webnovel

PRIDE of Friendship

"Sa pag ibig walang tama o mali, walang kasariang pinipili kapag mahal mo ipaglaban mo. LOVE IS LOVE!"

lyniar · Teen
Not enough ratings
94 Chs

Chapter  1: Her name is Barbie? 

Umaga na at kailangan ng bumangon ni Barbie para sa kaniyang unang araw sa bago nyang eskwelahan bilang grade 8 student sya marami pa syang kailangang habuling klase.

"Opo Ma, andiyan na." Pagkalabas ni Barbie sa room nya syang labas rin naman ni Kenny ng room nito at nakatinginan sila.

Kenny smirked at bumaba na sya at iniwan si Barbie "huh! problema nya?"

Napahinto naman si Barbie dahil nalimutan nya ang bag nya at habang kinukuha nya napatingin sya sa salamin "kainis! Bakit nakapa iksi naman kasi ng palda ko dapat kasi hindi ako inenroll ni mama sa palda ang uniform tapos may pa high socks pa ano ko otaku fan? At bakit may pa ribbon pa ang uniform na ito kainis talaga."

Binuksan ni Barbie ang cabinet nya at may nakita syang necktie doon at hindi nya alam kung kanino yun "ayos mas maganda talaga sakin ang necktie" itinapon nya yung ribbon ng uniform nya "sakto may logo rin ito ng school nice…"

Sa isang private school inenroll ni Amanda si Barbie dahil doon rin principal itong si Bruce at doon rin nag aaral si Kenny sa Angelic Guardian Academy.

Nag hahain na ng kanilang almusalan si Amanda ng makita nyang pababa na ang anak. "Wow, bagay na bagay pala sayo ang uniform mo lalo kang pumuti sa maroon mong palda at sa black sock mo pero bakit necktie yang suot mo? Hindi ba ribbon yan anak?"

"Ma, alam nyo naman hindi ako mahilig sa ribbon tsaka ang baduy po sabi ko naman sa inyo ayoko ng palda eh dapat dun nyo nalang ako ineroll sa pants yung uniform na pambaba."

"Pero kasi anak…"

"Ha…ha…ha…hayaan mo mag su-suggest ako na papalitan ng school ang uniform." Ang sambit naman ni Bruce na naka upon a sa may dining table at may hawak na newspaper at nainom ng kape.

"Huh! I don't have time for this nonsense. I'm out, see you around dad." Tumayo na at kinuha na ni Kenny ang bag nya at aalis na kahit hindi pa sya nakain ng agahan.

"Sandali lang son, isabay mo na si Barbie."

"What? No way mag commute sya."

At iniwan na nga ni Kenny si Barbie "Kenny!!! Bumalik ka dito."

"Baby, bilis sundan mo si Kenny."

"Po? Ma, ayoko!"

"Sige sundan mo na sya baka maligaw ka hindi mo pa kabisado ang lugar na ito."

"Pero Ma…"

"Hayaan mo ako nalang mag hahatid sa anak mo tutal doon rin naman ang punta ko."

"Po?"

"Ahhh…ako kasi ang principal sa bago mong school mag enjoy ka ha? At sabihan mo ko pag may kailangan ka. Pag pasenyahan mo na rin si Kenny hindi lang siguro maganda ang gising ng batang yon."

Pabulong bulong naman itong si Barbie "tsss… parati namang wala sa mood yon simula nung dito kami tumira sa bahay nyo."

"Ano yon?"

"Ahh..wa---wala po sabi ko po salamat dahil napaka bait nyo samin ni Mama." May hirit pang sambit si Barbie pero in a different way mahina nya lang na sinabi "di gaya ng bwiset na Kenny na yon. Kala mo naman kung sino! Tsss!"

"."

Isang sikat sa Angelic Guardian Academy o AGA si Kenny hindi dahil anak sya ng prinicipal kung hindi dahil isa sya sa campus crush doon bilang SK Chairman rin sya ng kanilang lugar kaya malakas talaga ang dating nya when it comes to girls.

"Kenny, I made a cookies for you sana magustuhan mo." Ang sabi ng isang babaeng kaklase na si Ellaine isa sa mga may crush kay Kenny at nag sunod-sunod na ang mga babaeng nag bibigay ng kanilang presents para sa crush nilang si Kenny pero hindi naman sila pinapansin nito.

"Ano bang meron sa Kenny na yan at nag kakandarap ang mga babaeng yan sa kaniya." Ang naiinis namang sambit ni Quinley ang class monitor ng klase nila.

"Lamang sya ng isang libong paligo snayo class monitor." Ang pambubuyong sambit ni Tikloy isa sa parating knasama ng classs monitor.

"Ahem… baka gusto nyo ng maupo at mag sisimula na ang klase." Ang sambit ni Sir Mariano ang teacher nila sa Mathematics.

"Wala pa si Sir Mariano wag ka ngang papansin dyan." Ang sabi ni Quinley pero nakita ni Tikloy na ang guro na nila yung dumating.

"Si—Sir…"

Napalingon naman si Quinley at dali-daling pumasok ng classroom nila at nag announce na dumating na ang kanilang guro. Kaya nag madali ang mga itong na upo sa kani-kanila nilang respective seats.

