webnovel

Chapter 49- Playing Dodgeball

Pagtilaok ng unang Tandang na nagising sa umaga na agad namang pinaputukan ng Hunting Rifle nang may-ari ng katabing Poultry para gawing Tinola, nagising mula sa pagkakatulog si Emily nang mapansin niyang naunanan niya mismo ang dibdib ni Kit.

Bigla siyang nailang at nataranta sa kadahilanang baka isipin ng kanyang mga kasama na may namamagitan sa kanilang dalawa, sa oras na malaman nilang magkasama silang natulog sa loob ng Wardrobe.

Kaya maingat na lumabas si Emily upang hindi niya magising si Kit at paglabas niya sa Wardrobe, napansin niyang madilim pa ang buong paligid.

Hindi na nagsayang ng pagkakataon si Emily dahil ayaw niyang maabutan siya ng kanyang mga kaibigan kapag nakita nilang wala siya sa kanyang Kama at siya'y tatanungin ng mga ito, kung saan siya nanggaling o natulog.

Kaya mabagal siyang naglakad pabalik sa hagdan, papunta sa First floor.

Nang magulat si Emily matapos niyang marinig magsalita si Lola Delia na naka-abang pala sa tabi ng Wardrobe.

Lola Delia: "Iha, saan ka ba sa tingin mo pupunta?"

Biglang nangilabot ang buong katawan ni Emily at pinagpapawisan ang kanyang mukha nang marinig niya mula sa kanyang likod ang boses ni Lola Delia.

Kinakabahan at nag-iisip na nang maipapalusot si Emily sa matanda.

Emily (nervous): (Na-Naku! Si-Si Lo-Lola Delia! Ka-Ka-Kanina pa ba-ba siya diyan?) "Hi-Hi po! Good mo-morning po! A-Ang aga niyo naman pong nagising."

Lola Delia: "Good morning din, Iha. Ang aga mo din nagising. Galing ka ba sa kusina? Papunta na rin sana ako para uminom ng tubig."

Emily: (Te-Teka? Akala ba ni Lola Delia na gumising ako ng maaga para uminom ng tubig? Mukhang sineswerte pa ako. Mabuti pang sakyan ko na lang yung iniisip ni Lola para hindi niya malaman na kasama kong natulog si Kit sa loob ng Wardrobe.) "Opo, Lola. Kagagaling ko sa kusina at pabalik na rin ako sa itaas."

Lola Delia: "Ay...Ganun ba, Iha?"

Emily: "Opo, ganun nga po."

Sandaling nanahimik si Lola Delia sa sinabi ni Emily, tsaka rin siya muling nagsalita.

Ngunit sa pagkakataong ito, seryosong nagsalita ang matanda.

Lola Delia: "Iha, hindi mabuti sa isang magandang dalaga na tulad mo ang magsinungaling."

Emily: "Ano pong ibig niyong sabihin?"

Lola Delia: "Sa totoo lang, Iha. Lagi akong nagigising nang alas kuwatro y medya ng umaga at pag-gising ko kanina, wala ka sa iyong higaan. Naisip ko na baka pumunta ka lang sa CR, kaya bumaba ako para magtimpla ng kape sa kusina. Pero paglagpas ko sa Wardrobe, narinig kong bumukas ang pinto nito at nagtaka ako kung bakit maagang nagising ang aking Apo. Madalas naman siyang nagigising pasado alas siyete ng umaga, kaya agad akong nagtago sa tabi ng Wardrobe para silipin kung sino o ano ang lalabas sa Wardrobe at nakita kong ikaw ang lumabas mula sa loob."

Sobrang pinagpapawisan at hindi makatingin ng diretso si Emily sa mata ni Lola Delia dahil kinakabahan siya na baka mali ang isipin ng matanda sa kanya. Hanggang sa muli na namang nagsalita ang matanda.

Lola Delia: "Iha, sagutin mo ako ng maayos. Magkasama ba kayong natulog ng Apo ko, kagabi sa loob ng Wardrobe?"

Emily: "Ah..eh..Uhmm.."

Magkahalong kaba, hiya at pagkailang ang naramdaman ni Emily matapos siyang diretsahang tanungin ni Lola Delia.

Nakasimagot naman ang matanda at hinihintay ang kanyang isasagot. Hanggang sa maisip ni Emily na sabihin ang totoo.

Emily: "...Opo.. Pero-"

Lola Delia: "Iha, hindi pa ako tapos. May itatanong pa ako sayo."

Napatingin na lang sa sahig si Emily dahil sa nararamdaman niyang hiya at pagkailang sa matanda. Muli na namang nagtanong si Lola Delia.

Lola Delia: "Iha, gumawa ba kayo ng milagro?"

Nang marinig ni Emily ang tanong, agad niyang ipinagkaila ang iniisip ng matanda at namulang parang kamatis ang kanyang mukha habang sinasagot ang tanong.

Emily: "Lola! Nagkakamali po kayo ng iniisip! Wala pong nangyari sa amin ni Kit!"

Lola Delia: "Sigurado ka ba, Iha? Hindi ka ba ni-YARI nang apo ko?"

Emily: "Ma-Maniwala po kayo! Wala po kaming ginawang kakaiba po kagabi! Ma-Magkatabi lang po kaming natulog ni Kit! Yun lang po ang nangyari! Wala na pong iba!"

Lola Delia: "Kung magkasama kayong natulog kagabi, sa anong dahilan naman kung bakit magkasama kayong natulog sa loob ng Wardrobe?"

Emily: "Eh....ano....po... (Paano ko ipapaliwanag kay Lola Delia na natakot akong bumalik sa aming kuwarto dahil nakakita talaga kami ni Kit ng multo?)

Muli na namang tumahimik si Lola Delia at hinihintay niyang sumagot si Emily.

Bagamat maaring hindi siya paniwalaan ng matanda, sinabi pa rin ni Emily ang totoong dahilan kung bakit nakitulog siya sa tinutulugang Wardrobe ni Kit.

Emily: "Lola Delia, sa maniwala po kayo, nakakita po kami ni Kit ng multo kagabi. At natakot po ako na baka bigla pong sumulpot sa tabi ko yung multo habang umaakyat ng hagdan. Kaya po, nakiusap po ako kay Kit na makitulog muna sa tinutulugan niyang Closet."

Lola Delia: "Multo? Hmm....Kung tama ang hula ko, yung maputing hugis ng tao na sinasabi ni Kit na lagi niyang nakikita sa kalye noong bata pa siya?"

Emily: "Opo! Iyon nga po."

Napabuntong hininga si Lola Delia matapos niyang marinig kay Emily ang dahilan kung bakit magkasama ang dalawa sa loob ng Wardrobe.

Lola Delia: "Hay...Hanggang ngayon ba naman, nakikita pa rin nang Apo ko ang bagay na iyan dito sa Vacation house? Kaya nga lumipat kami ng bahay noon dahil lagi niyang ikinikuwento sa amin na nakakakita siya ng multo, sa tuwing nagigising siya sa umaga."

