webnovel

Chapter 11

"Macao Emperial Tea for Ms. Ruth." Tumayo ako para kunin ang milktea na binili ko pero napatigil ako nang makita ko si Achilles na nasa counter. Kinabahan ako nang dumako ang tingin niya sa akin, akala ko masayang Achilles ang bubungad sa akin pero ngayon nakikita ko lang ang walang emosyon niyang mukha. Dali dali siyang lumabas nang cafeteria ng hindi manlang ako pinansin o binati. 

Huminga ako ng malalim bago pumasok sa room namin. Wala pang tao kundi kami lang ni Achilles. Inilahad ko sa kan'ya ang binili kong milktea pero hindi niya ito ito pinansin at tinanggap.

"Sorry Achi." Ibinaba niya ang libro niya at seryosong tumingin saakin pero ibinalik niya ulit ang tingin niya sa libro na binasa niya. "Achi please sorry na." 

"Totoo ba yan?" Nag angat ulit siya ng tingin. Agad naman akong tumango ng paulit ulit. Tumayo siya at niyakap ako ng sobrang higpit. "Ayokong nasasaktan ka alam mo naman yun diba? Kayo ni Kae syempre!" Mas lalong humigpit ang yakap niya. " Mag kakaibigan tayo at dapat sinasama niyo ako sa lahat." Kumawala ako sa kan'yang yakap at hinawakan ang pisnge niya. Nagulat pa siya sa ginawa ko kaya napatawa nalang ako.

"Sorry na nga diba? Hindi na mauulit." Naging maayos kami ni Achilles noong araw na yun. Naging masigla ulit ang aming pag kakaibigan.

Lumipas ang mga linggo at pahirap ng pahirap ang mga pinapagawa sa amin sa med school. Gusto ko ng sumuko pero natatakot ako sa sasabihin ng magulang ko. Ano nalang sasabihin nila? Na ang kursong pinili nila para saakin ay hindi ko pa maipasa? 

Matutulog na sana ako nang biglang narinig ko ang pag vibrate ng cellphone ko, agad ko naman itong kinuha at napakunot sa tumawag dito. Sino toh? Pipindutin ko na sana ang accept button pero namatay ito. Inaantok na talaga ako kaya nilapag ko na ulit ito pero tumawag ulit. Inis ko itong sinagot.

"Istorbo ka ba?" Inis kong sabi.

I heard him chuckled. [Sorry for disturbing you. I'll call you tomorrow nalang.] Nanlaki ang mga mata ko nang bumungad sa akin ang boses ni Doc Martin. Halos gusto kong mawala nalang sa mundong sa mga oras na ito! Bakit kase inasal ko!

"Ah.... eh ikaw pala Doc Martin."

[Yeah, did i disturb you? I can call you next time.]

"No, it's okay! Please continue.

[Okay, i heard kay migo that you'll be the one of my team. I saw you in my checklist na tutulong ka sa'kin sa Saturday.] Halos manlaki ang mata ko. Anong saturday? Ni walang sinabi sa akin si Migo! Bwiset talaga siya, tutulong ng walang paalam! Napa oo nalang ako sa sinabi niya kahit na hindi ko alam ang gagawin ko sa mismong araw na yun.

Mabilis nag daan ang mga araw at ngayon ay araw na ng sabado agad akong bumaba at nag paalam sa nanay ko. Napansin ko na wala palagi dito ang tatay ko kaya naman inisip ko na siguro abala lang siya sa aming negosyo. Hindi ko nalang pinansin yun dahil tuwing nag kikita kami uutusan niya lang akong gumawa ng ayaw ko.

Nasa sasakyan ako at hindi ko mapigilan ang mapangiti. Hindi ko alam kung bakit pag dating kay Doc Martin nasisiyahan akong gawin ang mga ginagawa ng mga nag do-doctor. Siguro ito talaga ang daan o siya ang daan para tanggapin ko ang mga ginagawa ko ngayon pero hindi naman ako lubos na masisiyahan kung siya ang magiging dahilan para kalimutan ko ang totoong ninanais ko.

Nasa tapat ako ng Adventist Medical Center ng Pasay. Bumungad sa akin si Doc Martin, hindi mapigilan ang puso ko sa pag tibok ng mabilis habang lumalapit siya sa'kin. Tinignan niya ang hair clip ko.

"Lalo kang gumanda," he commented. He genuinely smiled, my heart fluttered what will i do now?" Shall we? Para maaga tayong matapos." Hindi ko mapigilan ang mapangiti at maging excited. Meron siyang program para sa mga freshman. 

"Okay guys ano ba dapat ang gawin kapag may nakita kayong naaksidente sa kalsada? So first kapag matindi ang pag dudurugo dapat ninyo itong talian agad katulad nalang ng tela." Sinenyasan niya akong pumunta sa unahan. Dali dali akong pumunta dun at hindi alam ang gagawin. Abala ang iba sa pamimigay ng mga tela na ipapang tali sa mga partner nila.

"Ganito ang pag tatali natin." Kinuha niya ang braso ko habang patuloy sa pag salita ng kung anong gagawin ng mga tao dito. Hindi naman maawat ang puso ko sa pag tibok ng mabilis na kahit pakalmahin ay wala ng magawa. Ngumiti pa siya sa akin na nag dulot sa'kin ng kaba kasabay pa nito ang pag taas paninindig ng balahibo sa aking mga braso. "At kung meron namang nabalian,sabihin niyo sa naaksidente na alalayan ang nabaling buto sa kaniya at iwasan din gumalaw. Kapag meron namang nasusuka o nahihilo dapat lagyan ng malalamig tulad nalang ng yelo o malamig na malamig tubig at ilagay ito sa tuktok ng ulo o kaya naman ay?"

