webnovel

PRIDE of Friendship

"Sa pag ibig walang tama o mali, walang kasariang pinipili kapag mahal mo ipaglaban mo. LOVE IS LOVE!"

lyniar · 若者
レビュー数が足りません
94 Chs

Prologue

"Maaa….nasan ka po?"

"Anak, andito ako sa may kusina bilisan mo lalabas na tayo nasusunog ang bahay natin."

Nahihirapan na sa pag hinga yung mag ina "cough….cough…ano po bang nangyayare?"

"Hindi ko alam anak pag baba ko nasusunog na yung tagiliran ng bahay natin doon sa likod. Bilisan mo kailangan na nating makalabas bago pa tayo matusta dito."

"Pero Ma paano yung mga gamit natin?"

"Hayaan mo na ang gamit napapalitan pero ang buhay natin hindi."

Dali-dali namang lumabas ang mag ina at nang makalabas sila maraming kapitbahay ang nakikiusyoso sa kanila at yung iba rin naman ay tumutulong na maapula ang apoy. "Wag kang mag alala malalagpasan natin ang ganitong pagsubok anak."

"Ma…"

Umiyak nalang si Barbie habang yakap ang kaniyang inang si Amanda…Doon na sa bahay na iyon ipinanganak si Barbie hanggang ngayong sya ay 17years old na at nag aaral bilang isang grade 8 student ulila na sya sa ama pero ang totoo separated lang ang mga magulang nya at alam nya yon matagal na panahon na ang nakalilipas.

"."

Noong gabi ring iyon nag punta sila Barbie at ng nanay nya sa bahay ng kanilang mga malalapit na kaibigan sa kalapit nilang lugar pero ni isa sa mga ito ay hindi sila pinatuloy.

"Pasenya na mars, nagkataon kasing umuwi ang mga kamaganak ko galing probinsya kaya sikip na samin ngayon." Ang sambit nung isang babaeng may dala pang batang babae na kaniyang pinadede gamit ang bote para patulugin.

"A— Ayos lang sige mauna na kami ng anak ko."

"Pasensya na talaga Mars. Ingat kayo."

"Oo sige salamat."

Bumalik ang mag nanay sa kanilang sasakyan…

"Anak, sorry…"

"Don't worry Ma pwede naman tayo sa sasakyan mag palipas ng gabi eh."

"Ayos lang sayo?"

"Opo Ma wag kayong mag alala alam kong pagod na rin naman kayo isa pa gabing gabi na po bukas nalang tayo mag hanap ng matutuluyan."

"Pasensya na talaga anak wala tayong sapat na pera para mag rent ng room."

"Ma, ayos lang po para namang hindi nyo ko kilala mana kaya ako sa inyo kaya wag na kayong mag alala pa po, okay?"

"Um."

Nag hanap si Amanda ng pwede nilang tigilan ng sasakyan para makatulog sila kahit sa loob man lang ng kanilang sasakyan.

"Goodnight Ma. Tomorrow is another day be happy lang po okay?"

"Um. Goodnight rin sayo anak."

***

Kinabuksan na gising ang mag ina na may kumakatok na isang enforcer na nag sasabing hindi sila pwede sa lugar na yon mag park.

"Sorry po Sir hayaan nyo aalis na rin kami ng anak ko."

"Salamat sa pag unawa."

Itinaas muli ni Amanda ang window ng sasakyan nila "anak, anong gusto mong kainin?"

"Kahit ano nalang po Ma."

"Okay sige alam kong gutom ka na kaya kakain tayo sa masarap."

"Salamat Ma."

Tuwang tuwa si Barbie na kakain sila ng kaniyang ina sa labas dahil matagal ng panahon ng sila ay nagkaroon ng bonding naging busy kasi sa trabaho ang nanay nya para sa kanilang mga pangangailangang dalawa.

"Wow, dito po tayo kakain? Ma, baka mahal dito."

"Ayos lang anak kilala ko ang may ari nito para dito na rin tayo makikiligo alam ko kasing bukod sa gutom ka na eh ligong ligo ka na rin kilala kita napaka linis mo sa katawan."

