webnovel

Chapter 16

"Hoy, ano 'yon?" Rinig kong boses ni Pat na sinundan ng mahinang pagbangga sa braso ko. Saka lang ako nagkamuwang sa nangyayari.

"A-Alin?" Tanong ko at hinarap siya.

"Pogi ni Moffet, ano?" Ngumisi siya, nagpapahiwatig ng kung ano. "Balita ko single 'yan si sir."

"Paano mo nalaman?" Sumulyap ako sa gawi ni Moffet at saktong kauupo niya lang. Katabi niya ulit si Ximi.

"Siyempre tinanong ko. Kaibigan ko na 'yon. Reto ba kita?" Nilingon ko siya at sakto namang tinaas-baba niya ang kanyang kilay sabay ngisi.

"Oy, baliw." Umiling ako. "I'm sure magaganda ang tipo niyan."

"Hindi rin," agap niya, sigurado sa sinabi. "Siyempre aanhin ang ganda kung pangit naman ang ugali? Eh, ikaw, maganda na, mabait pa."

"Sus," ngumiwi ako, tutol sa sinabi niya.

"Pero 'di nga? Crush mo ba?"

Naglihis ako ng tingin. 'Di ko talaga alam kung anong tawag dito, eh.

"And even years had passed by, if you really like him, there's a posibility na gusto mo pa rin siya hanggang ngayon." Narinig ko ang boses ni Ximi sa utak ko.

Next level na ba ang nararamdaman ko para kay Moffet?

"Simula noong senior high palang kami." Sagot ko saka siya binalingan. "You think I like him?"

Nakatitig lang si Pat sa akin. "Eh, ano ba sa tingin mo? Siguro gusto mo siya kasi sabi mo mula noong senior pa kayo, crush mo na siya."

"Posible ba talaga 'yon?"

"Oo naman." Agap niya. "Alam mo, kung gusto mo ang isang tao, gusto mo lahat sa kanya kahit ano pang sabihin ng iba."

"Paano kung 'di na nga gusto?"

"Siyempre nasa iyo naman 'yan, Luca. Puwede namang iisipin mo lahat ng negative sa kanya para mawala 'yong feelings. Puwede ring may oras na narealize mong 'di mo pala siya gusto."

Mas lalo akong nalito. Mahirap pala kung wala kang alam pagdating sa ganitong bagay. All my life, I only thought of how will I survive on my own. I never asked someone to help me as long as I can do it on my own. Mahirap magkaroon ng utang na loob sa ibang tao dahil baka 'yon pa ang isusumbat sa'yo.

The party was until midnight. Alas diyes pa naman kaya may dalawang oras pa sa pagsaya. Naibigay na rin ng pamilyang Abenajo ang mensahe nila para kay Aubriene. Even some of her friends messaged her. It was an emotional moment kaya naman umiiyak sa tuwa ang debutante. After that, her parents gave her freedom under circumstances. Pinapayagan na siyang gawin ang mga bagay na makakapagpasaya sa kanya as long as alam niya ang kanyang responsibilidad.

I remembered when I had my 18th birthday. Hindi ganito kagara. In fact, I only spent it with my loved ones. We went to Korea dahil iyon ang request ko. Kasama sila lolo at lola, mga pinsan kong iba at siyempre si Herana. Dahil kaarawan ko naman, libre ko na sila. Sa una ay 'di pumayag but eventually supported me after all.

Alas onse nang gabi nang nagsimula na kaming magligpit. Maingay pa rin ang dancefloor lalo na't nandoon ang debuntante, nakikisaya sa mga bisita. It was good for her dahil karapatan niyang sumaya lalo na't ito ang araw niya.

"Inaantok na ako," sabi ni Pat sabay hikab. Nahawa ako kaya naman humikab din ako. "Gusto ko ng umuwi. Puwede naman siguro, 'di ba?"

"Oo naman." Sabi ko. "Pagkatapos nating magligpit, puwede na tayong umuwi."

"Sige. Tapusin na natin para makauwi na tayo."

"Okay,"

Nagpatuloy kami sa pagliligpit. Binukod namin ang mga tira tirang pagkain sa plato. Nilagay iyon sa isang plastik na lagayan para maayos ang pagkakatrabaho. May tagahugas naman kami kaya walang problema kung saan mapupunta ang mga gamit.

It's almost 11:30 o'clock in the evening nang natapos kami sa pagliligpit. May kalahating oras pa bago matapos ang soiree. I fished out my phone from my bag to check if may mensahe ba. 'Di naman ako nagkamali.

