webnovel

Reincarnated as a Stupid Princess of Devuniake World

Jane Necton, a skilled military captain, gets kidnapped and her soul ends up in another world from books. Male leads from those books come to life, making her life chaotic. Her experiences in this book-inspired world can be both good and bad, depending on how she navigates them.

Pen_Palooza · ファンタジー
レビュー数が足りません
16 Chs

Chapter 14

Hellevi POV

Today is the day kung kailan ay ipagdiriwang ang ika-19 kaarawan ni Hellevi at lahat ng tao sa Palasyo ay Hindi mapakali sa pag ayos ng buong paligid dahil yun ang utos ng Hari at Reyna. Hindi lang ang kaarawan ko ang pinaghahandaan nila, pati na rin ang mangyayaring announcement ng engagement namin ni Sage. 

Suot-suot ko ang Itim na Ball gown na pinagpuyatan ko ng ilang gabi para lang matapos sa loob ng isang lingo. Naka Messy High-Bun naman ang buhok ko at Light make-up lang ang ayos ng mukha ko na sariling gawa ko rin. May inutosan sana ang Reyna na mag-ayos sakin ngunit Pinalayas ko dahil ang pangit ng pagkaka make-up. 

Pinag-usapan muna ng pamilya KO at pamilya ni Sage ang magiging desinyo at napagkasunduan na Black and White ang Theme ng Party maging ang Dress code. 

Kahit nahirapan ako sa pagbuo ng gown na suot ko ay worth it naman yung pagod at hirap dahil ang ganda ng kinalabasan kaso nga lang ang bigat pero sanay na ako. Perks of having a Famous Family.

*Tok*Tok*Tok*

''P-princess Hellevi!'' Malakas na sigaw ni Laura ng makapasok sa Dressing room ko. Pinaikot ko ang aking mga mata ng makita ang kaniyang reaksyon.

''Bunganga mo, Leah.'' Natatawang saad ko habang nakatingin sa repleksyon niya sa salamin. Lumapit siya sa akin at sinuri ang buong katawan ko.

''I-ikaw ba yan, Levi? Ang Ganda mo.'' Kung totoo lang na nagiging bituin ang mga mata ay kanina pa nagiba ang mga mata ni Laura dahil sa pagkamangha

''I know.'' Proud na sagot ko dahilan para matawa siya

''Ang confident mo Levi ah! Ibang iba ka na talaga.'' may luhang nagbabadya sa kaniyang mata na agad rin naman niyang pinalis bago ako yakapin ng mabilasan.

''Proud na proud ako sayo mahal na Prinsesa. Sa wakas ay nagiging maayos na ang iyong pamumuhay kasama ang iyong pamilya.'' May galak sa kaniyang boses na kinangiti ko

''Thank you for everything, Laura.'' Sinserong saad ko bago magpaalam upang pumunta sa ballroom kung saan gaganapin ang selebrasyon.

''This way, Princess Hellevi.'' Ni-assist ako ng Butler ni King Yubert na si Ryan na ngayon ko lang na-meet dahil ang balita ko ay Nasa Palazzo ito at may inaayos na importanteng bagay na tungkol lang naman sa Mafia Things.

''Good evening everyone! Welcome to a night of vivid colors in celebration of wonderful lives for a girl who is now turning 19. All of you who are here tonight have watched her grow over the years into the wonderful person she is now. As a jumpstart, let us all acknowledge the ever-supportive and loving family of our birthday celebrant...The Royal Family of Finnegan!'' Said the Host 1.

Rinig ko ang sigawan at mga papuri ng bisita ng umakyat ng stage ang buong pamilya ng Finnegan maliban sa akin dahil ito ako sa mataas na bahagi at nakatanaw sa ibaba kung saan nangyayari ang party at naghihintay matawag ang aking pangalan.

''Nakakatakot talaga ang tatlong lalaki ng Royal Family of Finnegan!''

''Queen Thena is so beautiful!''

''Ang ganda ni Princess Phoebe!''

''Sexy niya rin!''

''I wonder why pinatigil yung engagement nila ni Prince Shae?''

''Balita ko nga ay dahil daw ito kay Princess Hellevi.''

