, dapat imbistigahan natin ito ng mabuti. Baka pakana lang ito ng ibang groupo na gustong pabagsakin ang Red Skull Gang ko."

Merong 5 Gangs na pasimuno sa mga illigal na gawain dito sa bayan ng Juperia. Isa na dito ay ang Red Skull Gang. Ang pangalawa ay ang Lion Claw Gang. Ang pangatlo ay ang Raven Wing Gang. Ang pang-apat ay ang Death Bringer Gang. Ang last at ang panglima sakanila ay ang Eagle Eye Gang. Bagamat pare-pareho lang ang mga ginagawa nilang mga illegal na gawain, ayaw nila ng kalaban pagdating sa pera.

Kaya palaging nagkakaroon ng patayan sa pagitan ng mga Gangs na ito. Wala ka manlang makikitang araw na hinde nag aaway ang limang mga gang na ito. Bawat isa sakanila ay gustong mawasak ang lahat ng Gang sa Juperia para sila na ang maghari dito at masulo nila ang mga pera at mga negosyo nila.

-----------

Nakabalik na si Farrah sa Hotel at ang mga Metal Giants naman ay inutusan nya na mag stay lang muna sa ilalim ng lupa nitong Hotel hanggat hinde sinasabi ni Farrah na lumabas na sila. Ang mga Shadows naman ay pinag bantay ni Farrah dito sa loob ng kwarto nya. "Sa ngayun alam kona kung pano gamitin ang lahat ng kapangyarihan ko. Ngayun hihintayin konalang na ibigay sakin ni God ang sunod na kapangyarihan ko. Sana malupit ito tulad ng pagkontrol ng oras o mind control o teleportation. God aasahan ko na malupit ang bibigay mo sakin ok?" 2 days palang ang nakalipas mula nang binato si Farrah dito ni God kaya may 5 days pa bago ni Farrah makuha ang bagong kapangyarihan nya.

"Oras na para matulog. Hayysss nakakapagod ang araw na ito." Naglakad si Farrah papunta sa kama nya at tumalon. Ilang saglit lang nakatulog na agad sya.

Habang mahimbing na natutulog si Farrah, hinde nya alam na yung lalaking nasa counter na nakausap nya nung nag check in sya dito ay may masamang balak.

"Maniwala kayo sakin, sigurado ako marami syang ginto. Ang binigay nya nga saking ginto pag check in nya ay napaka laking ginto. At parang wala lang nga sakanya ang paglabas ng ganito kahalagang ginto. Kaya nasisigurado ko namarami pa syang ginto doon. Mag isa lang pati sya, simula nang mag check in sya, wala na akong nakikitang ibang tao na bumibisita sakanya kaya madali lang ito." Sabi nung lalaki na nasa counter sa tatlong lalaki na nakakatakot ang itchura at parang mga mamatay tao.

Ang isa sakanila ay may takip ang kaliwang mata at ang kanang mata nya ay napaka laki at itim na itim ang balat, ang pangalawa ay maputi pero itim na itim ang mga ngipin nito at pag ngumingiti nakakasuka tignan, ang pangatlo ay kalbo at walang ngipin.

"Siguradohin mo lang, kasi ang Red Skull Gang ay ayaw na ayaw na pinapaasa. Lahat ng paasa ay pinapatay namin! Kuha mo!?" Sigaw nung malaki ang mata na may takip ang kaliwang mata. "Tama si Big Eye, marami na kaming nakitang mga paasa at pinatay namin sila." Sabi nung maputi pero maitim ang ngipin. "Oo nga, pinapatay ni Big Eye at ni Whitey ang mga paasa at ako, si Karnebal, pag patay na sila ay kakainin kona ang mga laman nila. Kaya wag kang paasa kundi, hinde mo magugustohan ang mangyayari sayo." Sabi nung kalbo na walang ngipin.

Natakot ang lalaki na nasa counter. "Oo, oo, hinde ako paasa. Nandun sya sa taas itotoro ko sainyo at kayo na bahala kumuha ng ginto nya. Babantayan kolang ang pinto baka kasi may makapansin sa ginagawa nyo." Sabi nung lalaki sa counter. "Ang sabihin mo natatakot kalang at hinde mo kayang makakita ng bata na pinapatay." Sabi ni Whitey.

"Pabayaan nyo na yan. Itoro mona dali! Nagmamadali kami, mag iinoman pa kami." Sabi ni Big Eye. "Oo, oo. Sundan nyo lang ako." Dali dali namang dinala nung lalaki sa counter ang tatlo kung saan ang pinto ng kwarto ni Farrah. Nasa pinaka mataas ang inuupahan na kwarto ni Farrah kaya walang katao tao dito na nagustohan naman ng tatlo.

"Bahala na kayong tatlo jan na pumasok." Sabi nung lalaki sa counter habang binubuksan ang pinto sa kwarto ni Farrah. Pumasok ang tatlo sa loob nito at tumingin tingin sa paligid na para bang sila ang may ari nito.

