webnovel

MY IMAGINATION

作者: dhonslayer18
都市
連載中 · 36K ビュー
  • 11 章
    コンテンツ
  • レビュー結果
  • N/A
    応援
概要

Chapter 1*My elementary life

Bata palang ako, hilig ko na ang gumuhit. Palagi kong ginuguhit ang kalikasan. Bundok, palayan, ilog, dalampasigan, at mga talon.

Ako nga pala si Don, Donato talaga first name ko. Pangit noh? Kasing pangit ng mukha ko, hehehe, ganiyan ako mag-down sa sarili ko, kasi wala ako self-confidence. At totoo namang di ako gwapo. Mahilig lang talaga ako magdrawing, at sa bawat drawing ko ay laging may kalikasan na nasa background. Di ako masyadong magaling sa klase, pero aaminin kong ako ang pinaka-tahimik pagdating sa math. Aminin niyo, karamihan satin ganun. hehehe

Anyway, nagsimula ang talagang kwento ko nung nag-aaral na ako sa grade 5. Kasi masaya, at napapasama na din ako sa mga school activities gaya ng pagpipintura sa mga bakod ng eskwelahan, masaya kasi nakikita ang mga artworks mo sa ibabaw ng stage. Ewan ko, basta kung ano pumasok sa isip kong bagay, tao o hayop at nagustuhan kong iguhit, ay nagagawa ko. Sabi ng teacher namin sa arts dati, exempted na ako sa klase niya, kasi daw ako ang tatrabaho sa design na ginawa niya. Lalo na kapag may mga school program. Grade 6 na ako noon nang may katulong na ako sa mga gawawing ganun. Siya si Daisy, grade 5 palang siya, pero nakitaan din siya ng potential sa arts, lalo na sa technical drawing. Inilalaban din kami sa mga slogan, at poster making competion sa lahat ng school,. Si Daisy na ang nakakapartner ko. Magkalayo nga lang ang eatado namin sa buhay, mayaman siya pero ako anak ng magsasaka. Kapag panahon na ng mga projects, jan ako yumayaman kasi maraming nagpapa-drawing saakin. Maging yung adviser namin, pinaguhit din sakin yung picture nila ng asawa niya nung kinasal sila. Ginagamit ko ay charcoal, kasi wala akong lapis, kapag nagbayad na sila saka ako nakakabili ng lapis.

Isang araw, habang ako ay nasa aking silid. Biglang pumasok sa isipan ko si Daisy, kamusta na kaya siya? At bakit siya palagi nakikita ko sa mga imahinasyon ko.

Kahit wala siyang picture sa akin, dali-dali ko siyang iginuhit. Siya ay maputi, matangos ang ilong, maririkit ang mata at mabait. Di man ako sigurado sa nararamdaman ko pero crush ko siya, yun lang ang sigurado. Pero kahit kailan ay di ko nabanggit yun saknya. Siguro dahil bata palang kami, at natatakot akong malaman niya ito. Baka bigla niya akong di pansinin, at di ko na siya makakasama sa pag-dodrawing. Tuwing kasama ko siya, nakakalimutan ko ang hirap ng buhay, kasi napakagaan lahat para sakin. Tubong Quezon province si Daisy, at nakaugalian na nilang tuwing bakasyon ay dun sila sa Quezon. Ako naman, eto, abala sa paggawa ng mga tulang may background na mukha ng isang babaeng napaka-amo ng mukha. Isa lamang dito ay ang tulang pamagat ay "MAHAL KONG DAISY".

*MAHAL KONG DAISY*

KATULAD MO AY ISANG MABANGONG BULAK-LAK.

NA HINDI MALIMUTAN ANG IYONG HALIMUYAK.

SA AKING PANAGINIP, IKAW AY DUMADALAW

IKAW PARIN ANG HANAP, SUMIKAT MAN ANG ARAW.

KAHIT NA MAGKALAYO ANG AGWAT NG ATING MUNDO.

IKAW AY MAYAMAN, AT MAHIRAP LAMANG AKO.

NGUNIT, DI JAN NASUSUKAT ANG PAG-IBIG KO.

MAHAL KITA, MAHAL MO RIN KAYA AKO?

SA MUNDONG NAPAKADAYA, AKO LAGI'NG TAYA.

DI MASAMBIT SAYO, ANG AKING NADARAMA.

ILANG BESES MAN, NA AKO AY MADAPA.

DINGGIN MO LANG SANA, ANG BAON KONG TULA.

あなたも好きかも

レビュー結果

  • 総合レビュー
  • テキストの品質
  • リリース頻度安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界観設定
レビュー
ワウ!今レビューすると、最初のレビュアーになれる!

応援