''Ako rin, ang sabi nagmakaawa daw itong Prinsesa sa Kanilang ama para siya raw ang ipakasal kay Prince Shae.''

''Sumang-ayon ba ang nakatataas?''

''Hindi ko alam pero balita ko ngayon sasabihin ng pamilya ang balitang tungkol sa relasyon ni Princess Hellevi.''

Nakita ko ang pagngisi ni Phoebe dahil sa mga sinasabi ng bisita na mamaganda tungkol sa kaniya at mga panghuhusga naman sa akin na kinangisi ko rin. Ano kaya magiging reaksyon nila kapag nasimulan na ang totoong Party?

''Tonight is a celebration of adulthood and gratitude for the life God has given our lovely and charming celebrant. Let us put our hands together, as we welcome the main highlight of this celebration, and as she stepped into a higher level of her life, ladies and gentlemen, our birthday celebrant, Princess Hellevi Thana Finnegan, will be Escorted by Prince Sage Cantonese!'' Said the Host 2.

Nakita ko si Sage na umakyat ng Stage at pumwesto sa dulong bahagi ng hagdan para doon ako hintayin. Naka-angat ito ng tingin sa akin at para bang lalamunin ako kapag nakalapit ako sa kaniya. Ang mga Bisita naman ay parang natahimik at ang iba ay nagbubulong-bulungan na dahil sa pagtataka na kinangisi ko lamang.

''Bakit si Prince Sage ang Escort niya?''

''Akala ko ba si Prince Shae?''

''Anong relasyon nila?''

''Baka naman request niya yan sa mga magulang niya.''

''Ang landi niya, kahit sinong prinsipe na lang ang nilalapitan niya!''

Hindi ko na pinansin ang mga mapanlait nilang komento at nagfocus na lang sa paglalakad pababa ng hagdan.

''Wow, ang ganda niya!''

''Ibang iba na siya!''

''Ang ganda ng make-over!''

''Nakaka-inlove naman ang ganda niya!''

''Nagsayang pa yan ng milyones para lang makuha ang pinakamagaling na make-up artist ng bansa!''

Nilahad ni Sage ang kaniyang kamay na magiliw kong tinanggap at hindi inaasahan ang ginawa niyang paghalik sa likod ng aking kamay, maski ang mga bisita ay natahimik ngunit ang dalawang baklang host ay napatili sa nasaksihan. Yumukod ito ng kaunti para magpantay ang aming mukha at mas lalong nanigas ang aking katawan sa sunod niyang ginawa.

''Ang Sweet!''

''Oh my god! I smell something fishy!''

Tili ng dalawang Host sa nasaksihang paghalik sa akin ni Sage sa aking noo. Ngumiti pa ito dahilan para malaglag ang aking panga dahil sa kauna-unahang pagkakataon...

''Ngumiti si Prinsipe Sage!''

''Ang gwapo niya!'' 

Tili na naman ng dalawang host na sinabayan na rin ng iba pang bisita na nagtataka pa rin ang mukha sa mga nasaksihan.

''May relasyon ba silang dalawa?''

''Anong nangyayari sa mundo?''

''Palabas ba ito?''

''Ang gwapo ni Prince Sage!''

''Umayos ka, naglalaway ka na sa kagwapuhan ko.'' Bulong ni Sage sa aking tenga habang inaalalayan ako sa paglalakad papunta sa pwesto ng aking pamilya sa baba ng stage. May dalawang Malaking Pabilog na mesa ang nasa unahan malapit sa stage, ang sa kaliwa ay lamesa ng mga Hari at Reyna, sa kanan naman ay ang mga Prinsipe at Prinsesa.

''Ang hangin mo pala, Prince Sage.'' bulong ko habang nakangiti pa rin. Ismid ang isinagot nito at tahimik na naming tinungo ang pwesto ng mga Hari at Reyna. Mabuti na lang at napakalaki ng Ballroom na ito dahil kung hindi ay baka hindi magkasya lahat ng dumalo sa party. Kahit kasi mga Commoner ay nandito rin dahil yun ang utos ni King Loford.

''Greetings Your Majesties!''