webnovel

Wow. Friends. (CHAPTER TWO)

I woke up seeing my sister's face. I stared at her features. Woah, my sister is really pretty. No wonder madaming nagkakandarapa rito. Ang ganda niya pala talaga. Ang strong ng facial features niya. I think we're opposites. Mine's soft kase I think? Since nagdedaydream nalang na naman ako uli rito, I have decided na lumabas nalang muna. I checked the time on my phone, it's still 5:36 AM. Wala pang sun, obviously. I'll just walk around and wait for an hour. I wanna watch the sunrise.

"Good Morning, sunshine!" While walking, I saw someone na nakaupo doon sa may seashore. May lalaki roon and he seems so happy. He seems so happy staring at the sunrise. Feel ko lang happy siya, good vibes masyado si Kuya eh. I smiled because I don't know. I just love the sun, too. I looked again at the sun. I'm just enjoying this view. It's really beautiful, it's fascinating. Habang seryosong nakatitig sa sunrise, may biglang nagsalita sa tabi ko.

"So you love the sun, too?"

That voice is kinda familiar. Napalingon ako sa nagsalita and sheet of paper fish sauce toasted carrots! Daaaang.

"You!?" We shouted in unison.

"Woah. Watta destiny! I didn't know it was you. You're the girl from last night, right? Miss Banner?" Sabi niya na tumatango tango pa. Err? Tinitigan ko lang siya at kinunotan ng noo.

"Hmm, hello miss who must not be named. I think we're destined to meet. Look, we have the same last names. Aren't you thinking na baka tayo pala ang soulmates?"

"What?!" I shouted in disbelief. Nako naman kasi. Ano ba pinagsasasabi ng lalaking 'to? Mygosh. He laughed. He laughed so hard. Binigyan ko lang siya ng 'ang weird mo' look. Huh? What the mashed potato? What's wrong with this guy? May saltik ba 'to? I was about to face the sun again, tatalikuran ko na sana etong moron na 'to, pero naunahan niya ako. Aba biglang nagwalkout? What's with him? Takas ata sa mental 'yun!

Nagpapadyak nalang ako pabalik sa tent. Nabanas lang naman ang umaga ko. Bakit ba parang ang init ng dugo ko sa taong 'yun? Ang presko lang kasi ngay ng dating niya. Nagpapaypay ako gamit ang kamay ko nang biglang may umepal na naman.

"Ya know, you're really something." Sabi ng giraffe sa likod ko.

"So?" Pagtataray ko.

"So.. can you be the icing sa ibabaw ng cupcake ko?" Umirap lang ako sa kanya at binilisan na ang paglalakad. Naramdaman ko namang sumusunod ang mokong.

"Mr. Ticket, will you please? Will you please stay away from me?!" Singhal ko sa kanya.

"Shhh. You're so masungit. Look, we have the same last names. Aren't you thinking na we're destined to meet?" Sinabi niya rin 'to kanina ha? Huh? "And by the way, I'm not Mr. Ticket. Baka naman kasi ako na si Mr. Right? Baka ako na ang love of your life? Ang magbibigay ng ngiti sa'yong mga matang may eyebags. Ako na yata ang icing sa --"

"Cut it off, Mr. -- I forgot the name." Putol ko sa sinasabi niya sabay irap. Lalakad nanaman sana ako palayo, but he grabbed my arm. What the fries!?

"Eto naman. Wait lang. Nakikipagfriends lang eh."

"Friends?! Look, Mr. Papansin, I'm a busy person. I don't have time para makipagchismisan sa'yo so please lubayan mo na ako. Iba nalang gawin mong icing sa cupcake mo!" And he laughed so hard again. Inirapan ko lang siya at iniwan na tumatawa run. Bahala nga siya riyan. Lumabas ako para makita ang araw, pero mukha niya lang naman pala ang makikita ko. Nako. 'Wag naman sanang malasin ang araw ko neto. Speaking of the devil, andito na naman sa tabi ko etong moron na 'to.

"WHAT THE!? 'DI MO TALAGA AKO LULUBAYAN!?" I angrily shout.

