webnovel

QUARTER PALACE [FILIPINO]

Quater Palace is a private place in an unknown abandoned palace. Power, Authority, and Wisdom. You have to be careful who to trust.

Enialaqt · 映画
レビュー数が足りません
38 Chs

ROOM 116

ABRAM GARCIA

"So ayon pre, gusto ko lang malaman lahat ng detalye patungkol sa pagkatao ko kaya andito ako" paliwanag ko kay Atty. Hunter

"Ulol" ani nya kaya napahagalpak ako ng tawa

"De, gusto ko lang talaga makahinga pre. Hindi naman ako sinasakal ng parents na nagpalaki sakin pero iba parin ung ngayon. May alam na kasi ako, dati kasi kahit masakit nakikinig pako sa pinaguusapan nila baka banggitin tungkol sa magulang ko eh"

Napatango naman sya pero parang may gusto syang ilabas na di malabas labas ampota.

"Biggest fear??"

"Ah?ewan hindi ko alam" naguguluhan kong sagot

Hindi ko talaga alam eh, siguro pag may nangyari na sakin na hindi ko talaga kaya.

"Can you describe your gang members?" tanong nya

"Hmm, sige start tayo kay Harper" napatango naman sya pero parang ayaw pa eh

"Si Harper pinakamain leader namin magulo minsan kausap yon kasi pabago bago ng utak pero madalas tama naman lahat ng ginugulo nya. Natihimik sya madalas pero pagnagsalita yon ay daig mopa aso susunod at susunod ka sa iuutos nya" natawa naman sya

"Si Revun naman mapangasar yon, kaso pangit kausap pano nauuna pang kausapin sarili. Pero mas madali syang kausap kesa kay Harper kasi nga nakausap nyana utak nya bago kami." napailing nalang sya

Hindi ko alam kung nagets nya ung sinabi ko oh wala syang pakialam.

"Si Sabrina yon! madaldal yon tapos kalikot pa mahirap kausapin yon kasi ang layo ng itatanong nya sa topic pero pagiisipin mong mabuti connected naman pero di naman agad yon ung papasok sa utak masyadong malalim utak non!" kako pa hindi kona dinetail ugali nya baka magustuhan pa

delikado

"Si Abigail medyo nabawasan arte nya nung tumira sya sa hq namin. Kaso ang ingay! daming reklamo tapos pagdi nya kami nakausap ng maayos magsusumbong agad kay bebe nya epal lang" nakasimangot kong kwento

"Sinong bebe nya?" natatawang tanong ni atty

"Si Harper" nagulat naman sya

"Oh?magjowa sila?"

"Ah hindi naman, pero may something sa kanila basta"

"Hmmm next"

"Si Faye naman ewan ganda nga lang yata ambag non samin. Pero okay naman syang kausap medyo may pagkatahimik"

"Si Ivan naman medyo magulo sya eh may problema pa kami sa isang yon pero masarap kasama yon hindi ka maboboring palaging pinapagaan ung sitwasyon parang joker ganon" napatango naman sya at umayos ng upo

Pinanood ko syang mabuti kung paano nagbago reaksyon sa muka nya. To walang pakialam to interested.

"Tapos si Peveria naman sungit nung babaeng yon, nung unang kita nga namin sa kanya halos irapan ako. Tahimik yon tapos mapagobserba baka nga pati amoy ng utot alam nya kanino galing" napahagalpak naman kami sa tawa

"Siraulo"

"Totoo kasi! sobrang tahimik pero pagmaganda ung topic medyo madaldal"

"Pwera kay Faye hindi ka nagbanggit ng about sa muka nila noh?" tanong ni atty

May inaalam to eh, naamoy ko.

"Oh?maganda naman silang lahat, lalo na si Pev" tumaas naman isang kilay nya

"Ah talaga?Maganda?" parang di ako makakalabas agad ah?

"Hmm oo sa kanilang bagong sali samin sya una kong napansin"

"crush mo?" parang tatay ah?

Tatay moba to pev?

"Ah wala pa naman sa ganon! hahaha pero hindi rin naman sya mahirap magustuhan kasi pasok naman sya sa type ko" sige pa magalit kapa hahahaha

"Type mo pala, bat dimo ligawan"

"Wag na parang galit ka eh" natatawa kong saad sa kanya

_

"So ibigsabihin wala kayong idea kung sino ung third leader namin?" gulat na tanong ko

"Oo, hindi rin sinabi ni Leo tapos nakakuha ako ng report ngayon lang hindi rin daw sure mga members nyo. Anong klaseng gang yan hindi alam kung sino mga leader" inis na tanong nya

"Kasi sasabihin din naman namin pero usapan namin ni Harp dito nalang sa loob kasi hindi rin kami kumuha ng kung anong mission sa Field" paliwanag ko

"So sinong third leader nyo?" seryosong tanong nya

"Sino munang sinabi nilang third leader?" tanong ko

"Sabrina, Abram, Peveria" napatango naman ako

Iba boses bigla kay Pev ah?Anong meron?

"Bat daw kasama si Pev?" tanong ko

"Matagal na raw na magkakilala si Pev tsaka Harp" napatango ako uli

"Ah oo nga, nabanggit ni Harp na kaklase nya nung elem. Tapos ang sabi ni Sabrina ay pabago bago daw ng isip si Harp kagaya ng sinabi mo pwede raw na ibahin ni Harp"

"Ah pwede rin, maasahan naman sa leadership si Harper"

"So pwedeng si Pev ung third leader?" biglaang tanong nya

"Possible na sya tapos hindi pa alam ni Pev kasi wala naman sa tagal sa gang ung pwedeng maging leader namin nasa obserba ni Harper"

"So sinasabing mo inoobserba nung Harper si Peveria?"

Ung last sentence lang ba narinig nya?

"Hmm, lahat naman kami inoobserba nya araw araw kung anong ugali namin sa araw na yon kaya alam nya ung ilalabas na ugali nya ganon, magulo sayo yon kasi hindi ka naman namin kasama sa bahay non" kako pa napatango naman agad sya

"Hmm, so it can be you, Sabrina, Peveria"

"Yepp"

"Sa tingin mo ba ikaw?" seryosong tanong nya

"Ewan naguluhan ako eh, pwede kasing si Pev"

Napatango naman sya at tumayo na. Satisfied na sya sa sagot ko dahil napansin ko sa mga tanong nya kanina ay binabasa nya nako

"Hmm okay, Let's end this interview now pero bukas pa makakalabas" napatango nalang ako