"Ingat kayo! Enjoy your day huh?"
"Ingat sa date! Pasagutin mo na agad 'yan, bayaw!"
Ay wow may paganyan na si Ate? Napakunot nalang ako ng noo sa kanya, we all laughed at her. Patawa talaga 'tong si Ate.
"Oy, hayaan mo sila, Ammy. Sige lang, Iho. No pressure." Sabat naman ni Tita.
Pagkalabas namin ng gate..
"San tayo pupunta?"He immediately asked.
"Hmm.."
"Church muna tayo?"
"Ay oo nga ano, Kyle. Sunday pala ngayon. Oh sige sige. Tara."
"Alright!"
Kyle's POV
"Kapag mahal mo ang isang tao, dapat hindi mo niloloko. We shouldn't be lying to our loved ones." Nagtinginan lang kami ni Aisha then just smiled to each other.
After mass..
"Ay grabe rin makahugot si Father ngayon ah." Comment ni Aisha.
"Yah nga eh." Nasabi ko nalang.
"Pero tama rin naman siya. Kapag mahal mo, dapat hindi mo pagsisinungalingan. Dapat hindi mo lolokohin or isipan saktan para makabawi lang."
Natahimik ako sa sinabi niya.
"Diba, Kyle?"
"Ah? Oo.. Oo."
"Kasi diba ang pangit ng relationship na bawian. If you're hurt or cheated on, you still don't have the license to hurt others. Diba?" Parang natatamaan ako sinasabi ni Aisha eh. "Nabasa ko lang 'yan."
I just smiled at her. I got nothing to say eh.
"Hmm saan tayo next?" She asked.
"Uhm.. let's go see a movie?"
"Hmm sige."
-----------------------
We're here at the cinehan dito sa SM. Nakapila si Aisha sa ticket. I'm here sa cr, pabalik na kay Aisha.
*Phone ringing*
I checked my phone. It's Meredith.
"Yes, Mer?"
"Kyle, it's confirmed. The name of the girl is Aisha Banner. What's the name of your friend again? Isn't it Aisha Banner? Right?"
"It is."
"Ohh. So she's the girl huh. So what are you going to do now, Kyle? Do you still wanna continue your plan of making her fall for you then will leave her hanging after?"
"Not anymore, Merrie."
"But why? Don't tell me you've already fallen for her?"
"I think so. Look, Meredith. I am now courting Aisha. And we already have mutual feelings. So let's forget the plan, okay?"
"Wow! I see, I see. So bye bye evil plan now?"
"Yeah. And I think maybe it's time for me to forget about the past. And also, Meredith, I think it's time for you to move on."
"But why will I move on, Kyle? If Aisha has feelings for you now then it means your brother got no chance anymore, right? So maybe this time, I and him will have our second chance, right?"
"If that's what you say. Makes sense hahaha! Uhm alright, Mer. Gotta hang up now, okay? Aisha might be waiting for me outside."
"Wow! And where you at huh? What are you guys up to?"
"We're having our first ever official date. We're going to see a movie together. So bye bye!"
"Ow! Ow! Okay, have a good time. Bye!"
I ended the call first.
"Ohh bakit ang tagal mo atang nag cr?"
"Matagal ba ako?"
"Mahaba ba pila?" She answered my question with another question. HAHAHA!
"Di naman masyado."
"Di naman masyado." Ginaya ko siya. We both laughed.
"Gaya gaya!" We laughed again.
"Tara na sa loob?" I said.
"Okay."
----------
"Did you enjoy the movie?"
"Yeah, Kyle. It was nice. Thanks for the treat!"
"No problem!"
"Tara kain tayo. Lunch time na rin eh. Ohh 11 na oh." She said while taking a look at her wrist watch.
"Hmm where do you wanna eat?"
"Let's go to Samgyeopsal. Gusto ko kumain ng madami ngayon."
"Wow!"
"Tara!" She's pulling me now. "My treat!"
"Sige."
--------------
"Hayy busog na 'ko. Thank You, Lord! I'm really full na, Kyle."
"Yeah, me too.Thank You, Lord."
"Balik tayo rito next time ah?"
"Sure. After we got a rest, let's go sa Timezone. You wanna go play?"
"Hmm okay sige."
———
"Tara KTV?" I asked her.
"Kakanta tayo?"
"Ay hindi! Pupunta siguro tayong KTV para kumain?"
