"Anong sasabihin?" Tumingin ako ng masama kay Migo. Kapag yang palusot mo hindi maganda lagot ka talaga saakin! Napatingin pa siya sa gilid at iniwasan ang mga mata ko.
"Ah sabi niya gusto daw niya ng steak Kuya ayun." Ininguso niya ang picture ng steak sa menu. Binitawan ko na siya at inayos ang upo ko. Napapahiya talaga ako kapag siya ang kasama ko! Bwiset talaga.
"Ganon ba?" Umupo siya at tinignan pa ako.
"Oo kuya gusto daw niya ng steak!" Hinawakan niya pa ang braso ko at iwinagayway." Tignan mo ampayat payat niya, sige na kuya." Lumapit siya at tinignan ako. "Ikaw kailangan mong tumaba kaya dapat kang kumain, payat payat mo Avery ohhh tignan mo braso mo." Agad ko naman binawi sa kaniya ang braso ko at sarkastiskong tumawa. I glared at him and mouthed 'lagot ka saakin mamaya' napatawa nanaman siya. Nag simula na kaming kumain at hindi parin maawat ang pang aasar niya sa'kin.
Nag daan ang mga linggo at lagi lagi kong kasama si Doc Martin sa mga programs niya pero mas nakakasama ko parin ng lubos si Migo kaya nabi-bwiset ako lagi!
"Can I see your grades, Ruth?" Dad asked while we we're eating dinner. I brought my phone out and gave it to him. He looked at my grades with his brows furrowed. I knew I did well, i always did well...as always.
"Why do you have a B? That's not very high. You should aim for straight A's. You're taking med for heaven's sake Ruth. Don't act like it's so hard," he said looking, so disappointed. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Pagod na pagod ako sa araw na ito tapos ito ang bubungad saakin? "Ayusin mo ang grade mo ngayong sem."
"Dad it's hard."
"Hindi ka mahihirapan kung nag fo-focus ka!Anong mga walang kwentang bagay nanaman ba ang pinag kakaabalahan mo ha? Ngayon palang itigil mo na yan."
"Ow wow...im attending the programs that you want me to attend, is that the nonsense things to you? Then okay I'll stop attending! I quit."
"What did you say?"
"I want to quit medschool Dad, i don't want to waste my time anymore. All this time im always doing my best and you always say na mababa? Kahit na ginagawa ko naman ang lahat."
"Because you don't really doing your best!" He shouted. Nagulat kaming lahat sa pag sigaw niya. Sinenyasan ako ng nanay ko na itigil ang ginagawa kong pag sagot sa kan'ya. Kumunot ang noo ko, bakit parang ako pa ata ang may kasalanan?
"What Mom? You tolerating him again? Paano naman ako! Ginawa ko na lahat lahat bakit parang ako lagi ang may kasalanan!?" Hindi ko napigilan ang sabihin sa kan'ya ang mga hinanakit ko na dinadala ko. Hindi ko inaasahang aabot kami sa ganitong sitwasyon.
"Wala kang respeto sa Nanay mo!" Naka tanggap ako ng isang malakas na sampal at ramdam na ramdam ko ang pag danak ng dugo sa baba ko. Agad naman akong inalalayan ng Nanay ko at sinamaan ko siya ng tingin.
"I hate you.You make me hate you...all of you. Tinanong niyo ba ako? Kung gusto ko yan? Tinanong niyo ba ako kung ano ba talaga ang gusto ko? Kahit ayaw ko sinunod ko parin kayo kahit na ayaw na ayaw ko kase sabi niyo nakakabuti sa'kin toh!" Hindi ko napigilan ang maluha." Sasabihin niyo na hindi mahirap? That shit makes my life hell! How dare you Dad to take away my future. How dare you to make decisions to my life." Tumingin ako ng masama sa kan'ya kahit hindi ko na makita ang mukha nito dahil sa panlalabo dahil sa mga luha ko. "Ngayon nag sisisi akong naging tatay kita." Sasampalin niya sana ako nang bigla itong yakapin ng nanay ko.
"Ryan please..huwag."
"Huwag mong konsintihin ang anak mo Alice."
"Ryan please." Humagugol pa siya sa pag iyak at tumingin saakin.
"Tumigil ka na anak, please." Sarkastisko akong ngumiti sa sinabi niya.
"Siya nanaman ang kinampihan mo. Galit ako sa inyo! Pero mas galit ako saiyo Ma! Kase sabi mo walang saysay ang mga ginagawa ko pero meron kase buhay ko yun. Inilayo niyo saakin ang tunay na nakakapag pasaya sa'kin," pag papatuloy ko. Mabigat ang pakiramdam ko at hindi maawat ang mga luha ko. "Kung ganito din pala ang buhay na ibibigay niyo sa'kin, sana pala hindi niyo nalang ako binuhay." Umalis ako sa lugar na 'yon at lumabas. Takbo lang ako ng takbo, hindi maawat pag agos ng luha ko mula sa aking mata.
Mabigat ang pakiramdam ko at hindi ako makahinga ng maayos. Takbo lang ako ng takbo at hindi na alam ang gagawin. Nakita ko nalang ang sarili ko sa ayala triangle garden nakaupo sa damuhan. Hindi parin maawat ng mga luha ko ang tumulo. Ako lang ang tao dito at tanging iyak ko lang ang naririnig.
