webnovel

QUARTER PALACE [FILIPINO]

Quater Palace is a private place in an unknown abandoned palace. Power, Authority, and Wisdom. You have to be careful who to trust.

Enialaqt · 映画
レビュー数が足りません
38 Chs

PRANK

REVUX SALVADOR POV

Nakaupo lang kami sa mga upuan dito sa simbahan, ayaw pa kasing umuwi ni Sab at hinintay naming matapos ang paglibing. Nauna na sa bahay sila Leo at Kuya pati mga grupo nya bale apat kaming andito sa simbahan at may iilang natira para gabayan ung mga naglilibing.

Napaanagat naman ako ng tingin dahil parang wala sa sarili si Sab. Nagayos muna sya ng damit bago tumingin sa pintuan ng simbahan.

"Sab" tawag sa kanya ni Abram magsasalita din sana ako kaso hindi naman sya tumingin kay Abram

"Alis lang ako" aniya at naglakad palabas ng hindi kami tinitignan

Napatingin naman ako kay Abram na parang gusto syang pigilan si Sab pero yumuko nalang sya at ibinaon ang muka sa gitna ng mga tuhod. Napatingin naman ako kay Harper na nanunuod lang din, gusto ko rin namang magtanong.

"Woy" tawag sa kanya ni Harper pero hindi sya gumalaw

"Aalis si Sab" biglang saad nya

"Pinagsasabi mo?" tanong ko sa kanya

"Sa...sa dulo ng sementeryo andon mga pinsan nya." nagulat naman ako at biglang napatayo

"Ano?"

"Yun pala pinagusapan nyo kagabi" ani ni Harper at nakasandal sa upuan na parang nawalan ng gana

"Oo, sabi naman nya hindi sya aalis kasi tuloy ang hazing natin mamaya. Pero tangina sa reaksyon nya kanina habang paalis parang hindi na babalik eh"

"Ang sabi nya tuloy daw ang hazing at hindi sya sasama sa mga pinsan nya dahil baka pati sila madamay" dagdag pa nya

"Oh hindi naman pala aalis eh" kako

"Pero pre hindi mo nakita ung muka nya kanina! parang gusto nalang nya magpahinga kasi pagod na pagod na sya!gago kaba?syempre sasama sya don kadugo nya yon eh"

"Pero nagusap kayo" wala nakong masabi

Naintindihan ko naman sya hindi lang ako nagsasalita pero ramdam kong pagod na sya. Syempre ngayong wala na pamilya nya san sya pupunta?syempre sa mga kadugo nya

"May plano na sya, ang sabi nya oo daw sya sa offer ni Leo. Ligtas naman daw mga pinsan nya, ayaw din nyang magtago. Tangina hindi man lang nyako tinignan kanina. Sabi nya kung magbago daw ang isip nya ako na daw bahala sa lahat, babalikan nalang nya tayo. Pero kagabi sure na sya eh hindi sya sasama tangina naman" nagulat ako ng biglang mag garadgad boses nya

Umupo nalang ako at napatitig sa kisame para pigilan ding umiyak. Hindi naman ako iyakin pero ung pakiramdam ko na wala lang kami sa kanya. Maiintidihan naman namin sya kung nagpaalam sya atleast alam namin diba. Pwede rin kaming humingi ng tulong sa Wex para mabantayan sya ng maayos.

"Sinong kasama nila nyan?"

"Si chen tsaka ung ate nya tapos ung kasa kasama daw nila ung tropa ni Chen"

"Kilala ko mga tropa non, ayos naman. Tara uwi na, magready na tayo para sa hzing mamaya" ani ni Harper at tumayo na

Tumayo narin ako hanggat napipigilan kopa sarili kong tumakbo sa dulo ng sementeryo para habulin si Sabrina. Baka ganon talaga, hindi naman namin pababayaan naiwan nilang bahay dito. Hinawakan kopa sa braso si Abram para makatayo at para hindi makatakbo.

Hinila ko sya hanggang sa makarating kami kung saan nakaparada motor namin. Nakaangkas sa akin si Sabrina ng papunta dito ngayon aalis akong walang angkas. tangina

"Dali na Abram maraming naghihintay sa bahay" si Harper na inaakay na si Abram onti nalang buhatin nya eh sya pa sana magsusuot ng helmet

"Hoy!" nagulat kami at sabay sabay na napatingin sa likod at nakita si Sabrina na tumatakbo na

"Iiwan nyo bako?!" sigaw nya samin

Diba ikaw mangiiwan?

