"Bakit ka nga pala umalis kanina? 'Di ka sumabay sa amin sa pagkain." Komento ko.
Pauwi na kami. Napag-alaman kong nakauwi na rin sa bahay ang tatlong Maria. Mabuti naman at 'di hinahanap ni Ori si Ximi. Nalibang daw ito nang pumunta sila sa Kampo Juan. Napagod at nakatulog.
Hindi umimik si Ximi. His jaw was clenched at napahigpit ang hawak niya sa manubela. Hinawakan ko ang braso niya, dahilan para lingunin niya ako saglit. Kita ko sa mata niya ang halo halong emosyon.
"You're right, Ximi." I said at binaba ang kamay ko. Muli siyang sumulyap sa akin. "I don't know if they are pretending or they just don't care about you."
"What do you mean?" Seryoso niyang tanong. Nandilim ang kanyang mata.
"They want me to work with Raven. I told them I should work with you dahil mas kilala kita."
"And what made you think that?" Mariin niyang sagot.
Napalunok ako. He was angry, I can say. Sa tono ng pananalita niya, madilim iyon. Nakaramdam ako bigla ng takot.
"O-Of course," I trailed off. Natakot akong magsalita. Kinilabutan ako while thinking he would burst in anger.
Tumahimik na ako at bumaling sa labas. Natatakot ako sa kanya. 'Di ko pa naman kabisado ang side niyang nagagalit. Paano kung bigla bigla nalang siyang mananakit?
I heard his heavy sigh at maya maya ay naramdaman ko ang kamay niyang nakapatong sa kamay kong nasa hita.
"I'm sorry, Luca." Malumanay niyang wika. "Can we not talk about him and the plantation?"
Nilingon ko siya and saw a glimpse of sinking hope. I was hurting again. And maybe he was, too. Maybe he was crying deep inside, too.
"O-Okay," tanging sabi ko. I felt guilty. 'Di ko naman alam na marupok siya sa ganitong usapin.
We drove home. Tahimik lang kami buong biyahe but I guessed it was good. Mas mabuti nang tahimik lang ako para walang masabing nakakasakit sa kanya.
Sabay kaming lumabas nang nakaparada na ang sasakyan sa loob. Pagkalabas namin ay sumalubong sa amin si Ori na tuwang tuwa nang makita si Ximi.
"Dada!" Tawag niya. Excited na excited.
"Baby!" Kinarga ni Ximi ang bata. Niyakap naman siya kaagad nito. "I thought you were sleeping?"
"Elliana!" She said at may tinuturo sa loob ng bahay. Napatingin naman sa akin si Ximi. Ewan ko pero kita sa mukha niya na nagulat siya at kinabahan at the same time.
Who was that girl again?
"May problema ba?" Tanong ko sa kanya. Saglit siyang nakatingin sa akin bago umiling.
"Let's go inside." Aniya at naunang maglakad papasok ng kanilang bahay.
Sumunod ako sa kanila. I suddenly felt my tired body. Kaya naman imbes na tumungo sa sala ay dumiretso ako sa kwarto ko. I wanted to sleep. Busog pa naman ako kaya walang problema iyon.
I locked myself inside. Nakakapagod ang araw na ito. Umupo ako sa sofa at nagtanggal ng suot sa paa. Ganoon na lamang ang pagdaing ko nang naging presko sa pakiramdam ang pagtanggal nito.
Kinuha ko ang isang unan. I was wonderstruck when I smelled a familiar scent. Kung 'di ako nagkakamali, kay Ximi iyon. Pati pala rito ay 'di niya ako tinatantanan.
Humiga ako sa sofa at natulog. Sakit talaga ng paa ko at ng hita.
Nagising ako nang 'di ko alam ang dahilan. Bumangon ako at nagsuot ng tsinelas. Nakaramdam ako ng gutom kaya naisipan kong lumabas ng kwarto. Anong oras na kaya at mukha namang madilim na.