Ximi:

Tell me if you're going home already.

Herana:

Saan ka na ba? Bakit 'di ka na bumalik?

Morthena:

Sol is looking for you.

Lola Rita:

Si Ximi na ang maghahatid sa'yo pauwi, apo. Sinabihan na namin siya.

Napahinga ako nang malalim. Nakalimutan kong nangako akong babalik sa table 16. Sol has been looking for me. Si Lola Rita naman, inutusan si Ximi na iuwi ako. Hays.

Tinignan ko kung nandoon pa ang mga pinsan ko sa table 16. Mukhang kompleto pa naman kaya parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib. I have to show up in front of them.

"I'm back!" Deklara ko nang dumating ako sa mesa nila.

"Gosh, Luca!" Maarteng bulalas ni Jadeite. "Mabuti naman at bumalik ka. Kanina pa nag-aalala sa'yo si Solaire!" Umirap siya.

"I'm sorry, Sol." Sabi ko saka umupo sa tabi niya. "I just finished my work."

"It's okay." She smiled sweetly. "What matters the most is you're already here."

Tinignan ko ang bawat babaeng nandito. Ngayon ko lang napagtantong wala na si Raja at Herana.

"Where are the two?" Tanong ko sa kanila.

"Umuwi na." Si Morthena ang sumagot. "Kasi nagkaroon ng emergency."

"Pero walang sinabi sa akin?"

"Kailangan pa bang magpaalam?" Singit ni Jadeite.

"Of course, Jadeite." Pagmamayabang ko. "They are my friends. Palibhasa kasi wala kang mga kaibigan."

"Whatever," umirap ulit siya at 'di na ako pinansin.

"Don't worry about them, Luca." Sol's sweet voice rang inside my head. "They are fine. Pinahatid ko na kay Ethan."

"Bakit si Ethan? We can't trust him." Sabi ko.

"I told you," singit ni Jadeite. Bumaling kaming lahat sa kanya. "We can't trust that man."

"I trust him," Solaire insisted. Sa kanya naman ako bumaling ngayon. "I know wala siyang gagawing masama sa dalawa. Mabait iyon."

"Kung may masamang mangyari sa dalawa, I will only blame you, Solaire." Si Jadeite. Umiling naman ako. Nakakadismaya ang ugali ni Jadeite.

"Hayaan mo na." Pampalubag loob ko sa kanya.

It's past midnight at isa isa ng nagsiuwian ang mga bisita ni Aubriene. Pero bago opisyal na tinapos ang soiree ay muli siyang nagpasalamat sa mga pumunta. She said she enjoyed the whole night.

Nakakasiguro akong mababalita ito sa tv bukas. Kahit pa noong naghahanda pa lang si Aubriene ay laging laman ng tv, ito pa kayang mismong party na.

"Bye," pagpaalam ko sa mga pinsan ko. Nauna ng umuwi si Jadeite. Mukhang may hinahabol na gawain. Sina Morthena naman at Atifa ay sumunod. Magkasabay na ang dalawa umuwi. May sumundo naman sa kanila.

"I'll see you again, Luca." Solaire smiled at me.

"Oo naman. We'll see each other again. Basta ay pag-igihan mong mag-aral. It's for your own benefit."

"I will. You know my father is strict when it comes to my study."

"Oh, yes." I chuckled. "Sige na. Bye, ulit. Your father might waiting for you already."

"Okay. Bye!" She waved at me at ganoon din ang ginawa ko. Nang sumara ang pinto niya sa likod ay bumuntong hininga muli ako. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang pagod kong katawan.

I roomed my eyes around. Nasaan na kaya si Ximi? Hinatid niya kaya si Pat pauwi? 'Di ko na rin naman nakita ang babaeng iyon.

Naglakad lakad muna ako. Dala ko na ang mga gamit. Naisipan ko bigla na tawagan si Ximi. My body was draining and I felt the urge to go home and rest.

I dialled Ximi's number. The woman said cannot be reached ang tinatawagan ko. Nakaramdam ako bigla ng inis. Sabi ko na't makakalimutan din ako ng kumag na iyon kapag kasama si Pat, eh! 'Di pa kasi ako umuwi kaagad.

May bumusinang motor, kasabay ng maliwanag na ilaw sa likod ko. Pagharap ko'y akala ko mabubunggo iyon sa akin nang huminto ito saka namatay ang ilaw.

