webnovel

Peerless Ranger!

編集者: LiberReverieGroup

Mag-isa lang si Marvin sa paanan ng burol.

Tila isang malakas na alon sa gitna ng isang malakas na bagyo ang mga gnoll.

Hindi pa man ito umaabot sa kanya pero dama na niya ang bugso ng hangin. Nanginig na siguro ang mga tuhod ni Marvin kung isa siyang ordinaryong tao.

Pero iba siya.

Tumindig siya na parang isang matatag na dalampasigan.

"Bang!"

Inapakan niya ang ulo ng earth puppet. Nabasag ang ulo ng gnoll Sorcerer.

Huminga ng malalim si Marvin. Mabilis nitong nilabas ang isang bote.

May laman itong potion.

"Glug glug!"

Ininom ni Marvin ang laman nito. Mabilis ang kanyang pagkilos kaya hindi ito napansin ng mga tao sa kampo.

Nakita lang nilang tumikwas ang ulo ni Marvin at parang may inilabas.

Pero kitang-kita ito ng mga gnoll na nasa burol.

Walang pakielam ang mga ito.

Potion lang naman ito.

Wala naman itong magagawa.

Sobrang dami nila, habang siya…mag-isa lang siya.

Umatungal ang gnoll adjutant na nakasakay sa mutated aardwolf, agad namang lumusong pababa ng burol ang iba pang mga gnoll.

TIla wala nang makakapigil sa kanila dahil sa bilis na dulot ng pababang daanan!

Pero binunot ni Marvin ang dalawang dagger pagkatapos uminom.

'Kahit na hindi ko gustong gamitin 'to dito, mukhang wala na akong magagawa.'

'Buti na lang sapat ang potion para sa apat na gamitan. Kundi sayang naman ito.'

'Mga bobong gnoll. Oras na para tapusin 'to!'

Kumulo ang dugo ni Marvin.

Mas marami mas maganda!

Dahil mas maraming gnoll, mas maraming bangkay!

Bigla nitong binuhos ang lakas sa kanyang mga paa at tumakbo ng napakabilis. Para siyang isang palasong pinakawalan ng isang pana.

Nabigla ang buong kampo!

Hindi niya binalak tumakas; plano niyang patayin ang mga gnoll hanggang sa maabot ang Sorcerer!

Ano bang akala niya? Isa siyang 3rd rank na Virtuous Diamond Martial Monk?

Kahit na mga 2nd rank na fighter ay hindi tatangkaing gawin iyan.

Isang buong hukbo 'yon ng mga gnoll. Ibang-iba ang ganitong klase ng pakikipaglaban, hindi ito isang dwelo!

Maaring mapatay ng isang ordinaryong gnoll ang isang expert sa gitna ng isang digmaan.

Hindi naniniwala sa himala ang mga adventurer. Tanging ang mga nakikita lang ng dalawa nilang mata ang pinaniniwalaan nila.

Tungkol naman sa sinabi ni Anna, hindi na nila ito pinansin. Masked Twin Blades, isang pangalang kailan lang sumikat, ay mamamatay na. Sayang naman.

"Kapitan, hindi pa ba tayo aatras…"

Bulong ng isang miyembro ng mga Lynx.

Pero bigla itong natahimik.

Dahil nagulat ito sa kanyang nakita.

Taliwas sa inaasahan ng mga adventurer ang kanilang nakitang laban. Akala nila'y mabilis na matatalo si Marvin dahil sa dami ng mga gnoll.

Sa halip, mabilis na nalalagas ang mga gnoll dahil sa kanaya!

Matatag ang bawat kilos ni Marvin. Sumisirit ang dugo sa bawat pagwasiwas niya ng kanyang mga dagger. Pero mas ikinagulat nila na sa unang pag-atake ni Marvin, dalawang ulo agad ng gnoll ang lumipad sa ere.

Lumipad ang mga ulo nila!

Hindi pinira-piraso ni Marvin ang kanilang katawan. Bagkus, lumipad din sa ere na tila mga saranggola ang mga katawan nito patungo sa iba pang gnoll. Kaya naman lalong nagkagulo.

Biglang lumitaw ang isang malaking espasyo sa gitna ng mga gnoll.

At patuloy na pumapadyang si Marvin para umusad!

Para siyang isang ipo-ipong dumaan sa hukbo ng mga gnoll!

Ang twin dagger sa kanyang mga kamaya ay mabilis ar epektibo sa pagpatay sa mga gnoll. Para lang siyang namimitas ng gulay.

Bawat atake, isang gnoll ang namamatay. Para siyang isang demonyo. Walang espada o pana ng mga gnoll ang umaabot sa kanya.

Pambihira na ang kanyan bilis!

Ang nakakatakot pa dito ay dinudurog niya ang hukbo ng mga gnoll na parang wala lang!

Tangin si Gru lang siguro ang may kakayanang gumawa ng tulad nito sa lahat ng mga adventurer!

Pero bilang isang ranger, kayang-kaya ito ni Marvin.

Wala masabi ang mga adventurer. Hindi nila alam kung anong sasabihin.

"Pucha! Ranger pa rin ba siya?" Namula ang mga mat ani Verne at hindi napigilang magmura!

'Kakaiba talaga ang taong ito!'

Pero kung nasa tabi niya ang si Marvin, paniguradong sasabihin niyang:

"Walang kapantay ang Ranger na ito!"

Sa mga oras na ito, kung may magsasabi kay Verne na isang dragon na gumagamit ng isang shape-shifiting technique si Masked Twin Blades para maging isang tao, mukhang maniniwala ito sa kanya.

"Ya!" Sigaw ni Marvin.

