webnovel

Kamusta, Kuya Luo

編集者: LiberReverieGroup

Sa araw ng pagkalaya ni Luo Feng mula sa kulungan, sina Zhou Hua Yang at Zhang Hao Bai ay makikitang magkasama sa loob ng isang kuwarto ng isang exotic tea house.

"May problema ba Kuya Zhou? Tinawagan mo ako ng maaga para lang pumunta dito," mahinang sinabi ni Zhang Hao Bai, "Successful ba yung nangyari? Kung ganun, wag ka nang mag-alala Kuya Zhou. Wala tayong problema kung ang pinag-uusapan ay pera." Gusto nang makita ni Zhang Hao Bai kung nabali nga ba ang mga braso at binti ni Luo Feng.

Tila namomoblema si Zhou Hua Yang, di umiimik.

"Kuya Zhou?"

Naramdaman ni Zhang Hao Bai na may nakakaiba sa paligid at mahina niyang tinanong, "Kuya Zhou, ba't di ka umiimik?"

"Hay...Zhang Hao Bai, ang sama mo naman. Pagod ka na sa pamumuhay mo kaya sinubukan mo rin akong hilain pababa," sabi ni Zhou Hua Yang habang nakatitig kay Zhang Hao Bai na parang patay na tao.

"A-Ano ba ginawa ko?" Ninenerbiyos na tanong ni Zhang Hao Bai habang hindi pa siya nakakacatch-up, "Ano ba nangyari Kuya Zhou? Sabihin mo sa akin ng diretso," Alam ni Zhang Hao Bai na may nakakaiba sa mukha at kilos ni Zhou Hua Yang, pero hindi niya alam kung ano talaga ang nangyari.

Huminga nang malalim si Zhou Hua Yang at mahina niyang tinanong, "Inutusan mo ako na baliin ko yung mga braso at binti ni Luo Feng, di ba?"

"Oo. Bakit naman?" tugon ni Zhang Hao Bai habang tumatango.

"Hmph. Ano?!" malamig na sinabi ni Zhou Hua Yang habang nangugutya, "Iyang Luo Feng na yan na gustong gusto mong patayin, isa siyang prospective fighter!"

"Prospective fighter?" Naging blanko ang utak ni Zhang Hao Bai ng ilang sandali.

Tumahimik ang buong kuwarto sa mga ilang sandaling iyon. Namumutla ang mukha ni Zhang Hao Bai habang siya'y nakaupo na tila istatuwa; tumutulo ang kanyang pawis mula sa kanyang noo.

Biglang natawa si Zhou Hua Yang habang dahan dahan niyang ininom ang kanyang tsaa, di umiimik.

"P-P-Paano 'to nangyari?" Nawala ang nararamdamang inggit ni Zhang Hao Bai kay Luo Feng. Ang natitira na lang sa kanya ay takot! Mayaman ang kanyang pamilya, kaya klaro ang pagkakaalam niya sa mga pribilehiyo ng prospective fighters...Dahil lang sa pagnanasa niyang mabali ang mga braso at binti ng isang prospective fighter, pwedeng pumunta ang prospective fighter sa security agency ng Jiang-Nan City at ipakulong siya!

At kung nangyari yun, tiyak na masisira na ng tuluyan ang buhay niya!

"Hindi…hindi yan pwede..." maputlang maputla ang mukha ni Zhang Hao Bai.

"At ngayon ka lang natakot?" sabi ni Zhang Hua Yang. Galit niyang hinampas ang lamesa at sumigaw, "Bwiset! Kung gusto mo na talagang mamatay, wag ka naman mandamay ng ibang tao! Inutusan mo ako na baliin ko yung mga braso at binti ang isang prospective fighter? Kung nagreport iyon sa security agency, sigurado ako na katapusan ko na rin!"

Galit na kiniskis ni Zhou Hua Yang ang kanyang mga ngipin pagkatapos niya itong sabihin.

"Kuya Zhou, ano na gagawin ko? Ano na ba gagawin ko?!" tanong ni Zhang Hao Bai "A-A-Ayokong mahuli at makulong sa security agency...parang awa niyo na, ano ba gagawin ko?!"

Ang security agency…

Para sa mga mamamayan na nakatira sa siyudad, isa itong kinakatakutang lugar na punum-puno ng kababalaghan. Kung nahuli ka nila, isipin mo na lang na tapos na ang iyong buhay.

"Muntikan ko na palang makalimutan, Kuya Zhou, inano mo ba ako, uh...binanggit sa kanila?" tanong ni Zhang Hao Bai. Kung ang alam lang ni Zhou Hua Yang ay si Zhang Hao Bai ang nagrequest sa kanya na gawin 'to, may pag-asa pa siya kung di siya binanggit.

