Two years have passed. And I still wonder kung asaan na ba 'yung taong 'yon. I imagined the scenes nung sa event, nung sa ticket, nung sa beach. That day, it was all chaos. It was chaotic pero I'm thankful somehow na nakilala ko ang taong 'yon. Napaheavy sigh nalang ako habang nakatitig sa bracelet na binigay niya sa akin before we part ways. Hindi ko naman alam na 'yung goodbye pala na 'yun ang last. Hindi ko alam na nung nakita ko siya, 'yun na pala ang first and last. Inalala ko nung nagbabasaan kami sa beach. Inaalala ko 'yung nagpicture kami sa polaroid cam niya. Sabi niya souvenir daw. Naubosan na kasi ng film and 'yung refill asa room pa niya sa hotel na pinag check in-an niya. He told me na mamayang gabi raw magpicture uli kami, pero tanghali palang nawala na siya. Nagpaalam kami sa isa't isa para lang kumain ng lunch. Pero after lunch, pagbalik ko sa seashore, ang tagal kong naghintay. Pero walang Mr. I forgot the name ang dumating. I wonder how's he doing now. Ang dami rin naming napagkuwentuhan that day. Deep talk and everything na hindi ko kadalasang nagagawa kasama ang iba. Sa kanya ko pa nagawa na hindi ko naman lubusang kakilala. Sa kanya ko pa naikuwento ang buhay ko to think na we're not that close. To think na isa lang siyang stranger na kaparehas ko ng last name. Hayy saan na ba kasi 'yung taong 'yun?
"Ano, sis? 'Di ka pa rin titigil sa kakasearch mo diyan sa FB? Jusq, two years mo nang sinsesearch ang 'Banner'. Mahahanap mo na ata lahat ng kamag-anak natin sa ginagawa mo eh. Pero nahanap mo ba siya?" Napailing nalang ako sa kapatid kong intrimitida. "Baka naman kasi walang Facebook account 'yon." Utas niya.
"Argh. Mind your own business, please." Kitang frustrated na ang tao eh. Grr.
"Bakit ba kasi patuloy mo pa ring hinahanap ang taong wala na?"
"It's not like patay na siya. Kaya mahahanap ko pa 'yan. Maybe not now, pero soon."
"Myghad, Sis! Ano bang meron sa taong 'yon? Yie. Ikaw ha. Sinasabi ko na nga ba may something kayo nun eh."
"Ate?? Pwede ba?"
"Paano ba naman? Dalawang taon na ang nakalipas, Aisha! Hindi lang makagetover? Ikaw ha, ano nangyari sa inyo nun? Crush mo? Sabagay, sobrang pogi!" Sinabi niya 'yan na may patili tili pa.
"Jusq. 26 years old ka na ba talaga, Ate?"
"No. I'm 16." Napabrush nalang ako ng buhok ko out of frustration
"Alam mo, Ate. Nakakafrustrate talagang maghanap ng tao na last name lang ang alam mo. Pero alam mo kung ano ang mas nakakafrustrate?"
"Na hindi manlang siya nagpaalam? Na nawala siya na parang bula?"
"Hindi, Ate. Ikaw. Ikaw ang mas nakakafrustrate. Kulit mo eh!" At binato ko siya ng throw pillow. We're here in my room. My room. Akin. At kung nagtataka kayo bakit andito ang kapatid ko, ako rin nagtataka eh.
"PMS talaga 'to!" Pang-aasar niya.
"Istorbo ka lang, Ate. Doon ka na sa boyfriend mo since almost 2 years na rin naman na kayo and asa tamang edad na kayo. Magpakasal na nga kayo ni Kuya Kenji at mag anak na kayo. Build your own family. Para naman hindi buhay ko ang iniistorbo mo."
"Wow. Ang harsh mo sa akin, sis ah. Istorbo sa buhay lang talaga ang tingin mo sa akin? Nakakasad naman 'yan." At nagdrama na ang loka. May papunas punas tissue pa siya kunware sa mata niya. Mygosh! Kapatid ko ba talaga 'to!?
"Tama na ang paghahanap mo riyan, sis. Pack your things. Aakyat tayo ng Baguio today. Samahan mo ako sa outreach program doon."
"Kailan?"
"Mamaya. Ang kulit? Today garod diba?
"Mamaya na!? Bakit ngayon mo lang sinabi?"
"Why? May lakad ka ba ngayon?"
"Sana. Nagtext kasi si Joanne and sinabihan niya ako na may Banner daw na nakaadmit sa hospital ngayon."
"What, sis? Asa ka namang 'yun iyong Banner na hinahanap mo. Hindi naman ata siya tiga rito sa Makati diba para doon pa sa hospital natin mapadpad?"
