webnovel

Chapter 27

"Akin 'to!" He gently held my waist, I stared at him, he was smiling and also laughing a little now. Nand'yan nanaman ang panunuksong tingin ni Kae kaya naman naman kumawala ako sa hawak ni Yvo at lumayo.

"Hindi ko naman inaangkin! Grabe ka ha! O s'ya tutal nandito ka naman na, aalis na ako." Pinakita niya sa amin ang cellphone niya, may message ng ate niya. "Pinapauwi na ako ni ate. Ikaw na mag hatid kay Ruth!"

"Huh? Ah saglit la--." Hindi ko na natapos nang tumakbo siya palayo. Naiwan lang kami ni Yvo dito sa main campus.

"Tara na Avery, mag gagabi na! Kailangan mo ng umuwi," pag aaya niya. Tumingin muna ako sa kan'ya bago nag simulang mag lakad para pumunta sa Acadobal dahil malapit lang yun dito sa main campus at saka doon nalang siguro kami kukuha ng sasakyan. Naiinis ako, bakit naman ang tagal niya! "Hoy Avery teka lang, grabe ka naman mag lakad! Nandito ako oh! Parang wala kang kasama ah! Tsk!" pag rereklamo niya.

"Sabi mo mag gagabi na kaya kailangan ko ng umalis, tapos gusto mo bagalan ko ang pag lalakad ko? Paano ako makakauwi n'yan?Lakas din ng amats mo 'no?" singhal ko. Napatawa siya kaya nirolyohan ko nalang siya ng tingin.

"Ang cute cute mo talaga Avery! Lagi ka nalang galit. Aminin mo nga, pinag lihi ka ba sa sama ng loob?" tanong niya na may halong pang aasar.

"Ano bang pake mo kung saan ako pinag lihi ha! Nakaka bwiset ka! Pati sa mukha mo nabwi-bwiset ako!" Kinurot ko ang tagiliran niya kaya napalayo siya sa'kin. Tawa tawa pa siyang tumingin sa'kin at pinag patuloy ang pang aasar. Pinag patuloy ko nalang ulit ang pag lalakad, mas lalo ko pang binilisan.

"Alam mo ba?"

"Hindi ko alam," pang pipilosopo ko. Tumawa ulit siya, ano bang nakakatawa? Trip niya ba akong inisin ngayong araw? Kung ganon e di sana hindi nalang ako sumama sa kan'ya! "Teka nga!" Hinigit niya ako. "Sobrang bilis mo namang mag lakad! Nag mamadali ka teh?"

"Sino ba namang hindi mag mamadaling umuwi kapag ikaw kasama diba?"

"Aba hindi ko alam! Kase lahat ng babae na nakasama ko nasisiyahang kasama ako e, ewan ko lang kung bak---." Tumalikod ako, lahat ng babae? So marami na siyang nakasama na babae?

Narinig ko naman ang tawa niya, mukhang tuwang tuwa ata siya!

"Hoy Avery!" Napalingon ako sa kan'ya at tumigil muli sa pag lalakad. He smiled and squeezed my face with his hand. Hinampas ko ang palapulsuhan niya para tanggalin 'yon.

His lips slowly formed a smile after staring at me for a moment. He chuckled and shooked his head a little. "Tara kain na muna tayo!"

"Ayoko."

"Libre ko."

"Ayoko nga! Kakakain ko palang!"

"Tara na! Dami dami mo pang eme eme e!" Hinigit niya ulit ako, ang hilig niya talagang manghigit! "Kuya apat po na calamares tapos cheese stick sampo. Ikaw, Avery?" Tumingin ako sa kan'ya at hinihintay ang sasabihin niya pa. "Anong gusto mo maliban sa'kin?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya! Natawa nanaman siya kaya wala akong nagawa kundi ang kurutin siya ng patago. "Avery huwag dito, maiissue tayo niyan," bulong niya at tumingin pa sa mga mamimili. Narinig ko naman ang pag tawa ng vendor kaya wala akong nagawa kundi ang itigil ang ginagawa ko. Peke akong ngumiti at marahan na hinigit siya. "Avery maiissue tayo," dagdag niya.

"Lumapit ka, may ibubulong ako." Ngumiti muna siya bago ipinantay ang tenga niya sa may bandang bibig ko. Hinawakan ko naman ang tenga niya at bumulong. Muli siyang napatawa sa sinabi ko, humalakhak pa.