Tumungo ako sa kusina. Walang tao, bakit kaya? Hinanap ko 'yong malaking wall clock at napagtantong alas onse na ng gabi.
Pagkatapos kong uminom ng tubig ay naisipan kong lumabas ng bahay. Doon muna ako tatambay sa labas para makapagpahangin. Masaya roon dahil presko at tahimik ang paligid.
I sat down on a wooden chair. Apat ito at sa gitna ay may bilog na mesang gawa sa kahoy. Perpekto ang lugar na ito kung gusto mong magstargazing.
I looked up and inhaled deeply. Maraming bituin ang kumikinang sa kalangitan. The first one that caught my eyes was the rosary-like constellation.
Umihip ang malamig na hangin. I remembered when I used to stay in the pool at bigla biglang dadating si Ximi para kulitin ako. I suddenly missed that moment and wished it will happen again. Pero mukhang malabo. Baka tulog na 'yon.
I sighed. Nakakalungkot ang kwento ng buhay niya. Hindi pala siya tinuturing na pamilya ng Del Monte. Kaya siguro 'di niya masabi sa akin kung kaano ano niya si Isha. 'Yon pala'y wala silang koneksyon sa isa't isa.
Nabigla ako nang may dumating na pick up truck na kulay dilaw. Napatayo ako dahil mukhang taga rito ang drayber. I was torn between opening the gate or panonoorin ko lang 'yong kararating na tao.
Bumukas ang pinto ng sasakyan at may lumabas na pamilyar na lalaki. My breathing twitched as our eyes met unexpectedly. Saglit siyang napatitig sa akin bago binuksan ang gate nang malawak.
I walked towards him but I made sure 'di ako makakaharang sa daan. Bumalik muli siya sa loob ng sasakyan saka pinasok ito at pinarke sa bakanteng espasyo.
Pagkalabas niya ay natameme ako. Malinaw na ang kanyang itsura ngayon. He's wearing a v neck white shirt, gray sweat short at tsinelas.
"Why are you still wide awake?" Tanong niya kaagad pagkababa niya. Sinara niyang muli ang pinto ng sasakyan at tinuon ang buong atensyon sa akin.
"I should be the one to ask you that, shouldn't I? And where have you been?"
"Hinatid ko si Elliana sa kanila." He looked away, mukhang guilty.
"Sino nga ulit 'yon?"
I forgot who she was. Mukhang importante kay Ximi dahil nagawa pa niyang ihatid pauwi.
"Uhh," he trailed off. He can't look at me. "Ex ko."
"Ahh," tumango ako. Ex girlfriend niya pala si Elliana. "Sige. Pasok na ako."
Bumalik na ako sa loob. My heart was exhausted. Sabayan pa ng pagkalam ng sikmura ko.
Bumalik ako sa kusina at naghalungkat ng makakain. Nagugutom talaga ako. Nakakahiya pa naman kumain sa ganitong oras gayong 'di ko naman bahay ito. Dapat pala talaga 'di na ako pumunta rito. I felt like I was wasting my life here.
"May kanin diyan if you want to eat."
Halos mapatalon ako sa boses na iyon. Umikot ako para harapin siya na ngayo'y kaswal lang na naglalakad papunta sa akin. He placed his key on the cabinet.
"I-Ikaw?" I stammered. Nagwawala na naman ang puso ko.
"I'm still full pero sasamahan kita rito."
"Magpahinga ka nalang." Tipid akong ngumiti. Kumuha ako ng plato, kutsara at tinidor.
"I'll stay, Luca. 'Di kita iiwan dito." He insisted. Bumuntong hininga naman ako.
"Okay." Suko ko. May magagawa pa ba ako?
Tahimik lang akong kumakain while he was watching me. Nakakaconscious ng itsura. Bakit ba kasi nakaupo siya sa harap ko?
"You should have rested na, Ximi." Sabi ko. "'Di naman ako mawawala rito."
Parang OA naman pakinggan kung babantayan niya ako rito. As if nanakawin ako. Sino naman ang magkakainteres sa akin gayong 'di nga ako gusto ng gusto ko?
