webnovel

Chapter 26

"Avery! Pumayag ka na!" pangungumbinsi sa'kin ni Yvo, para siyang bata dahil sa haba ng ngusong pinapakita niya sa'kin.

Mahina akong umiling at pinag patuloy ang pag babasa. "Tsk!"

"Anong tsk? Sige na Avery sumama ka na. Kasama mo naman mga kaibigan mo eh!" Inirapan ko siya at uminom ulit ng kape, ano ba naman kaseng nakain nito at nag aya. Pupunta lang siya dito para ayain ako? Nag sayang lang siya ng pamasahe! Bakit ba kase ako pang inaya ng isang 'to sa paskuhan sa UST!

"Ruth pumayag ka na nga nang matigil na yang kaibigan ko! Hindi ka ba naririndi sa bibig niyan? Parang pwet ng manok! Putak ng putak" singhal ni Kio na ngayon ay abala sa pasimpleng pag kuha ng pag kain ni Kae na ngayon ay nasa counter.

Binatukan naman siya ni Yvo at minura pa. "Mamaya ka sa'kin!" pag babanta nito. Tumingin ulit siya sa'kin at buong sikap akong kinumbinsi. "Sige na Avery! Pumayag ka na kase!"

"Sige," walang pakealam kong sagot at ibinaba ang librong binabasa ko. Nakita ko naman na lumiwanag ang mukha niya pero tila ito napundi na parang ilaw sa sunod na sinabi ko. "Pero sagutan mo ito, tapos ito at ito." Itinuro ko ang mga sasagutan ko, marami rami din ito.

"Isang araw lang kitang gustong hiramin tapos pasasagutin mo ko ng isang buwanan?" hindi makapaniwala niyang sabi. Napatawa naman ng malakas si Kio sa naging reaksyon niya.

"Sige Ruth pag sagutin mo yan! Tol diba masipag ka? Sagutin mo na lahat pati yung sa kaninang pinapasagutan sa'tin paki sagutan na din," tawa tawang sabi ni Kio pero sinamaan lang siya ng tingin ni Yvo. Pinag krus ko ang braso ko at nilabanan ang mga tingin niya. Tinaasan ko siya ng kilay nang muli siyamg ngumuso.

"Sige, sasagutan ko yan at kapag nasagutan ko yan sasama ka na sa'kin sa 18." Kinuha niya sa'kin ang ballpen at ang mga papel na mga sasagutan ko. Napaawang nalang ang labi ko, hindi ko inaasahan 'yon! Paano sasagutan ng isang engineering student ang pinag aaralan ng mga mag do-doctor? May alam ba siya sa pharmacology and toxicology? Kinuha niya ang librong nasa tapat niya at sinimulan itong basahin.

Nag babalak akong kunin ang mga papel na nasa harapan ko pero mabilis niyang iniharang ang kamay niya doon. Nakita ko naman ang panunuksong tingin sa'min ni Kio pero hindi ko nalang ito pinansin.

"Ako ng mag sasagot," seryoso niyang saad. Kinagat ko naman ang labi ko sa inaasta niya, pilit ko paring kinuha ang mga sasagutan ko pero itinaas niya ito. Tumayo naman ako para abutin ito pero tumayo din siya kaya naman nawalan ako ng balanse at napaupo. Napapikit nalang ako, akala ko mauuntog ako pero naramdaman ko ang kamay niya sa ulo ko. Unti unti kong minulat ang mga mata. Ngayon nasa ibabaw ko siya, mag kadikit ang mukha namin! "Kapag sinabi kong ako ang magsasagot, akong magsasagot." Dahan dahan niyang inalis ang kamay niya sa ulo ko. Umalis siya sa harapan ko at pinag patuloy parin ang ginagawa niya. Nakaawang naman ang labi ni Kae habang si Kio ay nakatakip ang bibig gamit ang kamay niya. Napakurap pa ulit ako, hindi ko inaasahan yun!