"Walang hiya ka talaga, ano ba naiisip mo ha?!" galit na sinabi ni Zhou Hua Yang nang tumayo siya at itinuro ang kanyang hintuturo kay Zhang Hao Bai, "Tinanong ako nang tinanong ng mga imbestigador at di ko pa babanggitin ang pangalan mo? Kung di ko binanggit, edi ako yung mamamatay!"

Nanigas ang buong katawan ni Zhang Hao Bai.

Kung hindi nga sinabi ni Zhou Hua Yang ang totoo, makakaharap siya ng mas malaking problema.

"Pumunta lang ako dito dahil sa tagal ng pinagsamahan natin. At least alam mo na kung ano ang mangyayari sa'yo kung nahuli ka na ng security agency," singhal ni Zhou Hua Yang, "Sasabihin ko lang ito ng isang beses, umuwi ka na at sabihin mo 'to sa tatay mo. Mas marami ang kanyang mga koneksyon kaya mas malaki ang posibilidad na may magawa pa siya kumpara sa'yo. Kuya...ang iyong kaibigan na si Zhou ay di na magpapatagal dito kaya mauuna na ako! Nabayaran ko na yung bill kaya di mo na kailangan magbayad."

Pagkatapos niya magsalita ay binukas ni Zhou Hua Yang ang pinto at naglakad palabas.

Si Zhang Hao Bai ang natitira na lang sa kuwarto.

"Paano 'to nangyari?" tanong ni Zhang Hao Bai sa sarili niya sa dahilan na di pa siya naniniwala sa mga nangyayari ngayon, "Paano? Paano siya naging prospective fighter?! Bago magsimula yung high school exams, mayroon pa lang siyang fist strength na 800 kg. Paano niya iyon napataas sa loob ng ilang araw? Paano siya naging prospective fighter?"

"Hindi...hindi...ayaw kong mahuli ng security agency…"

"Daddy…kailangan kong hanapin si Daddy!"

Mabilis na tumakbo si Zhang Hao Bai palabas ng tea house para makadating sa bahay niya ng mabilis.

������������

Sa tahanan nila Zhang Hao Bai.

Umupo si Zhang Hao Bai sa sofa ng kanilang sala habang nakasara ang kanyang kamao at nanginginig ang kanyang katawan.

[KA!] Binukas ang pinto.

"Anong nangyari sa'yo na napatawag ka sa akin na pumunta dito asap? May sinabi ka rin na kung late ako, patay ka na?" Mabilis na tumakbo si Zhang Ze Ling pauwi galing sa kanilang kompanya. Bigla siyang nagkagoosebumps nang maisip niya, 'Patay tayo dito. Mukhang nasama sa malaking gulo 'tong anak ko ah."

"Daddy, patay ako." tiningnan ni Zhang Hao Bai sa mata ng diretso ang kanyang tatay.

Nang marinig niya ang mga salitang—Patay ako...

Nanlamig ang puso ni Zhang Ze Long.

"Sabihin mo sa akin kung ano ang nangyari. Sabihin mo lahat at huwag na huwag kang magtatago ng kahit ano. Ayusin mo rin ang pagsasalita mo," seryosong sabi ni Zhang Ze Long. Kahit na alam niya na nasa gitna ng isang malaking problema ang anak niya ay hindi pa rin siya nagpapanic. Isa siyang survivor ng Grand Nirvana Period, ano pa ba yung mga bagay na di niya nakikita?

Huminga ng malalim si Zhang Hao Bai: "Ganito po kasi iyon, noong isang araw po kasi, may pumasok na remodeling company na nagmove ng mga furniture natin…"

Kinuwento ni Zhang Hao Bai ang lahat mula sa simula hanggang dulo ng walang tinatago na kahit ano.

"S-Sinubukan mo talagang bugbugin ang isang prospective fighter?" tanong ni Zhang Ze Long habang nakatitig kay Zhang Hao Bai.

"H-Hindi ko po nalaman noon..." Nagpanic si Zhang Hao Bai nang makita niya ang titig ng kanyang ama, "Kung alam ko po iyon, kahit na gulpihin niyo po ako, hinding hindi ko po iyon gagawin!"

Huminga ng malalim si Zhang Ze Long, at kinuha niya ang kanyang cellphone ng di umiimik.

[BEEP~~ BEEP~~]

[BEEP!]

Nanggaling yung tunog mula sa cellphone ni Zhang Ze Long. Dahil doon ay hindi mapigilang sumimangot si Zhang Ze Long.