"Hey!" My heart skipped a beat nang napagtantong si Moffet iyon. Gamit niya ang kanyang malaking motor na kulay dilaw.

"H-Hi," I stammered.

"Pauwi ka na ba?" Nakangiti niyang tanong.

"Yes. Have you seen Ximi?"

Tutal magkaibigan naman siguro sila, baka alam niya kung nasaan si Ximi ngayon.

"Ximiboy?" He chuckled. "He took Pat home."

"Ah, gano'n ba?" Nag-iwas ako ng tingin.

Gusto kong umiyak. Paano nalang ako makakauwi nito? Hating gabi na kaya! Nasa Tagaytay ako, nasa QC pa ang bahay ko!

I hate you Ximi. 'Wag ka ng magpapakita sa akin.

"Why?" He asked. Nilingon ko naman siya. Nag-aalala ang kanyang mga mata.

"What about Ethan?" I asked back.

"May hinatid din pauwi. Dalawang babae 'yon, eh."

"O-Okay." I looked down. Mukhang wala akong pag-asang makauwi nang buhay. 'Di ko pa naman kabisado ang pag-uwi.

"Tara, let's go home." Alok niya. Daglian ko siyang tinignan nang diretso at nadatnan kaagad ang ngiti sa labi.

"H-Hindi na."

"It's not safe for you to go home alone, Luca. Don't worry, 'di naman ako masamang tao."

"Ah..." nilibot ko ng tingin ang buong paligid. Paliwanag na ang kalangitan pero kita pa rin ang mga bituin at ang malaking buwan. "Huwag na. Nakakaabala." Palusot ko.

Nakakahiya! Isa pa, ayokong magkaroon ng utang na loob sa lalaking ito.

"No," he chuckled. "It's okay. Let's just say this is my way of saying sorry dahil nabunggo kita kanina."

"Eh?" Nalito ako. "But you already apologized to me."

"It was not enough, Luca." Agap niya. Mas lalo akong naguluhan. "Saka, minsan lang naman 'to. I'm just being gentleman." He winked at me saka bumungisngis. Halos mawala ang mata niya.

Napaisip ako bigla kung ilang babae na ang naisakay niya sa kanyang motor. Nakadama ako ng inggit. I wished it was me.

"Ano? Let's go! I know you're tired."

"Okay," suko ko. "Thank you."

"Always welcome." He replied. "Here," inabot niya sa akin ang isang helmet. "You can use mine. Wala kasi akong extra helmet."

"Why don't you use it instead?" I asked, nakatingin lang sa helmet, walang balak na tanggapin iyon.

"Your safety is my priority, Luca. Worry not about me."

"You sure you're okay without helmet?" Tanong ko pa rin. This time, tinanggap ko na ang helmet.

"Yeah," he chuckled a bit. "Sanay na akong walang helmet. Minsan, I have to wear it para 'di mahuli."

"Ng?"

"Enforcers."

"Ah... like mga pulis kapag may checkpoint?"

"Yes, Luca." Nakangiti pa rin siya. Ngayon ko lang ulit nakita ang ngiting ito. Para bang ayaw ko ng matapos pa ito.

Sumakay na ako sa likod niya. I felt nervous lalo na noong feeling ko ma-out balance ang motor. May kalakihan pa naman ang sasakyan. Napahawak ako sa kanyang damit na mukhang ikinagulat niya.

"You scared?" Rinig kong tanong niya.

"Y-Yeah," sagot ko. Suot ko na ang helmet. In fairness, mabango ito.

Rinig ko ang halakhak niya. "Don't be. Just trust me, okay?"

"What to do?" First time kong sumakay sa motor! Isa pa, ang laki nito! Pang racing.

"What do you mean?" He twisted his body just to face me. "Is it your first time to ride a motor?"

"Ahm..." ano ba ang dapat kong sabihin? "O-Oo, eh." I grinned akwardly.

"Really?" Mangha niyang bulalas. "I don't know. But don't worry, I'll be gentle."

Napalunok ako. 'Di ko alam anong klaseng gentle ang sinasabi niya.

Wake up, Luca! 'Wag kang mag-isip ng ibang bagay!

"Wrap your hands around my waist." Aniya. Napalunok ulit ako.

Wala naman siguro akong mahahawakang iba, tama?

"H-Huh?" I startled. Doble ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Let me." He said. Maingat niyang hinawakan ang dalawa kong kamay at pinulupot iyon sa baywang niya. Uminit ang pisngi ko sa 'di maipaliwanag na dahilan. "Feel comfortable, Luca. Tell me kung nahihirapan ka."

