webnovel

Chapter 33

Just like what Donya Imelda has planned, we will tour around the plantation. Dahil literal na malawak ito, sumakay kami sa isang sasakyan na tama lang para makita namin ang paligid.

Bago kami nakapasok rito ay may nadatnan kaming isang malaking pineapple figure na napapalibutan ng berdeng halaman at kulay red violet na 'di ko alam kung ano iyon. Meron ding nakalagay na "Camp Phillips" doon sa mismong bulwagan ng lugar na ito.

Napag-alaman kong ang mga trabahador nila ay may sariling bahay dito. It was provided by the company. Kompleto ang lahat dito. Wala ka ng mahihiling pa. As long as you're an active employee or officer, may karapatan kang tumira roon.

Pagkapatak ng alas sais nang umaga, umpisa na ng trabaho. Nagsusuot na ng uniporme o protective gears 'yong assigned na mag-harvest ng pinya. May malaking sasakyan na may makina para doon nilalagay ang mga preskong prutas. Dahan dahan at maingat iyon dahil sensitibo umano ang mga pinya.

"We are giving free pineapples here as much as you can eat but you're not allowed to bring them home." Aniya.

Ngayon, naglalakad kami sa kung saan. May nakikita akong iba't ibang sasakyan na depende sa kung anong gamit nila. Mayroon ding mga trabahador na makakapal ang suot, mayroon ding katamtaman lang lalo na 'yong naka-assign sa mag-aayos ng pinya sa sasakyan. Kapag puno na 'yon, ready to market na. They usually export their products in Japan kagaya nga ng sabi ni Raven.

Raven was a nice man. He was gentleman, I can say. He knew what were his responsibilities. Pero kung 'di lang sumasagi sa isip ko na bias siya ng dalawang matanda, I would have befriended him. Ayos naman talaga siya. Siguro nasa akin ang problema.

"That's nice." Tanging sabi ko. Sa totoo lang, wala akong ganang magtrabaho rito. I just didn't feel I belonged here lalo na kung wala si Ximi. He should be the one to run this business.

"If you have further questions, don't hesitate to ask me. I'm always free." He smiled at me. Tipid na ngiti naman ang isinukli ko.

After we visited the plantation ay napagdesisyunan ko ng umuwi. Naglibot pa kami sa iba't ibang lugar, most specially doon sa Clubhouse. Pagkatapos doon, I asked if he would mind if I'll go home. Mabuti at pumayag naman siya.

"Nandito ka na pala, hija?" Bungad sa akin ni Mrs. Thiana the moment she saw me walking inside the house.

"Hello po." I smiled at her. "Halos kararating ko lang."

"Nagustuhan mo ba ang planta?"

"Uhh," hindi ako nakasagot. Hindi ko alam ang sagot. "Actually, I was thinking na it could be much better if I'll work with Ximi but the old people didn't agree. Mas gusto ko po kasi si Ximi since kilala ko na siya and I saw how dedicated he is sa trabaho. 'Di ko lang alam kung bakit they keep on pushing Raven."

Napabuntong hininga ang ginang. Kita ko sa kanyang mata na nasasaktan siya para sa kanyang anak.

"Luca," she mentioned and held my hands. "You already know his story, don't you?"

My breathing hitched. Nanatili lang akong nakatingin sa ginang. 'Di ko alam kung paano ko sisimulan ang gusto kong sabihin o itanong sa kanya.

"O-Opo, tita." Sabi ko. She once again heaved a sigh at umupo sa sofa. Nakigaya na rin ako.

"Alam mo... they never accepted my son, si Maximilian. They always see him as an arrogant bastard. Of course masakit para sa akin iyon dahil anak ko si Ximi. Kahit na 'di ako tunay na Del Monte, so as my son, they should have treated him right no matter what. Pero si Cara kasi ay masyadong mapalinlang. Nilalason niya ang utak nila Mama at Papa."

"S-Sino po si Cara?" I asked.

She sighed once again. "Cara's my step sister na kapatid ni Carmella. You know her, 'di ba?"

"Opo." Sagot ko.

Tita Carmella was Isha's mother na pinsan din ni Mama.

"So it means, Cara is a Del Monte?" Pagkaklaro ko. I was trying to solve a puzzle. I was making my own judgment.

"Yes." She nodded. "Raven's mother."

"Ah." I nodded, too. That explained why Raven was the one who was handling the plantation because he was truly a Del Monte. And to think Mrs. Cara was an evil witch, nakukuha niya ang mga bagay na gusto niya.

"Kaya po pala gustong gusto ni Donya Imelda si Raven dahil totoo niyang apo." I concluded.

"You're a smart girl, hija." She smiled. Nakaramdam ako ng hiya sa komplimento niya.

"P-Puwede po bang magtanong?" I was already asking yet, I needed a permission.

"Go on, Luca." Natawa siya.

I took a deep breath. Ayokong manghimasok sa buhay nila but I was just really curious. Gusto kong malaman kung sino ang Papa ni Ximi. Maybe I can help in that way.