Emily: "Ha? Lagi pong ikinikwento po sa inyo ni Kit ang tungkol sa multo nitong bayan?"

Lola Delia: "Oo, Iha. Mula noong bata pa siya, hanggang sa umalis kami sa bahay na ito. Kaya kung sinasabi mo na nakita mo din nang iyong mga mata ang sinasabing multo na ikinukuwento ng Apo ko, siguro paniniwalaan kita sa pagkakataong ito."

Emily: "Lola Delia, naniniwala po kayo sa sinabi ko pong dahilan?"

Lola Delia: "Oo, Iha. Naniniwala ako sayo."

Gumaan at napanatag ang loob ni Emily matapos niyang marinig na naniniwala si Lola Delia sa sinabi niyang dahilan kung bakit siya nakitulog sa tinutulugan ni Kit. Pero humabol pa ng tanong si Lola Delia.

Lola Delia: "Pero Iha, hindi ka ba talaga ni-YARI ng Apo ko?"

Emily: "Lola! Maniwala po kayo! Wala po talagang nangyari sa amin ni Kit!"

Lola Delia: "Okay. Naniniwala na ako, Iha. Pero kailan ka pwedeng magpa-YARI sa Apo ko?"

Emily (confused): "Lola! Ano pong ibig niyong sabihin sa sinabi po ninyo?!"

Lola Delia: "Baka kasi may namamagitan na sa inyong dalawa."

Emily: "Lola, magkaibigan lang po kami ni Kit. Maniwala po kayo."

Lola Delia: "Sigurado ka?"

Emily: "Opo."

Muli na namang nanahimik si Lola Delia at tinitigan nito si Emily sa kanyang mga mata. Tsaka na naman nagsalita ang matanda.

Lola Delia: "Iha, nakikita ko sa iyong mga mata na kabaliktaran ng sinasabi nang iyong bibig, ang sinasabi ng iyong puso."

Emily (confused): "Lo-Lola? Ano pong ibig niyo pong sabihin?"

Lola Delia: "Halata kasi sa namumula mong mukha na gusto mo ang Apo ko. Pero pilit mong sinasabi sa iyong sarili na hindi mo siya gusto. Tama ba ako?"

Sa pagkakataong ito, si Emily naman ang hindi kumibo dahil aminado siya sa kanyang sarili na may nararamdaman siya para kay Kit, ngunit pilit naman niyang itinatanggi rito ang tunay niyang nararamdaman.

Maya't maya, sinagot ni Emily ang tanong ni Lola Delia.

Emily: "..O-Opo.."

Lola Delia: "Sabi ko na."

Emily: "Pero, huwag niyo pong sanang mamasamain ang aking sasabihin. Natatakot po kasi ako sa kung ano po talaga ang tumatakbo po sa utak ni Kit. Lalo na po, mahirap pong basahin ang iniisip po niya at pati rin po kaming mga kaklase at mga kaibigan niya ay nahihirapan din po kaming intindihin si Kit."

Lola Delia: "Sigurado ka ba, Iha? Natatakot ka sa taglay na kakaibang ugali ng Apo ko?"

Emily: "..Opo.."

Lola Delia: "O baka naman, maliban sa kakaibang ugali nang Apo ko, may iba ka pang kinakatakutan? Kung kaya't itinatanggi mong walang namamagitan sa inyo ng aking Apo dahil natatakot ka na maaring gawin din niya sayo yung bagay na ikinakatakot mo?"

Nanahimik si Emily matapos niyang marinig ang tanong sa kanya ni Lola Delia at tila napansin niyang interisado ang matanda na malaman ang tunay na dahilan kung bakit tinatanggihan niya si Kit.

Kung kaya't lakas loob na sinabi ni Emily ang totoo kay Lola Delia.

Emily: "Lola, ang totoo po, natatakot po ako na masaktan po ulit."

Lola Delia: "Masaktan ulit? Sinasabi mo ba, Iha, na may sinagot kang ibang lalaki noon?"

Emily: "Opo. Pero may iba din po siyang gustong babae at gusto din po siya nang babaeng iyon. Nakita ko po kung gaano nila kamahal ang isa't isa, kaya ipinaubaya ko na lang po yung Ex-boyfriend ko, dun sa babae."

Lola Delia: "At pakiramdam mo sa sarili mo, niloko ka nang lalaki na akala mong magmamahal sayo. Kaya ngayon, natatakot ka na baka ikaw ay lokohin o iiwan muli ng lalaking iyong mamahalin."

Emily: "Opo, Lola. Tama po kayo."

Matapos sabihin ni Emily ang tunay niyang dahilan kung bakit itinatanggi niyang magustuhan si Kit, muli na namang nabalot ng katahimikan ang buong paligid.

Hanggang sa muli na namang nagsalita si Lola Delia.

Lola Delia: "Iha, nauunawaan kita at masakit talagang masaktan. Lalo na yung ginawa sayo ng dati mong nobyo at hanga din ako sayo dahil nagawa mong magparaya at ipaubaya sa ibang babae ang pagmamahal na dapat ikaw ang pumupuno. Pero Iha, hindi dahilan ang takot na iyong maranasan sa isang relasyon para pagkaitan mo ng pagmamahal yung lalaki umaasa din sayo na iyong magugustuhan. Ikaw din lang ang masasaktan kapag ginawa mo iyan."

Emily: "Ako din lang po ang masasaktan kapag ipinagkait ko ang aking sarili sa iba?"

Lola Delia: "Oo, Iha. Sasaktan mo lang ang iyong sarili dahil may nagugustuhan kang lalaki pero inilalayo mo naman ang iyong loob palayo sa kanya. Isipin mo, paano kung sa isang iglap, bigla siyang may ipinakilalang ibang babae sa akin? Ano sa tingin mo ang iyong mararamdaman?"

Muling nanahimik si Emily at pagkakataong ito, pinag-isipan niya ng mabuti ang itinanong sa kanya ni Lola Delia.

Lola Delia: "Aba? Sobra ka atang nanahimik, Iha? Siguro, imbes na ikaw ang magustuhan din niya ay baka mabaling ang kanyang atensyon sa iba dahil pilit mo siyang itinatanggi. Kaya parang ikaw din lang ang lumalabas na nangloloko sa iyong sarili, kapag nagkataon.

Emily: (Oo. Tama si Lola. Parang niloloko ko na mismo ang aking sarili kapag tatanggihan ko si Kit. Kahit pa gusto ko na rin siya dahil napakasobrang bait niya sa akin. Kaso natatakot pa rin ako na baka saktan din niya ang damdamin ko tulad ng ginawa ni Axel. Pero paano kung gusto din ako ni Kit? Kasi marami din siyang mga bagay na ginawa noong nakaraan para pasayahin ako. Siguro, dapat kong alamin kung may nararamdaman din siya para sa akin.)