"Ewan ko sa'yo, Kyle! Malay ko bang kumakanta ka pala."
"Me pa ba?" Nag tongue out nalang siya sa akin.
———-
After singing, shouting, and dancing sa KTV, we decided to go sa coffee shop dito sa mall because Aisha wanna read a book while having coffee raw.
After almost an hour of staying at the coffee shop, we decided to go home. We're now here sa tapat ng bahay nina Aisha.
"Ohh sakto dating niyo. Halika, Kyle iho. Pasok ka muna sa loob. May lakad ka pa ba mamaya, iho?"
"Ah wala naman na po, Tita." I said habang dinodouble check ko kung nakalock ba 'yung car.
"Ahh sige, dito ka na rin magdinner. Ayos lang ba sa'yo?"
"Ay ayos na ayos po, Tita. Namiss ko po luto niyo."
"Hahaha ito nambola pa. Halika na, pasok na tayo." Aya sa amin ni Tita.
We're now here sa living room nina Aisha. Katabi ko si Jez habang nanunuod siya ng Phineas and Ferb.
"Ito si Kyle hindi lang makahindi kay Tita eh. Alam kong busog ka pa. Kaka samgyeop lang natin kaya kanina."
"Hindi naman na ah. Napagod ako sa Timezone eh."
AISHA'S POV
I laughed at him. Okay, napakafunny talaga ng taong 'to. I'm liking him even more. Siguro in time, sasagutin ko na rin siya. Antayin ko lang siguro na makaalala siya.
"Wait lang, Kyle. Tulong lang ako kina Ate sa kitchen huh?"
"Sure, sure. Andito naman si Jez eh. Right?" Sabay lingon niya kay Jez.
"Yep!" Jez responded while smiling sweetly though hindi siya nakatingin kay Kyle kasi focused siya sa panunuod. HAHA!
——
"Ohh, musta date?" Bungad ni Ate sa'kin pagkaapak na pagkaapak ko sa kitchen.
"Okay lang, Ate." I answered while washing my hands.
"Okay lang, lang?" Haha dalawa talagang 'lang?'
"Oo, Ate. Ayos lang naman 'yung date. It went well."
"Hindi ba masaya? Okay lang?"
"Syempre masaya ah."
"Haynako. Sus! Aisha ka nga talaga."
"Tss. Dami mong alam, Ate."
"Oo, nag goo-google kasi ako."
Tinawanan ko nalang siya sabay irap. HAHAHAHA!
"Sungit mo talaga, Aish. Buti nakakatiis sa'yo si Bebe Kyle mo."
Pinalo ko si Ate. "Uy!"
"Argh! Aray ko naman Aish! Napaka harsh!"
"Sorry na, sorry na. Pero 'wag naman kasi masyadong maingay, Ate. Hindi naman gano'n kalayuan itong kitchen sa sala! Mamaya narinig ka na nun!"
"Hayaan mo! Legal naman na kayo rito."
"Ate!!"
"Wait!" Bigla siyang napatitig sa hangin na akala mo may napakalalim na iniisip. Tinitigan ko lang din siya. "Naisip ko lang.."
"Oh, ano na naman 'yang naisip mo?"
"Dito legal na kayo kahit hindi pa kayo, pero sa side ni Kyle.."
"Eh diba nga po, Ate wala na parents niya?"
"Sinong parents? Biological or?"
"Iyong biological parents niya po."
"Ohh, sad to hear. Pero kilala ka naman na ng foster parents niya diba?"
"Yep."
"So legal na rin kayo ron, legal na kayo both sides!" She said while clapping her hands.
"Tsk, Ate! Hindi naman nila alam pa ata 'yung about sa amin. Basta kilala lang nila ako. Tsaka hello? Si Kyle nga hindi niya maalala diba?"
"Oo rin, pero isipin mo ang tagal naman ata makaalala nyan?" She paused for a while para mag-isip. "Baka nakakaalala na siya at nagprepretend lang na hindi pa, parang nung sa mga movies!!"
Napatawa ako sa sinabi niya. "Ewan ko po sa'yo, Ate! Hmm luto na ata 'yung rice. Pakitanggal na sa saksakan."
——-
After makahain, tinawag na rin namin sina Kyle para magdinner. Well, medyo early dinner 'to kasi mga 6PM palang.
"Ahem kayo na ba?" Pambabasag katahimikan ni Ate.
"Huh?" Sagot ko sa kanya.
