Tapos na akong magmukmok, humarap ako sa salamin at tinignan kong mabuti ang aking sarili, hindi naman ako panget sabi nila, sadyang hindi lang siguro ako ang nakapag paibig kay zack... napabuntong hininga ako
Sobrang baba na ng self confidence ko dati bago ko na meet si zack, mas bumaba pa yata ngayon,
tinampal tampal ko ang aking pisnge, fighting!!!
simula ngayon mas magiging matatag na ako, hindi na ako magmukmok pa, ilang buwan na din ang inaksaya ko
Nagpasya akong lumuwas ng baryo namin at pumunta sa siyudad, doon muna ako makikitira sa tita ko, maghahanap na lang ako ng trabaho dito sa probinsya namin, wala na muna akong planong bumalik ng maynila
Beeeep, beeeeeeeep.. dali dali kong kinuha ang aking bag at lumabas na ng bahay, muntik na akong madapa sa pagmamadali..
Ano ba yan!! antagal tagal mo naman, bagal kasi kumilos.. pagrereklamo ni kei
Si kei ang childhood bestfriend ko for almost 15 years, para na nga kaming magkapatid.. mataas ang respeto namin sa isa't isa, palagi syang nasa tabi ko, sa saya man o lungkot...
laging handang dumamay sa bawat problema ko
at sya lang ang kaisa isang taong tunay na nakakaintindi sakin, kahit anong kapalpakan ang ginagawa ko, pinapalakas nya ang loob ko...
parati syang andyan para damayan ako, ang nag iisang tao na kahit kailan hindi nagsawang intindihin at damayan ako
Siya ang knight in shining armor ko...
kahit na may pagkareklamador minsan, mahal na mahal ko yun..
kaya nga kanina pagkarinig na pagkarinig ko palang ng busina ng jeep nila, nagkakandarapa na akong lumabas ng bahay...
ayaw na ayaw kasi ni kei na pinag aantay siya...
Medyo may pagkamasungit din si kei, pero pagdating sakin ang bait bait nya.. ate nya na ako kung ituring, mas matanda naman talaga ako sa kanya...
17 na ngayon si kei at 19 naman ako
Ilang buwan na ako dito sa probinsya, pero simula ng dumating ako, eto palang ang pangalawang beses naming pagkikita kahit magkaharap lang ang bahay namin...
Oh, bakit? Bakit ka nakatitig sakin?
Ang creepy mo...
sabi ni kei na naging dahilan upang maputol ang aking pagbabalik tanaw
hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya, malayo na kasi ang nilipad ng isip ko
huh? wala naman.. nakangiting sagot ko
Ok ka na? lalaki lang yan, huwag ka ng malungkot.. Dami dami dyang iba, iyong hindi ka paiiyakin
Hahahaha... sira ka talaga, hindi pa nga ako nakakamove on
Move on agad? hindi naman naging kayo...
Natawa na lang ako sa kanya, ewan ko ba
sa tuwing kausap ko sya gumagaan ang pakiramdam ko.. siguro dahil nasanay na akong kinocomfort nya lagi, noon pa man