webnovel

My Lovely Ghost

The barangay Pinili considers me bad ghost because when I threatened them, they considered me a plague ... Not until i met that guy ... The guy that makes me fall inlove ... The guy that loves me so much ... But what if he was sent to make me disappear? To lose me? Will I still love him or will I be away from him?

BlackSunshine · Fantasy
Not enough ratings
25 Chs

Chapter 19

ETHAN'S POV

Simula ng pag uusap namin ni ashley wala namang nag bago sa trato nya sakin, ang totoo pa nga nyan ay mas lalo kaming napalapit sa isa't isa

Ngunit nakakagulat lang na biglang nag kaayos sina ashley at camille...hindi ko din alam kung paano basta isang araw bigla nalang silang mag kasamang pumunta sa bahay kaya naman hindi na ako nag tanong pa basta ang akin ay ayos na sila

"Ashley?"tawag ni camille kay ashley, kasalukuyang nandito si camille dahil nang hiram sya ng notes sakin para daw makasunod sya sa mga lesson

"Camille?"sagot naman ni ashley

"Nakwento na ba sayo ni ethan yung sinabi sakanya ni miss?"napatingin naman ako kay camille ng may pag tataka

"Hindi pa...ano ba yon?"kalmadong tanong ni ashley

"Hoy! Ano yon?"sabat ko sakanya

At inalala ko ang sinabi sakin kanina ni miss...hindi kaya yung tungkol sa---

"Sa pag sali mo sa contest"sagot naman ni camille kaya naman nagulat ako dahil wala naman akong balak sabihin kay ashley yon dahil ayaw ko rin naman sumali don

"Contest? Pag sali?"tanong ni ashley

"Ayy di mo pa alam? Ganto kasi yan---aray!"hindi na nya natuloy ang sasabihin nya dahil binato ko sya ng unan na mabigat

"Wala yon! Ayaw ko naman non"agad na pag tanggi ko kay ashley kaya naman mas lalong kumunot ang noo nya

"Camille ano ba yon??"baling nya kay camille kaya naman nung astang babatuhin ko ulit si camille ay tumingin sakin si ashley na sobrang sama ng tingin nya

"Kase ganto yan ashley...sinasali sya ng guro naman sa isang contest ng kantahan dahil alam naman daw nung teacher namen na maganda raw ang boses netong si ethan, ang kaso etong si ethan ayaw naman kaya sinasabi ko sayo ngayon baka sakaling pumayag pag ikaw ang nag sabi"mahabang paliwanag ni camille kaya naman tinignan ko sya ng masama

"Alam mo? Ikaw? Ang daldal mo, umuwi kana  nga"inis na sabi ko kay camille

"Bakit hindi ka sumali?"deretsong tanong sakin ni ashley kaya naman napatingin ako sakanya

"Nag bibiro ka ba?"tanong ko sakanya

"Mukha ba?"pabalik na tanong nya sakin

"Ehhhh kase naman hindi mo pa naman ako naririnig na kumanta"paliwanag ko sakanya dahil parang naging sarkastiko ang dating sakanya nung unang tanong ko

"Tss kahit anong boses pa yan, tanggap ko yan kaya naman sumali kana"deretso ang tingin nya sakin kaya naman makikita talaga sakanya ang pagiging seryoso

"Tch! Aaminin ko na! Nahihiya kase ako kaya ayaw kong sumali tas ngayon papasalihin mo ako? Tch"paliwanag ko ulit

"Bakit ka naman mahihiya?? Kung totoo namang maganda ang boses mo?"kunot noong tanong nya

"Basta! Nahihiya pa rin ako!"tanging nasagot ko sakanya dahil totoo naman! Nakakahiya kaya! Tch!

"Kahit maganda boses mo?"

"Kahit maganda ang boses ko"

"Kahit pwede kang manalo?"

"Kahit pwede akong manalo"sagot ko muli sakanya

"Kahit madaming makakakilala sayo?"

"Kahit madaming makakilala sakin"

"Kahit manood ako?"

"Kahit mano--"natigilan ako sa pag sasalita dahil sa sinabi nya

"Hmm?"tanong nya pa habang nakapuppy eyes! Sh*t!

