webnovel

SAYO PARIN

Will they be able to rekindle the romance they lost when they were children?

Jeraldgarlostories · 若者
レビュー数が足りません
6 Chs

CHAPTER THREE

Habang busy sa pag wawalis dahil tinakbuhan nanaman ako ng mga sweepers bigla na lang sumulpot si Liam sa kong saang lugar dito sa room.

" Sup! Angel? " Sambit niya at kumindat sa akin.

Tila masuka ako sa pagmumukha niya kaya nakakibit balikat akong tumalikod. " Hoy Mister mayabang kong aasarin mo lang ako mas mabuti pang lumabas kana dito sa room, hampas ko sayo tong walis na hawak ko! " Galit na bulyaw ko.

" Oh ikalma mo yang puso mo, kaya nga ako pumunta dito para tulongan ka. Partida hindi pako sweeper niyan. "

" So anong gusto mo palabasin, May utang na loob pako sayo ganon? "

Hindi nako nakatanggi pa ng magsimula na siyang kumuha ng walis. Ang nakaka-inis lang hindi siya tumitigil sa pag pa cute sa akin. Akala siguro niya sa ganong paraan lang niya ko makukuha nah! Never.

Tiningnan ko ang relo ko, 5:15 PM na pala. Sa tingin ko naman malinis na ang room kaya kinuha kuna ang bag ko, binuksan ko ito para sana kumuha ng towel dahil pawis na pawis ako. May nakita kong chocolate sa bag ko at ibinigay sa nakakasukang lalaki nato, parang pa thank you kuna rin kasi napadali yung trabaho ko.

" Para saan to Montemayor? Don't tell me nahuhulog kana sakin ayieeee, Wag kang mag alala single pa naman ako tsaka kong nahuhulog kana sakin sasaluhin naman kita. " Saad niya habang sarap na sarap sa pagkain ng chocolate.

Napatingin nalang ako sa kanya at marahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya.

" Angel first time ko to. " Aniya at pumikit habang nakanguso.

" Tanga yung ibaba ng labi mo madungis na dahil sa chocolate. " Aniko at pinunasan ang labi niya gamit ang panyo ko.

-

ANGEL'S POV

Habang nakabulagta sa kama at nanonood nang episode 964 nang one piece, napakunot nalang ang noo ko.

" Liam Delosantos followed you. "

Syempre dahil mabait ako at marunong tumanaw nang utang na loob finollow back ko siya, napaisip ako bigla nang mapindot ko na ang follow back button.

" Anong dahilan para ifollow niya ko e hindi pa naman kami close? Dahil sa curiosity, Ichinat ko siya, hindi para makipagharutan ah, ichinat ko siya para malaman kong anong pakay niya bakit niya ko finollow. "

Angel Montemayor: Uhmn hi?

Liam Delosantos: Yes angel's burger, ilang burger po order niyo?

ANGEL'S POV

Angel's burger ampopo ansama gago, ah so kaya pala ko finollow nang lalaking to para pagtripan ako ang kapal din naman nang mukha.

Angel Montemayor: Hoy alam mo kikyam, fish ball, kwek kwek, isaw kong iinisin mo lang ako kaya moko finollow mas maiigi pang i unfollow muna lang ako.

Liam Delosantos: Bakit palagi kang galit? Tsaka ikaw unang nag chat noh wait wag mong sabihin nafall kana sakin.

ANGEL'S POV

" I know it. The more good looking the man is..." Napahigab nalang ako dahil sa antok. " The more idiot. " At humiga para matulog.