webnovel

QUARTER PALACE [FILIPINO]

Quater Palace is a private place in an unknown abandoned palace. Power, Authority, and Wisdom. You have to be careful who to trust.

Enialaqt · 映画
レビュー数が足りません
38 Chs

NEED & CAFETERIA HALL

Harper Deviant POV

Pagkapasok sa Need Hall ay sandamakmak na tao ang nakikita ko.

Sakit sa mata

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad at hindi pinansin ang mga mata. Tumigil kami sa isang poster kung saan malalaman kung anong floor ang hinahanap namin.

"New gang?!Here, you guys don't know anyone here so-"

"We're looking for Denyel" agaran kong saad sa lalaking biglang sumulpot

Halata ang gulat sa mata nya at biglang napatingin sa kwintas na suot ni Abigail, nakalabas iyon dahil maganda naman daw. Pero bumaba ang mata nya kaya nahawakan ko agad sya sa braso

"Room 4 sya don sa gilid" aniya sabay turo habang nakangisi sa akin

Ngumisi din ako sa kanya at naglakad na. Ramdam ko namang naglakad na rin sila kaya hindi nako nagsalita.

Ronie, tangina ka.

"Room 4" Nakasabit sa isang pinto kaya kinatok kona

"Come in!" sigaw sa loob

Binuksan kona ang pinto at bumalandra ang isang napakalinis na office.

"Gang Name, Field Name" saad nya ng makapasok kami

"Black Society, Wex Field" agaran kong sagot

Tumayo naman sya at naglahad ng kamay sakin.

"Denyel Cioz"

"Harper Deviant"

"List please?" ani nya

Binigay naman ni Sabrina ang listahan. Kinuha iyon ni Denyel at binuksan ang maliit na bintana at ibinigay ang listahan.

"Balik kayo after dinner" saad nya

"Why?" tanong ni Abi

"Para kunin ang mga nasa listahan" aniya at umupo na sa upuan

"That fast?" tanong ni Abram

"Leonard said "Your priority in your work is to help Black Society" that's it. Sige na bago pa mapuno ang hagdan sa cafe hall" tumango nalang kami at lumabas

_

"Grabe ganon lang kadali?omg thanks to Kuya talaga!" saad ni Abi sa tabi ko

"Pero bakit maraming tao sa lobby?wala ba silang backer?" tanong ni Pev

"I think so, maybe no choice ang Field nila or walang kakilala ang mga backer nila" saad ko

"Sabagay, pero paano nila nakilala si Leo eh hindi naman natuloy si Leo sa pagpasok diba?" tanong ni Faye

"Maybe they know eachother before going in here. " ani ko nalang at pumasok na kami sa hall

"Daming tao" bulong ni Ivan

"Gago, let's go" aya ni Abram at lumipat ng pwesto

Ang pwesto ngayon ay napagigitnaan ang mga babae. Dahil baka kung anong mangyari. Sa dami ng tao hindi natin alam kung sino ang mabait o masama.

Pagkaakyat sa hagdan ay nahimasmasan kami dahil wala na masyadong tao. Maaga pa naman, ang inaasahan ko kanina sa Need Hall ay matatagalan kami.

"Ano? nakita mona ba?" tanong ni Abram

"Alin?" tanong ni Ivan, Faye, Pev at Sabrina

"Ung grey field! eto naman kala koba gusto mona makita kakambal mo? gagong to scammer" asar ni Abram natawa naman sila

"Daming tao, baka hindi kona yon makita" sabi pa ni Ivan

"Bro!" Napatingin naman kami sa biglang tumabi sa kanya

"Hi sabb!" bati pa nya

Gagong to, eto kilala na kami neto dahil papalit palit nga sila ng karakter ni Ivan.

"Hindi mo bako namiss Sab?" paawang tanong ni Evan

"Lumayo ka sakin baka sampalin kita" napalayo naman agad si Evan at tumawa

"Gagi, sorry na." rinig ko pang bulong nya

Close si Sab halos sa lahat. Siguradong alam nyana ang ginagawa ni Ivan at Evan hindi lang sya nagsalita.

