"So gano'n lang 'yon?"
"Oo nga, Ate. Gano'n lang?"
"Tsk tsk." Pati si Tita naki osyoso na rin.
"Hayy. Ang sabi ko naman kasi hindi ako 'yung tipong sweet na tao 'diba? Tsaka bakit kayo ba kami?"
"Sabagay, ikaw nga pala 'yung kapatid ko, si Aisha."
"Sabagay, ikaw nga pala 'yung pinsan ko, si Ate Aisha."
"Oh ano, Tita? Makikigaya ka rin sa kanila?"
We all laughed.
"Hayy ewan ko." Napasabi nalang ng ganyan si Tita edi we all laughed again.
"Hayy kasi naman anong klaseng confession 'yon?!"
I just smiled at all them three.
"Pero tingnan niyo kilig na kilig pa rin po si Ate ohh. Yieeeee"
"Uuuuuy etong pamangkin ko in love na."
"Parang matagal naman na yatang in love 'yan si Aisha, Tita eh. Diba diba?"
"Wait nga muna. Tutulog na ako, may pasok pa ako bukas."
"Ay oo nga. Bakit gising ka pa huh, Jeztrienne? Eh may pasok ka rin diba?"
"Nako, anak. Foundation day lang nila bukas."
"At family day po, Ma. Ma, makakapunta ka ba?"
"Ay halla bukas na ba 'yon, anak? Eh may ganap din ako bukas sa school, anak. Ako mag jajudge sa pageant eh. Ikaw hindi ka ba free, Amy?"
"Hindi pwede si Ate, Tita.." bumalik ako galing stairs papunta sa living room kung saan sila nagchichismisan. "Ako nalang, day off ko bukas eh."
"Ay wehh? Oo nga noh! Itong si Aisha oh nako 'tong kapatid kong 'to ayaw lang maintriga nako matutulog na raw eh ayaw lang naman pala matanong."
"Ang kukulit niyo kasi lalo na ikaw, Ate eh."
We all laughed.
"So settled? Si Ate Aish mo na ang pupunta sa'yo bukas, anak. Okay lang ba 'yon? Siya muna ang substitute mama mo."
"Okay na okay po, Ma. Pero mas okay po 'pag meron din akong substitute papa!"
"Hmm.." Pagpaparinig ni Ate Ammy.
"Ewan ko kung available siya bukas eh. Ahh ehh tanungin ko muna."
"No need, katext ko siya right now at oo pupunta raw siya. Sunduin niyo nalang daw kayo bukas."
"Ay wow, instant din si Ate. Anong oras daw garod?"
"Ewan ko. Itext mo nalang daw siya kung anong oras, hindi naman niya alam kung anong oras 'yung program nina Jeztrienne eh."
"Ay opo pala, 10AM po kami bukas. Mag seset up pa po kasi for lunch ta salo salo po siya. Contribution po siya kaya 'di na po natin need magdala ng packed foods, pero kapag gusto po ninyo akong baunan edi sige po. Tapos mga around 1 o'clock daw po 'yung games."
"Ay sige, sasabihan ko ang Kuya Kyle mo, Jez."
"Than you, Ate Aish!"
"Thank you din po, Ate Ammy! Thanks din Mama."
"Oh bakit ako? Anong ginawa ko?"
"Ay oo nga noh, wala kang ginawa, mama! Binabawi ko na po pala thank you ko!" And she pouted. We all laughed. "Joke lang po, Ma." Then she kissed her mom. Nako napakasweet talaga ng batang 'to ever.
--------
"I'm home!!!" Sigaw ng familiar voice.
"Ay wow. Bahay mo? Bahay mo?"
"In the future." Then he winked.
I rolled my eyes at him.
"Oh ano ready na kayo?"
"Oo, kanina pa nag aantay si Jez, inip na inip na nga eh."
"Pero ang aga kong dumating ah? 9 to 9:30 kaya ang usapan, pero.." He looked at his wrist watch. "8:15 palang oh. Ang aga niyo naman ata. Excited siguro si Jez."
Papasok na kami ng bahay. At nung naka apak na kami sa loob..
"Kuya!!" Sigaw ng pababa sa hagdan na si Jez.
"Excited ka yata ah? Nakaligo ka na agad. At prepared na agad mga gamit mo?" Habang tinitgnan niya 'yung nilalapag na mga gamit ni Jez sa baba.
"Si Ate rin naman oh, Kuya. Nakaligo na rin siya oh."
He winked at me.
"Uuuuuy nakita ko 'yon ah. Yieeee si Ate at Kuyaaaa.. kayo ah!"
Kyle laughed softly then pinched Jez' nose.
-------------------
Ilang sandali lang andito na agad kami sa school nina Jez, napakabilis ng oras. Nagkuwentuhan lang kami kanina habang nanunuod sila ng Phineas and Ferb.
So andito na kami ngayon sa venue ng program.
After maayos 'yung mga tables and chairs para sa salo salo, kumain na rin kami.
After kumain nag start na ang games.
"Uy, pawis na si Kuya, Ate Aish oh. Punasan mo dali!"
"Nako ikaw bata ka talaga." Kyle pinched her nose.
"Para sweet. Sige na, Ate. Dali! Dali!"
"Che! Dami mong alam talagang bata ka!"
"Hindi kasi talaga sweet 'tong Ate mo, Jez eh." They both laughed. I rolled my eyes at them as a response.
"Tapos ang hilig pa po magkusilap."
"Oo, masungit kasi eh." They laughed again. I rolled my eyes again.
"Oh diba?" Pang aasar pa ni Kyle.
Jez laughed.
So that's how our day went. Inasar lang ako ng inasar ng dalawa. And by the way, we won sa sac race kanina.
----------------
"Ayan knock out." I said while looking at Jez na nakahalandusay sa back seat.
"Napagod siya." Kyle responded.
"Oo nga eh. Ang harot harot kasi, pati ikaw. Hindi kayo matigil sa paghaharot at pang aasar sa akin!"
"Hmm, Aish?"
"Yes?"
"Okay. It's a yes!"
"What the heck? Huh?!"
"Hmm I have a question."
"Then no!"
"Wala palang eh."
"Nangunguna ka kasi odi para quits." We both laughed.
"Hmm, Aish.."
"Ohh ano kasi 'yon? Daming ek ek neto eh!"
"Can I court you, Aisha Banner?"
Natigil naman ako. Napatitig ako sa kanya at nakatitig na rin siya sa akin so nagtiti-tigan na kami ngayon.
"Hoy! Nagdradrive ka!"
"Ay sorry."
"Yes."
"Yes?"
"Ay binge lang?"
"YES!!!!! THANK YOU, AISHA!!!!"