Pag katapos nito, inaasahan kong ibigay nila sa akin ang kalayaang dapat na para sa akin. Ang kalayang piliin ang totoong gusto ko. Nararamdaman ko na magang maga na ng mga mata ko kakaiyak pero kahit anong pigil ay hindi sila matigil dahil sa sakit nararamdaman ko. Nararamdaman kong durog na durog na ako sa loob looban ko, pagod na pagod na ako.
Natigil ako kakaiyak nang may naramdaman akong tumabi sa'kin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko nanaman siya. Hindi ko inaasahang nandito siya.
"Ruth?" Tatayo na sana ako pero bigla niya akong hinila pabalik kaya naman napa upo ulit ako. "Anong nangyari?" Kinagat ko ang pang ibaba kong labi at pinigilang umiyak sa harapan niya pero mapag laro ang mga luha ko nang bigla itong kumawala. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa nag labo ang paningin ko at unti unting hindi siya makita. Binigyan niya naman ako ng yakap, ramdam na ramdam ko ang marahang pag tapik niya sa likod ko.
"A-ayoko na.... n-nahihirapan na ako....s-suko, na ako," utal utal kong saad. "Sawang sawa na ako sa buhay ko." Umiyak lang ako ng umiyak sa kanyang bisig. Hindi ko alam kung bakit siya nandito pero mabuti na ito dahil sa araw na ito kinakailangan ko ng taong dadamayan ako kase hindi ko na kaya pa ang bigat. Tumahan na ako kakaiyak at kumawala sa mga yakap niya. Puno ng pag aalala ang mukha niya.
Nakatingin lang kami sa malayo at wala ni isa sa amin ang may balak mag salita. Huminga ako ng malalim bago mag salita.
"Nag away kami ng Daddy ko." Naramdaman ko ang pag titig siya sa'kin. "Aaminin ko, hindi ko gusto ang kurso ko ngayon." Tumingin ako sa kan'ya, kitang kita ko naman ang gulat sa mga mata niya. Nakatingin lang siya sa'kin at nag aabang pa ng mga sasabihin ko. Umiwas ako ng tingin at tumingin ulit sa malayo.
"Fine arts course ang gusto kong i-take noon pero sabi ng Mommy ko wala daw saysay mga ginagawa ko." Tumawa pa ako ng peke para kumbinsihing siyang hindi ako nasaktan. " Nasaktan ako sa sinabi niya, nasaktan ako sa pinapagawa nila. Habang lumalaki ako namumuo ang galit ko sa kanila....namumuo ang pag asa sa puso ko na siguro pag katapos kong mag aral ng medesina baka pwede naman na yung gusto ko."
"Lagi silang nag dedesisyon sa buhay ko kaya wala akong magawa kundi ang sumunod. Dati naman maayos kami, masayang pamilya at lahat ng mga gusto namin sinusunod nila pero ito ba ang kapalit? Ang mag suffer ako?" i asked." Lagi nalang ako umaasa, lagi nalang. Nakakapagod na." Tumulo ulit ang luha ko kaya naman mabilis ko itong pinahid gamit ang likod ng palad ko. " I want to stop but there's something in my head na huwag. Im really unable to decide what to do between what they want or what i want. Gustong gusto ko ng matupad lahat ng desisyon ko sa buhay and i hope na sana mangyare yun." Ibinaba ko nalang ang tingin ko pag katapos kong sabihin ang mga yun.
"Kapag daw may gusto may paraan." Tumingin ako sa kan'ya at nakita kong seryoso lang siyang nakatingin sa unahan. "Kung gusto mo yung bagay na yun bakit hindi ka gumawa ng paraan? May mga desisiyon ka pala sa buhay pero bakit ibang landas ang tinahak mo? Bakit yung pamilya mo ang sinunod mo hindi sarili mo? You know avery you can do all your decision but the problem is you can't commit. You're a torn Avery, you can't commit in your decisions on your own so you just do obey to people that you know that has a bright decision to you." he said. He's right..he is really right. Im a torn, i can't commit and all i can do is to make decisions without an action. "Kapag mag dedesisyon ka dapat kase gawin mo hindi puro salita lang kaya ka nahihirapan gumalaw kase wala kang paninindigan sa sarili mong desisyon eh,"dagdag pa niya. Natahimik kami ng ilang saglit bago siya mag salita.
"Ano bang desisyon mo?"
"Ang desisyon ko? Gusto kong itigil ang ginagawa ko at mag umpisa ulit."
"Mag aaral ka ulit?"
Tumango ako at ngumit sa kan'ya." Mag aaral ako pero ibang kurso na."
"Are you willing to commit?" Muli akong tumango at unti unting nabuhayan ng pag-asa. Ngumiti siya saakin kaya naman ngumiti ako ng pabalik. "Kung yan ang desisyon mo sa buhay mo, eh di sige susuportahan kita." Unti unting nawala ang lahat ng sakit sa puso ko sa lahat ng sinabi niya. Nakakagaan talaga ng loob ang lahat ng mga ito.
All my life, i was living to all my hope's, and now because of him my hope's saved.
No more hope's...