"Oh eto na pala Grey Field, asan dito girlfriend mo?" asar ni Abram kay Ivan kaya nagtawanan sila

"Eto si Shiela!" buyo din ng isang miyembro ng grey field

"Oy ganda! crush ka ni Ivan" biro pa ni Faye

"Oo, sabi nya crushback daw" pangungulit ni Sab

Hanggang sa makaakyat kami sa floor namin at nakasabit na sila kay Shiela.

"Shiiiee nga eh!" reklamo ni Sab

"Ela nalang" si Faye

"Eila, i like it more!" dagdga ni Abigail

"Wala pre! galaw galaw tignan mo! kinukuha na jowa mo" sumbong ni Abram natawa ako ng makitang inirapan sya ni Ivan

"Shi(shai) nalang don kasi ako mas comfortable" maarteng saad ni Shiela

"Shai?ganon?" tanong ni Evu

"Yes! Shaiii" shai yon pero bat may shwai sa kanya

"Oo nga, shaii" sabi ni Sabrina

"It's shiii" huh

"ha?eh bat may w ung sayo?shwaii?" tanong ni Faye

"No, it's shiii" napailing nalang ako dahil sa kawalang kwenta nilang pinagsasabe

"Let's come in na" arte ni Shiela

Bumitaw na sila Sabrina sa kanya at nagsiayos ng pwesto papasok. Pumasok kami at bumalandra ang napakaingay na Floor.

Hinawakan ko sa kamay si Abigail at inikot ang mata. Maingay pero hindi magulo ang mga pwesto ng upuan. Mabilisan din kaming nakakita ng pwesto. Naglakad muna kami papunta roon para maideklara iyon na amin na.

"Wait lang" pigil ni Sabrina

"Bakit?" tanong namin

"May poster, sabi pick a table for permanent. So hahanap tayo ng magiging upuan natin hanggang hindi pa tayo nakakaalis sa level or sa floor nato" ani nya

Tinignan ko ang poster at tama nga ang sinabi nya. Umikot pa ang mata ko at nakita ang maayos na table. Naglakad na ako papunta roon at tinignan muna kung maayos ang mga upuan.

"Dito nalang" sabi nila kaya nakita ko ang isang stick don at may ilalagay

Para syang Stick sa Mang inasal pagoorder or maghihintay ng order. Inayos ko iyon at nakita ang index card sa lamesa at pen. Sinulat ko ang Black Society, Wex Field.

"Please line up, it's time to get your food. Nakita namang sigurong ayos na ang mga table. Start from the Table 1 in the corner" saad sa speaker

"Anong number ng Table natin?" tanong ni Ivan

"One" Sagot ni Sabrina at naglakad na

"Pwede bang tumawa harp?gago hindi ko alam kung swerte ba tayo o nakakahiya" bulong ni Abram

Nauuna si Sabrina ako ang sumunod. Kumuha kami ng plato na parang may mga box at inilapag iyon sa metal kung saan ilalakad nalang iyon at don maglalagay ng Pagkain.

"Rice?"

"1 1/2" sagot ni Sab

"1" ang sakin

"1 1/2?" Abigail

"2" bulong ni Abram

"1" Pev

"2" Faye

"1" Ivan

"2" Evu

"Kare kare"

"Adobo"

"Chicken curry"

"Afritada"

Yon ang mga ulam ngayon. Ang sunod sa ulam ay Salad, Isang cupcake, Apple, Banana, at isang mineral water.

Bawat corner ng floor ay may Coffee maker kaya kumuha ako ng tatlong baso. Si Sab, Pev at Evu ang hindi Makatulog sa gabi ng hindi tumitikim ng kape.

"Table 2!"

Naglakad na kami pabalik sa mesa at ibinaba kona ang mga baso.

