webnovel

Chapter 25

"Oy si Kuya! Dumadamoves!" panunukso ni Yuri. Minulat ko ang mata ko at nakitang nanatili lang nakatingin sa'kin si Yvo. Nakita ko ang pag ngisi niya kaya naman kumalas ako sa hawak niya. Mabilis parin ang pag tibok ng puso ko. Iniwas ko ang tingin ko sa kan'ya, nakakahiya! Bakit ba kase ako pumikit? Parang pinapalabas ko na gusto kong halikan niya ako!

"Sira ulo Yuri!" sigaw ni Yvo habang tumatawa.

"Sa gan'yan nag katuluyan si lola at lolo," panunukso sa'min ni Yuri.

"Ah talaga?" hindi makapaniwalang tanong ni Yvo. "Eh bakit sabi nila hindi daw," pananakot ni Yvo. Tinuro niya ang katabing puno ni Yuri kaya naman takot itong tumingon doon at tumakbo papunta sa amin. Tawa tawa namang tumingin si Yvo sa kan'ya. "Uto uto."

"Sira ulo ka talaga kuya!" singhal ni Yuri at sinuntok suntok pa ang braso ng kuya niya. Tawa tawa lang silang dalawa hanggang sa mapag pasyagan na naming kumain. Hindi parin ako makatingin kay Yvo, matapos ng mangyari? Wala na akong lakas ng loob!

"Hatid na kita papunta sa inyo," sabi ni Yvo na ngayon ay abala sa pag tatali ng buhok ng kan'yang kapatid. "Manang tawagin niyo nalang ako kapag may kailangan kayo ha?" sabi niya sa matandang babaeng nag aalaga sa kapatid niya.

Ngumiti naman ito at tumango. "Huwag kang mag alala Migo mababait naman 'tong mga kapatid mo," sabi ng matanda. Hinawakan lang ni Yvo ang matanda at hinalikan ang pisnge nito. "Salamat manang! Yuri ikaw ha! Huwag na huwag kang papasaway kay manang. Maalam ka naman mag saing diba? Ikaw ma gumawa non, tulungan mo si manang mag luto! Huwag puro laro ang aatupagin!"

"Oo kuya! Para ka namang tatay eh! Lakad na nga kayo," sigaw nito. Tumango lang si Yvo at nag paalam na sa mga kapatid niya. Walang pinag bago, maingay parin siya! Andami niyang dinadaldal sa'kin dito sa loob ng taxi, sa bagay ilang linggo ba naman kaming hindi nag kausap dahil palagi naming iniiwasan ang isa't isa.

"Paano ba yan? Dito nalang ako. May lakad pa kami ni Kio."

"Okay," yon lang ang lumabas sa bibig ko. Ano pa bang dapat kong sabihin diba? Kailangan bang isang paragraph ang sabihin ko sa kan'ya? Narinig ko naman ang mahinang pag tawa niya.

"Okay," pang gagaya niya sa sinabi ko. Matapang ko siyang tinignan at marahan siyang tinulak at ngumiti, baka sabihin niya hindi ako naka get over kanina!

"Ingat ka!" 'yon nalang ang tangin kong nasabi. Tumalikod ako at mabilis na nag lakad. Binati ako ng guwardiya kaya naman tanging ngiti ko lang ang ipinakita ko sa kan'ya. Pumasok ako sa loob ng bahay at nakitang nakaupo si Kuya Rail sa sala. Ngumiti siya sa'kin at lumapit. Binigyan niya ako ng halik sa pisnge bago ako yakapin.

"Gladly that you're okay," he said.

"Where's everybody?"

"They're in the hospital," he answered. My eyes widened in gis answer but he just gave me an assuring smile. "Don't worry, may negosyo silang pinag uusapan don." I feel relieved. Tumango lang ako sa sinabi niya at pumunta sa kwarto ko. Naligo ako at abala sa pag iisip parin. Laging sumasagi sa isip ko si Yvo! Mushroom ba siya? Bakit lagi siyang pasulpot sulpot!

"Bwiset ka talaga!" mahina kong pag sasalita.

"Ruth! Ruth ko!" si Kae. Niyakap niya ako ng mahigpit, hindi ako makahinga! Naramdaman niya ata na hindi ako makahinga kaya naman kumawala na siya. Pinag masdan niya ang mukha ko kaya naman ngumiti lang ako para hindi na siya mag alala. "Ano? Ayos ka lang ba? Okay ka ba?" nag aalala niyang tanong.

Tumango ako at ngumiti. Ayokong nag aalala siya ng dahil sa'kin. Naramdaman ko ang pag lapit sa amin ni Achilles kaya naman tumingin ako sa kan'ya. "Are you okay?"

"Ay naku Achilles! Bingi mo ha!" si Kae.

"Baliw ka ba? Tumango lang siya diba?"