"O-Okay," lumunok muli ako. Naaamoy ko ang panlalaki niyang amoy. Nakakalasing.

He started the engine, pressed something at saka niya pinatakbo ang kanyang motor.

Habang tumatagal, nagiging komportable ako sa kanya bagaman 'di ako sanay sa ganito. Matulin lang ang takbo ng kanyang motor.

Malamig ang simoy ng hangin. Ramdam ko pa rin ito kahit na mahaba ang manggas ng suot ko. At ang dilaw na ilaw na galing sa mga poste ay siyang nagpapaalala sa akin kung gaano katahimik ang paligid.

Bumagal ang takbo ng sasakyan. I was about to ask him why nang nagsalita kaagad siya.

"Gutom ka ba?" Tanong niya. Pinakiramdaman ko naman ang sarili ko kung gutom ba ako o hindi.

"Tama lang." Sagot ko.

"I'm starving. Let's buy some foods to eat."

"O-Okay," tumango ako kahit 'di niya kita iyon. Naalala ko bigla si Ximi na maraming nakain kaninang umaga.

Bumaba kami sa isang sikat na fastfood. We ordered burger and fries. Moffet asked if may kape ba. Buti nalang at meron. Bumili siya ng dalawa para tig-isa kami.

"'Di ka ba nabusog kanina?" Tanong ko sa kanya.

Nasa loob kami ng resto kung saan kami umorder. Sa harap ko siya nakaupo.

"I don't feel the foods." Aniya habang kumakain lang.

'Di kaya masarap ang mga pagkain namin? 'Di kaya magiging issue 'to at mawalan pa kami ng trabaho?

"I mean, those menus we're not for heavy meal." He explained.

"Okay naman ba?"

Wala pa naman kaming natanggap na reklamo eversince. Even before I was new to my job.

"Yup," tumango tango siya. "It was actually good."

"Okay. Akala ko 'di masarap. Baka... alam mo na... mareport kami. Mawawalan pa ako ng trabaho."

"It's not what I mean. I'm sorry."

"No, it's okay." Agap ko. I smiled to give him assurance. "You eat like Ximi."

"Oh," umiling siya. "He eats more than I do."

"Really?"

Sabi naman ni Ximi na hindi siya maramihan kumain and nagwowork out din siya.

"Kaya siguro pumupunta ng gym to lose weight." Tumawa siya nang mahina.

Pinapanood ko lang siyang kumakain nang tumunog ang cellphone ko. I immediately checked kung sino ang nagpadala ng mensahe. Ganoon nalang ang pag-irap ng mata ko nang napagtantong si Ximi iyon. I already changed his name on my contacts.

Ximi:

Where the hell are you, Luca? You haven't replied to me yet. Lola Rita told me 'di ka pa nakauwi sa bahay. 'Di rin alam ng mga pinsan mo kung nasaan ka.

Ngumiwi ako at binalik sa bag ang cellphone. Naiinis ako kay Ximi ngayon. Mas inuna niya pa si Pat kaysa sa akin. Kung sabagay, bakit naman hindi? He has to impress that girl to get to his real intentions!

"Why?" Tanong ni Moffet na ikinagulat ko.

"Not a thing. Ximi sent me a message."

"About what? Nakauwi na raw ba siya?" Natigil siya sa pagkain. Uminom siya ng malamig na tubig.

"I don't know and I don't care. Bahala siya sa buhay niya." Umirap muli ako.

Nakakainis naman talaga ang lalaking iyon eh! 'Di ko alam kung bakit.

"Chill," humagikhik siya. "Ano bang meron sa inyo ni Ximi? Friends? Magkamag-anak?"

"Just random strangers," sagot ko.

"Oh," tumango tango siya. "I see... malabo nga namang kayo 'cause he told me he's been courting Patricia for almost one month."

Ang bilis nga naman ng panahon. Isang buwan na pala niyang nililigawan si Patricia. Isang buwan na rin pala akong nagtitiis sa pagmumukha ni Ximi.

"What about you? Do you have a girlfriend?" Balik ko sa kanya.

"None," kibit balikat niya. "No need for that. I don't like annoying girls."

"Wow," humalakhak ako. Slight namang magkasalubong ang kanyang kilay. "I also don't like annoying people. Sakit lang sila sa ulo."

"Really?" Tumawa siya nang mahina. "I thought it's only me."

"Nope. You're not alone." I grinned.