"Pero Ma, wala po tayong baong damit."

"Don't worry anak may anak na babae naman ang kaibigan kong may ari ng resto na yan kaya pwede na siguro yun manghiram na muna tayo."

"O—Okay po?"

At pumasok na nga yung mag ina sa restaurant at pinakain naman sila ni Lolit isa sa mga kaibigan ni Amanda kung saan minsan na syang naging partime cashier doon sa restaurant nito.

"Salamat talaga sa masarap na pagkain Ma'am." Ang sabi ni Amanda.

"Walang anuman nabalitaan ko nga na nasunugan kayo sabi sakin ni Marco ano ba ang nangyare?"

"Hindi ko rin alam pero sure ako may nantrip samin."

"Hmm? Pero sino?"

"Sa ngayon pinaubaya ko na muna sa pulis ang pag iimbestiga."

"Paano kayo ngayon? Saan kayo nanunuluyan?"

Napatingin si Amanda sa anak at hinawakan rin nya ang kamay nito "ngayon wala kaming matuluyan siguro uuwi nalang muna kami sa probinsya dun sa bestfriend ko."

"Pero paano ang trabaho mo?"

"Nag sabi na ko sa boss ko na mag leave muna ako habang wala pa kaming maayos na matutuluyan ng anak ko."

"Bakit hindi kayo mag rent ng room or pwede naman sa hotel?"

"Hindi na sasapat ang inipon ko para kasi sa pag aaral yon ni Barbie."

"Ma… mag stop nalang muna ako."

"Hindi anak, yun na nga lang edukasyon ang maipamamana ko sayo hindi ko pa ba ibibigay?"

"Pero Ma…"

"Hindi pwede papasok ka sa eskwelahan sa ayaw mo man o sa gusto kung kailangan kong gumapang para makapagtapos ka ng pag aaral gagawin ko."

"Ma…"

"Ahm…pasensya na pero ito na muna ang maitutulong ko sa inyong mag ina."

Nag bigay si Lolit ng 10k kay Amanda "nako, ang laki nito Ma'am hindi ko ito matatanggap."

"Hindi, tanggapin mo na kailangan nyo yan ngayon mahirap ang buhay kaya kailangan nyong mag pakatatag."

"Salamat Ma'am."

"Wala yon sige na dito na kayo maligo ng anak mo mag bibigay rin ako ng mga gamit nyong kakailanganin hindi ko man kayo makupkop eh doon man lang eh matulungan ko kayo."

"Maraming salamat talaga Ma'am."

"Walang anuman importante eh makatulong ako sa inyo sa abot ng aking makakaya."

"Salamat po Ma'am." Ang sabi naman ni Barbie.

"Wala yon ano pa at naging kaibigan ko ang nanay mo? Malaki ang na itulong sakin ng nanay mo nung nag sisimula pa lang ako ng restaurant na ito kaya malaki talaga ang utang na loob ko sa nanay mo."

"Eh…bakit hindi nyo kami mapatuloy sa bahay nyo?" Ang pabulong bulong pang sambit ni Barbie.

"Ano yon?"

"Ah…ha…ha… wala po sabi ko napaka bait nyo. Maraming salamat po talaga.

Makalipas ang isang oras muling bumalik ang mag ina sa kalsada lulan ng kanilang sasakyan.

"Ma, ang plastic ng kaibigan nyong yon."

"Ha?"

"Hindi nyo ba na halata?"

"Ang alin?"

"Lahat po ng kilos natin binabantayan nya akala ata mag nanakaw tayo sa kanila."

"Anak, bad yan."

"Pero Ma ang mga ganung tao dapat hindi pinagkakatiwalaan pinaplastik lang naman kayo nun kesyo malaki daw ang utang na loob nya sa inyo pero saan ka na iirita naman sya satin kasi nag bigay sya satin ng pera. Huh! Eh pera niyo naman talaga yon hindi may utang sya sa inyo yun nung itinatayo palang ang resto na yon?"

"Paano mo nalaman?"'