"Char lang! Ano ba! Pinapagaan ko lang 'yung atmosphere. No pressure, no pressure." Then she smiled. "Pero kasi.. napakatahimik naman kasi tapos 'yung dalawa rito titigan ng titigan, ngitian ng ngitian. Naiinggit tuloy ako. Namimiss ko na boyfriend ko!"
Napasmile nalang si Kyle as a response. Pero ako, umangal ako.
"Huh? Nakangiti lang kami, Ate. Binibigyan mo na ng meaning! Ate talaga oh!"
"Huh? Kayo ba ang tinutukoy ko? 'Yung dalawang langaw dun sa labas oh. 'Yun oh." Sabay point out niya sa may window. "Ayun ho 'yung tinutukoy ko. 'Yung dalawang langaw kanina pa.. diba, Tita?" Napatango nalang si Tita sa kanya habang pangiti-ngiti na rin. "Napakasweet, pero pakipot." Inapakan ko siya sa ilalim ng mesa.
"Aray! Sinong umapak sa'kin?!" Reklamo naman ni Jez. Nako, maling paa pala. Nako, Aish!
"Haynako! Hayaan mo na, pamangkin. 'Yung isa kasing langaw diyan mangsusuway na nga lang, maling tao pa.." Pagpaparinig sa akin ni Ate. Pinanlakihan ko nalang siya ng mata at siya nag-smirk lang, forte niya talaga ang mang-asar. Si Kyle naman napayuko nalang, pero nakangiti rin.
——-
"Kuya! May pupuntahan ka po ba ngayon?"
"Oo na, Jez. Hindi na muna ako uuwi. Alam ko na ibig mong sabihin eh. Kilala na kita." Sabay pisil niya sa ilong ni Jez. Medyo sweet hahaha!
"Assuming ka, Kyle!"
"Halla bakit?"
"Tinatanong lang nung bata kung may pupuntahan ka. Wala naman siya sinabing mag stay ka pa rito, noh?"
"Pero Ate—"
"Hep! Hep! 'Wag kang makikiano, Jez! At may pasok ka pa bukas!"
"Pero Ate—"
"Walang pero pero! Magpahinga ka lang saglit at matulog ka na!"
"Ate!! Hindi tayo naka movie night kagabi!"
"Uhm every Saturday night kasi nagmomovie marathon kami." Pag-eexplain ko kay Kyle para naman makarelate siya.
"Bakit hindi kayo nakanuod kagabi?"
"Dahil sa'yo!"
"Huh? How is it my fault now?"
"Syempre, bayaw atat na atat as in super excited kasi 'yan si Aish. Syempre date niyo kinaumagahan kaya ayon nagbeauty rest ang lola mo!" Singit ni Ate habang may dala dalang isang gallon ng cookies n cream ice cream??
"Oh, may ice cream pala tayo sa ref?" Puna ko.
"Ay hindi. Hindi atin 'to, Aish. Galing 'to sa ref ng kapit-bahay HE-HE!" I just rolled my eyes at her. "Duhh? Syempre obvious ba? Kaya nga may nakikita kang hawak ko ngayon diba?"
"Duh? Malay ko ba, Ate na bumili pala kayo ng ice cream na hindi ko alam?"
"Duh? Aisha, marami ka talagang hindi alam. Gaya nalang 'yung hindi mo alam na patay na patay 'yang katabi ni Jez sa'yo.."
"Ay ako? Patay na patay ako sa sarili ko?" Napagitnaan kasi namin ni Kyle si Jez. "Okay, Ate. Now I know.. thanks sa pag iinform huh?"
"Well.. welcome! Tsk!" She rolled her eyes. "Syempre common sense, Aisha ano? Ayan oh si Ezekiel Banner. Hello? Sino pa ba? Hello?" Sinasabi niya 'yan with matching hand gestures.
"Ay wow? Alam mo pala full name niya, Ate?"
"Ewan ko sa'yo, Aisha! Aish ka!" Nagtawanan nalang kami lahat.
Binulungan naman ako ni Kyle ng "nahawa na sa pagiging sarcastic mo Ate mo." Natawa naman ako sa sinabi niya sabay harap ko sa kanya and I rolled my eyes, as usual HAHAHA! Hindi ako si Aisha kung hindi ako umiirap.
