webnovel

Reason for switching weapons

Editor: LiberReverieGroup

Mabilis ang gnoll Adjutant kumpara sa isang ordinaryong nilalang pero mas mabilis pa rin si Marvin!

Pagkatapos ng pagtawid ng kaluluwa ni Marvin, ang kanyang pag-kontrol sa kanyang katawan ang lamang niya sa ibang mga class!

Isang napakatibay na kaluluwa ang dahilan kung bakit dama niya ang bawat bahagi ng katawan niya.

Maari niyang igalaw ang katawan niya ayon sa kanyang kagustuhan sa pamamagitan ng pagmanipula dito. Kahit na ang malilit na mga pagbabago ay gumagamit rin ng malaking bahagi ng kanyang lakas. Maari rin itong maging sanhi ng pinsala sa kanyang kalamnan at buto, kaya walang oras para magdalawang-isip sa isang laban.

Hinila niya ang wishful rope at iginalaw ang katawan palikod. Ipinulupot niya ang kanyang mga paa sa kaliwang kamay ng gnoll adjutant.

"Bang!"

Nalaglag sa lupa ang dagger, at mabilis na isinaksak ni Marvin ang kanyang twin daggers sa likod ng aardwolf!

"Awooo!"

Nagpakawala ng isang malakas na alulong ang aardwolf, nangisay ang buong katawan nito. Namutla sa takot ang gnoll adjutant at nawala ang balanse nito.

Tinapakan ni Marvin ang parehong mga dagger, at agad na binunot ang kingfisher Jade Dagger mula sa kanyang baywang!

"Woosh!"

Kasing bilis ng kidlat!

[Cutthroat]!

Mas mababa ang pagkakataong magawa niya skill na ito kung sa harap niya ito ginawa!

Sinubukan ng gnoll adjutant na maiwasan ito. Pinaling niya ang kanyang ulo para ang mallit na bahagi ng kanyang armor ang sumalo ng atake!

Pero walang nagawa ito!

Dahil sa armor break skill ng Kingfisher Jade Dagger, at ang malakas nitong armor penetration strength, nahiwa lang din ang bahagi ng armor na nakaharang sa lalamunan nito.

Nagkalat ang dugo. Nahiwa ang pulso sa leeg ng gnoll adjutant. Karamihan ng dugo ay napunta kay Marvin.

Nagmukha siyang isang demonyong naka-apak ang isang paa sa bangkay ng gnoll adjutant at naka-apak ang kabila sa nangingisay na mutated aardwolf!

"Wuwuwu…"

Nagnungutngot ang isang mabangis na mutated aardwolf…

Natakot ito sa aura ni Marvin!

Para sa mga taong mababa ang perception, marahil isang kathang isip lang ang aura. Pero nadadama ng mga halimaw kung isa kang makapangyarihang nilalang.

Hindi lang basta takot ang aardwolf sa lakas ni Marvin, humiga pa ito sa lapag.

Walang awang binunot ni Marvin ang twin daggers sa likod ng aardwolf at saka itinagong muli ang mga dagger.

Nangisay ang katawan ng aardwolf hanggang sa mamatay ito.

Isang malawak na espasyo ang nabuo sa paligid ng bangkay ng aardwolf.

Umaatras na ang lahat ng mga gnoll. Pinalibutan ng mga ito si Marvin habang mahigpit na hawak ang kanilang mga sandata. Pero kita sa kanilang mga mata ang takot.

Sobrang baba na ng kumpiyansa ng mga gnoll sa puntong ito.

Umatungal ang mga ito, at natakot ang mga ito sa kakaibang lakas ni Marvin!

Pumapangalawa lang sa pinakamataas at malakas ang gnoll adjutant sa gnoll Sorcerer, sa buong tribo ng mga gnoll.

Malaking kawalan para sa kanila ang pagkamatay nito.

Kadalasan, kung may mangyaring ganito sa isang labanan, lilikas na ang mga ibang mga gnoll.

Hindi maasahan ang mga nilalang na ito!

