webnovel

Chapter 14 Pag limot

kring kring kring kring kring kring, pinatay ko na ang alarm at bumangon, ito ang unang araw ko sa trabaho, 2 araw palang ang nakakalipas simula ng grumaduate ako, nakapasok agad ako ng trabaho sa isang international company, kung saan office staff naman ang magiging trabaho ko

Mabait naman lahat ng workmates ko at boss namin.. lunch break namin ngayon, nag-online ako at nag scroll ng newsfeed ko, nahagip ko ng tingin ang post ni zack

Broken inside na may crying emoji at broken heart

yan ang post niya, alam kong masasaktan lang ako pero di ko napigilang i-stalk sya... nag aalala parin ako sa kanya kahit papano

Andaming post, qoutes at mga pang broken hearted lahat... Nagback read ako ng nag back read sa mga post nya at comments doon

Broken hearted nga si zack, ayun sa mga comments, umuwi ng probinsya at magpapakasal na sa ibang lalaki ang babaeng matagal na nitong minamahal...

inistalk ko din ang babae, nagulat ako,

classmate ni zack ang babae simula grade 12... matagal na pala syang may feelings sa babae, ngunit nakababatang kapatid at kaibigan lang ang turing sa kanya ng babae

chineck ko din ang relationship status ng girl, almost 1 year pa lang sila ng jowa nya...

parehas ng time period na naging malapit kami ni zack sa isa't isa, pinagbuklod buklod ko ang mga pangyayari...ang sakit lang isipin na naging rebound at kasangkapan nya lang ako para makalimutan ang babaeng mahal nya...

kahit nasasaktan na ako ng sobra, mahal ko parin si zack... umaasa parin ako na marerealize nya ang halaga ko

Tapos ka na ba dyan sa ginagawa mo? tanong sakin ng ka office mate ko.. mag 5 na kasi, kailangan matapos na natin to

Ah, okay sige po...

nagmadali na ako sa pagtype, itinoun ko muna ang boung atensyon ko sa ginagawa ko

Uwian na namin, nakatanggap na naman ako ng mag larawan galing kay aika, si zack may kasamang babae, magkayakap sa parke

Ayoko na, pagod na pagod na akong magselos at masaktan...

Sobrang sakit na!!!

Tatanungin ko si zack, ito na ang huling beses na kakausapin ko sya, gusto ko ng palayain ang sarili ko sa sakit na nararamdaman ko...

pasensya na sa mga itatanong ko, sana maging honest ka sa isasagot mo

Ano ba ako para sayo zack? minahal mo ba talaga ako? ano bang lugar ko sa buhay mo?

nasasaktan na kasi ako ng sobra

I'm sorry Hanah, importante ka sakin at naging masaya ako ng nakasama kita...

Sana maging magkaibigan parin tayo

Masakit malaman na lahat ng ipinakita nya, at ipinaramdam nya sakin ay kasinungalingan lang.. napaglaruan lang ang nararamdaman ko Nasasaktan ako ng sobra sobra, hindi ko na nagawang magreply sa kanya, blinock ko agad sya sa fb at contacts ko

Kinabukasan hindi na ako pumasok sa trabaho, araw araw akong umiiyak, nawalan ako ng gana mabuhay, walang tumbas na sakit ang nararamdaman ko, pakiramdam ko parang hinihiwa ang dibdib ko... nagmukmok ako ng nagmukmok sa apartment, hanggang sa napagod na ako

Gusto ko ng panibagong environment.. Gusto kong mag move on....

Nagpasya akong umuwi ng probinsya at doon magsisimula akong muli, kalilimutan ko lahat ng sakit na naramdaman ko at lalong lalo na si zack

Lumipas ang mga buwan, wala paring nagbabago

hindi man ako araw araw na umiiyak, pero nandun parin ang sakit na nararamdaman ko

Ang hirap pala magmahal, lalo na kung hindi ka kayang mahalin ng taong mahal mo