"Taya!" Then he touched me na parang bata. Naasar ako kasi ang lakas ng pagkakapalo niya kaya pinalo ko siya pabalik at tumakbo na para matakasan siya, pero eto siya ngayon hinahabol ako. Binilisan ko pa ang takbo ko. Para na kaming mga baliw na naghahabulan dito sa tabing dagat pero the hell i care? What's important right now eh matakasan ko na 'tong moron na 'to. Baka mahawa pa ako rito. Habang tumatakbo, may malaking bato ang nasa daan and ayun 'di ko nacontrol. Naout of balance ako. Ayun, andito ako ngayon. Nakahandusay sa lupa. Son of a fish nga naman 'tong taong 'to oh. Son of a witch! Ayaw ko magmura eh. Pero 'pag ako 'di na nakapigil, humanda sa'kin 'tong moron na 'to. I came back to my senses nang marealize kong sobrang lapit na pala ng mukha namin sa isa't isa. He keeps on asking pala if I'm just alright, pero andito ako nakatunganga nalang sa sugat ko.

"I'm fine. I'm a nurse. I can give myself a first aid. Ako na ang bahala sa sarili ko. Just please leave me alone."

"But can you walk?"

"Of course,I can!" I tried to stand, pero biglang sumakit ang paa ko. He saw my reaction and tried to help me. He lend his hand and offered it, pero tinabig ko.

"Sabing kaya ko!"

"No, you can't. 'Wag ka nang mapride, Ms. Sungit. Just accept my help." Since hirap na hirap na rin naman na akong tumatayo rito, I reached his hand. I accepted his help.

"Thanks. I gotta go."

"Wait. You can't."

"I can't? I can't what? I can't go? What the hell, Mr. Papansin? Who are you para pigilan ako sa mga gusto kong gawin. Sinisira mo ang umaga ko. Nagkaganito ako" sabay tingin sa sugat ko sa right ankle na hanggang ngayon sobrang hapdi "nagkaganito ako dahil sa'yo! So please back off. I'm walking out!" At sinimulan ko nang maglakad pero 'di ko pala talaga kaya, matutumba na sana ako, pero he grabbed my waist.

"I told you so. You can't" at ngumiti ng killer smile ang mokong. Duhh? "Miss, what I mean is you can't walk. Eto naman kasi masyadong assuming. You can go. The hell I care?" at ginagaya niya ang boses ko. Binigyan ko siya ng death glare. "Joke, joke, eto naman. Masyadong seryoso, you're so scary. Hahahaha"

"Everybody says that." What? Bakit ko nasabi out loud.

"Ohh, so you're having a conversation with me now."

"Huh? Kanina pa tayo nag-uusap. Hello?"

He chuckled.. sexily. "No, not that. Ah basta, basta. I'll help you walk hanggang makarating ka sa pupuntahan mo."

"Fine." Wala naman na akong magagawa eh.

"Uy, sis. Sinong kasama mo kanina? Sinong naghatid sa'yo? Ikaw ha, may hindi ka sinasabi sa akin. Bridesmaid ako ha. Eto talaga 'di marunong magshare. Eh ako nga I tell everything to you."

"Oo, Ate. You tell everything. Kahit 'yung mga bagay na 'di na dapat sinasabi. Like this. Ano bang mga sinasabi mo? Bridesmaid? What the? Ate naman."

"Look, sis. Ngayon lang kasi kita nakitang may kasamang iba except sa mga katrabaho mo. At tsaka walang nagtatangkang samahan ka dahil nga sobrang intimidating ka."

"Am I?"

"Di ka aware?" She laughed. I just stared at her. Jusq ano bang meron sa mga tao rito, napakadaldal! "Look, sis. You're 20 and NBSB. Kaya sino ba namang hindi maeexcite 'pag makikita kang may kasamang iba. Alam mo ba, kinikilig ako kasi sobrang magkadikit kayo! Inaaalalayan ka pa niyang maglakad! Gosh!"

"Look, Ate. 'Yung nakita mo, wala lang 'yun. I tripped earlier and it's because of him. Kaya lang ako tinulungan. So please don't be so malicious." She was about to open her mouth again. "Tama na, Ate. I'm not in the mood."