Subalit, hinditumakas ang mga gnoll.

Dahil mayroon silang pinuno.

Ang gnoll Sorcerer!

Maibabalik na sa kanila ang White River Valley basta mapatay namin gnoll Sorcerer.'

'Masyadong tuso ang gnoll Sorcerer na 'yan. Pero nagamit na niya ang earth puppet kaya siguradong ito na ang tunay na katawan niya.'

'Bukod sa mas mababa ang mana pool ng mga Sorcerer kumpara sa mga Wizard, napakarami rin nitong aardwolf na napa-amo. Siguradong isang uwi ng blood magic ito.'

Kinapitan ni Marvin ang kanyang twin dagger, at tinitigan ang galit na gnoll Sorcerer sa gitna ng mga gnoll.

Tinitigan din siya nito pabalik.

Eye of Pain, Earth Puppet, Mutated Aardwolf Taming...

Wala na sigurong iba pang malalakas na skill ang nilalang na 'to.

Gumawa ng malinaw na kuro-kuro.

Ayon sa kanyang Inspect skill, ang lalaking ito at isang level 6 na Sorcerer, at kakaabot lang nito sa 2nd rank. Hindi naman ganoon katas ang charisma ng isang gnoll Sorcerer. Sa palagay ni Marvin hindi hihigit sa tatlo ang malalakas na spell nito.

Hindi naman niya inalintana ang mga basic na spell.

Matapos niyang isipin lahat ito, bigla na muling tumakbo si Marvin patungo sa gnoll Sorcerer!

Tunay ngang wala ng 2nd-circle spell ang gnoll Sorcerer.

Bilang isang level 6 na Sorcerer, nagawa niyang matuto ng ilang 2nd-circle na spell, pero ang natutunan niya lang ay ang [Earth Puppet] at [Wild Animal Taming].

Walang gaanon bias ang mga spell na ito sa pag-atake pero kapaki-pakinabang ito sa pagpapaunlad ng isang tribo.

Pero sobrang hina ng kanyang fighting strength!

Nasindak ito nang makitang patungo na sakanya si Marvin!

Paulit-ulit niyang ginamit ang Communicator skill niya para pilitin ang ibang gnoll na harangan si Marvin.

Sa di malamang dahilan, nagdesisyon na lang itong tumakbo.

Sobrang baba ng kanyang stats at maikli pa ang kanyang mga bihas, hindi siya makakatakas sa taong ito!

Ang tanging plano niya ay magtago sa iba pang mga gnoll at gumamit ng 1st-circle magic para patayin ang ranger na 'to!

Pero sa kasamaang palad, hindi ito gagana.

Dahil bago pa man sumibat ang archer na si Joey, naglagay si Joey ng eye-catching mark sa ulo ng gnoll Sorcerer!

Nakadikit na ito sa kanyang ulo at hindi niya ito matatanggal!

Nagpapasalamat si Marvin sa markang ito kung hindi, mahihirapan pa siyang hanapin ang gnoll Sorcerer.

Maliit ang Sorcerer kaya kung yuyuko ito, mahihirapan na siyang makita ito!

Pero dahil may sinusundan siyang marka, gumalaw si Marvin na mayroong mala-diyos na aura. Higit sa sampung gnoll ang agad na namamatay.

Hanggang sa tumakbo na ito sa harap ng gnoll Sorcerer!

Kaunti na lang ang mga gnoll na nakaharang sa harap ng Sorcerere.

Dahil sa nakakatakot na lakas ni Marvin, parang biglang nanigas ang mga ito.

Kahit na inuutusan sila ng gnoll Sorcerer gamit ang [Communicator], nanatili lang na nakatayo ang mga ito!

Dahil kay Marvin, napasailalim ang mga ito sa [Fear]!

Suminghal ang gnoll Sorcerer. Bigla niyang itinaas ang kanang kamay at itinuro si Marvin!