Bakit ba kase kapag nag kakalapit ang mukha naming dalawa ay nagiging ganito ang pakiramdam ko? Ano bang nangyayare sa'kin!

"Lakad na kami! Hahanap pa kami na masasakyan namin, baka mahuli kami sa klase," pag papaalam ni Kio. Abala parin si Yvo sa pag babasa sa libro na kinuha ko sa library. Kinuha niya lahat ang mga sasagutan ko! Well hindi naman marami yon, mukha lang marami kase nando'n na din ang explanation pero kahit na! Dapat hindi pa rin niya sinasagutan. Sana pala hindi ko nalang sinabi na sagutan niya ang mga 'yon.

Hinihintay ko siyang humarap sa amin, mukha hindi siya mag papaalam kaya naman napabuntong hininga nalang ako. Bakit pa ba ako aasa na mag paalam siya? Busy nga siya sa pag babasa, diba? Tinanguan ko lang si Kio at tumalikod, kaunti palang ang naiihakbang ko pero napatigil kaagad ako. Nag dulot ng kuryente ang pag kahawak niya sa'king kamay at ngayon ay naramdaman ko ang unti unting pagbilis ng tibok ng puso ko. Dahan dahan akong tumingin sa kan'ya, parang sasabog ang puso ko dahil sa sobrang lakas ng kabog nito. Naramdaman ko na dahan dahan niyang binitawan ang kamay ko, hinawakan niya ang mag kabilang balikat ko at tsaka ngumiti.

"Hintayin mo ko mamaya, ihahatid kita," pag papaalala niya. Ginulo niya ang buhok ko pero inayos din kaagad. Nanatili akong gulat sa ginagawa niya! Bakit niya ba kase ginagawa 'to! "Bye, ingat ka." Tumingin siya kay Kae at tumango. "Ingat kayo, alis na kami," pag papaalam niya dito. Muli siyang tumingin sa'kin at tumalikod. Ramdam na ramdam ko ang pag init ng pisnge ko. Hinawakan ko ito hanggang sa dumako ang kamay ko sa may bandang puso ng dibdib ko. Nag pakawala ako ng malalim na hininga, kapag nand'yan siya hindi ako makahinga lalo na kapag ganon ang mga inaakto niya. Pakiramdam ko, parang hinihigop niya ako hanggang sa maubusan ako ng hininga at ngayong wala na siya ay do'n lang ito bumalik. Ibang iba ang pakiramdam ko kapag ginagawa niya ang mga 'yon.

"Kamusta naman ang puso mo? Dapat na bang ipatingin sa doctor?" tanong ni Kae na may halong panunukso. Agad ko naman inalis ang kamay ko sa dibdib ko at umaktong walang nangyare. "O ipatingin nalang natin kay Mig--." Hindi na niya natapos nang bigla ko siyang higitin. Tawa tawa naman siyang nag pahigit sa'kin.

Nag simula na ang klase at hindi ako nakapag concentrate! Bakit ba kase ganon ang inaakto niya? Hindi naman siya dating ganon! Mas maayos pa ata yung inaasar niya ako! Nakakainis naman, pati nararamdaman ko hindi ko din maintindihan dahil sa mga pinag gagawa niya!

Itinutok ko nalang ang mga mata ko sa harapan at nakinig sa professor ko. Pilit kong inalis sa isip ko si Yvo dahil hindi talaga siya mawala wala sa isip ko! Bwiset!

Natapos ang klase na wala akong naiintindihan. Hinila kaagad ako ni Kae papunta kay Achilles.

"Achilles! Ano na? Tara kain tayo!" pag aaya ni Kae.

Napakamot naman sa ulo si Achilles bago mag salita. "Let's just eat next day, I really have to go Kae. I have a urgent meeting, I hope you understand," matamlay niyang saad. Tumingin siya sa'kin at matamlay na ngumiti. "Sorry."

