webnovel

Chapter 15

"Anong oras ba dadating 'yong dalawa?" Inip na tanong ni Morthena. May kung anong tinitipa sa screen ng cellphone.

"Mabuti pa'y abangan natin sila sa labas." Suhestiyon ni Atifa.

"Puwede," sabi ko.

"Tara." Aya niya.

Napagdesisyunan naming lumabas para salubungin ang dalawa pa naming pinsan. We waited them for awhile. Mabuti at 'di umano trapik sa dinadaanan nila kaya 'di sila natagalan.

May humintong mahabang sasakyan. Pamilyar ang plate number at hugis nito. Kung 'di ako nagkakamali, kina Jadeite ito. She has her personal driver dahil never natutong magmaneho.

Bumukas ang pinto ng drayber saka lumabas mismo ang manong drayber. It was still him, Manong Juanito.

"Oh, andito na si Jadeite!" Deklara ni Atifa na parang 'di ko alam na nandito na ang pinsan namin.

Tahimik na binuksan ni Mang Juanito ang pinto sa likod. Ilang segundo ang lumipas at iniluwa nito si Jadeite.

Wow. Iyon ang unang salitang lumabas sa bibig ko. She was beautiful, no doubt. Her light skin complimented the color of her gown, which was black with diamonds on it. I can say dahil kumikinang ang suot niya kapag natatamaan ng ilaw. Ipares pa ng coat niyang mabalbon at itim na eyeglasses.

She was wearing a black opal necklace, bagay sa mapula niyang labi. Ang pagkakabalita ko sa kanya ay magkakaroon ulit siya ng exhibit sa collection niyang mga alahas. I can say again na babango muli ang kanyang pangalan. Who wouldn't love a girl like her? An epitome of power and wealth.

"Oh, god!" Atifa exclaimed. Ang boses ay manghang mangha sa pinsan namin. Kulang nalang ay sambahin niya ang babae.

Atifa ran towards Jadeite na katatanggal lang ng suot niyang eyeglasses. Binigay niya ito sa isang babae na lumabas mula sa frontseat. Sekretarya niya siguro ito.

"Hi, Jadeite!" Si Atifa. Lumapit naman ako sa dalawa. "It's been awhile since the last time we saw each other."

"Oh, yeah." Jadeite laughed richly and I rolled my eyes at that. "I've been so busy these past few months dahil sa another collection ng de Guia Jewelries."

I stopped beside Atifa and Jadeite turned to me with her arrogant smiles.

Ugh, that smile. Parang kay Ximi lang.

"Hi, Luca." She smiled, pero halatang mapanglait. "How are you?"

I smiled back, mocking her. "I'm fine, Jadeite. You know it's always good to enjoy life while we are young. Baka kasi sa sobrang pangambisyon mo, eh, nakakalimutan mo na kung paano mabuhay."

I saw a glimpse of sadness in her eyes. Saglit ding nawala ang yabang sa kanyang mga mata. Marahil nasaktan sa sinabi ko.

That's right, Jadeite. Know your place.

Peke siyang ngumiti. "You're too serious, cousin. And oh, not to mention you have the same personality with Rose Gold."

"Okay, that's enough." Awat ni Atifa nang sasagot pa sana ako. Naramdaman niya siguro ang tensyong namamagitan sa amin ni Jadeite. "Solaire is on her way, too. Mas mabuti pang abangan nalang natin siya at sabay na tayong pumasok sa loob."

"Sounds better," agap ko. I threw a fake smile to Jadeite bago ko sila tinalikuran.

I took a deep breath. Okay lang 'yan, Luca. Pinsan mo 'yan kaya pagpasensyahan mo nalang.

We waited for another ten minutes. At sa loob ng sampung minuto ay nakikinig lang ako sa usapan nila. Scratch that, naririnig ko ang usapan nila.

"Kailan ba next mong exhibit?" Tanong ni Atifa, tunog interesado sa buhay ni Jadeite.

"Probably next month, depende nalang. But I already completed some of my collections."

"That's good to hear. I'm sure tita will be proud of you."

"I'm sure dad will be proud of me."

"So, how's Lola F?"

"She's fine naman. Still the president of de Guia company."

"Wala bang balak na bumaba?"

Sumulyap ako kay Atifa saka kay Jadeite. Jadeite's eyes were full of confidence. 'Di ko lang alam kung nakikita ba ni Atifa ang nakikita ko.

