ETHAN'S POV
Matapos ang araw na mag usap sina ashley saka calli ay naging mas sweet na sakin si ashley
Kaya naman ang tyan ko ay parang laging may umiikot hehe
Kasalukuyang nakahiga si ashley sa aking tabi at tulog na tulog
Naramdaman ko namang gumalaw si ashley kaya naman pumikit muli ako at nag panggap na tulog
"Hi baby goodmorning its day 15 iloveyou"bulong sakin ni ashley
Simula rin nung mag usap sina ni calli ay lagi na nyang binibilang ang araw at tama nga sya pang-15 na araw na nung simula nung mag usap sila
Naramdaman ko namang hinalikan nya ako sa pisngi at saka sya umalis ng higaan
Sa mga lumipas na araw ay natutuwa akong naging sweet lalo si ashley ngunit nakakapag taka lang ay tuwing umaga ay nawawala sya at babalik rin naman agad
Tumayo naman ako upang sundan sya ngayong umaga, dahan-dahan naman akong tumayo at lumabas ng kwarto ngunit pag labas ko ay mawala na agad si ashley
Pumunta ako sa kusina upang tignan sya ngunit wala rin sya
Pumunta ako sa sala at wala rin sya kaya naman napag desisyonan ko nalang na mag luto ng mga pag kain
Dumaan ang kalahating oras at narinig ko na ang yapak ni ashley na dahan-dahang nag lalakad, siguro kala nya tulog pa ako
"Ash?"tawag ko sakanya kaya naman napa deretso sya ng tayo
"Ethan? Ang aga mo namang nagising?"parang gulat at kabadong tanong nya
"Uhmm...kakagising ko lang rin"pag sisinungaling ko sakanya dahil alam ko namang may dahilan si ash kaya sya nawawala
"Ahh..sige na ako na dyan"nakangiti syang lumapit sakin
"Hindi na, kaya ko naman"nakangiting sagot ko naman
"Ako na"
"Hindi na, ako na"
"Ako na nga kase"si ashley
"Tayo nalang kase"sagot ko sakanya na kinagulat naman nya "HAHAHA kinikilig ka nanaman!! HAHAHA ang cute mong kiligin"tawa ko sakanya habang nakahawak sa tyan
"Tch!"sagot nya at saka astang aalis kaya naman hinatak ko sya at nilagay sa harap ko saka ko sya niyakap
"Kinilig ka lang aalis kana?"bulong ko sa tenga nya
"Tss...ikaw kase! Apaka mo!"sigaw nya sakin ngunit nakatalikod sya
"Oo na alam ko namang apaka gwapo ko"pag mamayabang ko sakanya
"Mayabang"bulong nya habang nakayakap ako sakanya
"Atleast may pag mamayabang"bulong ko rin sakanya
"Tara na nga kumain na tayo"hatak nya sakin sa may lamesa at saka sya bumalik sa kusina upang kunin ang pag kain
Habang may dala syang pag kain at palapit sa akin ay bigla kong naisip ang mang yayari sa hinaharap namin
'Andon pa rin kaya si ashley sa pag tanda ko? O iiwan na nya ako? Sh*t! Parang hindi ko kayang mawala sya'
"Huy!"sigaw ni ashley habang nasa harap ko
"Huh?"gulat na tanong ko sakanya
"Kanina pa kita tinatawag"sagot nya lang sa akin
"Ewan ko?"tanong ko sakanya
'Sh*t! Lumipad yata ang isip ko'
"Ano?"takang tanong nya "sabi ko kanina pa kita tinatawag"parang medyo natatawang tanong nya
"Ahh oo hehe"tanging nasagot ko nalang kaya naman napailing nalang sya
"Kumain na nga tayo"parang medyo natatawa pa rin sya
"Ash?"tawag ko sakanya kaya naman napatingin sya ng may nag tatanong na mukha"hindi mo naman ako iiwan diba?"tanong ko sakanya na nakapag patigil sakanya"Kahit anong mang yari diba? Hindi mo ako iiwan?"parang naluluhang tanong ko sakanya
'Bakit parang nag aalangan sya? Iiwan na ba nya ako?'
ASHLEY'S POV
"Kahit anong mang yari diba? Hindi mo ako iiwan?"tanong sakin ni ethan na parang maiiyak na
'Sh*t! Nakakaramdam ako ng sobrang ka ba! Baka masaktan ko lang sya pag sumagot ako'
"Ash? May balak ka bang iwan ako?"tanong nya muli at this time hindi na ako makatingin sa mata nya
'Wala akong balak, ayaw ko ngang iwan ka...pero ang tadhana mismo ang may binabalak'
"Ashley?"this time pangalan ko na talaga ang tinatawag nya na lalong nag dagdag ng kaba sa akin
"B-bakit?"utal na tanong ko sakanya
"Iiwan mo ba ako?"seryosong tanong nya
'Hindi'
"May balak ka bang iwan ako?"sunod na tanong nya
'Wala'
"Mahal mo ba ako ashley?"sunod pa muling tanong nya
'Sobra'
"Bakit hindi mo masagot ang mga tanong ko?"yung kaninang seryoso ay bumalik sa maluha-luhang mata nya
'Sh*t! Ayaw lang naman kitang masaktan kaya ako nag kakaganito! Kung alam mo lang kung gaano kita kamahal!'
"Ash huling tanong"nakayuko na sya at nakita kong may luhang bumagsak sakanyang mga mata
"Oo! Mahal na mahal kita!"sigaw ko habang nakapikit
"Hindi lang yan ang tanong ko ashley"sagot nya habang nakangisi sa akin
"Ethan kahit ano naman kasing sabihin ko maiiwan at maiiwan pa rin kita...kaluluwa na ako ethan! Una sa lahat ang pag mamahalang ito ay hindi na pwede dahil kaluluwa ako at tao ka! Kaya kung ang tanong kung may balak akong iwan ka...ako wala...pero ang tadhana meron"nakayukong sambit ko
"Ash? Hindi ba parang hindi naman tama para sa akin yon? Kasi diba ang tagal mong nabuhay sa mundong to...tas pag dating ko mawawala kana??"hindi ko alam kung paano ko sasabihin sakanyang
'Kaya ko naman manatili sa piling mo kung wala ka lang sumpa na makakasakit sayo..'
"Diba ashley?"tanong nya pa muli
'Sa palagay ko nga ikaw ang pinadala nila dito upang mawala na talaga ako..'
"Wag kang mag alala andito lang ako palagi sa tabi mo...hindi kita iiwan"hindi ko alam kung saan ko nakuha ang mga sinabi kong yon pero ang tanging nasa isip ko ngayon ay ayaw kong masaktan si ethan
Nakita ko naman ang pag silip ng ngiti sa kanyang mukha kaya naman napalagay na ang loob ko
"Mahal kita ashley..."bulong nya
"Mahal din kita ethan..."tanging nasagot ko
'Ayokong mawala sayo ngunit ayaw ko rin na mawala ka sa mundong to...'