"Ate! Si Kyle oh.." Napatigil naman si Ate sa paglantak sa ice cream at napalingon sa amin. By the way, nakataas 'yung paa niya habang nakaupo sa solo sofa sa tabi ng sofa na kinauupuan naming tatlo ni Kyle at Jez. "Ate!! Si Kyle! May sinasabi oh.."
"Huy! Wala ah! Wala po, Ate. Wala po. 'Wag ka pong maniwala dito kay Aisha."
"Oo, bayaw. Sa'yo ako kampi. Apir!!" At nag bro fist sila.
"Huh? Ano raw? Apir, pero nag bro fist?"
"Kayo nga may I love you-han, wala namang kayo!"
"Ano, Ate!?" Si Kyle naman, napaubo nalang, nabilaukan ata sa ice cream. "Huh? May i love you-han? May gano'n ba tayo, Kyle? Wala akong maalala.. may gano'n na ba tayo?"
"Basta ang alam ko lang walang tayo." At tumawa siya sa sarili niyang joke at sinuportahan naman siya ng traydor kong kapatid.
"Funny 'yon?" I sarcastically asked.
"Yep! Natawa nga ako eh."
"Self support ka lang!"
"Oy hindi ah! Support ko rin 'yan si bayaw!"
"Ako rin! Support din po kita,Kuya Bayaw!"
"Apir!!!" At nag apir apir ang tatlong loko.
"Okay, sige. Pagtulung-tulungan niyo lang ako rito." At bigla akong nakaalala.. "hoy, Jeztrienne! Diba kanina pa kita pinapatulog? Naka toothbrush ka na nga lang, kumakain ka pa uli!" Nginitian niya lang ako sabay dila sa spoon niya. "Ate kasi! Pasimuno ka!"
"Aray! Kailangang mamalo, Aish?" Pinagkunutan ko lang siya ng kilay.
"Hoy, Jez! Tulog ka na! Isusumbong na kita kay Tita ah! Pasaway ka na! Ayan na ang natututunan mo kay Ate at diyan kay Kyle?!" Nginitian niya lang ulit ako at patuloy pa rin siya sa pagkain ng ice cream habang namimili ng movie na panunuorin.
"Aba? Aba? At namimili ka pa ng movie huh?! Anong akala mo makakapanuod ka pa!?"
"Kapatid.. hayaan na muna natin. Isang movie lang tsaka hapon lang daw ang class nila dahil may program naman bukas."
"Program na naman? Again and again?"
"Ewan ko ba diyan sa school nina Jez."
"Hay.. osige na, sige na. Movie marathon na tayo tonight."
"Yey!!!!!!" Sabay sabay nilang sigaw na tatlo with matching pag clap clap pa.
"Ewan ko rin sa inyong dalawa. Para kayong ka-edad lang ni Jez. Hayz!" Tinawanan nalang nila ako.
"Ohh ito na po panuorin natin! Rak Aow Yu!
"Ano English translation nyan, pinsan?" Ay wow? Pinsan niya na rin pinsan ko?
"Hmm wait po. Search ko." After few seconds.. "Ayun! Love At First Flood po, Kuya."
"Ay Thai movie 'yan, noh?" I checked.
"Opo, Ate Aish."
"Of course! Movie night is Thailand night! Mwahaha!"
"Kyle, fan na fan kasi 'yan si Ate ng Thai movies and everything about Thailand."
"At ang favorite ko sa kanilang lahat si Marco Maurer!" Kunin ulit na sabi niya.
"Hindi po ba Mario 'yun, Ate?"
"Marco 'yun, Kyle. 'Wag mong cinocorrect si Ate pagdating diyan."
"Yep! Magkapatid sila. Si Mario 'yung actor at 'yung fafa ko naman, si Marco Maurer!"
"Ahh artista din po 'yun?"
"Hindi! Rapper siya. At napakaangas niya lang! Ang astig ng dating niya!" At nag rap rap si Ate, pero wala akong naintindihan kasi Thai HAHAHA!
"Sabi sa'yo fan na fan talaga 'yan si Ate eh."
"Fan na fan nga." Sagot nalang ni Kyle.
"Oh ito na, ito na! Magsstart na 'yung movie!" Excited na sigaw ni Jez.
——-
"Hahahahahaha! Napaka assuming mo naman Mei Sui!" At tumawa ulit si Ate ng malakas.