"As long as she can run the company, walang balak na bababa si Lola F. And as far as I know, she has no successor yet."

"Bakit? Hindi ba ikaw?" Singit ko. I made sure that she has a cue of my tone.

She's been working under de Guia company which I don't understand. She can have her own line tutal de Guia is like the Vega company na maraming linya sa negosyo. Why didn't she make her own name? 'Di ba kaya ng kayabangan niya? Or she's like any parasite I know?

I don't know her much kasi 'di ko naman siya nakakasama but somehow nakakabalita ako tungkol sa kanya dahil parte pa rin naman siya ng clan. Minsan nababanggit siya nila lolo at lola, minsan nababalita in any ways.

"Soon, Luca." She faked a smile. "I'm not in a hurry naman. Besides, I'm working on my own."

"But under Lola F's company?" Agap ko.

She chinned up, breathing in. Naramdaman ko ang pagtitimpi niya. Mainis siya kung mainis.

She smiled once again. "I am serving my family, Luca... in case you didn't know. Kaya ko namang magtayo ng sariling negosyo but sayang naman ang mining site namin kung 'di ko mapapakinabangan. Alam mo naman siguro kung gaano ka-competitive ang ibang kompanya para lang malamangan kami. Isa pa, don't worry about the successor of our company kasi sure naman akong ako lang iyon."

Natahimik ako. Nilingon ko si Atifa na wala ring masabi sa narinig niya. O baka naman ayaw niya lang magsalita.

"Now, if you're questioning my credibility as the next CEO, you better see all my achievements, Luca. I'm one of the reasons why our jewelries remain on top." She added, puno ng kompiyansa ang tono ng pananalita.

I chinned up. "Well, goodluck nalang. Sa lagay na 'yan, I don't think you're happy. I mean," I shrugged. "Goodluck nalang talaga."

"Okay." Gumilid ang kanyang labi. Pagkatapos noon ay tinalikuran na niya ako. Umiling naman ako at napabuntong hininga.

Mabuti nalang at 'di na siya umimik pa at wala rin naman akong balak na kausapin siya. I don't like her. I'm sure we have the same feelings.

Dumating na ang sasakyang pinakahinihintay namin. Kagaya ng eksena kanina, lumabas ang drayber saka pinagbuksan ng pinto ang babaeng nasa likod nakaupo. Unang lumabas ay ang kanyang paa na nakasuot ng white chunky heels. Tantiya ko'y four inches.

Solaire with her mesmerizing beauty showed up with elegance. Una kong napuna ang singkit niyang mata bukod sa maputi siya. Suot niya'y pulang mahabang bestida na deep v neck ang istilo, with long slit on the side. Kung ikukumpara sa suot ko, wala akong kalaban laban.

"Atifa!" She greeted at nakipagbeso kay pinsan. Her voice was just so sweet. Ibang iba sa akin na minsan matigas, minsan sobrang lambot.

"Oh, hi!" Atifa greeted back. Binati naman ni Solaire si Jadeite.

"Hey," Jadeite greeted her. "You look perfect, Sol."

"Thanks... so as you." Napatingin siya sa akin. Sumingkit ang kanyang mata and I just smiled at her.

"She's Luca, remember her?" Si Atifa ang nagtanong kay Sol.

"Of course!" Mahinhin siyang tumawa. "Sino ba ang makakalimot sa kanya?"

Nahiya ako nang bahagya sa sinabi niya. 'Di ko alam kung positibo o negatibo ba ang ibig niyang sabihin.

"Nice to meet you again, Luca." Dagdag niya.

"My pleasure." I smiled. Kita kong umirap si Jadeite na katabi lang ng kausap ko.

"Let's go?" Aya ni Atifa.

"Oh, sure. Nagsimula na ba?"

I checked my wristwatch. "'Di pa naman." Sagot ko kay Sol. "You're almost on time."

"Good! Tara na!" Halatang excited siya.

Sabay na silang tatlo pumasok. I distanced myself from them. Hindi ko sila kauri. Isa pa, kailangan ko ng bumalik sa trabaho ko. Magpapaalam lang ako sa kanila para 'di magtampo.

Atifa led the way to table 16. Habang naglalakad, 'di sila nakakatakas mula sa flash ng camera. Halos nasa kanila ang atensyon ng lahat dahil agaw-eksena nga naman ang mga suot at kagandahan. Ako naman ay ilang metro ang layo mula sa kanila.

