20 Ang Napakadilim na Golden Ball

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Walang ni isang ilaw ang nakabukas sa kuwartong iyon.

Sa loob nito, nakaupo sa isang sofa ang hindi mapakaling si Luo Feng "Napakalakas ng kapangyarihang ito. Ang isang regular na pisto ay kaya lamang makapagiwan ng marka sa isang malaking batong ito. Pero noong ginamit ko na ang ginawa kong karayom, madali kong nawasak ang artipisyal na bundok na iyon. Sa madaling salita, ang lakas ng aking karayom ay mas malakas ng sampu hanggang daang beses kaysa sa isang regular na pistol!"

Sa digmaan sa pagitan ng mga tao at mga halimaw na tumagal na ng ilang dosenang taon, hinding hindi kayang manalo ng sangkatauhan dahil sobrang lakas ng mga halimaw na kinakaharap nila.

Mayroong mahihina at malalakas na mga halimaw sa kanilang panig.

Kayang kaya kahit na ng mga mahihinang klase ng halimaw na salagin ang mga bala na nanggagaling sa isang pistol. Kahit na ang pinakamahinang fighter ay kayang sumalag ng mga bala nito gamit lamang ang kanilang mga muscles. Pero kahit na ang mga military grade weapons ay hindi uubra sa malalakas na uri ng halimaw. Kaya lamang silang masaktan sa pamamagitan ng mga heavy class sniper rifles, heavy machine guns na may malalaking barrel, mga machine guns na may sobrang tataas na fire rate, mga kanyon at iba pa!

Siyempre ang mga halimaw na gaya ng 'Black Crowned Eagle' na nabibilang sa mga top monsters ay hindi manlang malalagasan ng ni isang balahibo kahit tapatan pa ito ng 20mm Fire-god cannon! Ang ganitong klase ng mga halimaw ang tunay na mga katakot takot na nilalang.

"Hindi ako makapaniwalang mayroon akong telekinesis pero hindi kaya…." Natigilan sandali si Luo Feng nang maisip niya na "Isa itong uri ng 'spiritual force' ng mga spirit readers?"

Walang gaanong alam si Luo Feng pagdating sa mga spirit readers.

Bukod sa mangilan ngilang basic information kaugnay sa mga ito. Napakamakapangyarihang uri ng mga fighters ang mga spirit readers na nagsasanay din ng kanilang mga genetic energy! Pero hindi lang ang kanilang genetic energy ang sinasanay nila, sinasanay din nila ang pangalawa nilang lakas—ang telekenesis�� Tinatawag ng marami ang telekinesis bilang 'spiritual force'.

"Pero kailangan ko pa ring tingnan mamaya kung isa ba talaga itong uri ng spiritual force" isip ni Luo Feng.

Isang spirit reader pa lang ang nakikita niya sa buong buhay niya.

At iyon ay ang misteryosong lalaki na nakasuot ng black robe na tinawag ng punongguro na si 'Wu Tong' bilang captain sa Limit Hall ng Yang Zhou City.

"Napakalakas ng karayom na iyon pero wala pa rin itong binatbat kung gagamitin ko ito laban sa isang black crowned eagle. Ang natatanging nakakapagpatalo lang sa kanila ay ang mga high intensity laser cannon o hindi kaya ay mga nuclear weapons" Malinaw kay Luo Feng na kahit kamangha mangha ang kaniyang bagong kapangyarihan ay mayroon pa ring mas malalakas na mga halimaw na mas malakas sa kaniya ng libo libong beses o higit pa!

Ayon sa internet, ang pinakamalakas na fighter ang nakapatay sa black crowned eagle---

Ang bilis niya ay lumagpas sa speed of sound! Kaya niyang hatiin ang black crowned eagle sa dalawa sa pamamagitan lamang ng isang kutsilyo! At ang isang sipa nito ay kayang makapagpabagsak ng isang six story apartment!

Ito ang pinakamalakas na tao sa lahat ng mga fighters.

