webnovel

Reincarnated as a Stupid Princess of Devuniake World

Jane Necton, a skilled military captain, gets kidnapped and her soul ends up in another world from books. Male leads from those books come to life, making her life chaotic. Her experiences in this book-inspired world can be both good and bad, depending on how she navigates them.

Pen_Palooza · ファンタジー
レビュー数が足りません
16 Chs

Chapter 9

''WHERE have you been these past few days?!''

Limang araw akong nanatili sa lugar ng aking Lolo at ngayon lang nagbalak na umuwi sa mansyon ng Finnegan, at isang galit na hari agad ang aking nakita pagpasok ko sa mansyon. Nakaupo ito sa single na sofa sa sala at sa mahabang sofa naman nakaupo ang reyna at mga anak.

''I just did something important and slept in a friend's house'' Kahit labag sa loob kong sumagot ay may paggalang pa rin sa aking tono. neknek ko na lang kung iinisin ko pa lalo siya, baka mapatay na ako nito!

''You only know how to waste money! magkanong pera ba ang nawawaldas mo sa isang araw? isang libo? isang dollar? ilan ha?! yan lang naman ang alam namin na pinaggagawa mo sa araw-araw na wala ka rito!''

''How dare you waste the money that Mom and Dad worked hard for?!

Parang naputol ang kaunting pasensya sa aking katawan sa salitang lumabas sa bibig ng reyna at sinabayan pa talaga ni Phoebe. These two bitches...

''Stop it!'' parang kulog na umecho ang boses ng hari sa buong sala na kahit ang mga katulong na nasa gilid ay natakot

''you're grounded for one week, Thana!'' turo niya sakin 

''W--what? no...hindi pwede!'' talagang hindi pwede dahil marami akong gagawin para magtagumpay ako sa aking plano

''Hindi ka lalabas sa kwarto mo while you're grounded'' may pinalidad sa pananalita ng hari

''maybe she already has a boyfriend kaya ganyan siya makatutol, Dad'' ngising sabi ni Phoebe 

''Phoebe!'' pagbabanta ni Helbert dito

''is that true, Thana?!'' kung malamig na ang tono ni Haring Yubert kanina ay mas lumamig pa ito lalo

''No...She's ly--''

''I'm her boyfriend''

Dahil sa pagsulpot ng boses na iyon ay nadagdagan ang tensyon na nabubuo sa loob ng sala. Hindi makapaniwalang napatingin ako sa lalaking nakatayo malapit sa main door. prente itong nakasandal sa hamba ng malaking pinto habang nakapamulsa. He's wearing a black tuxedo and I can't deny the fact that he's so hot even thought he's so serious.

''What?!''

''What are you saying, Mr. Cantonese?!''

''Are you serious, Prince Sage?''

''Kailan pa?'' 

Gulat akong napatingin sa bagong pasok na lalaking nakasuot rin na Tuxedo. It's Gilbert...

''the first day she woke up from a coma?'' mahahalata na nagdadalawang isip siya sa kaniyang sagot ngunit dahil marunong siyang mang uto ay madali lang na napaniwala sila

''Is it true, Thana?'' ang malamig ngunit may kaseryosohan na tingin ni Gilbert ay nabaling sa akin at alam kong hinihintay din nila ang sagot ko. Naramdaman ko ang tingin ng lalaki kaya binaling ko dito ang aking tingin, may pinapahiwatig ang malamig niyang titig na naunawaan ko naman

'Just ride this lie if you don't want to die.'

Mabagal akong tumango at sinabing ''Yes, Dad. Nagsasabi siya ng totoo'' 

NG marinig nila ang aking sagot ay kaniya-kaniya silang react at si Helbert naman ay parang tinakasan ng bait at basta nalang sinugod ang lalaki at panay ang mura nito.

''What the fuck, Sage!?'' 

''Nothing is fuck, Helbert''

''Fuck you! ayaw kitang maging bayaw!''

''The feeling is mutual!''

''you two shut up!''

Hindi pa sana titigil ang dalawa sa pagbabangayan kung hindi pa sumigaw si Gilbert. 

''Paano nangyari ito, Sage? haven't you been in Rivendell for the past few months?'' Seryosong tanong ni Gilbert.

''We chat with each other through social media.''simpleng sagot ni Sage 

''sit down first, Sage so we can have a thorough conversation'' mabilis pa sa alas kwatro na napunta ang atensyon ko kay King Finnegan dahil sa sinabi nito

''N--no...he probably n-needs to rest dad, he just got back from a long trip kaya mas better kung pauwiin  na siya?'' sa pagkakaalam ko kasi ay isang araw ang aabutin ng byahe sa pagitan ng Arcadia at Rivendell.

''We have something important to talk about, Thana, so it's better if you go up to your room and don't come out until I say so'' lintaya ni King Yubert at wala na akong magawa para suwayin pa ito dahil sa pagkapinalidad sa tono nito.

Huminto ako sa tapat ni Sage na katabi ni Gilbert. Seryoso itong nakatingin sa akin at inaabangan ang bawat galaw ko. Lumapit ako ng tuluyan dito habang nakataas ang mga kilay nito ng iangat ko ang aking mga kamay at bahagyang inayos ang di-maayos na necktie niya at pasimple kong nilagay ang calling card ni Hellevi sa Jetted pocket ng Tuxedo niya.

''after your meeting make sure you rest, babe'' malambing kong saad dito at sinadya ko talagang iparinig sa iba. Napatiim-bagang ito at marahang tumango kaya lumakad na ako palayo ngunit hindi pa ako nakakalayo sa kaniyang pwesto ng magsalita ako na siya lang ang nakarinig.

''call me''

++++++++++

Pagpasok ko sa aking kwarto ay tinungo ko agad ang banyo at hinubad ang mga saplot. Malamig na tubig ang yumakap sa aking katawan ng mailublub ko ang katawan sa malaking bathtub. Ah! it's a tiring day.

Dahil sa kaganapan kanina ay maraming bumabagabag sa aking isipan, tulad na lamang sa 'kung ano ang mangyayari pag naka-abot sa iba ang rebelasyon kanina na kahit ako ay hindi inaasahan namangyayari ang ganun.'

Kasi naman, bakit ba sumulpot si Sage?

Sage Cantonese-- A professional doctor from the Royal Family of 'Cantonese'. A cold person. A male lead.

Cantonese-- Pamilyang nagmamay-ari ng pinaka sikat at pinaka malaking hospital sa buong bansa. Ang Queen Cantonese ay isang sikat na siyentipiko habang ang King Cantonese ay isang sikat rin na doctor ng bansa. 

Hindi na nakakapagtaka na sa murang edad ni Sage ay nakasali na siya sa mga top na doctor sa buong mundo. Perks of having a Cantonese blood. 

Pero kahit na isa siyang Cantonese ay hindi ko pa rin mapigilan mainis dahil sa pagsingit niya sa usapan kanina. Ano na lang gagawin ko kung kumalat na naman sa buong bansa na may relasyon kami 'kuno' ni Sage Cantonese.

Ang plano kong maging Lowkey person ay nabulilyasaw dahil sa pagsulpot ng mga male lead kaya kailangan kong mag isip ng ibang paraan para magtagumpay ako. Hindi pwedeng maging kampante ako dahil tatlong buwan na lang ay magsisimula na ang totoong daloy ng kwento at siya ring hudyat na unti-unti na rin papasok sa eksina ang mga bida sa kwento. At hudyat na nalalapit na ang kamatayan ni Hellevi--which is me.

Mababaliw ako ng maaga dito!