Pero sa hindi inaasahan, si Marvin, na maghapon nang tumatakbo, ay biglang bumagal. Gumulong siya patagilid na tila alam na niya ang gagawin ng Sorcerer.

Isang malaking tipak ng yelo ang lumabas mula sa lupa kung saan nakatayo si Marvin kanina.

Ang bilis ng casting speed ng Sorcerer!

Lalo na para sa isang 1st-circle na spell.

Ang hugis kamay na yelong ito at epektibo para sa mga lihim na atake. Mabilis at walang awa, na may kasama pang freeze effect. Ito ang paboritong spell ng maraming mga caster!

Hirap ang mga ordinaryong taong iwasan ito.

Pero nagawa ng lalaking ito na nakamaskara!

Kinilabutan ang gnoll Sorcerer. Hindi normal ang taong ito. Mali ang 1st rank na tantsa ng kanyang Inspect!

Isa itong napakalakas na 2nd rank na malapit na halos sa 3rd rank!

Pero ano pa nga ba ang magagawa niya ngayon… Kundi ang ihanda ang sarili niya at subukang ipagpatuloy ang paggamit ng mga natitira niyang 1st-circle spell.

Pero ang katunayan, hindi sinasadya ni Marvin ang pag-iwas.

Buti na lang at binabaan niya ang kanyang speed!

Dahil kahit na napakataas ng kanyang dexterity, nanatili pa rin sa dati ang kanyang perception kaya hindi niya naramdaman ang ice claw!

At ang tanging rason ng kanyang pagbagal ay natuklasan niyang baliko na ang kanyang mga twin daggers.

"Ang mga punyetang common weapon na 'yon!'

Walang durability stats sa Feinan, pero rurupok at malalaspag ang mga sandata at items na madalas ginagamit.

Kung hindi sila aalagaan ng maigi, maari silang mawalan ng silbi.

Una palang naman ay hindi na ganoon kaganda ang mga curved dagger na 'yon. Lalo pa nang malaman ni Marvin na hindi ito maayos gamitin para sa tao.

Pero habang sumusugod siya, maraming napatay na gnoll si Marvin. Bumaliko ang kanyang mga curved daggers dahil hindi kinaya nito ang kanyang mga pag-atake.

Pinlano niyang pabgalin ang sarili para makapagpalit ng sandata.

Bigla siyang may naramdamang kakaiba sa kanyang harapan matapos niyang bawasan ang kanyang bilis, kaya naman gumulong siya para maiwasan ang ice claw.

"Swerte, swerte talaga…" Bulong ni Marvin.

Mahalaga rin ang swerte sa isang labanan.

Sinamantala niya ang paggulong niya para ibato ang dalawang baliko niyang dagger papunta sa gnoll Sorcerer!

Hindi na gaanong binigyang pansin ni Marvin ang accuracy, pero napatalon niya ang gnoll Sorcerer dahil sa takot. Inakala nito na isa itong [Throwin Knife] na taktika kaya gumamit pa ito ng [Leap] para iwasan.

Pero ng mapansin niyang ibinato lang basta ni Marvin ang dalawang curver dagger para kumuha ng dalawa pang common curved dagger mula sa kanyang vois conch…

Halos himatayon siya!

...

Everyone in the camp was speechless.

Natameme ang lahat ng nasa kampo.

"Bakit siya nagpalit ng mga dagger?"

Nagtataka ang mga adventurer.

Ginamitan ni Gru ng [Sweep] ang tatlong harassing gnoll bago sumulyap at sinabing, "Baka nasira?"

Hindi sila makapaniwala lahat.

Hindi gagamit ng common daggers ang expert na tulad ni Masked Twin Blades. Bakit naman sila masisira?

Pero wala na silang oras para alamin ang kasagutan, lalo pa at napakalapit na ni Marvin sa Sorcerer.

Nagngalit ang mga ngipin ng gnoll sorcerer saka umabante at ibinuka ang parehong mga kamay!

Isang tumpok ng kulay berdeng likido ang namuo sa kalangitan!

Isang [Acid Spray] spell!