"Huwag mo kong murahin Avery. Mahalin mo ko." I glared at him and rolled my eyes, ang harot! "Ano nga gusto mong kainin?"

"Wala!" Iniwan ko siya at nag hanap ng mauupuan. Pasado ala'singko na, dumadami na ang mga tao. Naramdaman ko na may tumabi sa'kin kaya naman kumunot nanaman ang noo ko.

"Kamusta araw mo?" he asked, sounded like a father.

"Tatay ba kita? Bakit mo tinatanong?"

"Nag tatanong ako tapos mag tatanong ka din?" Hindi ko nalang siya sinagot pa, gusto ko ng katahimikan kahit saglit lang kaya sana kahit ngayon lang, sana tumahimik kakadaldal ang bibig niya.

Tumingin ako sa kalangitan, kulay kahel parin ito. Narinig ko ang pag ring ng cellphone ni Yvo kaya naman napatingin ako dito. Ngumiti siya bago ito sagutin, umiwas naman ako ng tingin at pinag laruan nalang ang mga kamay ko.

"Oy kuya!" Napatigil ako sa ginagawa ko, si Doc Martin ba 'yon? Teka bakit ako interesado? Alam ko sa sarili kong naka move na ako no! "Ano? bakit ka napatawag?" Naramdaman ko ang pag tayo ni Yvo, lumayo siya. Ilang minuto pa ang nakalipas nang bumalik siya. "Si Kuya Martin, may tinanong." Taas kilay ko siyang tinignan, ano namang pake ko kung may tinanong kuya niya! Mukha ba akong may pake? Napatawa naman siya kaya nirolyohan ko lang siya ng tingin. "Avery," pag tawag niya. Inis naman akong tumingin sa kan'ya.

"Ano nanam--" Hindi ko natapos nang subuan niya ako ng pagkain. Naramdaman ko na may dumikit sa bandang ibabang labi ko kaya laking gulat ko nang punasan niya ito gamit ang hinlalaki niyang daliri. I bit the insides of my cheek to stop myself from smiling. I still tried to look serious while chewing the calamares. I looked away and blew on my cheek, I inhaled a large amount of air to calm myself.

Muli pa kaming natahimik hanggang sa mag salita nanaman siya. "Okay ka na ba?" Napatingin ako sa kan'ya pero hindi siya nakatingin sa'kin.

"Of course, I am," i answered then looked away.

"Wow, mukhang nasa healing process ka ah!"

I smirked. "Tapos na!" I proudly said.

"Ayan! Goods yan, malay mo..." Hindi niya matapos ang gusto niyang sabihin.

I raised a brow and looked at him. "Malay mo what?"

"Malay mo may iba pang para sa'yo, diba? Baka nasa paligid mo lang, baka nasa ibang university nag aaral o kaya naman magaling sa sports o kaya magaling sa math o kaya..."

"O kaya itigil mo bunganga mo," dugtong ko. He chuckled and shooked his head. Sumagi naman sa isip ko ang mga sasagutan ko ngayon. "Nasaan pala yung mga papers na sasagutan ko?"

"Ah nandito." Tinuro niya ang bag niya. "Pero di ko ibibigay sa'yo, ako ang mag sasagot diba?"

"Pero kahit na! Wala ka namang alam sa mga gan'yan," saad ko na may halong pag kainis. "Pati ata sa science wala kang alam," dugtong ko pero pabulong.

"Hoy meron ah! Tignan mo alam ko yung pinag aaralan niyo!" Uminom siya ng tubig bago mag salita. "Ah pharmacology is a branch of science that deals with the study of drugs and their actions on living systems. This is the study of how drugs work in the body while the toxicology is a field of science that helps us understand the harmful effects that chemicals, substances, or situations or can have on people, animals, and the environment. Oh kaya mo yun? Walang baliko!" pag mamayabang niya.

"Saulo mo nga pero di mo naman alam kung anong inaaral," pambabara ko.

"Aba may naaral ako noh!"

"Oh ano?"

"Drugs." Kunot noo ko siyang tinignan, ano daw? "You look like a drugs."

Mas lalo akong nainis. "Aba mukha ba akong adik? Eh ga--" hindi ko natapos.

"You make me addicted to you."

Nawala tuloy ang inis ko! I was stunned. I stared at him for a moment with my lips parted. Umiwas kaagad ako ng tingin nang maramdaman ang pag-init ng pisngi ko, what the hell. Bakit niya ba ginagawa to?

Wait don't tell me.... No way. Hell no, may gusto ba siya sa'kin?