"Ang pinakamalakas na fighter na si 'Hong' at ang pangalawa sa pinakamalakas na si 'Thunder God' ay pantay na kinikilala ng limang malalaking bansa!" buntong hininga ni Luo Feng. Para ituring na kapantay ng isang fighter ang isang bansa, obvious na obvious naman ang hindi mapapantayang lakas ng mga ito.

"Kahit na ang karayom ko ay hindi manlang makakalapit sa mga katawan nila" paalala ni Luo Feng sa kaniyang sarili: Kahit na napakalakas na niya para sa nakararami, sadyang may mga tao pa ring mas malakas kaysa sa kaniya.

Kaya lagi niyang pinaaalalahanan ang sarili niya ng ganito…..

Ang mga taong iyon ay sadyang napakalakas sa pang intindi ni Luo Feng. Pero sapat na ang kapangyarihan at lakas niya sa ngayon para mailagay ang kaniyang pamilya sa magandang buhay.

"Pagbutihin mo pa!"

.....

"Bata pa naman ako kaya malaki pa ang tiyansa ko na mapabilang sa mga pinakamalalakas na mga fighters balang araw" sabi ni Luo Feng na punong puno ng pananabik

…..

Gising na gising si Luo Feng sa loob ng madilim na kuwarto na iyon. Sa sobrang pananabik niya ay hindi na niya magawang makatulog.

"Bahala na, masyadong gising na gising ang diwa ko kaya hindi ako makatulog. Dahil diyan ay magsasanay na lang ako ng aking genetic energy." Ginawa na ni Luo Feng ang Wu Xin Xiang Tian position, isinara ang kaniyang mga mata at nagsimulang magsanay.

Mayroon nang genetic energy ang dumadaloy sa kaniyang katawan dahil sa pagsasanay niya noong nakaraan.

Kaya napakadali na para sa kaniya na maramdaman ang energy na pumapasok sa kaniyang katawan.

Dumaloy ang energy mula sa kaniyang talampakan, palad at sa artery ng kaniyang ulo. "Mukhang mas mabilis ang absorption rate ng katawan ko ngayon kaysa noong una" At patuloy na dumaloy ang genetic energy papunta sa kaniyang mga cell. Nang makarating ito ay agad itong kinain ng kaniyang mga cell at nagsimulang magpalakas.

At sa pamamagitan ng mitochondrial conversion, ang energy na ito ay mabilis na naging genetic energy.

"Huh? Ang ulo ko….." Nararamdaman ni Luo Feng na napakaraming energy ang nagpunta at naipon sa kaniyang utak.

[HONG!]

Pagkatapos niyang makaramdam ng kaunting pagyanig sa kaniyang kaluluwa ay napansin niya na ang diwa niya ay napunta sa isang napakamisteryosong lugar.

Walang ni isang pader o hangganan ang misteryosong lugar na ito, isa lang itong walang katapusang fog. At sa loob nito, maaninag ang isang napakadilim na golden ball. Para itong isang bituin na nagpapaikot sa kaniyang sarili at naglalabas ng walang katapusang fog. Habang tumatagal ay makapal ng pakapal ang fog sa lugar na iyon.

"Ang na ito ba…. Ito ba ay isang uri ng spiritual force?" Madaling naramdaman ni Luo Feng ang enerhiya na nanggagaling sa fog; ito ang kaniyang spiritual force na ginagamit niya para kumontrol ng mga bagay bagay.

"Kasabay nito--"

Nakakita si Luo Feng ng isang klase ng misteryosong enerhiya na dumadaloy sa misteryosong lugar na ito; Mabilis din itong kumalat gaya ng energy na nararamdaman niyang nanggagaling sa fog. Nararamdaman niya na ang transparent energy na ito ay walang iba kundi ang cosmic energy.

"Ang fog na ito ay ang spiritual force habang ang transparent energy na ito naman ay ang cosmic energy. Ang cosmic energy ay sumasama sa aking spiritual energy at lumilikha ng isang spiritual force. At ang aking spiritual force ay nanggagaling sa aking utak" gulat na gulat na sabi ni Luo Feng "Itong lugar na ito ang aking utak? O ang aking conscious realm?"