Umabot na sa puntong hindi na kailangan masyadong bigyan pansin ni Marvin ang ginagawa para lang sunod-sunurin ang atake gamit ang twin blades.

Dahil bawat atake nito'y hindi lang mapapatay sa saksak ang mga gnoll, kundi mahihiwa at tatalsik ito palayo.

sin!

Malapit na siya sa lakas ng isang 2nd rank na fighter, at pareho na ng isang 2nd rank na assassin ang kanyang bilis!

Ito nga talaga ang pambihirang epekto ng [Dragon Strength].

Nagbago agad ang kanyang attribute window.

Strength +6! Reaching 17!

Dexterity +4! [Chaotic Battlefield Expert] title added! Reaching a high 25 points!

Ang 25 na dexterity ay nagbibigay ng isapang hreshold specialty, ang [Uncanny Dodge]!

[Uncanny Dodge]: Sa sibrang bilis mo ay halos hindi ka na makita. Hindi ka kayang asintahin ng mga archer. -3 ang Accuracy ng mga kalabang malapit sayo.

Hindi dapat minamaliit ang -3 Accuracy na ito. Dahil sa mababang accuracy ng mga gnoll, hindi na tinatamaan ng mga ito si Marvin.

Para lang isang multo si Marvin sa loob ng hukbo ng mga gnoll. Biglang lilitaw at maglalaho sa isang iglap. Hindi nila malaman kung kelan 'to susulpot para patayin sila.

Tila isa na siyang ganap na fighter. Kasing dali na lang ng paghihiwa ng gulay ang bawat pag-atake nito.

Ang pinagkaiba nga lang, hindi ganito kabilis ang mga fighter!

Sa tingin ni Gru, kayang umatake ng tatlong beses ni Masked Twin Blades sa bawat pagkilos nito.

At kung ganoon siya kalakas, kaya na niyang mag-isa ang 60 na gnoll at isang Sorcerer!

Habang nilalaban ng mga adventurer ang mga gnoll, nakatuon pa rin ang kanilang atensyon kay Masked Twin Blades.

Ayos lang ito sabi ni Anna, at masarap naman talaga itong panuorin. 

Nagawa ng isang Ranger na makipaglaban ng ganyan?

Ngayon lang sila nakakita ng ganito sa tanang-buhay nila!

Pakiramdam nila: 'Kaya na sigurong baliktarin ng Masked Twin Blades ang sitwasyon dahil sa lakas niya.

Halos kalahati na agad ang napatay na gnoll ni Marvin sa loob ng isang minute!

Higit 20 na ang namatay dahil sa lakas ng kanyang mga atake!

At hindi man lang nasugatan si Marvin!

Hindi kapani-paniwala ang ganitong klase ng bagay!

"Uy…Ivan, diba ranger ka rin?"

Hindi mapigilang tanungin ng isang miyembro ng Bramble ang isa pa nilang miyembro. Nauutal naman itong sumagot ng, "Oo… ranger din ako."

"Pero sigurado ka bang ranger din yung lalaking nakamaskara?"

Nanatiling tahimik ang lahat.

Hindi pa nakakakita ng isang malakas na potion, gaya ng Dragon Strength, ang mga low level na adventurers na ito. Kung sabagay, ibinuwi ni Marvin ang kanyang buhay sa scarlet monastery para lang nakawin ito.

Hindi naman ito masyadong inisip ng garrison, pero nabuhayn sila ng loob dahil dito!

Pinamunuan na sila ng Masked Twin Blades para makapaghiganti sa pumatay sa kanilang Old Lord. Kaya naniniwala silang dadalhin uli sila nito sa tagumpay.

Tila hangin kung kimilos si Marvin. Mas mabilis pa siya sa mga mutated aardwolf.

Nagulantang rin ang gnoll Sorcerer na pinapanuod ang laban.

Umatungal ito ng ilang beses, at iwinasiwas ng adjutant na nasa mutated aardwolf and isang makapal na pamalo.

'Gusto niyo ring mamatay? Teka unahin ko yung malaki.'

'Sampung minute naman ang itatagal ng potion kaya walang problema ang pagdispaya ko sa mga gnoll na ito.' Ika ni Marvin.

Tila lumulipad na siya sa bilis ng kanyang pagtakbo.

"Bang! Bang!"

Tumalon siya ng malakas, inapakan ang ulo ng dalawang gnoll, at iniba ang posisyon ng kanyang katawan sa isang iglap.

Kaya mahal na mahal ni Marvin ang class na ito!

Kapag umabot ng mataas na level ang iyong dexterity pwede kang gumalaw na parang isang tauhan sa wuxia.

Hindi na niya masyadong inalintana ang mga gnoll fighter.

Panandalian siyang lumipad siya sa ere, nang bigla siyang ibinato gamit ang kanyang kanang kamay!

Wishful Rope!

Binigkas ni Marvin ang incantation at itinali ng wishful rope ang sarili nito sa kanang kamay ng adjutant!

Hinila ng malakas ito ni Marvin!

May kalakasan rin ang gnoll adjutant na hindi natinag sa tulong ng mutated aardwolf.

Pero hindi na bale!

Mabilis na binigkas ni Marvin ang isa pang incantation kaya biglang lumiit ang lubid. Iniwasan niya ang dalawang palaso at tumalon patungo sa gnoll adjutant!

Hindi nagpatalo ang adjutant. Bihag ng wishful rope ang kanyang kanang kamay kaya, binitawan niya ang renda at kinuha ang isang dagger mula sa kanyang baywang gamit ang kaliwang kamay. Saka ito tumalon patungo kay Marvin!