Pa'no ba naman kasi? Andito na kami sa scene wherein pauwi na si Thung at Mei Sui from an outreach program na pinuntahan nila separately. Tapos itong si Ate mo girl nag aassume na sinusundan siya ni Thong eh same lang naman sila ng direction pauwi, magkalapit lang sila ng bahay. Nakakatawa lang. At nakakatawa rin si Ate. Idol niya rin kasi 'yung lead character dito kaya galit na galit kay Ate girl. Super Thai fan talaga siya, as in grabe, sobra. Ako naman kung tatanungin niyo.. at kahit wala naman talagang nagtatanong kung sinuman ina idolize ko, ishashare ko pa rin sa inyo. Though hindi ako masyadong movie fanatic, I'm not like Ate Ammy na sobrang mahilig manuod. Hmm fan ako actually ni Yeon Woo Jin, a Korean actor. Nope, hindi ako K-Drama fanatic. Sadyang naaamaze lang ako sa acting skills niya. First time kong napanuod 'yung Priest na series niya. Nagandahan kasi talaga ako ron, ang ganda ng plot twist plus ang daming trivia and new knowledge na natutunan ko from the series. Next naman na napanuod ko is 'yung Marriage, Not Dating ni Yeon Woo Jin pa rin, pero this time ako na talaga namili non. 'Yung Priest kasi nakikisilip lang ako sa pinapanuod ni Tita nung una. Oo, si Tita talaga. Opo, nanunuod po ng K-Drama ang Tita namin. By the way, back to the topic.. 'Yung Marriage, Not Dating romantic comedy genre non. Hindi ako masyadong mahilig sa romance eh, pero in all fairness kinilig talaga ako at natawa ng sobra sa Marriage, Not Dating.
"Nakatulog na 'yang nasa gitna niyo. Inaantok na rin ako. Bukas ko nalang itutuloy ending. I aakyat ko na rin sa kwarto ko si Jez."
"Goodnight po, Ate." Sagot ni Kyle. "Ay, Ate. Tulungan na po kita sa pagbuhat kay Jez."
"Ay sure, sure. Thank you. Napakabigat naman kasi ni Jeztrienne! Ewan ko ba kung ilang kilos na 'yan." We chuckled.
"Aish, pause mo muna saglit 'yang movie." Bilib ni Kyle bago siya pumunta ng stairs habang bitbit bitbit si Jez. Tumango naman ako as a response.
Ang bait and ang thoughtful talaga ni Kyle. Gano'n din naman siya na nakilala ko rati. Pero mas gusto ko na 'yung Ezekiel na kilala ko ngayon siguro kaysa sa Elijah na nakilala ko rati. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko kung mawawala pa siya uli for the third time.
"Oh? Nakatunganga ka diyan, Aish. Ano iniisip mo huh?"
"Ay andito ka na pala."
"Ay hindi! Illusion mo lang 'to, Aisha. Wala pa ako rito, wala, wala!" Tinawanan ko nalang siya instead of rolling my eyes dahil kotang kota na siya sa pangungusilap ko.
"Play ko na?"
"Malamang. Unless ako ang gusto mong panuorin." Umupo siya sabay akbay sa akin. Tinulak ko siya agad agad.
"Pasandal!!" Lumapit ulit siya at lamang isasandal niya ulo niya sa balikan ko, pero I pushed his head away from me. Pero bumalik siya at yumakap sa'kin.
"Hoy! Lubayan mo nga ako, Mr. Ticket!"
His eyes got widened. "Woah! Namiss ko rin palang tawagin mo akong gan'yan."
I just smiled at him as a response and resumed the movie.
"Ang layo na rin talaga ng pinagsamahan natin ano, Aish?"
"Hindi naman ata masyado." He smiled. "Pero well, akalain mo 'yun parang fate 'yung naglapit sa atin 2 years ago."
"Yah, agree. Parang nung dati lang inis na inis ka lang sa akin noon eh."
"Hanggang ngayon naman." He pinched my nose. Tinabig ko naman kamay niya.
"Napakasungit mo pa rin talaga."
"Hindi kita narecognize nung una." Dagdag pa niya.
"Huh?" Confused, I asked.
Hello!! Happy 26K readers!! Ang bagal na ng usad ng viewers kasi ang bagal din naman ng update ng author hahahaha sorry na po.
By the way.. ano kaya ang ibig sabihin ni Kyle sa hindi niya narecognize si Aisha nung una??
Hmm abangan sa next chapters!!
Happy reading! Love u all!