"Here we go again." Umirap siya. Humalukipkip siya at prenteng sumandal sa upuan. "Just eat, Luca. Tapusin mo na 'yan para makapagpahinga ka na."
"Kagigising ko lang." Untag ko.
"Then sleep again. Is that even hard to do?"
Napaawang ang labi ko sa inasta niya. Ano ba't nagsusungit na naman ang lalaking 'to?
"Nag-away na naman ba kayo ni Patricia at ganyan ka makaasta sa 'kin ngayon?"
Problema ng kumag na 'to?
He glared at me. Pinagsalubungan ko naman siya ng mata. Nakikipagkompetensya siya sa akin kaya 'di ako magpapatalo!
"What's with Patricia again, Luca?" Magkasalubong ang kanyang kilay. 'Di ko alam kung naiinis ba siya o ganoon lang siya kung magtanong.
"Ang sungit mo kasi. I just thought 'di kayo okay." I explained.
Tama naman ako. Baka nagsusungit na naman siya kasi magkaaway sila ni Patricia. Bad influence talaga ang babaeng iyon.
Tumawa siya nang mahina. Why did he look so good at this moment?
"Patricia's out of this, Luca." Ngumisi siya. "Ang kulit mo kasi. I told you dito lang ako."
"You'll stay here until morning?" Inosente kong tanong.
"What?" Tumawa siya nang malakas like I was really a dumb. Konti nalang at maiinis na ako sa lalaking 'to. 'Di naman kasi nagsasabi anong problema niya. "Of course I won't, Luca. Ano ba namang pag-iisip 'yan?"
"Fine," I rolled my eyes at him. Tinapos ko nalang ang pagkain ko.
Kung alam niya lang na nagwawala ang puso ko, will he avoid me?
"I was just asking. You really love making fun of me, don't you?"
"'Cause you're so cute when you're innocent." Nakangisi niyang sabi.
"Anong inosente roon, Ximi? 'Di kasi kita gets."
Parang baliw kausap 'tong kumag na 'to. Mas matino pa siguro ang mga baliw kausap kesa sa kanya.
"Wala," aniya na parang ayaw nalang pag-usapan. "Tapusin mo na 'yan saka na tayo matulog."
Naubo ako sa sinabi niya. Nasamid ako sa kinakain kong kanin. Uminom kaagad ako ng tubig.
"Wala naman sigurong malisya sa sinabi ko?" Painosente niyang tanong.
"E-Ewan ko sa 'yo." Nauubo pa rin ako. "Ito na. Patapos na."
Tinapos ko na ang huling ulam saka ako tumayo para hugasan iyon. Sinali ko na rin ang iba pang kubyertos.
Matapos kong maghugas ay nilingon ko si Ximi na mukhang kanina pa nanonood sa akin.
"Bakit?" I asked in curiosity.
"Nothing," he shrugged. "Masama bang tumingin sa'yo?"
"Bakit? Crush mo ba ako?" I joked and I knew my heart just beat faster. Adik naman kasi, Luca!
"Why would I like someone who doesn't like me?"
My breathing hitched. What if I'll tell him I actually liked him so much?
"Gusto naman kita, ah?" Mahina kong sabi at umalis sa harap niya. Tinungo ko na ang kwarto ko. Nakaramdam ako ng antok nang nabusog ako.
"What did you just say?" Tanong ng lalaki kasabay ng paghila sa kamay ko at pag-ikot sa akin. Pinaharap niya ako sa kanya.
Napalunok ako. Abot na sa lalamunan ko ang lakas ng tibok ng puso ko. Nakakapanghina lalo na't may kung anong nagwawala sa tiyan ko. 'Di naman ako gutom?
"H-Huh? W-Wala." Nagpumiglas ako sa kanya pero masyado siyang malakas para magtagumpay ako.
"Do you also like me, Luca?" He asked, staring into my eyes. Malakas ang kompiyansa niyang "oo" ang sagot ko.