"Kelan ka ba nasa mood?" He laughed so hard and so loud.

Sa inis, umalis nalang ako uli sa tent. Since nabandage naman na etong foot ko. I'm good to go. Kaysa naman sa magsudden increase ang blood pressure ko ron dahil sa stress ko kay Ate.

Naisipan kong tumambay nalang dito sa shore. Last day na namin dito bukas. Pinagmasdan ko ang paligid ko.

"I will miss the beach vibes. I will miss the atmosphere in here. I will miss --"

"Me?" Lumingon ako sa asa likod ko.

"DI MO BA TALAGA AKO TITIGILAN? WHAT'S WRONG WITH YOU?"

"Hmm, Aisha. I think nothing's wrong sa ginagawa ko. May masama ba sa pakikipagkaibigan? Pansin ko masyado kang isolated."

"Pake mo?!"

"Bakit ba ang sungit sungit mo?"

"Because this is me." He just shrugged his shoulders at nakiupo na sa tabi ko. He lay his head on my shoulders.

"Wow, Kuya? Close tayo?"

"Just let me. Antok na ako." Inirapan ko lang siya. Masakit pa ang paa ko, it's useless kung tatakbuban ko lang uli ito kasi lilitaw at lilitaw pa rin siya sa tabi ko.

"Fine. Fine. Just stay quiet. Do not talk or else --" 'di ko na natuloy ang sasabihin ko dahil nilagay niya ang index finger niya sa tapat ng bibig niya na para bang nagsisignal na tumahimik daw ako. Wow? So 'yun nakapikit na siya ngayon. We stayed like that for half an hour. Kasi nung nangawit ako nagising siya tas humiga siya sa lap ko aba close ba kami neto!? Mamaya may makakita pa sa amin neto eh. And worse, baka mamaya dumating bigla kapatid ko. Gosh!

"Huy, doon ka nalang sa bahay mo or tent mo or room mo matulog. Mamaya may makakita pa sa atin."

"And so? Wala namang nakakakilala sa akin dito eh. It doesn't matter. Let me sleep for a while." Nakapikit niyang sabi.

"And so? Huh? Pwes sa akin madami!" Singhal ko sa kanya. Pero waepek, tinulugan lang ako. Wala na akong nagawa. Tinitigan ko nalang siya. Gwapo nga talaga siya. Asset niya 'yung blue eyes niya. "May half yata 'to. Blonde hair, blue eyes and sobrang puti niya. Masyadong red din ang lips niya at ang tangos ng ilong niya. His face is perfect. Gwapo rin pala itong mokong na 'to eh."

"So tapos ka na bang titigan ang gwapo kong mukha?" Napaatras ako sa gulat nang biglang idilat ng mokong ang mata niya.

"Gising ka?!"

"Paano ba naman kasi. Ang ingay ingay mo." At saka ko lang narealize na navoice out ko na naman pala ang nasa isip ko. WTHHHH!! Napatakip nalang ako ng bibig ko. Naramdaman ko ring nag iinit ang pisngi ko. Napayuko ako sa hiya.

"Shh girl. It's okay. Sanay na akong matawag na pogi. Ang dami atang nagkakandarapa rito." Sabi niya habang humahagalpak sa tawa. Anak ng tokwa nga naman 'tong taong 'to oo!

"Pero seriously, can we be friends? Please?" Siya na naman at nagpretty eyes pa.

"Wow. In fairness." Napaangat na ako ng tingin.

"In fairness ang gwapo ko?" Mahangin niyang tanong.

"No. In fairness, mukha kang bakla!" At tumawa rin ako ng malakas.

"Wow" siya naman ang napa-wow ngayon.

"Wow kasi?" I asked.

"Wow kasi you know din pala how to laugh." Wow, another wow. Conyo pala itong si Kuya. Napansin ko naman 'yung kamay niyang nakalahad pa rin so inabot ko na.

"Fine para 'di mo na ako guluhin."

"Friends?" Magkahawak pa rin kamay namin.

"Friends." And nagshakehands kami.

Next chapter