webnovel

SAYO PARIN

Will they be able to rekindle the romance they lost when they were children?

Jeraldgarlostories · Teen
Not enough ratings
6 Chs

CHAPTER TWO

Napatingin na lamang ako sa aking relo ng biglang may naramdaman akong bulto ng tao sa likod ko.

" Ako Delosantos wag mokong ginagal- " Natigilan ako dahil mali ang hinala ko. " Ah eh, good afternoon po Miss Flores. " Halos manliit ako sa hiya.

Ngumiti siya sa akin at tumabi sa kinauupuan ko. " Nakita kasi kita kaninang mag isang nagbubura ng mga vandal kaya sinundan kita dito. " Iniabot niya saken ang isang bote ng tubig at cookies. " Ako ang gumawa ng cookies na yan. " Nakangising wika niya.

Uminom ako ng tubig at kumagat ng konte sa cookies para kunwari nakakahiya. " Ah salamat po. " Tugon ko.

Sensero niya kong tiningnan. " Sana marami pang estudyante ang gaya mo, bukod sa top student masipag pa. "

Alam mo ma'am kong hindi lang ako natalo sa dare na iyon hindi ko naman talaga gagawin to. Pero dahil puring puri narin naman ako paninindigan ko nalang. Wika ko sa isip ko.

" Ang sakit naman po kasi sa mata pag may nakikita kong dumi sa campus, first day of school pa naman. Tsaka pansin ko na maraming transferred students ngayong taon, gusto ko kasi na makita nilang maayos at malinis ang university sa ganong paraan ay gayahin at ugaliin nila ang kalinisan. " Tumayo ako at nagpa-alam dahil mag aala-sais na ng gabi. " Mauna na ho ako Miss Flores, thank you po sa cookies. "

Isinuot ko ang earphone at pinatugtog ang paborito naming kanta ni mama at naglakad, malapit lang naman kasi ang bahay nila tita sa usant kaya nilalakad ko nalang.

Namiss ko bigla ang gabi gabing pag-awit sa akin ni mama bago ako matulog. Tiningnan ko ang relo ko 6:30 PM na binuksan ko ang gate, nakita ko si titang nag wawalis sa labas.

Niyakap ko siya at humalik sa pisngi niya. "Good afternoon po tita "

" Mukhang ginabi ka ata ng uwi angel, tsaka bakit amoy pawis ka ngayon? "

" Dahil po sa kagagawan ng anak niyo. " Kunwari malungkot ako para mapagalitan si Freya.

" Hayaan muna isip bata talaga ang anak kong iyon. Magbihis ka muna ng pambahay tapos pumunta kana sa kusina para sabay na tayong tatlo kumain. "

Habang nagbibihis may napansin akong kakaibang bagay na ngayon ko lamang nakita sa kwarto ko. Isang lalagyan na yari sa kahoy, binuksan ko ito.

Nakita ko ang mga lumang litrato namin ni mama noong bata pako. Naiyak na lamang ako habang sinasariwa ang mga masasayang alaala na kapiling ko si mama.

Rinig ko ang pagtawag sakin ni Tita sa labas. " Angel tara na masamang pinaghihintay ang pagkain pag lumamig na yun hindi na masarap kainin. "

" Susunod na po tita. " Tugon ko at hinawi ang luha ko.

Pakalabas ko ng kwarto sinalubong ako ni tita ng mahigpit na yakap. "

Naalala mo nanaman yung best friend ko? Ayos lang yan kong nasaan man ang mama mo ngayon alam kong masaya na siya, hindi ko man mapantayan yung pagmamahal ng best friend ko gagawin ko ang lahat para iparamdam na hindi ka nag iisa kasama mo kami ni Freya. "

Napayakap na din si Freya sa amin dahil nadala na siya sa lungkot ko. " Andito lang kami ni mama, dika namin iiwan. "

Year 2019

Ito yung taon na pinaka-ayaw ko sa lahat, kasi ito yung taon na nawala ang mama ko.

Si mama ay isang doctor sa Our Lady Of Mediatrix. Sakto namang nagkaroon ng corona virus, kinailangan sila lalo, tuwing bago matulog nalang kami nakakapag-usap kasi palagi na siyang busy.

Habang nanonood ng One Piece sa phone ko. Bigla nalang nag pop-up yung messenger ko kaya tiningnan ko ito at binasa.

Napangiti ako ng makita ko ang picture na sinend ni mama sakin at mensahe.

" Hello, angel anak mag-iingat ka palagi diyan ha? Lalo na wala ako diyan mag face mask palagi okay. I love you anak ko."

" Opo ma, ingat ka ren po diyan wag masyado magpapagod sa trabaho i miss you na. "

" Ang sweet naman ng anak ko oh, i miss you too anak. Promise babawi si mama pakatapos nitong pandemic na to, sabay tayong pupunta sa church para magpasalamat. "

" Hihintayin ko yon ma i love you. "

" Kumain lagi sa tamang oras ha anak. "

Nakapa-swerte ko talaga sa magulang ko sayang kasi maagang kinuha samin si papa ang saya siguro naming pamilya.

" Opo mama, kayo rin po ha. "

" Sige na anak iidlip muna ko saglit nakakapagod dito sa ospital eh."

Napalitan ng lungkot ang ngiti ko ng mabasa ang message na iyon. Naisip ko kong kumakain kaya sa tama ang mama ko? Nakakapahinga kaya siya ng sapat?

Ito yung huling pag-uusap namin ni mama. Ilang linggo ang nakalipas wala man lang akong na receive na tawag o text galing kay mama.

Nakaramdam ako ng malamig na hanging dumampi sa katawan ko kasabay ng pagkatok na narinig ko mula sa pinto.

Nakangiti kong pinagbuksan iyon dahil akala ko si mama. Tapos na ang pandemya kaya inakala kong siya na yung kumakatok at saktong linggo ngayon naalala ko bigla yung sinabi niya na magsisimba kami.

Pakabukas ko bumungad sa akin ang tatlong nurse na nakasuot ng PPE may hawak na base.

" P-para saan po ang base na yan? " Utal na wika ko. Hindi ko inaasahan ang sagot nila na lalong ikinalungkot ko.

Sorry iha, nag positive ang mama mo. Hindi kinaya ng katawan niya ang virus.