Lahat ng babae kong pinsan ay natuwa nang dumating sila Jadeite at Solaire. They greeted them with overwhelming feelings. Minsan lang din naman kami nagkakasama kaya nilulubos na ang pagkakataon.

We both settled on our reserved seats. 'Di pa ako makatiyempo na magpaalam. I checked the time at may oras pa naman ako bago magsisimula ang soiree.

"Still beautiful, Jadeite!" Puri ni Morthena sa babaeng katabi niya.

"Thank you, More." Sagot nito, mukhang pa-humble.

"Kahit na abala sa trabaho, blooming pa rin!" Raja laughed.

"Sus," Jadeite chuckled.

"Kailan ba exhibit mo? Sana makapunta kami!"

"Next month pa naman. And yes, kung 'di kayo busy, welcome kayong dumalo."

"What about you, Solaire?" Morthena butted in.

"What do you mean?" She asked back and laughed a little.

"What are you up to?"

"Ahm... graduating na ako ngayon. Medyo 'di na abala sa school kaya nakakapagpahinga na ako."

"Mabuti naman at pinayagan ka ng daddy mo na umuwi rito?" Si Atifa ang nagtanong.

"He's with us, actually. You know... business."

"Ah," tumango sila.

Tumayo na ako, dahilan para maagaw ko ang atensyon nila.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Herana.

"I'm going back to my work." Tipid kong sagot.

'Di naman ako makarelate sa pinag-uusapan nila. Ramdam ko rin ang agwat ko sa kanila. I just looked like a lost kitten trying to find my way home. Or maybe it's just me dahil nanibago ako sa mga nangyayari.

"You're working?" Si Jadeite ang nagtanong.

"She's working as one of the event organizers dito." Si Morthena ang sumagot.

"I didn't know that." Si Jadeite. Alam kong nang-iinsulto siya.

Kaugali niya si Ximi! I hate them both!

"I suggest you better go now, Luca. Baka kung anong isipin ng mga katrabaho mo."

"Why too soon?" Solaire pouted. "Can't you stay for more minutes?"

Pilit akong ngumiti. "I can't, Sol. This is my work."

"Pero babalik ka, 'di ba?"

"Oo naman. Kailangan ko lang asikasuhin ang iba."

"Okay," malungkot niyang sagot.

I excused myself nang saktong sinimulan ang soiree. Pumunta ako sa "sweet area" kung saan may chocolate fountain na may saktong laki lang na G-clef sa gitna. Balot ito sa tsokolate.

"Mga kaibigan mo 'yon?!" Tanong sa akin ni Euni nang dumating ako sa puwesto niya. Medyo maingay na ang paligid kaya kailangan niyang lakasan ang boses.

"'Yong dalawa, kaibigan ko. The rest are my cousins."

"Talaga?" Manghang bulalas ni Ivy, tunog 'di makapaniwala. "Parang ikaw lang naiiba sa kanila."

Tumawa ako sa sinabi niya. Totoo naman, eh. Kung sila magagara ang mga damit at kagamitan, I chose to be simple. I chose to live like an ordinary citizen of this country.

"May mga pangalan kasing inaalagaan 'yan, ako wala. So, basically they have to be attractive." Paliwanag ko.

May reputasyon silang iniingatan. People were expecting from them. Dahil mga kilala, dapat laging perpekto sa paningin. Dapat ganito, dapat ganyan.

"Mukhang mayabang ang isa doon." Komento ni Pat na kararating lang. Naisip ko kaagad si Ximi maliban kay Jadeite na tinutukoy ng dalaga.

"'Yong naka-itim ba?" Tanong ni Euni.

"Oo. Sarap niyang sabunutan."

I smirked. Hindi lang pala ako ang 'di gusto si Jadeite. Kahit pinsan ko 'yan, I won't tolerate her attitudes.

"Pero maganda siya, ha?" Singit ni Ivy. "Saka sikat 'yan. 'Wag niyong banggain."

"Oh, tapos?" Si Pat. "Mabuti pa 'yong nakapula. Mukha namang mabait."

Pinagkibit balikat ko na lamang ang mga komento nila. Ayaw ko na rin namang magsalita. Sila na ang humusga.

Kagaya ng plano, kumanta si Aubriene na parang may sariling concert. Nakangiti lahat ng mga tao rito. Ang iba ay pumapalakpak. I've been to different celebrations but this one was different. Iba ang pakulo ng debutante.