Lola Delia: "Iha? Ang lalim ata ng iniisip mo? Nakarating ka na ba sa kailaliman ng Internet? Siguro, may bumati na sayo sa pinakailalim ng Web ng "Welcome to the Dark side! We Have Cookies."."

Ilang sandali pa, nakapagdesisyon na si Emily at naisip niyang sabihin sa matanda ang kanyang naisip na desisyon.

Emily: "Lola, nakapag-isip na po ako."

Lola Delia: "Hay....Buti nakabalik ka na sa Surface Web."

Emily (confused): "Ha? Ano pong sinasabi po ninyo?"

Lola Delia: "Hayaan mo na, Iha. Kalimutan mo na lang. Anyway, ano ulit ang napag-isipan mo, Iha?"

Emily: "Susubukan ko pong tanggapin si Kit na naayon po sa kung ano po ang nararamdaman ko po para sa kanya."

Lola Delia: "Susubukan mong tanggapin ang aking Apo na naayon sa iyong nararamdaman?"

Emily: "O-Opo."

Lola Delia: (Mukhang natatakot pa rin siya na baka lokohin siya ni Apo. Pero mabuti na rin itong naisip niyang desisyon para lalo pang mapalapit ang kanilang loob sa isa't isa. Kung alam mo lang, Iha, kung gaano ka kaswerte sa kanya.) "Iha, ang bilis mo namang pinag-isipan ang mga tanong na nabanggit ko sayo. Sigurado ka ba sa naisip mong desisyon?"

Emily: "Opo, Lola."

Lola Delia: "Kung ganun, ang maipapayo ko na lang sayo, Iha. Sundin mo kung ano ang idinidikta ng iyong puso at siguradong hindi ka magsisisi."

Emily: "Opo, Lola. Tatandaan ko po ang inyo pong mga sinabi."

Lola Delia: "Kung ganun, Iha. Maaari mo ba akong tulungan sa paghahanda ng Agahan? Mag-aalas singko na rin kasi ng umaga, tsaka nandito ka na rin lang, pakitulungan mo na rin ako sa pagluluto. At huwag kang mag-aalala, kung anu man ang ating napag-usapan, ititikom ko na lang ang aking bibig at magkukunwaring wala akong narinig."

Emily: "Ta-Talaga po? Hindi niyo ipagsasabi sa mga kasama po natin ang inyo pong mga nalaman?"

Lola Delia: "Oo, Iha. Basta't tulungan mo lang ako sa pagluluto at walang magiging problema."

Emily: "Sa-Salamat po! Napakabait niyo po, Lola Delia."

Lola Delia: "Walang anuman, Iha. Tsaka huling tanong na lang."

Emily: "Ano po iyon?"

Lola Delia: "Kailan ka magpapa-YARI sa Apo ko?"

Emily: "Lola! Bakit po ba lagi niyong tinatanong sa akin kung may nangyari po sa amin ni Kit?!"

Lola Delia: "Ehh....nagbabakasakali lang. Baka kasi kailangan kong maglabas ng pera sa Bangko para sa Baby Shower ng Apo ko sa Tuhod."

Emily: "Lola! Grabe naman po kayo! Magkaibigan lang po kami ni Kit!"

Lola Delia: "Sa ngayon, Oo. Magkaibigan muna kayo kasi diyan naman talaga nagsisimula iyan. Tapos sa susunod na dyan yung Magka-ibigan hanggang sa umabot na sa Magka-YARI-an! Hahahah!"

Emily: "Lola! Kinikilabutan po ako kapag sinasabi niyo po yung salitang YARI! Puwede po bang huwag niyo na pong banggitin ang salitang iyan?!"

Lola Delia: "Oo na, Iha. Basta pakitulungan na lang ako sa paghahanda ng agahan ha?"

Emily: "Opo, Lola. Sige po."

Matapos ang masinsinang pag-uusap nila Emily at Lola Delia, pumunta sa kusina ang dalawa at tinulungan naman ni Emily si Lola Delia sa pagluluto ng agahan.

Pagkatapos nilang magluto, sakto namang alas sais y medya na rin ng umaga at magkakasunod na bumangon mula sa kanilang mga kuwarto ang mga kaibigan ni Emily.

Unang nagising at lumabas mula sa kanilang mga kuwarto sila, Nina, Axel at Althea. Sumunod naman sila Daniel, Ruby at Claire at kalaunan, sila Isaac at ang dalawang Kambal, tsaka sila kumain ng kanilang agahan.

Pagkatapos kumain ng agahan, napansin ni Emily na huli nga kung gumising si Kit mula tinutulugan nitong Wardrobe at gaya ng sinabi sa kanya ni Lola Delia, pasado alas siyete y medya gumigising si Kit at mag-aagahan pa lamang.

Samantalang abala na sa paghuhugas ng kinainang mga plato't kubiyertos ang ilan sa kanilang mga kasama.

Habang nag-aagahan si Kit at tapos na rin sa paghuhugas ng mga plato ang ilan, muli na namang nag-iisip ng pagkaka-abalahan ang mga magkakaibigan sa loob ng Sala.

Althea: "Guys! Anong gusto niyong gawin sa araw na ito?"

Nina: "Ngayong araw? Uhmm...Wala bang naisip na pupuntahan si Lola Delia?"

Emily: "Wala eh. Tsaka ibinilin pala niya sa akin na ipapa-ayos daw niya sa bayan yung binanggang likod nang kanyang Van."

Isaac: "Kung ganun, boring na naman ang buong araw natin."

Daniel: "Oo. Boring talaga. Lalo na't wala si Lola Delia na mag-iisip ng gagawin."

Ruby: "However, last day na rin natin dito sa Vacation House. Kaya siguro, hinayaan na lang niya tayong maiwan dito sa bahay ay para makapag-isip sa kung ano ang ating gagawin?"

Axel: "Mukhang may punto ka sa sinabi mo, Ruby. Pero sana man lang, nagbilin man lang siya kung ano ang maari nating gawin."

Kit: "Gusto niyong may gawin tayo? Pagkakataon na natin ito para magbulakbok sa labas."

Sandaling hindi pinansin ng magkakaibigan ang nakatayong si Kit sa likod ng Sofa at nagulat na lang ang mga ito ng maisip nilang kasama na nila si Kit sa Sala.

Daniel: "Pambibira! Kit! Paano ka nakarating diyan?!"

Emily: "Oo nga! Hindi ka man lang namin nakitang dumaan sa pinto ng kusina!!"

Nina: "Kit! Sabihin mo nga ang totoo?! Alien ka ba?! Nagkakalat ka ba ng mga Portal sa buong bahay?!"

Claire: "Kit, magpaalam ka naman kung bigla kang susulpot. Kasi aatakihin kaming lahat sa puso kapag bigla ka na lang sumusulpot."

Kit: "Anyway, kung tapos na kayong magulat, maaari ba nating isipin kung ano gusto niyong gawin?"

Althea: "Kit, ano bang gagawin natin sa araw na ito?"