Ang conscious realm ay ang natataging gamit ng mga special title fighters sa kanilang isipan.

"Pero bakit mayroong isang napakadilim na bolang kulay gold ang nasa gitna ng aking conscious realm?" Napansin ni Luo Feng ang tuloy tuloy na pagikot ng madilim na golden ball habang walang tigil itong naglalabas ng fog (spiritual force). Kasabay ng paglalabas nito ng spiritual force ay ang pagiging komportable ng kaniyang isipan.

"Ang madilim na golden ball na ito siguro ang dahilan ng pagkakacoma ko." Isip ni Luo Feng sa kaniyang sarili

"Ang isang madilim na golden ball na ito ang naglalabas ng lahat ng aking spiritual force?"

"Noong nakaraan lang ay wala pa akong kahit na anong uri ng spiritual force maliban noong huling nacoma ako" Isip ni Luo Feng "At ngayong nasa coma ko na ito, ang napakadilim na golden ball na ito ay nagpakawala ng napakaraming spiritual force. At hindi lang nito ako binigyan ng lakas ng telekinesis, napalakas din nito ng husto ang katawan ko"

Malakas na ng kaniyang pangangatawan pero wala pa rin ito kung ikukumpara sa telekinesis.

"Tama"

"Naalala ko noong inaatake ako ng mga bilanggo noon, mayroong isa na nagbato ng kutsilyo sa akin. Pero nagbago ang direksyon nito noong malapit na itong tumama sa braso ko. Sa tingin ko ay dahil ito sa aking spiritual force" Mabilis na nalaman ni Luo Feng ang kasagutan sa misteryosong pangyayari na iyon ngayon.

Walang duda na nagpakawala ng napakalaking bilang ng spiritual force ang napakadilim na golden ball na iyon noong siya ay nasa coma na iyon.

Pero noong simulant ni Luo Feng na sanayin ang kaniyang genetic energy sa unang gabi niya sa kulungan, ang cosmic energy na nakuha niya ay nagsimula ng mga pagbabagong ito sa kaniyang conscious realm. At kahit na hindi nangyari ang pagbato sa kaniya ng kutsiyo, ang madilim na golden ball ay magpapatuloy pa rin sa paglalabas nito ng napakalaking bilang ng spiritual force. Kinalaunan ay binigyan siya nito ng kakayanan ng magtelekinesis.

Napaaga lamang ito noong mangyari ang pambabato sa kaniya ng kutsilyo.

"Malaki ang tiyansa na ang madilim na golden ball na ito ang dahilan ng hindi maipaliwanag na pagkakacoma ko noon. At ngayon na naglalabas na ito ng spiritual force ay hindi na siguro ako babalik sa pagkakacoma sa susunod" Naisip ni Luo Feng na ang madilim na golden ball na iyon ay parang isang dam na pumipigil sa pagdaloy ng tubig. Ang tubig na ito ay ang kaniyang spiritual force.

At dahil dito ay nakakaranas si Luo Feng ng pananakit ng ulo araw araw. At ngayon na bumukas na ang daluyan ng tubig ay wala ng magiging problema pa sa susunod.

������������

Pagsikat ng araw noong ikalawang araw, noong lumabas na si Luo Feng sa kaniyang kuwarto at bumaba ay napansin niya mayroong isang tao ang nakaupo sa lobby.

"Magandang Umaga Mr. Luo Feng" nakangiting bati ng isang lalaki na nakasuot ng military uniform matapos nitong tumayo sa kaniyang kinauupuan.

"Hello" nagdududang sagot ni Luo Feng "Nasaan ako ngayon at paano ako napunta dito? At saka hindi ko matandaang nagkita na tayo noon"

Nakangiting sinabi ng military officer na "hayaan mo akong magpakilala sa iyo Mr. Feng. Ako nga pala si Tong An ng Zhi-An Regional Jail. Ito ang aking military recuperation area. Hindi ako makapaniwalang nakapasa kayo sa prospective fighter exam Mr. Feng. Siyempre po ay walang kaming karapatan na ikulog kayo rito. Kaya maaari na po kayong makauwi Mr. Feng"

"Puwede na akong makauwi ngayon?" nakatangong tanong ni Luo Feng

Hindi na rito nagulat si Luo Feng dahil sa dami ng nabugbog niyang mga bilanggo at nasirang mga lamesa at upuan. Natural na madaling malalaman ng mga taong ito ang tunay niyang lakas.