"Oh alam mo palang tumango! Bakit tinanong mo pa?" pambabara ni Kae. Napatawa nalang ako nang mag simula nanaman silang mag asaran. Itinutok ko ang mata ko sa unahan habang nag tuturo ang professor namin. Inalis ko ang mga negatibong gumugulo sa'kin.

Kaya ko 'to, hindi na mauulit yung kahapon. Ruth relax kaya mo 'to, kaya natin 'to.

Natapos ang klase namin at masaya naman ako dahil bumabalik sa normal ang lahat. Napag pasyahan naming pumuntang sa cafeteria para bumili ng kape pero natigil kami nang sumulpot sa harapan namin si Kio katabi niya si Yvo. Nakaramdaman naman ulit ako ng hiya! Nag simulang mag kulitan silang apat, mukhang maayos naman si Yvo at Achilles. Well maayos naman sila! Parang ako lang yung paranoid na nag iisip ng hindi.

Masayang tumingin sa'kin si Yvo at inakbayan ako. Nag dulot naman ito ng kuryente sa'king katawan. Mabigat ang pag hinga ko nang humarap sa kan'ya. Sobrang lapit naming dalawa sa isa't isa! Nakatingin lang kaming dalawa sa isa't isa, parang kinakain ako ng mga tingin niya! Mabuti nalang at pumagitna sa amin si Achilles.

"Tara na!" masayang pag aaya niya. Inakbayan niya ako at mabilis na naglakad papuntang cafeteria, naiwan namin si Yvo pero mukha namang nakasunod siya sa aming dalawa. Nag aangilan parin si Kio at Kae sa counter habang kami namang tatlo ay tahimik dito sa table. Binalot kami ng katahimikan pero naputol din ng tapos ng mag order yung dalawa. Umingay naman sila pero maliban kay Achilles na ngayon ay nabawasan ang pagka maingayin pero hindi ko nalang itong pinansin, siguro behaviour lang talaga 'to ni Achilles. Pinagmasdan ko lang silang lahat, kung paano sila tumawa, ngumiti, mag angilan. Napangiti nalang ako.

"Very good Ms. Jimenez! Doing good huh? Now sit down." Kakatapos ko lang mag present ng project sa prof ko. Mabuti nalang at hindi na siya nag salita ng masasakit na salita gaya ng dati. Nakangiti lang ako hanggang sa makaupo. Mabuti naman at nagiging maayos na ako. Natapos ang klase at ngayon nakikita kong mag isa lang ako papunta sa main para sana pumara ng jeep. Wala si Achilles dahil may susunduin daw siya, palagi naman ganon ang ginagawa niya. Kung walang meeting may susunduin, lagi siyang busy pero hindi nalang namin pinapakealaman siguro importante lang talaga 'yon. Si Kae ay wala din dahil kailangan niya daw puntahan ang ate niya. Napabuntong hininga nalang ako, bakit ba kailangan ko pang mawalan ng kasama ngayong araw? Hindi ako sanay. Tumingin ako sa kalangitan at nakitang nag didilim na ito. Sinilip ko ang bag ko at nakitang wala akong payong. Luminga linga ako sa paligid at nakitang walang jeep! Sa huli ay napag pasyahan ko nalang mag lakad papuntang labas para makasakay na pero mapag laro talaga ang panahon at biglang bumuhos ang ulan! Tatakbo na sana ako nang biglang may humila sa'kin. Nauntog ako sa dibdib niya, amoy na amoy ko na agad kung sino 'to. Ramdam ko na hindi kami nababasa kaya naman tumingin ako sa itaas at bumungad sa'kin ang asul niyang payong, dahan dahan akong tumingin sa kan'ya at nakitang nakangiti lang siya sa'kin.

"Yvo," pag tawag ko sa pangalan niya. Kinuha niya ang panyo niya pinunas ito sa mukha ko. Hinubad niya pa ang jacket niya at iniyakap ito sa katawan ko.

"Baka mag kasakit ka."

"Huh? Eh paano ka?"

"May payong naman ako. Sige mauna ka na." Inis akong tumingin sa kan'ya! Nakakainis talaga siya! Tawa tawa naman siyang tumingin sa'kin. "Syempre share tayo! May jacket ka na nga eh, parang gusto mo pang kunin 'tong payong ah. Gusto mo ata akong mag kasakit." Inirapan ko lang siya kaya naman napakalakas ang pag tawa niya.

"Tsk!"

"Tsk!" pang gagaya niya. Napatawa nalang ako dahil hindi niya ito magaya. "Mamaya ka na tumawa, mababasa tayo. Tara na." Kinuha niya ang bag ko at inilagay ito sa harapan niya. Maingat niya akong inakbayan at nag simulang mag lakad. Naiilang ako sa ginagawa niya dahil sa bawat ginagawa niya ay nag dudulot sa'kin ng kakaiba. Hindi ko alam kung bakit ko 'to nararamdaman dahil hindi ko naman dapat ito maramdaman pero isa lang masasabi ko.

Masaya....masaya ako.