Kit: "Puwede tayong magfishing o kaya maligo sa dagat o kaya maglaro ng Beach Volleyball sa labas. Total, nasa likod lang naman ng bahay yung dagat."

Isaac: "Fishing?"

Daniel: "Maligo sa dagat?"

Allan & Allen: "Beach Volleyball?"

Habang nag-iisip ang mga magkakaibigan, naisip nang ilan na maganda ngang ideya ang magFishing at maligo sa dagat.

Ngunit kinilabutan naman ang mga kambal habang iniisip ang malakas na pagpalo ng bola ni Althea sakaling magbe-beach Volleyball ang mga ito.

Kaya agad isinawalang-bahala ng mga Kambal ang sinabi suhestiyon ni Kit.

Allan: "Kit! Puwedeng mag-isip ka na lang ng ibang puwedeng pagkaka-abalahan? Kasi pangkaraniwan na yung mga sinabi mo."

Allen: "Oo nga!"

Axel: "Pangkaraniwan? Ano ang pangkaraniwan sa sinabi ni Kit?"

Nina: "Alam niyo, may binabalak na naman siguro ang dalawang ito. Kaya ayaw nilang gawin ang alin man sa sinabi ni Kit."

Claire: "Nina, sang-ayon ako."

Ruby: "Ako din."

Allan: "Guyz! Maniwala kayo! Pangkaraniwan na yung mga sinabi ni Kit kanina. Kaya iba na lang ang gawin natin."

Allen: "Oo nga!"

Kit: "Okay. Kung ayaw niyo sa suggestions ko, maglaro na lang tayo ng...."

Allen: "Nang ano, Kit?"

Emily: "Maglalaro tayo?"

Isaac: "Ano naman kayang laro ang lalaruin natin sa pagkakataong ito?

Sandali munang hindi kumibo si Kit at nag-iisip kung ano ang laro na maari nilang gawin.

Hinihintay naman ng kanyang mga kasama kanyang sasabihin. Hanggang sa maisip niya ang laro na kanilang lalaruin.

Kit: ..Dodgeball.."

Daniel: "Ang galing mo, Kit!! Nakapag-isip ka ng laro na puwedeng laruin ng lahat!"

Isaac: "Oo nga! Tsaka ano nga pala ang Dodgeball?"

Axel: "Isaac, hindi mo alam ang Dodgeball?"

Isaac: "Hindi. Bakit? Ano ba yun?"

Kit: "Ipapaliwanang ko, ang Dodgeball ay isang simpleng Team sport kung saan mambabato ng bola ang isang team, habang ang kabilang team ay umiilag. Kapag natamaan ng bola ang member ng kalabang kuponan ay out na sa laro. At susunod naman mambabato yung team na may na-out na miyembro.

Althea: "So sinasabi mo ba na ang Team na may matitirang members ang mananalo sa laro?

Kit: "Oo, Alt. At talo ang team na ubos ang members sa field."

Ruby: "Mukhang maganda ang naisip mong laro, Kit. Maglaro na tayo agad ng hindi na tayo mabagot!"

Emily: "Oo! Tama si Ruby."

Axel: "Teka! Paano naman ang magiging hatian ng mga grupo?"

Nina: "Siyempre! Girls vs Boys pa rin ang hatian, Axel."

Althea: "Oo! Tama si Nina, Axel. Tsaka hindi natuloy ang laro natin sa Pool kahapon dahil sa pagkaka-aksidente ni Kit. Kaya dapat ituloy natin ang laro kahapon sa ibang laro."

Ruby: "Girls, lets go! Lumabas na tayo at kunin niyo na ang bola ng Volleyball."

Daniel: "Bola ng Volleyball? Gagamitin natin ang bola ng Volleyball sa paglalaro ng Dodgeball?"

Althea: "Oo, Daniel! Bakit, may nakikita ka pa bang ibang bola sa paligid?!"

Daniel: "Eh..wala."

Althea: "Wala naman pala! Kaya kumilos na kayong mga lalaki at maglaro na tayo!"

Dahil excited maglaro ang mga babae, agad kinuha ng mga ito ang bola at lumabas sa Vacation house.

Sumunod naman ang mga lalaki sa labas at pumunta sa tabi ng dagat para maglaro.

Pagdating nila sa buhanginan, agad gumawa ng kuwadradong linya ang mga magkakaibigan at agad pinag-usapan ang kanilang magiging laro.

Kit: "Guys! Naipaliwanag ko na kanina kung paano ang magiging laro. Kaya ipapaliwanag ko ang magiging mechanics natin. Una, kapag natamaan sa kahit na anong parte ng inyong katawan ang bola, automatic, out na kayo sa laro. Second, puwede ninyong gawin kahit na anumang naisin niyong play style sa pagbabato ng bola. Pangatlo, sinong makakuha sa bola, pagpasa man mula sa kakampi o pagsalo, siya ang mambabato. Maliwanag ba sa inyo ang mga sinabi ko?"

Althea: "Oo. Maliwanag!"

Ruby: "Crystal!"

Claire: "Maliwanag pa sa Araw."

Daniel: "Sang-ayon ako!"

Axel: (Sandali.. Sinabi ba kanina ni Kit na puwedeng gawin, anumang uri ng play style sa pambabato? I-Ibig sabihin?!)

Biglang nangilabot si Axel ng maisip nitong maaring gamitin ni Althea ang malahalimaw nitong pag-Spike sa paglalaro ng Dodgeball.

Kung kaya't naisip niyang umatras sa laro pero bago pa man niya sabihan si Kit na siya ay hindi sasali sa laro, nasabihan na ni Isaac si Kit na magvo-volunteer ito para maging Referee.

Isaac: "Kit, pwedeng ako na maging Referee, parang napulikat kasi ang paa ko."

Kit: "Okay."

Isaac: "Salamat ha?"

Kit: "Walang anuman."

Axel: "OH HINDI! MAMAMATAY NA AKO!"

Allen: "Anong sinasabi mo diyan, Axel? Minsan ka lang naman matatamaan ng bola sa katawan, di ba? Daniel?"

Allan: "Oo nga!"

Daniel: "Allan, ako ang tinatanong! Hindi ikaw! Pero, tama nga naman si Allen."

Axel: "Daniel, nagkakamali ka ng iniisip! Mauubos tayong lahat! Mamatay tayo!"

Daniel: "Relax ka lang, Pare! Mananalo ang mga poging kagaya natin! Dahil sa pagkakataon ito, kasama na natin si Kit! Kaya huminahon ka nga?! Puwede?!"

Althea: "Tumigil na kayo sa pagdradrama! Kanina pa kami nakapwesto dito!"

Daniel: "Okay! Andiyan na!"

Wala nang nagawa si Axel kundi ang ipagdasal na hindi siya matsambahang matamaan ng pambabato ng bola ni Althea at umaasa siya na si Claire ang mambabato ng sa kanya ng bola.