"S-Sino po ba ang tatay ni Ximi?" I finally asked. I bit my lower lip and prayed I didn't cross the line. I swore my heart was thumping inside!

Naglihis ng tingin si Mrs. Thiana. Sabi ko na nga ba't dapat nanahimik nalang ako, e! Kasi naman, Luca!

She breathed in once again and faced me with so much bravery.

"He's also a businessman, Luca. He is-" hindi na natapos ang kanyang linya nang may narinig kaming yabag ng paa. We both turned to the man who just came in.

I froze, didn't know what to do. Kaharap ko lang naman ang step-father ni Ximi! My breathing ragged and my heart was racing hard!

"Willson." Sambit ng ginang at tumayo. Napatayo rin ako sa sobrang kaba. Pakiramdam ko'y may nagawa akong masama sa kanya kahit wala naman talaga.

"Hello po!" I tried to sound jolly kahit parang sasabog na ang puso ko sa kaba.

"Hi, Luca. Kumusta ang paglilibot mo sa plantation?" He glanced to his wife then smiled at me again.

"Ayos naman po. Wala namang problema roon." Ngumiti rin ako.

"So, have you decided to work with Raven? He's nice naman and I can assure you walang problema sa kanya."

Nawala ang ngiting pilit sa labi ko. Siguro nga mabuting tao si Raven dahil halos lahat sila ay pinupuri ang lalaking iyon.

"Uhm, haven't yet, Mr. Abenajo. But you know, I don't really have any interest sa negosyo. I was happy working and earning on my own."

"I see," he nodded, mukhang impressed sa sinabi ko. "Basta ay gawin mo ang mga bagay na makakapagpasaya sa'yo. And always remember na wala kang inaapakang ibang tao."

"Thank you po." I smiled and turned to his wife na ngayo'y nakangiti rin sa akin na 'di kita ang ngipin.

Now I know saan nagmana si Abi. Hindi na rin masama si Mr. Willson. Sana ay ayos ang relasyon niya kay Ximi.

Pagkatapos naming mag-usap ay nagkulong muli ako sa kwarto ko. I got nothing to do. I had no phone. Kung sana ay may sketchpad man lang si Ximi at mga kagamitan sa pagguhit o pagpinta, I would have used them for leisure time.

Napabuntong hininga ako. Seriously wala akong magawa sa bahay na 'to? Nasaan na ba si Ximi? Si Ori at si Abi? Bakit wala silang tatlo rito sa bahay?

I decided to go out. Sa mga oras na 'to, gusto kong maggala. Gusto kong libutin ang buong Bukidnon but I guessed one day was not enough to do it. O gusto kong maglibot sa kung saan man ako dadalhin ng mga paa ko.

Sa huli, tumambay ako sa labas ng bahay. Dahil naiinip ako sa buhay ay napagdesisyunan kong pumunta sa kabilang bahay. To think there were dogs doon, I decided to ignore them. Gusto ko lang makita ang loob ng lumang bahay.

Bago ako makarating sa tapat ng pinto ay kailangan kong maglakad sa berdeng damuhan. Sa paligid ay may iba't ibang klase ng bulaklak. May orchids, pula at puting rosas, may santan at iba pang bulaklak na 'di ako pamilyar.

Huminga ako nang malalim. Siguro naman hindi nangangain ng buhay ang mga aso. Natanong ko kay manang kung busog na ba ang mga ito, ang sabi niya ay "oo". Ibig sabihin, less chance na umatake ang mga hayop.

Kinalas ko ang kandado sa pinto. Nagdulot iyon ng ingay nang nalaglag sa kahoy na sahig. I was afraid na baka mapagkamalan nila akong magnanakaw.

The whole place has a relic motif. May kahalintulad ito sa nakita ko roon sa Villa Imelda. Dito nga lang, light brown at maalikabok ang mga pasilidad at muwebles. Doon, halatang laging pinupunasan at kulay dark brown iyon.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto. Dahil gawa ito sa kahoy ay umingay ito. It sent chills to my bone na parang nasa horror movie lang. Gayunpaman, buo ang loob kong pumasok sa loob.

Pagkapasok ko, ang mga lumang kagamitan ang sumalubong sa akin. Ang iba ay nababalutan ng puting tela, ang iba ay nanatiling nakabalandra.

There were paintings on the wooden wall. Marami ito at mukhang pang exhibit. I suddenly wondered who made those dahil masasabi kong perpekto at detalyado ang bawat obra. Kung pagkukumparahin sa mga gawa ko, 'di ko kayang lamangan ang ni isa man lang dito.

All of them were an art but one thing caught my whole attention was a big frame with a beautiful girl painted in oil or 'yong tinatawag na "oil on canvas".

Slim nose, perpekto ang ngipin, morena at may isang biloy sa kaliwang pisngi. She has a smooth jawline. She was smiling like she's so in love. Kita sa mata niya ang kakaibang kinang na tanging pag-ibig lang ang nakakagawa. Also, there was a beautiful red flower sa kanyang tainga. Kung 'di ako nagkakamali, gumamela ito. Hawak hawak ng babae iyon na parang nilalagay sa tainga.

