webnovel

WAY BACK HOME

Dalawang kotse ang gamit namin pauwi, yung isa ay lulan ang aking pamilya. Pero dito parin ako sa tabi ni Daisy,.

Natapos ang isang madilim na pangyayari sa buhay namin kamakailan lang, at alam kong may parating pang mga pagsubok.Nakahanda na ako ngayon! Lalo pa at alam ko na ang lugar ko sa puso ng mahal ko. Binuksan ng dad niya ang radio, sakto namang paborito naming kanta ang sumunod na tugtog. Ito ay ang "Passenger seat". Una ko itong sinabayan ng pabulong, pero kinakantiyawan niya ako, "Ano iniiyak mo jan? " biro niya.

Hindi ako umiiyak, kumakanta ako! sagot ko.

Pero sumabay na din siya, pati pala ang mga magulang niya, gusto din ang kantang yun.

Masaya kaming kumakanta sa loob ng kotse, parang walang masamang nakaraan kaming nilagpasan. Kaya napa-sandal na ako sa may bintana ng kotse, nagmumuni-muni na naman, hanggang sa lumilipad na naman sa alapaap ang isip ko.

"Iniisip ko na ang buhay ay parang pampasaherong sasakyan lang,, minsan puno, minsan wala talagang laman,, minsan makakaranas ng paliko-likong daan, at minsan minsan puro lubak naman. Inilalarawan ng daan ang mga unos at problemang ating kakaharapin,. Pero tayo ang may hawak ng manubela, preno at kambyo ng buhay natin. Nalalagpasan natin ang mga hadlang sa ating paroroonan.Kasi, diba kapag nadaanan mo na ng paulit-ulit , dapat kabisado mo na ang daan? Pero hindi eh, kasi minsan pag may hadlang, humihinto tayo kaagad. Di ba natin alam, na may alternatibong ruta para sa atin?

Ganun din sa buhay, lagi tayong may option. Kapag may pinagdadaanan, wag tayong huminto. Tuloy lang, kasi may posibleng panibagong ruta sa ating pupuntahan.

Nakatulog na pala ako, at magkasandal na ang ulo naming dalawa ni Daisy. Nagising kami nung kakain na kami ng tanghalian, nasa Cavite na kami banda. Di kasi kami dumaan ng expressway. Kumain kami sa isang sikat na fast food. Di ko na babanggitin, basta bubuyog siya. hehehe

Di na kami lumabas ng kotse kasi for take-out ang order namin, at mas masarap daw kumain sa labas. At maraming tao sa loob ng fastfood.

Sagot ng dad niya ang pagkain namin.

May mga batang namamalimos sa amin, naawa ako sa bata kasi meron pa pala siyang akay-akay na sanggol. Siguro, 6-10 months old yung sanggol at mga 4yrs old naman yung batang babae. Binigay ko yung pagkain ko sa mga bata. At yung drinks, sabagay busog pa naman ako at may dala naman akong isang plastic ng biscuit sa bag ko at yun nalang muna ang kinain ko.

Nagtataka lang naman ako, bakit hinahayaan sila ng mga magulang na manlimos, may sanggol pang dala. Siguro para mas kaawaan? Pero mali diba?

Dapat naglalaro pa ang mga yun, para maenjoy nila ang kanilang kabataan. Mahirap lamang kami, pero may mas mahirap pa pala sa amin.

Sinusubuan ako ni Daisy, pero kapag kakainin ko na, bigla niya namang inilalayo. Ginu-good time niya ako, at tuwang tuwa pa.

Ok lang naman yun, kaya sa susunod na susubuan niya ako, di ko na to kakagatin.. hahaha

Nagpatuloy sa pagddrive ang dad niya nung matapos na kaming lahat kumain, mabilis lang ang biyahe, kasi wala masiyadong traffic. 5pm nasa Nueva ecija na kami,, mejo natagalan kami dito kasi may ginagawang kalsada. Ok pa naman yun nung papunta palang kami ah. Di ko nalang masyadong pinansin, inunat na ni Daisy ang mga paa niya saka sa legs ko siya nag-unan. Ok lang naman sakin, kahit pa mangawit ako masaya naman ako kasi napaparelax ko siya. Natulog nalang din ako,.

10 pm na, nang mag-stop over ulit kami sa bandang Tuguegarao. Mag drive thru lang daw kami kasi malapit na rin naman. kulang isang oras nalang, nasa bahay na kami. 11:00 na nung makauwai kami. Ramdam ko na ang pagod at ngalay, si Daisy tulug-na tulog pa. Ginising ko nalang siya.

"Dito na tayo sa inyo, lipat ka dun sa kwarto mo!" sabi ko.

Aalis na ba kayo? tanong ni Daisy.

Oo alis na kami mamaya, babalik nalang ako bukas dito. tutulungan kita mag-ayos ng mga gamit mo, ok? sagot ko.

Ok! ingat kayo ha! sabi niya

Salamat! sagot ko naman.

Sir, alis na po kami! salamat po ulit. paalam ko

Sige iho, aalukin ko sana kayo dito nalang kumain kaso wala palang kanin. sabi ni sir Anton.

Teka teka iho, next time wag mo na akong tawaging sir ha! Tito nalang, sabi niya.

Opo, sige po, salamat po ulit.!!!

Haayyy.. parang nabunot ang tininik sa lalamunan ko nung mga panahong nasa biyahe palang kami,, kasi umamin na siya sakin. Gusto niya din pala ako. Parang di ko na kaya pang antayin ang umaga para makadalaw ulit sakanila. Sa paglalakad namin pauwi, may nararamdaman akong kakaiba sa likuran ko. Nagtatawanan!, hagikgikan ! at parang nabanggit nila ang pangalan ko.