"Gusto kong itanong kung sino nga ba ang nasa likod ng lahat ng ito?" nakasimangot na tanong ni Luo Feng.

Nagdalawang isip ang military officer dito.

"Kung hindi makakasagot ang kulungan mo ay kokontakin ko agad ang dojo of limits sa security agency ng Jiang-Nan city para malaman ang lahat" sabi ni Luo Feng. At kung lalabas ang issung ito na may isang prospective fighter ang nakulong at kinuyog ng mga bilanggo at sinubukan pa ng mga humahawak sa kulungang iyon na itago ang mga salarin.

Nakasisigurong magkakaroon ng malaking problema ang mga matataas na opisyal ng kulungang iyon.

Tumatawang sagot ng military officer "Huwag po kayong magmadali Mr. Feng. Ganito lang po iyon. Ayon po sa aming imbestigasyon, ang gang leader na si 'Zhou Hua Yang' ang nag organisa ng pagatakeng ito. Sinasabi nila na gusto nilang baliin ang braso at binti niyo Mr. Feng"

"Talaga?" nakasimangot na sagot ni Luo Feng "Gusto nilang baliin ang braso at binti ko? Ganoon sila kawalang awa na iligpit ako? Hindi ako kumbinsido na si Zhou Hua Yang ang may pakana ng lahat ng iyo"

Sumagot naman ang military officer: "Nainterrogate na po namin si Zhou Hua Yang. Isang teenager na nagngangalang Zhang Hao Bai ang nagutos sa kaniyang gawin ito"

"Si Zhang Hao Bai?"

Biglang nanlamig ang mga titig ni Luo Feng "Hindi talaga madala dala yung lokong iyon!"

"Hindi nga po talaga" nakangiting sagot ng military officer "Puwede kang pumunta sa security agency ng Jiang-Nan city para maipakulong si Zhang Hao Bai. Siya ang mastermind sa pagtatangkang saktan ang isang prospective fighter, Maituturing ito bilang isang mabigat na kaso! Normal lang ang pagkakakulong sa loob ng 20 taon"

"Paumanhin po sa pagsagot ko po sa inyo pero ang uncle po ni Zhang Hao Bai ay isa rin pong fighter!" sabi ng military officer "Puwede niyo pong ilubog sa kahihiyan ang uncle ni Zhang Hao Bai sa pamamagitan ng pagpapakulong sa pamangkin niya sa security agency…. Dahil ang security agency ang responsible sa lahat ng bagay tungkol sa isang fighter at may hindi mapapantayang impluwensya. Hindi kayang maimpluwensyahan ng uncle ni Zhang Hao Bai ang security agency sa kahit anong paraan."

"Puwede mo rin piliin na makaaway ang kaniyang uncle at kalabanin si Zhang Hao Bai"

"Puwede ka ring makipagkasundo sa kanila ng pribado at singilin sila sa malaking halaga. Ang lahat ng ito ay nasasaiyo Luo Feng" nakangiting sabi ng military officer "Iyon lang ang masasabi ko. Ang lahat ng mga gamit mo ay nandirito na rin Mr, Feng"

Tumango si Luo Feng.

Ang makipagkasundo sa kanila para magbayad ng napakalaking halaga? O harapin sila kahit na anong mang mangyari?

"Hello pa" sabi ni Luo Feng sa cellphone habang kausap niya ang kaniyang ama "Nakalabas na po ako ng kulungan, maya maya po ay nandiyan na po ako para sa almusal! Huwag po kayo kayong magalala pa napakalakas na po ng anak niyo ngayon kaya wala na pong magiging problema."

avataravatar
Next chapter