7 Pagtatagpo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

CHAPTER 7: Pagtatagpo

Noong high school, si Qin Chu ang pinaka-importanteng tao sa buhay ni Huo Mian, sa kanya niya naramdaman lahat ng emosyon – infatuation, love, hate…

Ngayon, bumalik siya, pagkatapos niya umalis seven years ago nang walang paalam. Idagdag na rin natin yung pag-propose niya sa pinakahindi akmang oras at lokasyon sa maling tao. Ito na ata ang pinakahindi kanais-nais na nangyari kay Huo Mian.

"Tumigil ka na Qin Chu. Di na tayo mga bata," namamaos na sabi ni Huo Mian habang iniwas niya ang tingin dito.

"Hindi ako nagbibiro," Nakatitig si Qin Chu sa mukha ni Huo Mian habang binibigyang-diin ang kanyang mga sinabi.

"So gusto mo lang guluhin yung nararamdaman ko? Tuwang-tuwa ka naman?" tumawa si Huo Mian, rinig mo ang lungkot sa kanyang boses.

"Hindi."

"So, sinasabi mo sakin na seryoso ka?" ang galit ni Huo Mian ay napalitan ng tawa dahil hindi siya makapaniwala dito.

Hindi na sumagot si Qin Chu pero makikita mo sa mukha niya ang gusto niya iparating. Bumuntong-hininga si Huo Mian, sabay turo, "Sige, Qin Chu, ulitin mo nga yung sinabi mo."

"Magpakasal na tayo, Huo Mian," kilala niya siya mabuti kaya inulit niya agad yung sinabi niya.

"Qin Chu, makinig ka sakin. Ikakasal na ako pero hindi sayo. Kailangan mo na itigil yang pagpapantasya mo dahil wala nang mangyayari sa'ting dalawa. Di mo na ba naaalala yung sinabi ko na, kahit mamatay man lahat ng lalaki sa Earth, hindi na ako makikipagbalikan sayo? Siguro hindi mo pa alam pero ikaw ang pinaka-kinamumuhian kong tao. Sinaktan mo ko at halos masira ako pero hindi mo naman maiintindihan kasi di ka naman ako. Hindi mo naranasan yung mga paghihirap ko. Kaya please lang, may kanya-kanya na tayong buhay ngayon at may boyfriend na din ako na minamahal ako ng higit sa lahat ng bagay sa mundo. Kaya umalis ka na, ayaw na kita makita kailanman. Para sakin, isa kang spell na hindi na masisira kailanman kaya mas gugustuhin ko pa mabuhay ng wala ka."

Akala ni Huo Mian na nalinaw na niya lahat sa kanya kaya naman aakyat na siya sa taas.

Kaso, biglang hinila ni Qin Chu ang braso niya…

"Bitiwan mo ko! Qin Chu, ano pa bang gusto mo?" hindi na natapos ni Huo Mian ang kanyang sinasabi dahil bigla siyang niyakap ni Qin Chu.

Sobrang higpit ng pagkakayakap niya kay Huo Mian, ang ulo nito ay nasa kanyang mga dibdib; naamoy niya ang cologne nitong Versace sa kanyang white shirt.

Nagulat siya sa kanyang sarili at napamura sa kanyang isip. Huo Mian, baliw ka ba? Di mo ba naaalala ang mga ginawa ng lalaking ito sayo? Isa siyang devil, bakit ka pa nag-aaksaya ng oras sa pakikipag-usap sa kanya? Malapit ka na ding ikasal kay Ning Zhiyuan! Bumalik si Huo Mian sa katinuan nang naisip niya ito.

"Qin Chu, loko ka, bibitawan mo ko o sisigaw ako para humingi ng tulong!" pananakot ni Huo Mian sa kanya.

Ngunit parang walang narinig si Qin Chu mula sa kanya – mas lalo pa nitong hinigpitan ang yakap sa kanya halos ayaw na siyang bitiwan nito… Ang pagyakap niya dito ay parang isa siyang kayamanang matagal na niyang hinahanap at ngayon natagpuan na. Hindi masalitang tao si Qin Chu pero masaya na siya na nahahawakan niya si Huo Mian nang ganito. Sa Pagbabalik niya, isa lang ang kanyang nais: wala ni sinumang makakapagpahiwalay sa kanila ulit, wala.

Nang biglang, may narinig si Huo Mian na pamilyar na boses sa likod niya, "Anong ginagawa niyo?"

avataravatar
Next chapter