Yung mga diwata pala, sumama sa akin, upang magbigay ng gabay. Nag-pahuli muna ako para makausap ko sila,

"Bakit kayo nandito"? tanong ko

"Wala, gusto ka lang namin makasama". sagot nila sakin.

"Kapag di kayo umayos ng sagot ibabalik ko kayo sa pinanggalingan niyo." matapang kong banta sakanila.

Ito naman! Pinapabantayan ka ni diwatang Marikit, baka daw kasi lumihis ka sa daan. At makalimutan mo ang mga pangako mo sakaniya. takot na sagot nila.

Maraming salamat sa inyong pagbabantay, pero mas kailangan ko ng gabay. sabi ko.

Ganun din yun! babatayan ka namin at gagabayan. sagot nila.

Nung nasa tulay na kami malapit saamin, nagsalita ulit ang diwata.

"May negro pala dito? aah maraming ligaw na taga bantay dito."

Ha? si-sinong negro? tanong ko. At ano yung ligaw na taga bantay?

Yung negro, tawag namin sa mga kapre,, at yung ligaw na taga bantay naman yung mga gutom na lamang lupa. May kakayahan silang manakit ng tao. sagot ng mga diwata.

Bakit di ko sila nakikita? tanong ko.

Kasi di sila nagpapakita sayo! Pero kayang-kaya mo sila. Wag niyo silang sanayin na sila ang pinapakain niyo. Mas lalo lang silang magiging mapang-abuso. payo ng diwata.

Sige, kapag meron sila biktima ako ang kakausap sakanila. sabi ko.

Inaantok na talaga ako, tahulan ang mga aso sa pagdating namin,

Eksaktong alas Dose na, nilatag ko kaagad ang higaan ko,, tapos yung bulaklak na binigay ng diwata ay inilagay ko muna sa baso na may tubig. Nagulat talaga ako at di nalalanta kahit na halos isang araw na di nakakatikim ng tubig.

Itatanim ko ito bukas para dumami.

Tapos nahiga na ako sa kama, nagsisimula na namang lumipad ang isip ko sa kawalan. Basta sa tuwing ipinipikit ko ang aking mga mata ng matagal, kaagad-agad may pupuntahan ang aking diwa,,. Para akong nasa lugar, kung saan ay tahimik. Mga huni lang ng ibon ang tanging naririnig. Kahit ang paglipad ng mga bubuyog papunta sa mga bulaklak na mapang-akit. Naririnig ko parin, dahil sa sobrang tahimik. Ngunit hindi nakakabingi at para akong lumilipad sa sarap ng pakiramdam. Lalong humihimbing ang tulog ko ay parang nasa duyan. Haaayyyy!!! ang sarap sa pakiramdam! Di ko akalain na matatapos din ang hirap sa buhay ko. Akala ko dati, wala akong pag-asa sa puso ni Daisy. Akala ko dati hanggang kaibigan lang kami, at akala ko dati, walang magseseriyoso sa tulad ko. Pero kumokontra parin ang isip ko,, sinasabi niya na wag akong papakampante sa lahat ng nangyayari, kasi lahat ay pwedeng magbago. Lahat ay pwedeng maging isang panaginip lang. Pero, wala eh, mahal ko talaga siya, bahala na kung magbago man ang pakiramdam niya sakin. Diba ganun naman dapat? Basta kelangan mo lang maging handa para di masyadong masakit. Kasi nakita ko na to sa kapatid ko. Iniwan din siya, ang mali lang niya, ay di siya nakapaghanda sa posibleng mangyari. Kaya siya nasaktan ng lubos.

Paano bang maging handa?

tanong ko sa sarili?

Wala! di ko din alam kung paano. Ang alam ko lang, meron siyang ako,, at meron ako na siya.

Ako na laging nagmamahal,, at siya na lagi kong minamahal.

Oo, mahirap intindihin pero pag naranasan niyong magmahal, maiintindihan niyo rin ako. Masasabi niyo din na ibang klase pala si pagibig. Puso ang nandidikta, hindi utak.

Bakit? kasi puso ang nagmamahal. Hindi utak.!

Ansarap ulit-ulitin ang mga paliwanag na yun., Dun kasi ako humuhugot ng lakas upang pagtagumpayan ang mga pagsubok na darating sa buhay ko. Isa sa kahinaan ko ay si Daisy, kapag wala siya ay wala na din say-say ang buhay ko.

Oo, tama yung sabi ng iba, na kaya kong mabuhay kahit wala siya,, pero kaya ko ring mamatay kapag wala na siya...

Malabo pa man ang lahat sa akin, ay patuloy parin akong naniniwala sa salitang binitawan niya. "Gusto niya rin ako,"

Kaya lumalakas ang loob ko,, kasi yun nalang talaga. Yun nalang talaga ang meron sakin. Ang lakas ng loob. Wala na akong ibang mamahalin pa, kundi siya lang. Ipaglalaban ko siya hangga't kaya ko pa.. Dito na naman ako sa pagiisip ng pwedeng mangyari. Advance ako magisip eh, pero sana mali ang nasa isip ko, na di kami magkakatuluyan ni Daisy. Sana mali na di kami sabay tumanda. At sana mali, na kaibigan ko pa ang magiging karibal ko sakanya. Yun kasi ang nakikita ko tuwing iniisip ko si Daisy, meron akong kaibigan, na magiging karibal.

Kumonsulta din ako sa aking mga gabay tungkol sa nakikita ko. Ngunit wala sila malinaw na paliwanag ukol dito. Ang alam lang nila, ay may darating sakin na panibagong pag-subok.