Pero sino kaya siya? I haven't seen her around. Mukhang 'di taga-rito o baka 'di ko lang talaga siya kilala?

Lumapit pa ako nang husto sa obra. Sa babang banda, malapit sa siko ng babae ay may signature na nandoon. It was "MMA, 2010".

Hindi kaya gawa ito ni Ximi? He's Maximilian Abenajo. 'Yon nga lang ay 'di ko alam kung anong ibig sabihin ng isa pang "M". Hindi naman siguro apelyido iyon? Baka second name?

I shook off my head, trying to divert the topic. Itinuon ko sa ibang bagay ang atensyon ko. But no matter what I did, I always ended up looking at the girl.

Maganda siya. Iyon ang una kong impresyon sa kanya. Mukha rin siyang mabait. Kung sino man siya, siguro malaki ang naging papel niya sa buhay ni Ximi. Siguro naging parte o parte siya ng buhay niya.

May narinig akong tahol ng aso na halos tumalon ako sa gulat. The barks came from somewhere far from me. Dahil nahimasmasan ako ay dali dali akong lumabas ng bahay. My knees were wobbling in fear. Nanginginig pa akong isara ang pinto.

I rushed back to the white house. Kabadong kabado ako dahil sa tahol ng aso. It sentenced me to death!

Pagpasok ko sa bahay ay nadatnan ko si manang na naka-apron. Mukhang nagluluto siya ng pagkain. Anong oras na rin naman at kakain na rin ng hapunan.

"Bakit ka namumutla, hija?" She asked. She scanned my whole body suspiciously.

"'Y-Yong aso po kasi," I gulped once. "T-Tinahulan ako."

Bigla siyang tumawa. Maybe she found my excuses funny. Pero totoo naman talaga! If I wasn't damn scared of dogs, I would have long played with them!

"Ay sus, hija." Natatawa niyang sabi. "Saan ka ba kasi galing?"

"Uhh," palinga linga ang mata ko. "Doon po sa lumang bahay."

"Bakit?" Nagpunas siya ng kamay. "Anong ginawa mo roon?" She scrunched her brows. Siguro nagtataka siya kung bakit ako nagpunta sa lumang bahay.

Bakit nga ba?

"C-Curious po kasi ako k-kung anong meron doon." I explained. Sa hiya at kaba ay utal ako magsalita.

"Usually mga paintings ni Ximi ang nandoon, Luca. Anong sa tingin mo? Magaganda ba?"

"H-Ho?" Nagulat ako. 'Di nga ako nagkamali na gawa ni Ximi iyon. Lalo na 'yong babae. "Bakit po ba nandoon lang kung puwede naman 'yong pagkakakitaan?"

"Ayaw niya, hija." Umiling siya. "Malaking bagay iyon para sa kanya. Lahat ng gawa niya ay may ibig sabihin. Ayaw niyang ibenta to keep an old memory."

Hindi kaagad ako nakasagot. Maybe that explained my curiosity. Siguro nga mahalaga kay Ximi ang babaeng nasa painting. Gusto ko sanang tanungin si manang kung sino iyon pero 'wag nalang. Siguro si Ximi nalang ang tatanungin ko.

"Sige, hija ha? May niluluto pa kasi ako." Pagpaalam niya.

"Sige po." I faked a smile. Tumango lang siya saka umalis sa harap ko. I heaved a deep breath and shook my head off.

Nang hapong iyon, umuwi na ang tatlong magkakapatid. Si Ori ay mukhang 'di nauubusan ng enerhiya sa pagiging hyper. Siguro ganoon talaga ang mga bata. While si Abi, halatang pagod at inaantok kaya naman nagpaalam na siyang umakyat sa kanyang kwarto para makapagpahinga.

"Saan kayo galing?" Tanong ko nang lumapit siya sa akin. At kagaya ng laging reaksyon ng katawan ko, bumibilis ang tibok ng puso ko.

"Nagyaya kasi si Ori na mamasyal kami. I have nothing to do kaya pinagbigyan ko na." He explained.

"Mukhang masaya at nakakapagod ang lakad niyo, a." Komento ko sabay ngisi. Pagod na ngiti naman ang isinukli niya.

Okay lang kaya siya? Bakit mukha siyang matamlay? O baka pagod lang sa lakad?

"Ori's really hyper. Bata pa kasi kaya matagal mapagod. Kawawa na si Abi sa kanya. Good thing nakasama namin si Elliana. Siya na 'yong nagbantay sa bata."

Elliana? My stomach knotted upon hearing that girl's name. 'Di ko pa siya nami-meet pero iba ang pakiramdam ko sa kanya. I hated and liked her at the same time lalo na for taking care of Ori.

But still, she's Ximi's ex-girlfriend! What if they'll fall in love to each other again? 'Di naman siguro imposible iyon lalo kung lagi na silang magkakasama ngayon, 'di ba?

Sumama ang pakiramdam ko. Parang nakakainis 'yon, ah? 'Di ba dapat kapag ex na, ex na? Wala ng dapat balikan! Tapos na, e!