"There's a coffee maker there. Hindi nyo na add sa list ang kape at ang pampainit ng tubig" saad ko

"Thank you" saad ni Sabrina at lumapit sa coffee maker

"Anong ulam mo?" tanong ni Abram

"Afritada" Ivan

"Kare kare" Faye

"Adobo" Abi

"Chicken Curry" Evu

"Afritada" Sab na kababalik lang

"Kare kare" abram

"Adobo" ani ko

"Ganto, dapat lahat ng ulam sa menu ay meron tayo okay? share share" sabi na eh

Kaya sya nagtanong dahil nakamaintain ang food dito at hindi sapat ang kanin nya sa ulam nya.

"I think they need to add some appetizers like that" suggest ni Abi habang sumusubo ng kare kare

"Yeah, more fruits and vegetables" si Sab na kumukuha ng ulam sa plato ko

"Masarap ung salad" dagdag ni Pev

"Sa tingin mo anong mangyayari sa mga huling table?" tanong ni Sab

"Edi mahuhuli sila kumain" saad ni Ivan habang sumusubo pero natigilan

"Pero isang oras lang tayo diba? eh pano kung nalate tayo ng dating sa cafeteria tapos table 2 na pano?" alalang tanong ni Faye

"Papaunahin silang lahat, katapos ng table 35 kayo na ulit" sagot sa amin ng babaeng naglalakad

"gagi, dapat nauuna tayo kanina natuwa pako kasi nauuna tayo putangina" mura ni Abram habang kumakain

"Eh pano ung iba kung-"

"Stop thinking about them, pare pareho lang tayong bago rito kung iisipin mong kawawa sila na huli ang table nila ay wala silang swerte. Hindi naman natin alam na ganito pala patakaran dito, kaya kung oras ng pagkain ay kakain dahil kung tatagal kayo sa pagkain ay kung ano ano ang maiisip nyo." bilin ni Sabrina habang seryosong kumakain

"Kapag kakain walang titingin sa paligid. Hindi natin kasalanan na nauna tayo. Be selfish, hindi natin sila kilala." Dagdga ni Evu

"Pero kasi kumakain tayo tapos sila hindi pa" bulong ni Abigail

"Eh anong gagawin mo?Hindi ka kakain kasi hindi pa sila kumakain?Bakit kung gutom na gutom pa sila iisipin pa nila ung mga taong hindi pa kumakain? Let's eat, that's it" matigas na sabi ni Sabrina

Alam kong naapektuhan din sya dahil dito. Hindi sya lumaking selfish kaya siguradong nagaalala din sya sa sabi pero gaya ng sabi nya. Kung gutom ba sila aalalahanin kapa nila?bakit?sino kaba?sino kaba sa kanila?

"Let's make a rule" ani ko

" What rule?mamaya nalang sa kwarto-"

"Kung hindi makakakain ang isa sa atin ay walang kakain." ani ko at kumain na ng tuloy tuloy

Kumain na rin sila habang patapos na kami ay palakas ng palakas ang bulungan ng ibang tao. Hindi kami tumingin sa paligid o ano diretsonang kain nila at inom. Iniligpit ang plato ay dinala sa isang cart na malapit sa tabi.

Tumayo na kami at naglakad palabas sa Floor. Habang naglalakad ay sari saring sabi sabi ang mga naririnig ko.

"Tangina, nakakain na sila tayo naghihintay parin"

"Swerte naman nila"

"Gutom nako"

"May backer siguro sila, kaya alam na nila mga gagawin"

"Ano to?ganto tayo hanggat di makaalis sa floor nato?pucha naman"

Hindi kona iyon pinansin dahil hindi ko narin problema iyon. Ang tangging natulog ni Leo samin ay ang paghatid at ang mga tropa nya dito na sinabihan nya.

Paanong hindi nya sasabihan, pinsan nya at crush nya kasama namin. Baka sinapak ko sya kung hindi nya gagawin yon. Walang kahit anong sinabi sa amin si Leo about sa kung anong meron sa loob na importante, ramdam nya sigurong mas gusto naming malaman iyon sa paraan namin.