"Sab" tawag sa kanya ni Abram at agad na niyakap sya

"Tangina mo akala ko iiwan mo kami" kako at naglakad na papalapit sa kanya

"Kala ko sumama ka" sabi ni harper na parang nawalan ng tinik sa lalamunan

Napalapit din ako para sana yumakap pero bigla syang sinabunutan ni Abram

"Aray ko!"

"Tanginamo! hindi moba nakita kamay ko ha! sinenyasan kitang mamaya pa lumabas kasi paiiyakin ko muna sila! gago kaba?" sigaw sa kanya ni Abram

"Ay gago! hindi ko nakita nagmamadali kasi ako baka iwan nyoko eh wala akong pocket money" napasapo naman sa noo si Abram

Hindi naman ako agad nakagalaw at inalala ang naging reaksyon at pinagsasabi ni Abram kanina.

"Hoy" tawag pansin ko sa kanya pero nagsimula lang syang tumawa at nakisabay naman si Sab

"Umiyak ka?" walang kwentang tanong sakin ni Sab

"Malamang! aalis ka eh!" napangiti naman sya at unti unting tumawa pero nang mapansin hindi nagbago reaksyon ko ay lumapit na sya para yumakap

Napatingin naman ako kay Harper na umiiling iling lang at natatawa pa

"Pati ikaw?" tanong ko

"Narinig ko lang kagabi" ani nya at sumali sa tawanan nila

"Tangina nyo wag nyona uulitin" kako at yumakap pabalik kay Sab na tumatawa sa dibdib ko

"Hindi na, tara uwi na" aya ni Abram

Bumitaw naman sa yakap si Sab at tumingin sa puntod ni Tita

"BABYE NA MAMA! BABALIK AKO!" sigaw nya napangiti naman kami sinuotan kona sya ng helmet

Uuwing may Sabrinang angkas.

Napatingin ako sa puntod at ngumiti rin

Bye tita.

#

"Anong oras kase?" tanong ng kikiting si Sabrina

Kabalik kasi naman sa bahay ay nakakumpol kumpol sila Kuya at Leo nagpplano sino daw papalo samin mamaya.

"8 pm nga makulet!" napanguso naman sya

"Kinakabahan kaba?" tanong nya pa sasagot na sana ako pero hindi na pala ako tinatanong nya

Napatingin ako kay abigail na wala sa sarili at nanginginig ang kamay. Nako mukang masakit katawan bukas ni Harper ah.

"Uy!" alog sa kanya ni Sab

"Ha?oo" natawa naman ako

"Anong oo?" tanong ko

"Kumain nako" mas lalo pakong natawa

"Hindi naman yon tinatanong ko Abi eeh!" reklamo ng makulit

Simula ng bumalik kami dito sa bahay nagkulit kulit na sya. Muntik na ngang mapalo ni Leo kanina kasi pinagtritripan nya kanina ung sabit sait don sa pantalon nya. Pati si Kuya muntik na kasi nangialam sya sa kusina eh umuwi na si Lola kaya sya ang taga luto

"Ah ano ba tanong mo?"

"Wala, gusto mo ice cream?"

"Meron ka?" tanong ni abi at nagliwanag muka

"Wala, pero si Leo siguro meron" napailing nalang ako

"Ano yan?narinig ko name ko" saad ng kapapasok lang sa kusina ni Leo

"May ice cream ka?" tanong ni Kulit

Halata namang wala dahil susi at cp lang naman dala dala net-

"Meron wait pakuha ko kay Marc" ani nya at kinindatan si Sab at tinawag si Marc na mukang papupuntahin nyapa sa grocery

"Thank youu!"

Napailing nalang ako at napatingin kay Kuya na may dala dalang ulam at ilalatag sa mesa

"Wow spag"

"Bangoo!"

Natawa naman si Kuya sa reaksyon ng dalawa pero mukang hindi natuwa si Harper dahil ngiwing ngiwi muka nya habang pinagpapapak ang gatas ni Sab

"Kain na, nahatiran kona mga asa sala. Gutom na siguro kayo"

"Wait namin ice cream ni Leo" ani ni Kulit kaya napahagalpak kami ng tawa ni Harper ng unti unting umasim muka ni Kuya

Iba talaga.