6 Ang Proposal

翻訳者: LiberReverieGroup 編集者: LiberReverieGroup

CHAPTER 6: Ang Proposal

"Hello?"

"…"

"Hello? Sino to? Ibababa ko itong phone kung wala ka namang sasabihin," naiinis na sabi ni Huo Mian.

Baka naman wrong number?

Ibababa na niya sana nang biglang narinig niya ang isang pamilyar na boses.

"Bakit mo ako iniiwasan?" sabi ng nasa kabilang linya.

"Qin Chu?" nanginginig na sagot ni Huo Mian.

"Bakit mo ako iniiwasan?" Inulit muli ni Qin Chu ang tanong ngunit ayaw niya sagutin ito.

"Qin Chu, pwede bang itigil mo na to? Nagbreak na tayo seven years ago --"

"Nasa baba ako." Biglang sumbat at sabay patay ng cellphone ni Qin Chu bago pa siya makasagot.

Paano niya nalaman address ko? Siguro si Zhun Lingling nagsabi, ang dadal talaga niya, isip ni Huo Mian. Kapag naaalala niya yung nangyari sa washroom parang ayaw na ni Huo Mian bumaba. Ni wala siyang balak na makita ito.

Pero kung di ko siya bababain, baka maghintay siya? Baka magkita pa sila ni Ning Zhiyuan pagka-uwi niya?

Binalot ni Huo Mian ang kanyang sarili gamit ang jacket habang iniisip kung anu-ano ang mga pwedeng mangyari. Pagkatapos ng mahabang pag-iisip, bumaba siya nang labag sa kanyang kalooban.

Tama nga siya, nasa baba pa rin si Qin Chu, nakasandal sa kanyang silver Audi R8 at may hawak na sigarilyo.

"Qin Chu, ano ba talgang gusto mo?" Habang papunta si Huo Mian sa kanya ay masama ang tingin nito.

Pagkatingala ni Qin Chu, tiningnan niya ng maigi si Huo Mian. Ayan na naman yang mga mata niya, laging pinaparamdam na siya lang ang babaeng nakikita nito, para bang katulad pa rin ng dati.

"Mian, katulad ka pa rin ng dati. Wala ka halos pinagbago," walang pagkurap na tiningnan siya ni Qin Chu, ang mga mata nito ay puno ng emosyon na sa sobrang kumplikado ay mahirap ipaliwanag.

Kasama ng isang mapait na ngiti, sumagot si Huo Mian, "Mali ka, lahat ng tao nagbabago. Kung ano man ang balak mo Qin Chu, sana naman wag ka na mabuhay sa nakaraan. Pagod na ako at ayoko na ng gulo. Pareho na rin naman tayong may kanya-kanyang buhay ngayon, kaya kung pwede itigil mo na itong kabaliwan mo?"

"Hindi ako baliw. Kailanman hindi ako naging ganito katino," sincere na sinabi ni Qin Chu.

"Eh bakit mo ginagawa lahat nang ito? Para lang mag-reminisce kasama ako?" naiinis na sabi ni Huo Mian.

Nagnining ang mga mata ni Qin Chu habang tinitingnan siya ng malalim. Mahina niyang sinabi na, "Huo Mian, pakasalan mo ako."

Halos mabaliw si Huo Mian sa mga narinig niya. Nawala ka ng seven years, at ang una mong sasabihin pagbalik mo ay magpakasal tayo!?

avataravatar
次の章へ