"Tch! Ala na talo nako!"sigaw ko kaya naman ngumiti sya

"So sasali kana?"singit ni camille

"Tch! Ano pa nga ba"tanging nasagot ko kaya naman tumili sila pareho at nag tatatalon "basta! Promise mo manonood ka!"nakasimangot na sambit ko

"Kahit nasaan pa ako mapapanood  kita"nakangiti nyang sagot

"Dapat nandoon ka! Hindi ako kakanta pag wala ka don!"sagot ko sakanya na kinawala ng ngiti nya

"Kelan ba yon?"tanong nya kay camille

"Wala pang date eh"sagot nya"pero malapit na rin yon! No worries"nakangiti nya pang dugtong

"Ano kakantahin ko?"tanong ko sa kanilang dalawa

Pareho naman silang humawak sa baba nila at tila nag iisip kaya naman napatingin ako kay ashley

"Brown eyes"tanging lumabas sa bibig ko

"Oo tama! Maganda yon! Kahit ano naman daw eh"nakangiting sagot ni camille

"Sige yun nalang"nakangiting sagot ko habang nakatingin pa rin sa mata ni ashley

"So practice tayo bukas?"tanong ni camille saming dalawa

"Sige"nakangiting sagot ni ashley

'Tch! Sila ba yung kakanta? Makapag plano sila ha! Pasalamat si ashley nag puppy eyes sya! Kung hindi,hindi rin ako sasali don tch'

"Ashley? Pwede kabang makausap sandali?"tanong ni camille sakanya

"Tch! Bat sya lang?"inis na tanong ko

"Girls talk!"sigaw sakin ni camille kaya naman wala akong nagawa kundi ang tumayo at pumasok sa kwarto

'Tch! May nalalaman pang girls talk-girls talk dyan! Tch!'

ASHLEY'S POV

"So anong plano mo para sa birthday ni ethan?"biglang tanong ni camille

"Huh?"tanong ko sakanya

"Don't tell me nalimutan mo?"kunot noong tanong nya kaya naman napalunok ako

"Hindi ko nalimutan,kase hindi ko naman talaga alam"nakatungong sagot ko sakanya kaya naman hindi ko na nakita ang reaksiyon ng mukha nya

"WHAT?!"sigaw nya kaya naman napatingin ako sakanya

"Lower your voice baka marinig ka nya"bulong ko sakanya nakita ko naman na kumalma sya

"Bakit hindi mo alam?"bulong nya

"Hindi ko naman kase natatanong kay ethan yung mga ganyang bagay...miski nga si ethan hindi alam ang birthday ko"paliwanag ko sakanya

"Tch! Sige na, tutulungan nalang kita"kahit naiinis ang mukha nya at nakuha nya pa ring sabihin ang mga ganong bagay

"Salamat"tanging nasagot ko

Naalala ko tuloy nung kinausap ko sya na mag kaayos na kami para kay ethan

=FLASHBACK=

Papunta ako ngayon sa bahay ni camille

'Kailangan ko syang makausap..'

Pag dating ko sa mismong bahay nya ay pumasok na agad ako

"Camille?"tawag ko sakanya habang pumapasok ako

"A-anong ginagawa mo dito?"halatang natakot sya sa presensya ko"tatakutin mo nanaman ba ako?"tanong nya at napalunok pa sya

"Pumunta lang ako dito para makipag usap sayo"sagot ko sakanya

"P-para saan??"tanong nya at halatang natatakot pa din

"Para kay ethan"deretsong sagot ko sakanya kaya naman nakita ko ang mukha nyang naging seryoso at nawala ang takot

'May gusto talaga sya kay ethan'

"Anong meron kay ethan?"seryosong tanong nya parang hindi sya yung kausap ko kanina na natatakot

"Tulungan mo ako"sambit ko sakanya at hindi naman sya sumagot dahil inaantay nya yung sasabihin ko"malapit na akong mawala...at alam kong masasaktan si ethan don kaya please? Tulungan mo sya pag nawala na ako?"pag mamakaawa ko sakanya

"Kahit hindi mo sabihin,  tutulungan ko talaga sya"seryosong sambit nya

'Sana tama tong ginagawa ko'

=END OF THE FLASHBACK=

"Kelan ba yon?"tanong ko kay camille kaya naman tumingin sya sakin

"Sa march 1"maikling sagot nya

Ngunit naramdaman ko naman ang pag init ng aking mga mata

"Ash? Bakit? Anong nangyari?"sunod sunod na tanong ni camille

"Camille yun yung araw na mawawala ako"pag kasabi ko nung mga katagang yon ay tuluyan nang bumagsak ang aking mga luha

"Omyghad"napatakip naman si camille ng bibig nya at naluha na rin"pero ang laban nya sa kantahan ay sa march 15 pa"sambit nya pa rin habang naiiyak

"Alam ko naman na wala na ako pag kumanta sya"ngumiti ako ng mapait sakanya

"Ash"umiyak na sya ng tuluyan kaya naman niyakap ko sya

'Bakit kailangan maging ganito? Apaka hirap'