"Let's be all selfish together" bulong ni Abigail sa tabi ko

_

"Here, you can go here anytime you want just call denyel" saad nya samin at inabot ang dalawang box

Ano ano bang asa listahan nila at ganito kadami ang box?!

"Bakit parang ang dami?" tanong ko

"Oo nga, onti lang ung sa list. Nagtaka nga din ako eh" sagot ni Sabrina sa Tabi ko

"Oh?onti lang asa listahan?" tanong ni Abram

"Oo, mga needs lang talaga sa cr and sa mga bed ganon" sabi ni Faye

Natigil silang lahat at tumingin sa naglista. Ngumiti naman si Abigail at umiling.

"I don't know, wala akong inadd dyan ah! I know Sab will scold me if i do that" sagot nya

"Lakad na ang daming nakatingin" saad ko at naglakad na

Unti unti narin kasing nagkakaroon ng laman ang Need Hall. Siguro kukunin na rin nila ang mga gamit nila.

"Pre ano palang name ng gang nung grey field?puro tayo grey field eh " asar ni Abram

"Grievous Gang" saad nya

"Grievous?ano yon?" tanong ni Faye

"Ano daw?sino namang nakaisip non? what's the meaning of grievous by the way?" maarteng tanong ni Abigail

"Grave" sabay na sagot ni Ivan at Pev

"Bakit naman grave?" tanong ni Evu

"Ewan, pinanganak ng may sama ng loob leader don" asar nyang sagot

"Who's the leader?" tanong ni Abram

"Hindi man lang sya nagpakilala kanina" yeah, he didn't.

"Maybe he doesn't like our gang" saad ko

"Bakit?pangit naman nya" arte ni Sab

"Malay mo nagobbserve palang satin" sabi naman ni Faye

"Observe, observe arte" irap ni Sabrina

Medyo hindi nga maganda iyon. Kung ayaw nya sa gang namin edi sana kahit nagpakilala lang sya. Medyo iwas nga din sa amin ang GG(Grievous gang) kanina dahil si Shiela lang ang lumapit.

Hindi ko narin napansin kasi ang daldal nila. Pati nga mga ibang gang na paakyat ay natatahimik sa tawanan nila.

"Evu, kabit nyo nga to" saad ni Pev at inabot ang isang box

"Ung lock yan?" Tumango sya

"Ung passcode eto, meron pang note dito kung gusto nyong fingerprint sensor ay sabihin na agad para daw maiayos na." sabi ni Faye habang may hawak na papel

"Oh eto punda mo Pev, eto Abi, sakin to, eto sayo black Ivan, oh eto Blue Harp, oh Grey Evu, sayo tong Violet faye?!" tanong ni Sab habang binibigay sa amin ang mga kailangan sa higaan

"Ayoko nyan! Black akin!" sigaw naman ni Faye habang inaasikaso ang doorknob katabi si Evu

"Sakin ung black!" sigaw naman ni Ivan

"Hoy!si Abi naglista akin yan!Abi oh!"

"Hey i changed it! nakita ko your having a bad dream lagi pagblack punda mo!" sabi naman ni Abigail sa tabi ko

Natahimik naman kami pati si Faye napanguso nalang.

"I picked what's best for you guys okay?Kay Ivan ang Black, kay Sab ang Violet, kay Pev ang Grey, blue kay Harper, white ang kay evu! sayo Faye is White din, and for me is pink." paliwanag nya

"Gara naman parang di ako belong ah?sorry sino ba naman ako?sana namatay nalang ako" drama ni Abram habang nakahiga sa kama

"Korni mo tanga, white din sayo tapos araw araw magpalit ka punda ha gago tulo laway kapa naman matulog" irap ni Sabrina natawa naman kami

"Gago ka naman!"

"Bakit?totoo naman!"

"Oo nga pero dapat binubulong lang yon!" inirapan lang sya ni Sabrina

"Arte mo! Sama sama tayo dito hanggang mamatay tapos mahihiya kapa!"