Matapos pumusisyon at pumwesto ang bawat kalahok, sinimulan ni Isaac ang laro gamit ang Jack en Poy. Kung saan, nanalo ang mga lalaki at si Axel ang mambabato.

Axel: (Advantage ito sa akin! Kailangan kong batuhin si Alt para maalis na siya agad sa laro! Humanda ka na Alt! Out ka na!)

Linakasan ni Axel ang kanyang pagbato sa bola, patungo kay Althea.

Ngunit hindi inaasahan ni Axel ang mabilis nitong pagkilos, dahilan para maka-ilag si Althea.

Bagamat naiwasan, natamaan naman si Claire sa katawan dahil nakapuwesto siya sa likod ni Althea.

Isaac: "Out na si Claire! Sa girls mapupunta ang bola!"

Axel (irritated): (AAAAARRRGGHH! BA'T SI CLAIRE ANG NATAMAAN KO NG BOLA?!)

Allan: "Nice job! Axel! Nabawasan na sila ng isa!!"

Allen: "Oo nga!"

Daniel: "Sabi ko naman sayo, Axel! Mananalo na tayo sa pagkakataong ito!"

Axel: "Anong mananalo?! MAMATAY TAYO!!"

Kit: "Axel, masyado ka namang nerbyoso."

Axel: "Kit, hindi ako nerbyoso!! Talagang katapusan na natin!!"

Sa kabilang grupo naman, dismayado ang mga babae dahil sa maagang pagkakatanggal ni Claire sa laro.

Claire: "Guys, pasensya na. Hindi ko napansin yung papalapit na bola."

Althea: "Okay lang, Claire. Tayo naman ang titira ng bola. Kaya babawi kami para sayo."

Nina: "Oo, Claire. Magtiwala ka kay Alt dahil may naisip kami kung paano makakabawi."

Claire: "Sige, Guys. May tiwala ako sa inyo."

Pagkatapos makapag-usap ng bawat grupo, itinuloy nila ang kanilang laro.

Nasa kay Emily ang bola at tinitignan niya kung sino sa panig ng mga lalaki ang madaling matamaan.

Ibinato ni Emily ang bola kay Daniel, ngunit nakailag naman ito. Sumunod namang bumato si Allen at ibinato nito ang bola kay Nina na nakailag din sa kanyang pagbato.

Sumunod naman bumato si Ruby, ngunit nakailag din si Allan. Nang si Allen ang bumato ng bola, nasalo ito ni Ruby at ibinato naman niya agad kay Daniel na nakailag din sa kanyang pagbato.

Walang ideya ang mga lalaki na kumakalap pala ng impormasyon ang mga babae sa kung paano maglaro ang kanilang kalaban.

Hanggang sa napasakanila ulit ang bola at sandaling nag-usap.

Ruby: "Guys, anong napansin niyo sa mga kalaban natin?"

Nina: "Napansin kong si Daniel malakas bumato. Si Axel naman, katamtaman ang lakas at bilis niya sa pagbato at pag-ilag. Yung Kambal, gaya din ni Axel kung umilag pero mahina silang bumato."

Ruby: "At si Kit?"

Nina: "Sobrang liksi niyang umilag pero kanina pa niya pinapasa ang bola sa kanyang mga kasama. Kaya hindi ko alam kung malakas ba siya bumato o hindi."

Althea: "Sa nakikita ko, Ruby. Mahina din bumato si Kit."

Emily: "Paano mo nasabi, Alt?"

Althea: "Kasi Emily, kanina pa niya ipinapasa yung bola sa kanyang mga kakampi. Kaya hinala ko, mahina din siyang bumato ng bola."

Ruby: "Kung ganun, kailangan na nating magpatumba ng isa sa kanilang miyembro."

Emily: "Ruby, sino naman ang patutumbahin natin sa kanila?"

Ruby: "Sino pa ba? Eh di yung mga lalaking mabagal kumilos."

Nang sabihin ni Ruby kung sino ang kanilang unang paalisin sa laro, agad tumango sila Emily, Nina at Althea.

Tsaka sila pumosisyon sa dati nilang mga pwesto at isinagawa ang kanilang plano.

Habang hawak ni Ruby ang bola, kanyang iniangat ang bola at akmang babatuhin si Kit. Naghanda naman sa pag-ilag ang mga lalaki pero hindi nila inasahan ang sumunod na ginawa ni Ruby.

Biglang tinapik ni Ruby ang bola sa ere at biglang lumundag si Althea sabay tira ng spike sa bola.

Althea: "SUPER SONIC SPIKE!"

Pagka-spike ni Althea, bumulusok ng sobrang bilis ang bola.

Imbes na dumiretso ito kay Kit, naiba ang direksyon nito at bumulusok sa lokasyon ni Allen.

Sa sobrang bilis ng bola, tumama ito sa kanyang tiyan at tumalsik pa ito papunta sa mukha ni Daniel na siyang dahilan para mapabagsak ito sa buhangin, tsaka pa ito tumalsik papunta tadyang ni Axel, bago tumalsik palabas ng ginawang linya sa buhangin ang bola.

Tumumba sa buhangin at namilipit sa sakit ang tatlo matapos magpatalbug-talbog ng malakas ang bolang pinalo ni Althea.

Isaac: "Out na sila Allen, Daniel at Axel sa laro! Mapupunta ang bola sa grupo ng mga lalaki!" (Buti na lang, naging Referee ako. Kapag nagkataon, kasama din sana ako sa mga biktima ng malahalimaw na lakas ng pag-Spike ni Althea.)

Emily: "Alt, ang galing mo! Tatlo ang napabagsak mo sa isang bato lang!"

Claire: "Ang galing niyo guys! Si Kit at si Allan na lang ang natitira sa kabila."

Nina: "Oo, Claire! Sigurado na ang panalo natin kapag natamaan sa susunod na pagbato sina Kit at Allan!"

Althea: "At mananalo na ang Girls team laban sa Boys!

Habang nagpapakasaya ang mga babae sa kanilang panig, abala naman sa paghila si Kit at Allan sa kanilang mga bumagsak na kasama papunta sa labas ng kanilang Play Area.

Axel: "A-Aray! Ang sakit! Nabalian ata ako ng buto."

Allan: "Tol! Huwag kang bibitaw! Darating na ang tulong! Sigurado akong tumawag ng Ambulansya si Kit na may mga naggagandahang ng mga Nurse sa loob! Kaya huwag mong ipipikit ang iyong mga mata!"

Allen: "Tol.. Patawad.. Hindi na ako magtatagal.. Mukhang....kailangan mong ipagpatuloy nang mag-isa ang ating.... nasimulan..."

Allan: "Ano iyon, Tol?! Ano ang kailangan kong ipagpatuloy?!"

Allen: "Kailangan mong..."

Allan: "Kailangan kong ano?"

Allen: "Kailangan mong... makita... ANG PANTY NI CLAIRE..!!"

Sabay nawalan ng malay si Allen. Umiiyak at nagdrarama naman ang kakambal nitong si Allan.