Pagpasok nung tatlong lalaki, may limang matang nagbukasan.

"May nakapasok na ibang tao." Sabi ni Shadow 1. "Oo nga, sa itchura nila, sigurado ako na may masama silang balak sa Goddess natin." Sabi ni Shadow 5. "Tama si Shadow 5, anong gagawin natin Shadow 1? Gigisingin ba natin si Goddess Farrah o tayo na ang mag aasikaso sa tatlong ito?" Sabi ni Shadow 2. "Hinde natin pweding gisingin si Goddess, narinig nyo naman diba ang sinabi nya kanina bago sya matulog na pagod na pagod sya. Kaya wag na nating estorbohin si Goddess." Sabi ni Shadow 4. "Agree ako sa sinabi ni Shadow 4. Dapat tayo na ang mag asikaso sakanila para tuloy tuloy ang pahinga ng Goddess natin." Sabi ni Shadow 3.

"Oo sige, tayo na ang bahala sakanila pero binigyan tayo ng utos ni Goddess Farrah na bawal tayong pumatay ng kahit sino." Sabi ni Shadow 1 na hinde na alam ang gagawin. Gusto nya sanang gisingin si Farrah kaso hinde nya pweding gawin yun kasi pagod na pagod sya at ayaw nyang potolin ang mahimbing na pag tulog ni Farrah. Pero kung sila naman ang aasikaso sa tatlong yun, wala rin silang magagawa kasi pinag utos ni Farrah na bawal silang pumatay.

"May naisip akong idea Shadow 1, tama nga at hinde tayo pweding pumatay pero kung ilalaglag natin sila mula dito sa pinakamataas na palapag ng Hotel na ito, sigurado mamatay sila at hinde dahil saatin, dahil sa pagbagsak nila sa lupa. Kapag ganun ang ginawa natin, hinde lang natin mapapatay ang mga estorbo na ito at hinde pa natin masusuway ang utos ni Goddess Farrah." Sabi ni Shadow 3.

"Hmm magandang idea nga ang naisip ni Shadow 3." Sumang ayon naman ang ibang mga Shadows. "Hmm mukhang maayus nga yang idea mo Shadow 3. Edi ano pang hinihintay natin? Sugod na." Isa isang nawala ang mga Shadows sa posisyon nila.

"Hahaha, mga kapatid, pag wala tayong nakuha dito kukuhanin nalang natin ang ginto mula sa Hotel na ito para hinde tayo lugi at pagsamantalahan nalang natin yung sinasabi na babae nung lalaki sa labas." Sabi ni Big Eye. "Hahaha oo nga, pagkatapos ibigay nyo sakin yung babae, parang masarap syang gawin adobo." Sabi ni Karnebal.

"Pasyensa na pero hinde matutuloy yang binabalak nyo." Habang nag uusap ang tatlo, may bigla silang narinig na nagsalita at nilabas nila ang mga armas nila. "Sinong nanjan!? Lumabas..." Bago paman matapos ni Big Eye ang sinasabi nya, may biglang lumabas na aninong tao mula sa harapan nya at tinakpan ang bibig nya. "Shhhh, wag kang maingay. Natutulog ang Goddess namin." Natakot si Big Eye kay Shadow na nasa harapan nya kasi wala itong mga mata, at nakikita nya ang mga nasa likoran ng ulo nito.

Sinobokan ni Big Eye na gumalaw pero napansin nya na may mga aninong nakabalot sakanya. Tumingin si Big Eye kay Karnebal at kay Whitey. Pag tingin nya kay Whitey, merong ring nakahawak na taong anino sa bibig nito at hinde rin sya makagalaw. Si Karnebal naman ay parehas rin, umiiyak na nga sya at niihi sa takot.

Tumingin si Big Eye kay Shadow 1 na nasa harapan nya. "Mali na sinubukan nyong pumasok dito, ngayun sisihin nyo nalang ang mga sarili nyo dahil sa malas nyo." Pagkarinig ng tatlo sa sinabi ni Shadow 1, nahulog sila at nakapasok sa loob ng anino na nasa paahan nila at napuno ng kadiliman ang paningin nila.

Nang nawala ang kadiliman, ang nakita nila ay ang maganda at kumikinang na kalangitan. Pero yun nalang ang nakita nila at nawala na sila sa mundo.

Tinapon ni Shadow 1 kasama ang ibang Shadows ang tatlo mula sa bobong ng Hotel. Sa taas nitong Hotel, tama na para magkadorog dorog ang mga buto nila at mawasak ang ulo nila. "Shadow 1, meron pang isa sa may labas ng pinto ng kwarto ng Goddess natin." Sabi ni Shadow 4. "Dalhin mo sya dito." Sabi ni Shadow 1. Umalis agad si Shadow 4 at pagbalik nya, dala nya na yung lalaki sa counter.

"Hahhh! Halimaw! Tulong!" Napatakbo ang lalaki pero hinde nya napansin na wala na pala syang maapakan at nahulog sya mula sa bobong ng Hotel.

"Tanga." Sabi ng mga Shadows.