"Good morning class."

"Good morning Sir."

"Nagawa nyo ba ang mga assignements nyo?"

"Yes, Sir."

"Mabuti kung ganon Mr. Class Monitor collect their textbooks that includes you of course before we start our short quiz."

"Short Quiz?"

"Bakit? May problema kayo?"

"Wa—Wala po Sir."

"Good, but before that I would like to introduce our new transfer student."

"Wow…may transfer student?"

"Sino kaya?"

Ang sambit ng mga estudyante na curious pero walang pakialam si Kenny "sana babae at cute, anong tingin mo bro?" Ang samit naman ni Uno na palaging kasama ni Kenny.

"I don't care kung sino."

"Well…"

"Quiet!!!" Ang sigaw ni Sir Mariano.

At nag si tahimik naman ang buong klase at tinawag na ni Sir Mariano si Barbie "be nice to her wag kayong makulit nakakahiya sa kaniya galing pa syang Manila."

Napa wow naman ang mga kalalakihan kay Barbie pwera lang kay Kenny na nag smirked lang at itinuon ang pansin sa kaniyang librong binabasa "Barbie? Huh! Her name is Barbie then she used necktie? Wala syang sense of fashion." Ang nag iinarte namang sambit ni Ellaine at naki ayon naman sa kaniya yung tatlong babaeng parati nyang kasama sila Hannah, Shiella at si Dana.

"Pero infairness ang ganda ng skin nya ang kinis at ang ganda ring straight nyang buhok." Ang sabi naman ni Dana at ang sama naman ng tingin ng tatlo sa kaniya. "Ah…eh…syempre mas maganda ka parin Ellaine."

Nag hanap naman ng mauupuan si Sir Mariano para kay Barbie "Ms. Gaile may katabi ka ba dyan?"

"Wa—Wala po Sir." Siya si Gaile ang mahiyaing babae na parating naiwas sa gulo yung tipong hindi sya mahilig makipag kaibigan.

"Ms. Barbie dun ka na muna sa tabi ni Ms. Gaile pansamantala."

"Yes Sir."

At nag tungo na nga si Barbie dun sa upuan katabi ni Gaile at katapat naman nito ang kinauupuan ni Kenny "huh! bakit katapat ko pa ng upuan ang bwiset na ito?" Ang sambit ni Barbie sa kaniyang isip at nakatinginan naman sila ni Kenny pero mabilis na nag ka iwasan sila.

"Tsss…as if naman close tayo." Ang pabulong bulong na sambit ni Barbie ng makaupo sya.

"Hmm?" Ang reaction naman ni Gaile.

"Ha? A…Ano hindi ikaw yon. Your name is Gaile right?"

"Um. Nice to meet you Barbie nice name."

"Hehe…ikaw rin ang ganda ng name mo."

"Ahhh…hindi naman kumpara sayo."

Tingin naman ng tingin si Uno kay Barbie "bro, ang cute nya."

"Tsss…anong cute sa kaniya? Manahimik ka."

"Wait, hindi mo rin sya type?"

"Wala akong panahon sa mga babaeng yan pare-parehas lang silang mga papansin."

"Eh? Pero sa tingin ko okay naman si Barbie ang cute nya at mukhang ang cool nya rin. Wait, yung necktie nya parang…" napatingin sya sa necktie ni Kenny. "bro, hindi ba parang parehas kayo ng necktie na suot?"

"Hmm?" Napatingin naman sya kay Barbie at tinaasan naman sya ng kilay nito.

At sa isip-isip ni Barbie "ano namang tinitingin tingin ng lintek na ito." Kaya tumalikod sya kay Kenny.

Kenny rolled his eyes and made a facepalm "sh*t pati ba naman yung necktie ko ibinigay sa kaniya ni daddy?" ang pabulong bulong na sambit nya.

"Ano yon bro?"

"Wala makinig ka na nga lang kay Sir."

"Pero bro parehas talaga kayo ng necktie. Sa campus naman ikaw lang ang may green and white na kulay ng necktie kasi anak ka ng principal at SK Chairman ka."

"Ha? Ah… Ahm…malay ko! Transfer student sya malay nya sa ganoong dress code."

"Sabagay pero bro kung ayaw mo sa kaniya sakin nalang sya ha? I think I'm falling for her."

Bineltukan naman ni Kenny si Uno "bro naman!!!"

"Shut up!"

"Quiet!!!" Ang sigaw ni Sir Mariano.

Samanatala naiinis naman si Ellaine dahil nakita nilang tinitigan ni Kenny si Barbie "huh! why he staring that girl ba?"

"Chill, baka na curious lang si Kenny." Ang sabi naman ni Hannah.

"Oo nga kkaiba kasi ang name nya Barbie? Ano sya doll?" Ang sabi naman ni Shiella."

"Huh! Kung may doll man dito ako yon!" Ang proud na proud na sambit ni Ellaine.

"."

Nang matapos ang dalawang subject nila Barbie tumunog ang bell para sa kanilang recess "hmm? Bakit nag bell?" ang tanon g ni Barbie kay Gaile.