Allan: "Tol! Hindi!! Huwag mo akong iiwan!"

Kit (harsh tone): "Allan, itigil mo nga yan at baka ako pa mismo ang maglilibing sayo ng buhay dito sa buhangin."

Allan: "Okay. Titigil na. Hindi ka naman mabiro."

Kit: "Tsaka tulog din sina Daniel at Axel. Hindi ko na mapapakinabangan ang lakas nila sa pagbato ng bola. Kaya Allan, umaasa ako na lalakasan mo ang iyong pagbato."

Allan: "Sige! Makakaasa ka sa akin, Kit."

Matapos mailagay sa tabi ng kanilang Play Area ang walang malay nilang mga kasama, bumalik sa laro ang dalawa at ipinasa ni Kit kay Allan ang bola.

Tsaka ibinato ni Allan ang bola papunta sa direksyon ni Ruby.

Dahil mahinang bumato ng bola si Allan, nasalo lang ni Ruby ang bola at gaya kanina, muli nitong tinapik ang bola sa ere, sabay tumira ng Spike si Althea na siyang dahilan para bumulusok muli ang bola, diretso sa mukha ni Allan.

At gaya sa mga nauna nilang mga kasama, natamaan sa mukha si Allan at nagpagulong-gulong sa buhangin ng ilang metro palabas sa kanilang Play Area.

Isaac: "Out na sa laro si Allan! At mapupunta pa sa Girls team ang bola!" (Gaya ng inaasahan, talo talaga kami at si Kit na lang ang natitira. Kahit na mailagan pa ni Kit ang pagbato ng mga babae sa bola, matatalo pa rin kami kung hindi siya makakapagbato ng bola.)

Kit: (Sabi ko na nga ba. Hindi ko talaga maasahan etong si Allan.)

Ruby: "Yes! Nice one, Althea!"

Althea: "Salamat, Ruby!"

Nina: "Girls! Sure win na ito! Si Kit na lang ang natitira sa mga lalaki!"

Emily: "Oo! Mahulaan lang natin kung saan iilag si Kit at sigurado na ang panalo natin!"

Dahil si Kit na lang ang natitirang miyembro sa panig ng mga lalaki, naging kampante sa pagkapanalo ang mga babae at minadali nilang tinapos ang kanilang laro.

Kaya agad na namang tinapik ni Ruby ang bola sa ere, sabay tumira ng Spike si Althea.

Ruby: "Alt, ngayon na! Tapusin mo na ang laro!"

Althea: "Eto na! SUPER SONIC SPIKE!"

Pagpalo ni Althea sa bola, bumulusok ito diretso sa direction ni Kit.

Nakikita nilang, hindi na ito makakailag pa at tatamaan na rin ng bola ang gitna ng kanyang dibdib.

Ngunit nagulat ang lahat nang makita nila ang sumunod na ginawa ni Kit.

Ruby: "What in the world?!"

Althea: "I-Impossible!"

Nina: "Na-Nasalo niya?!"

Emily: "Pa-Paano nangyaring nasalo ni Kit ang bola?!"

Hindi makapaniwala ang mga babae sa kanilang nakita. Nagawang mapigilan at masalo ni Kit ang bola mula sa mala-balang bilis at bumubulusok na pag-Spike ni Althea, gamit ang dalawa niyang kamay.

Matapos niyang masalo, si Kit naman ang babato ng bola.

Kit: "Initiate counter-attack."

Sabay ibinato ni Kit ng malakas ang bola sa direksyon ni Althea.

Ngunit sa hindi malamang dahilan, biglang kumurba pakaliwa ang bola at natamaan sa katawan si Emily na siyang dahilan para matanggal siya sa laro.

Isaac: "Out na si Emily sa laro! At sa panig pa rin ng mga lalaki mapupunta ang bola!" (Paanong nagawa ni Kit pakurbahin ang bola papunta sa ibang direksyon? Nakita kong si Althea ang gusto niyang batuhin pero kusang lumiko ang bola sa kaliwa at natamaan si Emily.)

Emily: "Teka?! Paano nangyari yun?! Nakita kong diretso ang pagbato niya ng bola papunta sa direksyon ni Alt!"

Nina: "Oo. Nakita ko din! Si Alt ang pinupunterya niyang batuhin!"

Claire: "Kit! Anong uri ng mahika ang iyong ginawa sa bola?!"

Ruby: "Girls, hindi mahika ang ginawang pagbato ni Kit sa bola. Kundi isang uri ng Rare Thowing Technique sa larong Baseball."

Althea: "Isang uri ng Throwing technique?"

Ruby: "Oo. Ang tawag sa pagbatong iyon ay Boomerang throw at madalas nakikita ang pagbatong iyan sa larong Baseball. Kapag ibinato ng Pitcher ang bola sa kalaban, kusang lumiliko bahagya ang bola dahil tinutulak ng malakas na hangin ang bola habang ito ay umiikot ng mabilis sa ere. "

Althea: "So sinasabi mo ba, Ruby, na maaari tayong tamaan ng bola kahit hindi tayo direktang batuhin ni Kit?"

Ruby: "Oo. Kaya ang maaari na lang nating gawin para tumagal tayo sa laro ay ang maging alerto sa direksyong pupuntahan ng bola."

Althea: (Kahit pala sa paglalaro ng Dodgeball, mahirap pa rin basahin ang iniisip ni Kit. Tama ang sinabi ni Ruby. Kailangan pa rin naming mag-ingat.)

Matapos matamaan at umalis si Emily sa laro, muli na namang pumuwesto ang mga babae.

Nang magulat na naman sila sa biglang pagtama ng bola sa kaliwang balikat ni Ruby at hindi man lang nila namalayang bumato na pala ng bola si Kit.

Ruby: (Teka! Tumama na ang bola sa aking balikat?!)

Althea: (Ang bilis ng pagbatong iyon! Halos hindi ko namalayang bumato na si Kit!)

Isaac: "A-Anong nangyari?! Bumato na ba si Kit ng bola?"

Kit: "Oo. Bumato na ako ng bola at tumama sa kaliwang balikat ni Ruby. Kita naman sa buhangin, nasa tabi lang niya yung bola."

Isaac: "Kung ganun, out na sa laro si Ruby! At sa girls Team mapupunta ang bola!"

Umalis si Ruby sa Play Area, tsaka siya nilapitan nina Claire at Emily para tanungin kung anu ang nangyari.

Emily: "Ruby, anong nangyari doon?! Ba't ka natanggal sa laro?!"

Ruby: "Hindi ko masabi pero alam kong natamaan ako ng bola sa balikat."

Claire: "Natamaan ka ng bola? Pero wala naman kaming nakitang bola na tumama sayo?"

Ruby: "Claire, natamaan ako. Hindi niyo lang napapansin kasi sobrang bilis ng pagbulusok ng bola at pakiramdam ko, para akong sinuntok sa kaliwa kong balikat."