"Tumawag ng ambulansya." Masiglang sagot ng mga freshman students. Hindi ko mapigilan ang tumawa ng mahina sa mga ginagawa niya para kaseng mga grade 1 ang tinuturuan niya. Marami pa siyang nadiscuss kaya naman marami akong natutunan sa kaniya. Nakatulala lang ako sa kan'ya buong discussion. Kahit na nasa 30's na siya hindi parin siya mukhang matanda. Natapos ang program ni Doc Martin at ngayon nandito ako sa labas at hinihintay siya.

"Is it okay if we eat first?" Tumango ako sa kan'ya at ngumiti. Pinag buksan niya ako ng pinto ng sasakyan. Hindi ko mapigilan ang mapangiti ramdam na ramdam ko na namumula na naman ang pisnge ko. Nag kwento lang siya sa mga ginagawa niya sa buhay niya at nag tatanong sa akin ng kung ano ano. Kapag sa kaniya talaga hindi nagiging boring ang pag uusapan.

 Nandito kami sa Apartment 1B sa may Pasay, nag tataka kung bakit nandito kami sa isang lamesa na may tatlong upuan. "Ikaw? Anong gusto mo?" tanong niya.

"Huh? Ah ikaw!" Muli pa siyang napatawa sa sinabi ko at narealize ko lang ang sinabi ko. "Huh? Ahh ano Doc yung ano nalang... ah yung steak nalang? O-oo! Yung steak ho." Kinagat ko ang pangibaba kong labi at ibinaba ang tingin ko sa sobrang hiya, umayos ka ruth umayos ka! Pinakalma ko ang sarili ko dahil nararamdaman kong nakatingin siya sa'kin. Umangat ako ng tingin at nakitang abala siya sa cellphone niya kaya naman na dismeyado ako.

Oo nga pala hindi ko natanong kung paano niya nakuha number ko!

"Ah paano niyo pala nalaman ang phone number ko?" Nag angat siya ng tingin at inilagay ang kan'yang cellphone sa lamesa

"Ah binigay saakin ni Migo... And speaking of him pala, pu---." Hindi na niya natapos nang biglang sumulpot si Migo. Ngumiti pa siya sa'kin, hindi ko alam kung mapang asar ba yun o hindi. Anong ginagawa niya dito? Bakit kailangan nandito pa siya? 

"Grabe traffic!" Tumingin pa siya sakin at kinindatan ako. Napaka epal naman niya, wrong timing siya lagi!

"Nag order na ako. I'll just accept this call." Nag paalam si Doc Martin at lumabas. Hindi naman maawat ang mahinang pag tawa ni Migo. Pasimple ko siyang kinurot pero hindi parin siya tumitigil.

"Wow level up tayo ah nakakapag hair pin ka na." Muli pa siyang tumawa ng malakas. Hindi ko siya pinansin at uminom nalang ng tubig." Eto naman galit agad."

"Pake mo ba? Pati anong ginagawa mo dito? Hindi ka naman dapat kasama dito!" Napahawak pa siya sa may parteng dibdib na para bang nasaktan sa sinabi ko, apaka o.a!

"Bawal ba akong pumunta sa date niyo ng Kuya ko, Avery? Pinapunta ako ni Kuya dito eh at saka nagugutom na din ako! Bakit ba ayaw mong makita ang pag mumukha ko ha? Gwapo gwapo ko ayaw mo kong makita? Hay naku Avery."

"Sobrang kapal! Ang epal epal mo Yvo!" Sinamaan ko siya ng tingin. "Mandiri ka sa sinasabi mo ha," dagdag ko pa.Muli nanaman siyang tumawa. Nakakahiya talaga siya! Yung mga tao dito sa restaurant nakatingin na sa amin.

"Grabe ka naman matapos kitang tulungan kay Kuya ganiyan sasabihin mo hay naku Avery.... Oh ano nag enjoy ka ba?" Naramdaman ko nanaman ang pag init ng aking pisnge. Nakatingin lang siya sa akin, nag aabang ng isasagot ko sa kaniya.

"O-oo." Ibinaba ko ang tingin ko at ngumiti habang inaalala ang mga nangyari kanina. Mas doble ang pag aalaga kanina sa akin ni Doc Martin kanina kaya di ko mapigilan ang kiligin.

"Mabuti naman kung ganon! Sobrang hirap pa naman mag tingin ng mga schedule niya at mas lalong mahirap din tumambay at pumunta sa hospital niya para lang tanungin siya kung may mga program or activities siya noh! Kaya dapat nag e-enjoy ka!" 

"Ang effort mo naman."

"Mabait kase ako eh tapos ikaw." Tinaasan ko siya ng kilay, nag aabang ng sasabihin niya.

"Hindi, hindi ka mabait." Hinigit ko ang buhok niya at muli nanaman siyang tumawa, nakakainis talaga siya!

"A-aray....What if sabihin ko kay Kuya? Ano sige... a-aray isa Avery masakit ha!" 

"Nakakainis ka talaga! Matapos mo kong tulungan iinisin mo ko ha?" Hinihigit ko parin ang buhok niya at kinukurot siya sa tagiliran.

"Sige ka sasabihin ko kay Kuya Martin na gu-----." Nanlaki ang mata ko ng may nag salita sa likod namin. Sabay kaming tumingin sa kaniya.

"Anong sasabihin?"