"Narinig ko po habang pababa ako ng hagdan nila may kausap yung kaibigan nyo na isa sa kaniyang staff na lalaki yung Marco po naliligo pa kasi kayo nun kaya hindi nyo alam."

"Ohhh…hayaan mo na ang isang yon hindi naman talaga tayo dapat pupunta dun na ngunsensya lang ako tignan mo edi na bayaran ako sa utang."

"Ohhh…nice Mama kaya mana talaga ko sa inyo eh wise."

"Hehe…syempre siyam na buwan kitang dinala sa sinapupunan ko dapat lang talaga na sakin ka mag mana at hindi sa ama mong batugan at saksakan ng…"

Napatigil naman si Amanda sa pag sasalita "saksakan ng tanga? Ma, alam ko ng hindi pa talaga patay ang tatay ko. Kaya wag nyo ng sabihin na ulila na ko sa ama dahil alam ko naman na ang katotohanan na ipinagpalit nya tayo sa mga magulang nya."

"Anak…"

"Ayos lang po, eh ano naman kung hindi tayo tanggap ng mga magulang ni Papa? Wala na po akong pakilam basta ang importante mag kasama po tayo at hinding hindi ko po kayo iiwan kailanman."

Napangiti naman si Amanda at sinabing "maraming salamat anak at tandaan mo mahal na mahal ka ni Mama ikaw lang sapat na."

"Mahal na mahal ko rin po kayo Ma."

"."

Habang nag da-drive biglang tumirik ang sasakyang kanilang sinasakyan sa isang lugar na kung saan familiar si Amanda dahil sa lugar na yon doon sya lumaki at nag ka isip.

"Hindi pa rin pala nag babago ang Brgy. Sinukuan ganoon parin ito ka ganda at ka aliwalas."

"Ma?"

"Ah…anak, sorry hindi ko na banggit sayo, itong lugar na ito ang pinagmulan ko."

"Eh?"

Sa paningin ni Barbie isa lang simpleng subdivision ang pinuntahan nila dahil sanay manirahan sa village hindi na bago sa kaniya ang ganoong lugar.

"Ma, eto na po yon?"

"Um. Nasa probinsya na tayo."

"Eh?"

Sa isip-isip ni Barbie "ganito pala ang probinsya? Akala ko magubat para rin palang Manila ito pero pinag kaiba marami ditong puno at may lake ang bongga naman ng subdivision na ito."

"Anak, ito ang Brgy. Sinukuan."

"What? I mean po? This is baranggay? Not a subdivision or village or something?"

"Ahhh…oo medyo malaki na rin ang pinag bago pero ito parin ang lugar kung saan ako noon nag lalaro medyo may binago sila pero nakikita mo yang lake na yan dyan kami parati ng bff ko tumatambay."

"Bff?"

"Oo pero anak, wag kang mabibigla kung makita mong pa iba-iba ang attitude nya ha?"

"Po? Ano po ang ibig nyong sabihin?"

"Amanda!!!!" May biglang sumigaw na isang lalaki at tinawag ang pangalan ni Amanda."

"Si—Sino po sya?"

"Sya yung sinasabi ko sayo anak sya si Bruce."

"Po?"

Sinalubong naman ni Amanda si Bruce at nung nag kalapit na sila niyakap nila ang isa't isa "luka ka, bakit hindi mo sinabi na nakarating ka na pala dito?"

"Paano naman lowbat na ang cellphone ko pati yung sa anak ko sa sobrang taranta nga namin tanging cellphone at ilang papeles lang ang nakuha namin sa na susunog naming bahay. Tapons eto sakto naman dine na kami inabot ng pagkasira ng sasakyan. "

"Tsk…don't worry I'm here na hindi na kayo mag iisa ng inaanak ko."

"Salamat bestie."

Niyakap muli ni Amanda ang bff nyang si Bruce a.k.a Bruce Ann tanging si Amanda lang ang may alam na isang binabae si Bruce.

"Sya na ba ang inaanak ko?"

"Oo sya si Barbie gaya ng sinabi mo yun ang ipinangalan ko sa kaniya."