"Ano pong nangyari Daddy?" tanong ni Zhang Hao Bai.

"Tinawagan ko yung tito mo, pero umalis siya ng siyudad para manghuli ng halimaw," sabi ni Zhang Ze Long habang umuupo sa sofa, "Hintayin muna natin yung tito mo na tumawag sa'tin."

Sa labas ng siyudad, walang nakakaalam kung saan nakatago ang mga halimaw.

Usually, maghahanap muna yung mga fighters ng ligtas na lugar bago makapagcontact ng tao sa loob ng siyudad.

Makalipas ang ilang sandali---

"Kuya, ano problema?" sabi ng isang mahinang boses sa cellphone. "Medyo busy kasi ako ngayon eh."

"Hay...may malaking problema tayo. Nasali sa isang malaking gulo yang pamangkin mo," sagot ni Zhang Ze Long habang namumula ang kaniyang mga mata.

"Anong ginawa ni Hao Bai? Sabihin mo sa'kin kuya, nakikinig ako" nanggaling yung boses mula sa kapatid ni Zhang Ze Long na si 'Zhang Ze Hu'.

"Ganito kasi iyon," mabilis na inulit ni Zhang Ze Long ang lahat ng ikinuwento ng kanyang anak sa kanya.

Matapos ang ilang sandali ay nagsalita ulit si Zhang Ze Hu: "Hay...Hao Bai, nakipagaway ka pa sa isang prospectice fighter. Gusto mo na talagang mamatay ano! Sige, mula ngayon ay bawal ka nang lumabas ng bahay Hao Bai. Huwag ka na ring makisama sa ibang problema. At huwag na huwag kang lalapit sa Luo Feng na iyon."

"Opo tito," sabi ni Zhang Hao Bai na parang ito na lang ang kanyang pag-asa.

"Sige, wag muna kayo manggulo," sabi ng boses sa kabilang linya ng cellphone "Hintayin niyo muna akong makabalik diyan. Kahit na pumunta ang security agency para hulihin ka, wala kang gagawin. Hintayin niyo akong makabalik kahit anong mangyari. Napakaimportante ng misyon ko ngayon kaya kinakailangan ko pa ng mga isa o dalawa pang buwan bago ako makabalik diyan."

"Sige po," sagot ni Zhang Hao Bai.

"Huwag kang mag-alala Hao Bai! Ikaw ang nagiisang anak ng kuya ko kaya gagawin ko ang lahat para maprotektahan ka," patuloy na sinabi ng boses sa kabilang linya, "Kuya, tinatawag na ako ng captain, kaya wala na akong masasabi kundi wag kayo magulo at hintayin niyo na lang akong makarating."

Natapos ang tawag. Ngayon lang nakahinga sila Zhang Ze Long at Zhang Hao Bai ng maluwag.

������������

Habang natataranta sa takot ang pamilya ng mga Zhang, puno naman ng kaligayahan ang pamilya ng mga Luo sa paglaya ni Luo Feng.

Pagkatapos ng hapunan.

Isinama ni Luo Feng ang kanyang kapatid na si Luo Hua pababa habang itinutulak niya ang wheelchair.

"Kuya, mahigit sampung taon na tayong nakatira dito, mahigit dalawampung taon naman kela mama at papa," itinaas ni Luo Hua ang kaniyang ulo at tiningnan ang apartment. Siksik na siksik ang loob ng apartment at kunti lang ang nakikitang halaman. "Pagkatapos nating lumipat sa Ming-Yue area, gusto kong lumabas at maglakad mag-isa."

Ang pagakyat at pagbaba mula sa hagdan ay isang napakahirap na gawain para sa may kapansanan na si Luo Hua.

"Sige," napangiti si Luo Feng. "Hua, makakapagbilad na tayo sa ilalim ng araw, saka makakaalis na tayo sa maliit na kwartong iyon. Di na rin kailangang matulog sa sofa sila mama at papa."

Tumango si Luo Hua.

Hinintay nila ng napakatagal ang araw na ito.

"May paparating," itinaas ni Luo Hua ang kaniyang ulo at napansin niya ang isang teenager na nakasalamin na papunta sa kanila habang nakangiti. Unang siyang ngumiti kay Luo Hua at pagkatapos ay tumingin siya kay Luo Feng, "Kuya Luo, tama?"

"Sino ka?" tanong ni Luo Feng habang nakatitig sa teenager.

Sumagot ang teenager ng nakangiti; "Kamusta, Kuya Luo. Ako si Zhou Hua Yang! May oras po ba kayo para makapaghanap tayo ng lugar para mag-usap?"