"Ikaw ha! Busy ka na lagi, nakakalimutan mo na kami! Siguro iniiwasan mo kami!" pag tatampo ni Kae, mukhang iiyak na siya. Sa bagay naiintindihan ko siya, palaging hindi namin kasama si Achilles dahil sa mga meeting niya at kung minsan naman nasa ibang klase siya dahil hindi naman mag kakaparehas ang mga subject namin. "Ano ba kase yang mga meeting na yan! Bakit hindi mo na kami nakakasama! Siguro may iba ka ng mga kaibigan, ayaw mo na sa'min!" dagdag pa niya. Mahina namang napatawa si Achilles at ngumiti kay Kae.

"Ay naku Kaeana. Wala! Kayong dalawa lang ang kaibigan ko. Babawi ako, promise! At saka meeting 'to about business," pag papaliwanag ni Achilles.

"Nabwi-bwiset ako sa'yo, taga UST ka ba ha? Ghino-ghost mo kami ha! Basta Babawi ka ha!" Tumango lang si Achilles at ngumiti sa aming dalawa. Ginulo niya ang buhok ni Kae at sunod sa'kin, wala akong naramdaman sa ginawa niya. Hindi katulad ng kanina ang naramdaman ko. Hindi ako nahirapang huminga nang ginawa niya 'yon, hindi din tumibok ng mabilis ang puso ko. Pero bakit kapag kay Yvo nagiging iba.

"Mag iingat kayo." Tumingin muna siya kay Kae bago dumako ang mga mata niya sa'kin. "Ikaw din, mag iingat ka." Ngumiti siya at tuluyan na kaming tinalikuran. Inakbayan naman ako ni Kae at inayang kumain. Nag kalat ang mga street vendors kaya naman napag pasyahan nalang namin kumain ng street foods. Nandito kami sa main campus ng UP, tinitignan lang ang mga taong nasa paligid habang papalubog ang araw. Tahimik lang kaming dalawa ni Kae. Hindi na ako mag tataka kung tahimik siya, alam kong may mga problema siyang hindi niya pa kayang sabihin sa akin.. sa amin pero kaya ko namang mag hintay, masabi niya lang mga problema niya. Para naman mabawasan ang bigat na nararamdam niya. Nakakaawa lang kase dahil lagi siyang nandito kapag nalulungkot kami pero pag siya? Nawawala kami.... wala kami sa tuwing nalulungkot siya.

Napabuntong hininga nalang ako. Tumingin ako sa paligid, parang may gusto akong makita. Sabi niya mag hihintay ako diba? Dahil ihahatid niya ako. Teka nga, bakit ko gagawin ang sinabi niya? Napairap nalang ako at pinagmasdan nalang ang estatwang nasa harapan namin. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwalang nakapasok ako sa paaralang ninanais ko pero sa kasamaang palad nga nag iba ang ihip ng hangin. Napabuntong hininga nalang ako ulit, sa ngayon ay ayoko munang isipin ang mga problema ko sa buhay.

Napag pasyahan naming mag lakad ni Kae papuntang Academic Oval tutal mag didilim na, do'n nalang daw kami mag hahanap ng jeep na masasakyan dahil may nag b-byahe naman daw don. Hindi pa sana ako susunod dahil ayaw ng paa kong tumayo pero wala akong nagawa nang higitin niya ako.

Nasa'n na ba kase 'yon? Sabi niya mag hintay tapos wala siya!

Nag pahila lang ako kay Kae, hawak niya ang isa kong kamay. Nabigla ako nang may humawak sa isa ko pang kamay. Tumingin ako sa kan'ya at nginitian niya lang ako. Tumingin siya kay Kae kasabay non ang pag sinag ng araw sa kan'yang mukha na nag pasimulang magpatibok sa puso ko ng mabilis kasabay ang pag iinit ng pisnge ko.

"Akin 'to!"