Nahihiya naman si Barbie na lumapit sa bestfriend ng kaniyang ina "napaka gandang bata pero bakit parang nag mana sayo?"

Bineltukan naman ni Amanda si Bruce "sira! hindi naman kasi sa kaniya ang damit nyang suot bigay lang samin ang suot namin ngayon kaya eto no choice kami pero ayos na rin kesa sa wala di ba?"

Napabulong naman si Bruce kay Amanda " I think hindi talaga girly-girly ang anak mong yan."

"Alam ko pero hindi ko sya pinangungunahan hinahayaan ko lang sya sa gusto nya gaya mo. Di ba Bruce Ann?"

"Heh! Wag ka ngang maingay alam mo namang lalaking lalaki ang tingin ng mga constituents ko sakin."

"Wait, totoo nga ikaw na ang kapitan dito?"

"Oo naman at ang anak ko ang SK Chairman."

"Teka, may anak ka? Pe—Pero paano?"

"Haysss…mamaya ko na ipapaliwanag halina na muna kayo sa bahay para makapag pahinga kayo."

"Oo nga ilang oras rin akong nag drive kakapagod."

Pa linga-linga naman itong si Barbie ng may nakita syang mga rosas kaya nilapitan nya ito "mukhang mag kakasundo kami ng anak mo."

"Ahh…oo mahilig sya sa mga bulaklak at sa aso."

"Sa aso? Tapos bulaklak? Eh?"

"Oo bestie wag ka ng masyadong maraming tanong."

Habang nag uusap naman yung mag bestie hindi nila alam na tusok ng tinik ng rosas si Barbie "Ouch."

"Hindi kasi ganyan ang pag hawak ng rose." Ang sabi nung lalaking lumapit kay Barbie.

Hindi naman na naka pag salita si Barbie dahil sinubo nya yung daliri nyang na tusok dahil nag dugo ito "sorry, did I scare you?"

Barbie shook her head "here, sayo na itong rose nextime iwas mo yung kamay mo sa tinik okay? Wag kang tanga."

"A---Ano? Sinong tanga?!"

"Sino pa? Alangan namang ako? By the way my name is Kenny see you around newbie."

Pagkabigay ni Kenny ng rose kay Barbie umalis na ito.

"What the? Is he a psycho? At sino sya para sabihan akog tanga?! Bwiset sya!!!"

"Barbie!!! Anak halika na!" Ang pag tawag sa kanya ng nanay nya.

"Opo Ma, andiyan na."

Habang papalapit si Barbie sa nanay nya pa lingon-lingon sya dahil hinahanap nya si Kenny "may problema ba? anong tinitignan mo? wag mo ng alalahanin ang sasakyan natin ipapaayos na yon ng tito Bruce mo."

"Ah…O—Opo."

Ang hindi alam ni Barbie si Kenny pala ay ang anak ng matalik na kaibigan ng kaniyang ina.

"Ikaw?" Ang pagulat na sambit ni Barbie ng makita nya si Kenny sa loob ng bahay ng tito Bruce nya.

"Mag kakilala kayo?" Ang sambit naman ng nanay nya at ng tito Bruce nya.

Doon na nga sa Brgy. Sinukuan mag sisimula ang bagong kabanata sa buhay ni Barbie at ng nanay nya na si Amanda. Maging mabait kaya ang kapalaran ng mag ina o baka mahirapan si Barbie na mag adjust sa mga taong makakasalamuha nya lalo na kung isa syang transfer student sa lugar na iyon at kasama nya pa si Kenny may mabuo kayang pagkakaibigan sa kanila? O maaaring maging magka ibigan sila sa takdang panahon? Samahan natin ang ating bidang si Barbie sa kinyang bagong yugto ng kaniyang buhay sa lugar kung saan sya makararamdam ng iba't ibang emosyon lalo na ang umibig sa mag kaibang kasarian.

Hiyiee! This is new story I hope you like it geysh! Please add this work to your library. Thankies... ♡(˃͈ દ ˂͈ ༶ )

lyniarcreators' thoughts