"Ahhh…ibig sabihin nun recess na break time na natin gusto mo bang sumama sakin sa cafeteria?"

"O—Okay."

"Ahhhh…Kenny." Ang sigawan naman ng mga babaeng kaklase nila Barbie na lumapit kay Kenny.

Napansin naman yon ni Barbie "anong problema nila?"

"Ahhh…wag mo nalang silang pansinin mga fans yan ni Kenny yan ang "kennylicious" ang mga baliw na baliw kay Kenny."

"Eh?"

Hinila na ni Gaile si Barbie para lumabas ng kanilang classroom at napatingin naman si Kenny sa dalawa kaya siniko nya si Uno at bumulong "bro, tara."

"Hmm? Kala ko hindi ka kakain ngayon? Tsaka bro ang dami na nag nating foods dito oh bigay ng mga girl's mo."

"Sinabi ko bang sa cafeteria?"

"Eh san ba?"

"Sumunod ka nalang sakin."

Tumayo na si Kennt at hindi nya pinansin ang mag babaeng nakapaligid sa kaniya "where are you going my Kenny?" ang samabit ni Ellaine.

"Oo nga san ka pupunta?" Ang sambit ng mga kababaihan.

"Wag nyo na syang habulin andito naman ako mga girls." Ang sambit ni Uno na nag fe-feeling gwapo.

"Uno!!!" Ang sigaw ni Kenny.

"Oo andiyan na mamaya nalang ulit girls." Then he winks.

Hinabol naman ni Uno si Kenny na papunta palang library "may libro ka na namang bang gustong basahin?"

"Wala gusto ko lang ibalik ang libro kong hiniram."

"Alam mo pre modern naman na ang panahon at lahat ng gusto mong malaman ay pwede mo ng makita sa internet."

"Mas gusto ko paring nag babasa ng libro hindi naman lahat ng nasa internet eh tama kaya mas gusto ko paring mag basa."

Nakasalubong naman nila Kenny at Uno si Bruce "son, hindi ka ba kakain? Breaktime nyo na ah."

"Hi tito." Ang sabi naman ni Uno.

"Hello Uno bakit mukhang sa library na naman kayo mag tutungong dalawa?"

"Ah…eh kasi po tito."

"Dad can we talk?"

"Ha?"

Naiwan ngang mag isa sa labas ng library si Uno at nag usap naman ang mag ama sa isang gilid "ano namang masama kung sa class A ko inilagay si Barbie? Deserve nya yon dahil matataas ang grades nya."

"Pero dad, paano kung sabihin ng babaeng yun na magkasama kami sa iisang bahay?"

"So?"

"Daddy! Hindi pwedeng malaman ng iba na sa iisang bahay kami nakatira ni Barbie."

"Bakit naman? I like Barbie at kinakaptid mo naman sya."

"No way! Tahimik akong nag aaral tapos sisirain nya lang ng isang issue? No daddy hindi pwede!!!"

"Son, mabait na bata si Barbie kilalanin mo muna kasi sya bago ka mag judge."

"Basta ayokong malaman ng ibang tao na sa iisang bubong kami nakatira ng babaeng yon! Kaya gumawa kayo ng paraan para walang maging issue!"

"O—Oo sige pero may kondisyon ako."

"Po?"

"Gusto kong bantayan mo ang bawat galaw ni Barbie."

"Ano? Daddy naman!!!"

"Basta! Kung ayaw mong ako mismo ang parating mag hahatid sundo kay Barbie."

"Ano po? Daddy naman napaka unfair nyo namany sakin bakit ba masyado kayong concern sa babaeng yon eh ako ang anak nyo dito."

"Enough. Napag usapan na natin ang mga bagay na ito bago pa man dumating ang mag ina sa bahay kaya kung ayaw mong ako mismo ang magalit sayo sumunod ka nalang."

"Opo."

Samantala galing naman na sa cafeteria sila Barbie at Gaile at nag lalakad lakad sila sa campus habang may hawak na sandwiches at drinks…

"Dahil firstime mo dito sa AGA ako na ang magiging tourist guide mo."

Barbie smiled "salamat."

"No worries sa lahat kasi ng babae dito ikaw ang gusto ko."

"A…Ah…Ano?"

Gaile chuckled I like you kasi sa lahat ng babae dito ikaw lang ang nakakausap ko halos lahat kasi ng babae dito puro may gusto kay Kenny o kaya naman kay Thew at nakakairita."

"Sino naman si Th—Thew?"

Kumagat naman muna sa kaniyang sandwich si Gaile bago nya sinagot ang tanong ni Barbie "ayun sya yung pitcher ng baseball team dito yung marron team."

Hinanap naman ni Barbie yung sinasabi ni Gaile "sya yung number 02 Aurorez."

At nung nakita naman ni Barbie yung number bigla namang may papuntang bola sa direksyon nila "umilag kayo!!!" Ang sigaw naman ng mga players at ng ibang audience.

Please gimme your opinion by giving me your reviews hit the stars geysh! Thanks! (>‿◠)

lyniarcreators' thoughts