"O-Oo. H-Hindi. No." Umiling ako. Mali talaga 'to, Luca.
Ayaw kong masaktan si Patricia. Ayaw ko rin namang malilito si Ximi kung sino talaga ang gusto niya. Saka ano naman kung gusto ko siya? Wala na sa kanya 'yon!
"I don't like you, Ximi." Sabi ko at binawi ko ang kamay ko. "If I do, wala ka na roon."
Umikot ako at tinalikuran siya. Nakakapanghinayang but I didn't want to intrude. Ayaw kong maging dahilan kung bakit masasaktan si Patricia. Kaibigan ko 'yon kaya ayaw kong isipin niyang pinagsamantalaan ko ang pagkakataong wala siya sa tabi ni Ximi.
I locked myself inside my room. I was whimpering. It was my first time to do this because of love. Bobo na kung bobo but I really didn't want to take a risk. Saka na kung nakakasiguro na akong mahal ko na siya. Sa ngayon, baka gusto ko lang 'yong mga ginagawa niya sa akin. Baka nanibago lang ako.
Kinaumagahan ay maaga akong gumising para makaligo at magpalit ng panlakad na damit. Ang sabi sa akin ng dalawang matanda ay pupunta ako sa plantation with Raven. I didn't want to be rude kaya sumang-ayon nalang ako. Isa pa, pagod ako sa mga oras na 'yon.
I took my breakfast with Abi and Ori. Wala na 'yong mga magulang nila. 'Di ko na rin tinanong kung nasaan si Ximi. Baka abala iyon. Isa pa, magugulo na naman ang isip ko kapag kasama ko siya.
"Malapit na siya, hija. Pasensya na kung medyo natagalan." Pagpaumanhin ni Donya Imelda na ngayo'y nakaupo sa kanyang office chair. Wala rito ang kanyang asawa at 'di ko na rin tinanong kung bakit.
"Ayos lang po." Sabi ko.
Nasa loob kami ng office while waiting for Raven to show up here. Naisip ko lang na kung si Ximi iyon, baka kanina pa kami naglibot sa malawak na planta. Baka kanina pa ako nageenjoy sa tanawin but now, I don't think I have the energy to room around. Nakakapanghina dahil walang aroganteng Ximi ang nandito.
Bumukas ang pinto kaya nabasag ang imahinasyon ko. We both looked at the man who just showed up.
He's a dark-haired man. No doubt bakit Raven ang kaniyang pangalan. He looked so powerful but gentleman in his black polo, dark jeans and brown leather shoes. Mukha siyang approachable sa unang tingin. Iyong taong walang kaaway.
"Good morning, La. I'm sorry I came late." He said at nagmano sa matanda. "May inasikaso lang."
"It's fine, apo." Donya Imelda chortled. Halata sa kilos niya na gustong gusto niya ang kanyang tunay na apo. Malayo ito sa kung paano niya tignan si Ximi. "Meet Luca Nadella."
Tumayo ako para maharap si Raven. He looked at me and plastered a friendly smile.
"Pleased to meet you, Luca Nadella." He greeted and held my hand. Bahagya akong nagulat nang hinalikan niya ang tuktok ng kamay ko. It's how Ximi did when we first met.
"Nice to meet you, too." Sagot ko. He was staring at me while bringing down my hand. I suddenly felt uncomfortable.
"She will be your partner kung magugustuhan niyang magtrabaho rito, Raven." Balita ng donya. Pareho namin siyang binalingan but still Raven had the guts to glance at me. "Would you mind to tour her around?"
"No problem, la." He said with a smile and turned to me. "I'll take care of her."
I was uncomfortable with his smiles. I knew he was just being nice to me but I can swear mas gusto ko pang makita ang aroganteng mukha ni Ximi kesa sa isang 'to.
"Good!" Galak ng donya. "Start na kayo."
I heaved a sigh silently. This man was good enough but I still wished he was Ximi.