Emily: "Para kang sinuntok? Sinasabi mo bang ganun kalakas mambato ng bola si Kit?!"

Ruby: "Oo, Emily. Pero I don't think na ibinato niya ang bola."

Claire: "Ruby, anong ibig mong sabihin?"

Ruby: "Maaaring ginagawa din ni Kit ang ginagawang pag-palo ni Alt sa bola. Pero sa ibang paraan nga lang." (Hinala ko, sinusuntok ni Kit ang bola ng sobrang lakas, at the right speed and momentum. Kaya hindi mo namamalayang tumama na pala sayo ang bola. Kung iisipin, ilang tao kaya ang naipadala ni Kit sa Ospital noong naglalaro pa siya ng Volleyball sa Elementary?)

Muli na namang pumwesto sila Nina at Althea sa Play Area, at pinagmamasdan nilang mabuti kung ano ang susunod na pagkilos ang gagawin ni Kit.

Nina: "Alt, normal lang na nakatayo si Kit. Sa tingin mo saang direksyon kaya siya iilag?"

Althea: "Nina, hindi iilag si Kit. Sigurado akong sasaluhin na naman niya ang bola."

Nina: "Eh anong gagawin natin para matalo si Kit?"

Althea: "Lalabanan ko siya nang Apoy sa Apoy!"

Nina: "Alt, anong pinapalano mo?"

Althea: "Susuntukin ko ang bola. Ewan ko na lang kung masalo pa niya. Kaya itapik mo yung bola sa ere at susuntukin ko ang bola."

Nina: "Sige, ikaw ang bahala, Alt. Pero sana man lang matamaan mo siya sa iyong gagawin."

Pagkakuha ni Nina sa bola, naghanda na ito para itapik ang bola sa ere. At gaya ng kanilang napagplanuhan, pagtapik ng bola sa ere, agad tinalon at sinuntok ng sobrang lakas ni Althea ang bola.

Althea: "ULTRAHYPER SONIC SMASH!!" (Hahaha!! Sigurado na ang panalo namin!! Ibubuhos ko na lahat sa tirang ito!!)

Bumulusok ng sobrang bilis ang bola papunta sa direksyon ni Kit at gaya ng inaasahan, akmang sasaluhin ni Kit ang bola.

Pero ang hindi nila alam, pumwesto lang ng kumportable si Kit para paghandaan ang susunod niyang gagawin.

Nang tatama na sana ang bola kay Kit, agad nitong ibwinelo ang kanyang kanang kamao at buong lakas niyang sinuntok ang bumubulusok na bola, pabalik kay Althea.

Bumulusok ng doble pa sa bilis ng pagtira ni Althea ang bumalik na bola at tumama ito sa kanyang ulo.

Sa sobrang lakas ng pagtama ng bola, agad nahilo at tumumba sa buhangin si Althea.

Agad naman siyang nilapitan ng kanyang mga kakampi.

Nina: "Alt! Okay ka lang ba?! Ilan ang nakikita mong daliri sa aking kamay?"

Althea: "Shampoo!"

Nina: "Alt, limang daliri lang ang mayroon sa isang kamay! Hindi sampu!"

Ruby: "Aba, talagang nahilo siya sa pagtama ng bola sa kanyang ulo."

Claire: "Buti nga, hindi siya nagka-Amnesia pagkatapos tumama ang bumubulusok na bola sa kanyang ulo."

Emily: "Tsaka, hindi tama yung ginawa mo, Kit! Dapat kinontrol mo yung lakas ng pagsuntok mo sa bola para hindi gaanong nasaktan si Alt! Buti sana kung hindi babae ang kalaro mo!"

Kit: "Oo na. Sa katunayan, hindi ko nakontrol yung lakas ng pagsuntok ko sa bola. Kaya pagpasensyahan niyo na lang ako. Pero atleast nahilo lang si Alt. Di gaya nung apat diyan."

Isaac: "Oo nga naman. May punto si Kit. Hindi naman nawalan ng malay si Alt. Kaya okay lang siya."

Kit: "Ngayon, itutuloy pa ba natin ang laro?"

Nina: "Hindi na, Kit. Kayo na ang panalo. Susurrender na ako sa laro."

Claire: "Nina, Bakit naman?"

Nina: "Matapos itong nangyari kay Alt, ipagpapatuloy ko pa? Mas mabuting huwag na lang." (At ayokong matamaan ng bola sa mukha. Kaya isusuko ko na ang laro.)

Isaac: "Kung ganun..."

Kit: "Draw ang laban."

Isaac: "Draw? Bakit naman naging Draw?"

Emily: "Oo nga, Kit. Bakit naman naging Draw?"

Kit: "Para hindi magyabang si Daniel pagkagising niya mamaya."

Ruby: "Oo. Paiiralin na naman ng lalaking iyon ang pagiging mahangin. Kaya tama yung sinabi mo."

Kit: "Kaya pagkagising nung apat, sabihin niyong Draw ang laro."

Nang matapos ang kanilang laro, kumuha ng isang timba si Kit mula sa Vacation House at nag-igib ng tubig-dagat, tsaka niya ito ibinuhos sa natutulog nilang mga kaibigan.

Nagising naman ang apat na lalaki nang maramdaman nilang humapdi ang kanilang mga mata dahil sa tubig-dagat.

Axel: "Oh my G! Ang sakit sa mata! Sinong nagbuhos nun?!"

Daniel: "Puweh! Ang alat!"

Allan: "Oo nga!"

Kit: "Buti naman at nagising na kayo. Kukuha pa ulit sana ako ng tubig-dagat para ibuhos sa inyo."

Daniel: "Kit, ano bang trip mo at tubig-dagat ang naisip mong pambuhos sa amin?!"

Allen: "Oo nga!"

Kit: "Wala naman. Pero mamayang hapon, uuwi na tayo sa atin. Kaya ko kayo ginising ay para maligo sa dagat at ihanda ang ating mga gamit para sa pag-uwi."

Axel: "Ha? Uuwi na tayo?"

Kit: "Oo, Axel. Kaya dapat nakaligo na tayo bago pa dumating ang mga sundo natin."

Axel: "Oo. Pero bago muna iyon.."

Nagtinginan ang apat na lalaki at agad nilang sinunggaban si Kit, tsaka nila ito binuhat at itinapon sa mababaw na parte ng dagat.

Hindi naman natuwa si Kit, matapos siyang ihagis ng apat na lalaki sa tubig-dagat.

Axel: "Haha! Sa wakas! Naihagis ka na rin namin sa tubig!"

Allan: "Oo nga, Kit! Hindi mo siguro inaasahan yun noh?! Hahaha!"

Kit: "Ah ganun ha."

Agad kinuha ni Kit ang timba na kanyang ginamit sa pang-gising at isinaboy ang tubig-dagat na pumapasok sa loob.

Hanggang sa idinamay niya na rin ang mga babae na nanonood lang sa buhanginan at sumali na rin sa sabuyan ng tubig.