"Malay ko, Ate. Pero hindi rin naman siya tiga Cagayan diba? Ang dami namang islands sa Pilipinas diba? Pero doon siya napadpad. Nung time pa na andoon tayo."
"Pero maraming Banner sa mundo."
"Malay ko, Ate. Malay ko. Hindi naman masamang sumubok diba?"
"So hindi ka sasama?" Biglang nag beep phone ko. I checked it.
{From: Joanne
Sis! Online ka. Sinend ko sa'yo pictures ng mga visitors at ng client mismo}
"Nako. Loka loka 'yang kabigian mo. May consent ba siya nung tinake niya 'yang mga iyan?" Head nurse speaking. Ahem!
"I don't know, Ate. Pero knowing Joanne, makapal mukha nun." Nagbeep uli ang phone ko. "Oh, eto nagsend siya ng selfie with the Banner family. Meaning may consent ng patient at ng visitors. Happy ka na, Ate?"
"Fine. Fine. Bilisan mo riyan." Finally, she stepped out of my room. Thanks, God.
Tinignan ko isa isa ang mga pictures na sinend ng co-worker ko, pero wala akong nakitang Mr. I forgot the name. Ano ba naman 'yan kasi? Ba't ba napakamalilimutin ko sa pangalan? Napaisip ako bigla. Hinahanap niya rin kaya ako? Bakit hindi niya man lang ako ireach through FB? Alam niya naman pangalan ko eh. Ay wait. Nakaprivate nga pala ang account ko. Sheet of paper. Bakit ngayon ko lang 'to naisip? Inopen ko ang FB account ko and went to the account settings. Pinalitan ko privacy ng account ko. Hindi kasi ako masesearch eh. Friendlist ko siguro asa 50 lang or less? And 2 years ago ko lang naisipan gumawa ng account. Kasi nga diba antisocial ako. Gusto ko na nga idelete account na 'to eh. Parang useless lang naman kasi sa'kin kaso 'di ko magawa-gawa because I think this is the only way para mahanap ko si Mr. I forgot the name.
"Are you ready?" My sister asked. Nanghihimasok na naman siya ng kwarto
"Yea. All packed up." Boring kong sagot
"Bakit ba napakatipid mo?"
"You said three words, while me? Four." Kinunotan niya ako ng noo
"Kailan mo pa naging hobby ang pagbibilang ng mga salita ha, kapatid?" Di ko na siya sinagot. Daldal daldal niya eh. "Bakit parati kang tahimik?" I just shrugged my shoulders. Here she goes again, interrogating me. Parang 'di kami magkapatid, parang 'di naman ako kilala. Madaldal lang ako sa isip ko. Pero hindi ko hobby magsalita. Hindi ako kagaya niya and ni Mr. I don't know the name na kalalaking tao, ubod ng daldal.
"Gosh! Bakit ba napakatagal ng bus? 30 minutes na tayong andito ah! Inip na inip na ako." As if namang may maitutulong ang pagdadaldal niya?? Nilingon niya ako and she stared at me. "Wala ka manlang bang say diyan? Wala ka talagang pake sa lahat eh noh?" Isinalpak ko nalang ang earphones ko sa magkabilang tainga ko, kairita kasi boses ng kapatid ko kanina pa ayaw tumigil sobrang daldal eh. Tinanggal niya iyong asa left ear ko. "Hoy, 'wag kang bastos. Nagsasalita pa ako, eto bastos. Nag eearphones."
"Who do you think would like to listen to all your rants, Ate? Plus your annoying voice. Binging bingi na ako, please." At nagpout siya sabay talikod at crossed arms. Minsan napapaisip ako sino ba talaga ang mas matanda sa amin, parang gradeshooler palang kasi 'tong isang ito kung makaasta eh.
10 years later nakarating na rin kami rito sa Baguio. Andito kami ngayon sa lobby ng hotel na pag stay-an namin. Ewan ko ba sa trip ng kapatid ko, parang isda gusto na ata nitong tumira sa tubig. Pa'no ba naman kasi? Pinili niya itong hotel na 'to kasi raw may pool. Sabi ko magtransient nalang kami, magrent nalang kami ng room sa mga apartments pero wala papilit niya talaga magnanight swimming daw siya. Pinagbigyan ko nalang.
"Huy. 'Wag kayong magdaldalan diyan. Narinig ko may manager any time tonight, darating daw si Mr. Ezekiel Banner."
"You mean 'yung may ari ng hotel?"
"Yes, yes. Kaya umayos kayo kung ayaw niyong madeads."
Wait. Ezekiel Banner. Banner! Ezekiel? Parang familiar..