Aubriene was wearing a black long gown, more like a ball gown na off shoulder and istilo. She's also wearing gold accessories. Her hair was tied in a bun, malinis ang pagkaayos at walang kung ano anong nakalawit na buhok.

Nagpatuloy si Aubriene sa pagkanta hanggang sa umabot siya sa gitna. Ilang metro lang ang layo ay nandoon ang kanyang upuang kulay ginto na ang sandalan ay nota. Sa kaliwang banda noon ay ang kanyang banda, kasalungat naman na parte ay naroon ang kanyang cake na tatlong palapag. May tema pa rin ng musika.

Pagkatapos kumanta ng debutante ay bumati siya sa lahat. She thanked everyone for coming. Marami pa siyang sinabi na 'di ko na narinig dahil abala ako sa trabaho ko.

I roomed my eyes around and saw Ximi talking to Moffet. My heart skipped a beat lalo na nang aksidenteng magtama ang paningin namin ni Moffet. He smiled at me at nag-iwas naman ako ng tingin. Nakakahiya kaya iyon!

"Ang saya!" Rinig kong sigaw ni Pat, nakikiindak siya sa tugtog. "Never pa akong nagkaroon ng ganitong paghahanda. Kadalasan, pansit lang ang handa kapag birthday ko. Minsan din wala."

"Bumibili naman kami ng manok," singit ni Euni. "May ice cream din at spaghetti."

"Ay mayaman," biro ni Ivy. Tumawa naman kami. "Ako, ordinaryong araw lang kapag birthday ko. Wala namang nakakaalala."

Nalungkot ako sa nalaman ko. Paano kaya kung wala ring nakakaalala ng kaarawan ko? Sigurado akong masakit iyon sa parte ko. 'Di ba isang biyaya ang pagdating ko sa mundo?

"Okay lang, 'yan!" Si Euni. "Ang mahalaga'y masaya tayo ngayon!"

"Agree ako riyan!" Segunda ni Pat at mahinang umindak, nakikisayaw.

Pagpatak ng alas otso ng gabi ay kumain na ang lahat. May iilang kaedad ko ang pumupunta sa section namin dahil na rin sa tsokolate. Naririnig ko ang mga usapan nila pero 'di ko nalang siniseryoso. They talked too much about boys, praising their beauty. 'Di naman bago sa pandinig ko iyon dahil ganoon din naman sina Morthena at Herana. Lalaki rin ang bukambibig.

Pagkalipas ng kalahating oras ay nakaramdam na ako ng pagod. Humikab ako, senyales na inaantok na. Anong oras na ako nakatulog kagabi at talaga namang nakakapagod ang araw na ito.

"Do you still have marshmallows?" Rinig kong pamilyar na boses. Kahit nakatalikod ako mula sa kanya ay alam ko kung sino iyon.

It's him again! Moffet Margarico!

Sa dinami-rami ng lugar na magkikita kami, dito pa talaga?

I cleared my throat. "Yes, sir?" Hinarap ko siya. Kita ko ang gulat sa kanyang mukha.

"Luca, right?" He grinned.

"Oh, yes." Pilit akong ngumiti. Sa totoo lang ay kinakabahan ako ngayong kaharap ko siya.

"By the way, I'm Moffet." Naglahad siya ng kamay nang nakangiti. Saglit kong tinignan ang kanyang kamay saka ang kanyang mukha.

"Luca..." tinanggap ko ang kamay niya at tinaas baba iyon bago ako bumitaw.

"I'm sorry for what I did kanina. Reckless lang talaga."

"It's fine. 'Di mo naman sinasadya."

"Are you working here?" Sinuyod niya ng tingin ang paligid bago binalik sa akin ang kanyang atensyon.

"Yup." I nodded. "It's been my job."

"I se... This place is perfect. There's nothing to regret of coming here. Your team did a great job."

"Thank you," I smiled in awe. Kinuha ko ang lagayan ng marshmallows nang naalala ko ang pakay niya sa pagpunta rito. "Ito na pala ang hinahanap mo."

"Oh, thank you so much. You're so responsible."

"No worries."

"I have to go, Luca. See you later." He threw a sweet smile before he turned around and walked away.

Napahawak ako sa dibdib ko, watching how his back moved. My heart was racing. Why was he so nice to me? Hindi siya katulad ni Ximi na ubod ng yabang. He was... different.

Next chapter