Naghabulan, nagtawanan at nagsabuyan din ang mga magkakaibigan, tsaka sumali na din si Althea, matapos mawala ang kanyang nararamdamang hilo.

Ito ang unang pagkakataon na naging masaya sa paghahabulan at paglalaro, ang mga magkakaibigan na tila mga ibong lumilipad sa ere, at walang iniisip na problema.

Matapos ang dalawang oras na paliligo sa dagat, bumalik ang mga ito sa Vacation house at ginamit ang Poso sa labas para magbanlaw.

Tsaka sila bumalik sa kanilang mga kuwarto para magpalit ng tuyong damit.

Sakto namang kadadarating din ni Lola Delia galing sa bayan, dala ang dalawang lechong manok at isang malaking bilao ng kanin at sugpo bilang pananghalian.

Pagkatapos kumain, agad nagtulong ang mga magkakaibigan sa paghuhugas ng pinggan at kanila din ibinalik sa mga kabinet. Nang handa na ang lahat para umalis, dumating naman sila Mark dala ang puting Van ni Ansyong kasama ang katiwalang Driver ng kanilang kumpanya.

Mark: "Aba! Guys! Mukhang handa na kayong umalis. Pero siguraduhin niyo munang-!"

Daniel: "Lahat kayo! Sumakay na kayo sa Puting Van!!"

Ruby: "Daniel! Tumabi ka nga diyan! Huwag kang humarang!"

Allen: "Paunahin niyo kami!"

Althea: "Hindi! Mahuli kayo!"

Nagkakandarapang makasakay sa Puting Van ang ilan sa mga magkakaibigan dahil alam nila na kapag hindi sila nakasakay sa Puting Van ay muli na naman nilang mararanasan ang kaskasero at buwis-buhay na pagmamaneho ni Lola Delia sa kanyang sasakyan.

Kaya nag-uunahan ang mga ito na makapasok sa sasakyang dala ni Mark.

Lola Delia: "Aba, Apo? Hindi ko akalain na excited din pa lang umuwi ang mga kaibigan mo at nag-uunahan sila sa pagpasok sa loob ng dalang Van nang iyong Uncle Mark. Sabihin mo, Apo? May Event bang magaganap sa lugar natin?"

Kit: "Wala po, Lola. Excited lang po talaga silang umuwi." (Ang totoo po niyan, takot po silang sumakay sa Van po ninyo, dahil kaskasero po kayo kung magmaneho.)

Nang makasakay ang lahat sa puting Van, muli na naman tinanong ni Mark ang kanyang mga sakay kung sigurado na ba sila sa kanilang naging desisyon.

Mark: "Okay! Boys ang Girls! Wala na bang atrasan ito? Sigurado na ba kayong gusto niyong sumakay dito sa aking Van?"

Allan: "Opo, Sir Mark! Sigurado na po kami!"

Allen: "Oo nga!"

Emily: "Sandali? Nasaan si Kit?"

Mark: "Emily, kung tinatanong mo kung saan siya sasakay, doon pa rin siya sasakay sa sasakyan ni Mama."

Nina: "A-Ano po?! Doon pa rin sasakay si Kit sa kanyang Lola?!"

Mark: "Oo, Iha. Doon pa rin siya sasakay sa sasakyan ni Mama."

Emily: "Pe-Pero bakit?! Bakit mas gusto pa rin ni Kit ang sumakay sa Van ni Lola Delia?! Eh mas ligtas pa nga ang pagmamaneho ng Driver dito sa puting Van?!"

Mark: "Emily, huwag mo sanang masamain ang sasabihin ko. Pero, nasanay na kasi si Kit sa pagmamaneho ni Mama at malaki ang tiwala niya na makakauwi sila ng ligtas. Kaya ayaw niyang iwan si Mama sa kabilang Van."

Sandaling nanahimik si Emily at pinag-isipan ang sinabi ni Mark hanggang sa naisip na lang niyang bumaba sa puting Van at lumipat sa Van ni Lola Delia.

Claire: "Emily? Saan ka pupunta? Magsi-CR ka pa ba?"

Emily: "Hindi, Claire. Lilipat ako sa Van ni Lola Delia."

Ruby: "Emily, sigurado ka ba? Alam mo naman kung paano magmaneho ang Lola ni Kit hindi ba? Kaya bakit ka lilipat sa kabila?"

Emily: "Guys, may gusto lang akong subukan. Kaya lilipat ako sa Van ni Lola Delia."

Mark: "Kung desidido ka na, eh di mag-ingat na lang kayo sa daan at pakisabi kay Mama na mag-ingat sa pagmamaneho."

Emily: "Opo, Sir Mark. Makakarating po."

Tsaka binuksan ni Emily ang pinto ng puting Van at bumaba ito papunta sa Van ni Lola Delia.

Nagulat si Lola Delia ng makita niyang lumipat si Emily nang sasakyan at sumakay sa kanyang Van. Kaya tinanong niya ito.

Lola Delia: "Oh? Iha? Bakit ka Lumipat sa aking Van?"

Emily: "Ano lang po... Masikip na po sa kabila kaya lumipat na po ako dito sa inyo."

Lola Delia: "Sigurado ka ba?"

Emily: "Opo." (Tsaka kung naniniwala po si Kit sa inyo na makakauwi siya ng ligtas. Ba't hindi ko din po subukan.)

Lola Delia: "Kung iyan ang iyong desisyon, Iha. Hindi na kita kokontrahin. Pero mag Seatbelt ka lang sa iyong upuan. Baka sakaling may mangyari."

Emily: "Opo."

At matapos isuot ni Emily ang Seatbelt, agad pinaandar ni Lola Delia ang kanyang sasakyan.

Sumunod naman ang puting Van ni Mark matapos umandar ang Van ni Lola Delia.

Makalipas ang ilang oras na biyahe, nakabalik na ang parehong sasakyan sa lugar kung saan nakatira sila Kit at Emily.

Paghinto ng mga Van sa tapat ng bahay ni Emily, agad bumaba ang kanilang mga kaibigan at nagpaalam na uuwi na ang mga ito sa kanilang mga bahay, tsaka sila nagpasalamat kay Kit at Lola Delia sa pag-iimbita sa kanilang Outing.

Matapos mag-paalam, magkasamang naglakad ang kaibigan nila Kit at Emily pauwi sa kanilang mga bahay, tsaka pumasok sa kanilang mga tahanan sina Emily at Kit.

Kinagabihan, pagkatapos kumain ng hapunan, katatapos lang mag-chat ni Emily sa kanyang mga kaibigan gamit ang android phone, nang mapansin niya ang biglang pananakit ng kanyang mga kasukasuan at buong katawan.

Akala ni Emily, nananakit ang buo niyang katawan dahil lang sa sobrang pagod sa kanilang Outing.

Kaya binale-wala na lang niya ang kanyang narararamdaman sa kanyang katawan at humiga sa kanyang kama para matulog.